Descargar la aplicación
23.78% King of Gods (Tagalog) / Chapter 377: Ang Pagkasawi ng Isang Napakahusay na Prodigy

Capítulo 377: Ang Pagkasawi ng Isang Napakahusay na Prodigy

Editor: LiberReverieGroup

"Ang kalaban ko ay hindi ang lalaking bato, kundi ang basurang gaya mo… Isang atake lamang ay sapat na para matapos ko kayong dalawa."

Ang mga mata ng kabataang kulay asul ang buhok ay malamig at tila wala talaga siyang pakialam.

Napakalupit ng pangungusap na ito na kahit si Taiyun Shuangzi na kilala sa kanyang kasamaan ay nagulantang.

"Isang atake lang ay sapat na? Saan naman yata nanggagaling ang kumpiyansa mo Zhao Feng?"

Si Tantai Lanyue na nakasunod sa likod ay nagulat sa eksenang ito.

Mula sa orihinal na limang napakahusay na prodigies, si Taiyun Shuangzi ay isang kambal na nasa iisang katawan na ang battle power ay sobrang nakasisindak lalo na pag magkasama sila. Sila ay karumal-dumal at may mga bakas sila ng pagiging pangalawang pinakamalakas.s

Sina Taiyun Shuangzi ay isang malakas na kalahok para sa unang puwesto ng Sacred True Dragon Gathering at may malaking tsansa na makalaban si Yu Tianhao.

Si Shi Chengtian na nilubog ang kanyang sarilis a lupa ay inisip: "Ang Zhao Feng na ito ay talagang ibang antas ang panloloko."

Subalit, bilang isang taong minsan nang nakalaban si Zhao Feng dati, alam niya ang kapangyarihan nito kung kaya kalahating naniniwala siya at kalahating alanganin.

Hindi siya tumakbo nang malayo at agad niyang ginamit ang oras para manumbalik ang kanyang lakas habang itinutuon ang kanyang atensyon sa lugar na pinaglalabanan.

"Isang atake para matalo kami? Napakaarogante!"

"Yayayaya… Mukhang hindi inilalagay ni Zhao Feng ang kanyang mga mata sa atin!"

Umungol si Taiyun Shuangzi at inilabas niya ang kanyag True Spirit Realm na naglalaman ng kasindakan at kalupitan.

Kung iisipin ang proseso kung paano nila nailagay ang kanilang pangalan sa Sacred True Dragon Gathering at kung paano sila iniiwasan ng ibang napakusay na prodigies, at ngayon pinapahiya lamang sila rito??

Kailan pa sila minaliit nang ganito?

Isang atake ay sapat na.

Isa itong kawalan ng respeto sa kanila.

"Malupit, madaling galitin, sakim…"

Tumayo lamang si Zhao Feng habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod at pinapanood si Taiyun Shuangzi na sugurin siya.

Boom!

Isang malapit na bundok ang nahati at isang maliit naman na burol ang sumabog.

Flaming nine sky blades!

Earth Ice Sword soul!

Ang ispada at patalim ay sumanib sa yelo at apoy na siyang ginawang dead zone o patay na lugar ang lahat sa loob ng isang milya. Ang nakasisindak na kapangyarihan na ito ay agad na makapapatay ng mga normal na True Mystic Ranks.

Ang dalawang peak skills na ito ay magkasalungat na elemento at ang kanilang battle power rin ay top tier.

"Ang kanyang atake ay masasabing perpekto dahil sa pagsasama ng yelo at apoy, patalim at ispada."

Bumuntong hininga si Zhao Feng sa kanyang puso.

Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, hindi siya makakalamang kay Taiyun Shuangzi.

Shua!

Isang malabong anino ang naiwan at ang kalangitan ay napuno ng mga labing-imahe.

Booooom----

Ang unang mga atake nila Taiyun Shuangzi ay hindi tumama at napunta lamang ang kanyang atake sa isang burol kung saan kani-kanina lamang ay may nakatayong tao.

"Pangit na halimaw, kayong dalawa ay pinanganak nang magkasama at wala kayong kalayaan o pagkakapribado man lang, Kahit ang inyong buhay ay magkaugnay rin. Nakakaawa naman at nabubuhay pa kayo sa mundong ito? Ito siguro ang dahilan kung bakit uhaw na uhaw kayo sa dugo."

Tumayo muli si Zhao Feng sa isang burol, ang kanyang mukha ay puno ng awa at pagkutya.

Nang marinig ito, umungol si Taiyun Shuangzi at ang kanyang galit ay umabot na sa pinakamataas na antas.

"Graaaaa… Patay kang bata ka!"

"Yayaya…. Sutil na may kulay asul na buhok, sino nga para mangahas na maliitin kami!? Lahat ng gumawa nito dati sa amin ay pinagpipirapiraso namin ng sampung libong beses at saka kinain."

Ang pagnanasang makapatay ay nakaguhit sa mga mata nila Taiyun Shuangzi.

Mukhang natamaan ni Zhao Feng ang kahinaan nila Taiyun Shuangzi. Kahit na dalawang tao sila, ang dalawa ay namumuhay sa isang problema at wala silang kalayaan pagkakapribado. Kahit sa tuwing gumagamit sila ng isang babae ay isang katawan pa rin ang gamit nila.

"Hehe, napakasimple lang naman ng dapat gawin. Kapag pinatay niyo ang isa, ang maiiwang isa ay mabubuhay nang may kalayaan at magkakaroon ng bagong buhay."

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Zhao Feng.

Patayin ang isa.

Matagal na itong naisip nila Taiyun Shuangzi. Pagod na sila sa katawang ito at sa isa't isa. Subalit, magkapatid sila at binabantayan sila ng kanilang dibisyon.

Eye of the Heart!

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay tila gumawa ng isang kalangitan.

Ang galit na galit na Taiyun Shuangzi ay nawala sa kanyang pag-iisip at nang makita niya ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, natulala lamang ito at nakatayo nang pirmi.

Agad na sumunod rito.

Ang dalawang mukha ni Taiyun Shuangzi ay nagsimulang mahirapan at ngumiti na parang baliw na tila sinasaniban ng kanilang katusuhan.

Ang kanilang mga mata ay agad na binalewala si Zhao Feng at saka tumingin sa isa't isa.

"Nakatatandang kapatid, pagod na pagod na ako sa'yo. Bakit hindi mo ko hayaang mabuhay? Gusto kong mamuhay nang malaya at masaya. Ayokong ibinabahagi ang aking mga babae…."

Ang nakababatang kapatid sa Taiyun Shuangzi ay sinabi ito sa nakamamatay na tono habang isang ispada ang tumama sa nakatatandang kapatid.s

"Hehe, alam kong darating rin ang araw na ito."

Tumawa ang nakatatanda sa dalawa habang ang kanyang patalim ay nagningning sa matingkad na ilaw at saka hiniwa ang kanyang nakababatang kapatid.

Ding Ding Dang Dang---

Ang dalawa ay naglaban nang walang tigil at sa iisang katawan lamang, ang patalim at ang ispada ay nagkasalubungan at nagdala ito ng pagkislap sa buong paligid.

Ang dalawa ay naghahati sa isang katawan at ang kanilang Qi ng True Spirit ay magkasama rin.

Sa saglit lamang na oras, ang dalawa ay nagdulot na ng mga apoy at bagyong yelo na kapwa umaalingawngaw sa kanila.

Ang anyo ni Zhao Feng ay nagsimulang maglaho, ang kanyang kaliwang mata ay napuno ng hinaharap na maaaring maganap.

"Ang Eye of Heat ay napakaepektibo para sa mga taong mahihina ang mental energy will."

Pinanood lamang ni Zhao Feng na atakihin ni Taiyun Shuangzi ang kanyang sarili.

Kung battle power lamang ang pag-uusapan, higit na maingat si Zhao Feng kay Taiyun Shuangzi. Kahit rin kay Goddess BingWei, Tantai Lanyue at iba pang mga napakahusay na prodigies.

Ang kombinasyon ng ispada at patalim nina Taiyun Shuangzi ay perpekto at inaamin ni Zhao Feng na wala siyang kumpiyansa na lumaban sa kanila nang direktahan.

Subalit, ang pagkapanalo minsan ay hindi nangangailangan ng lakas. Maaaring makamit ito sa isang napakaeleganteng paraan.

Si Taiyun Shuangzi ay naaapektuhan ng kanyang kapaligiran at mayroon silang pangunahing kahinaan sa kanilang puso na inilabas ni Zhao Feng.

Ang pagkapanalo sa isang atake ay hindi isang kasinungalingan.

Ni hindi kailangang gamitin ni Zhao Feng ang kanyang mga kamay at kaya niyang paatakihin sina Taiyun Shuangzi sa isa't isa kung saan matatapos ito sa pagkamatay nilang dalawa.

"Diyos ko? Ano ang nangyari kay Taiyun Shuangzi? Talaga bang natalo siya ni Zhao Feng sa pamamagitan lamang ng isang atake?"

Si Tantai Lanyue na nasa likod ay gulat na gulat.

"Ang isang atake ay sapat na nga. Mukhang hindi talaga nagsisinungaling si Zhao Feng."

Ding Dang! Ding Dang!

Ang dalawang magkapatid na Taiyun Shuangzi ay naglaban nang naglaban at hindi nagtagal ay pareho na silang sugatan.

Dahil magkahati lamang sila sa isang katawan, sinubukan nila ang kanilang galing sa pag-atake ng ulo at mga biyas ng isa't isa.

Ang nakatatandang kapatid ay sugatan ang kanang braso at marami itong sugat sa kanyang mukha.

Ang nakababatang kapatid naman ay nawalan ng isang tainga.

Sa pagkakataong iyon, karumal-dumal ang tingin ng dalawa sa bawat isa.

Isang oras ang makalipas.

Ang katawan nila Taiyun Shuangzi ay pabagsak na habang nakatingin sila sa isa't isa.

Xiu!

Isang biglaang guhit ng kidlat ang dumaan sa kanilang likod.

"Hindi ito maganda!"

Nakaramdam ng lamig ang dalawang magkapatid mula sa kanilang likod, pero huli na ang lahat.

Shua!

Ang isa sa kanilang mga binti ay naputol at ang dugo ay nagkalat.

Plop!

Pagkatapos mawalan ng balanse, agad na natumba si Taiyun Shuangzi sa lapag at marami pa itong mga sugat na naiwan mula sa kanilang labanan.

Ang atake ni Zhao Feng ay nakasentro ulit sa kahinaang nilang dalawa sapagkat dahil magkahati lamang sa isang katawan, dalawa lang rin ang kanilang mga binti. Matapos mawalan ng isa, ang kanilang kilos ay higit na bumagal at nawalan ng liksi.

"T*** ***, naloko tayo ng sutil na ito…."

May pagsisising banggit ni Taiyun Shuangzi.

Sa pagkakataong iyon.

Si Taiyun Shuangzi ay nasaktan nang malubha at nawalan ng isang binti. Ang kanyang pangkalahatang lakas ay nabawasan ng kalahati.

Si Zhao Feng ay nakatayo sa burol nang may mapaglarong ngiti sa mukha. Nagmukha siyang Lord ng Wicked Path nang pilitin niya ang kalaban sa isang desperadong sitwasyon.

"Takbo!"

Hindi naman tanga sila Taiyun Shuangzi at pinababa nila ang sakit nang padaluyin nila ang Qi ng kanilang True Spirit para makalipad sa ere.

Ang kanilang kasalukuyang estado ay kaawa-awa. Bukod pa sa mga napakahusay na prodigies, kahit ang mga nasa first tier ay kaya silang talunin sa kasalukuyan.

Dagdag pa roon, ang mga pamamaraan ni Zhao Feng ay kakaiba at mapanlinlang. Habang iniisip ang nangyari, naging malamig ang kanilang pakiramdam.

"Taiyun Shuangzi, mamatay ka na!"

Isang malakas na boses ang maririnig mula sa kabundukan at isang malaking kalupaan ang tumama kay Taiyun Shuangzi.

"Shi Chengtian!"

Napag-alaman na lang ni Taiyun Shuangzi na nahuhulog na siya habang sumisigaw sa takot.

Crack!

Lumabas si Shi Chengtian mula sa bundok at ang kanyang malaking katawan ay tinapakan nang madiin ang katawan ni Taiyun Shuangzi.

Wah!

Agad na dumura ng dugo sina Taiyun Shuangzi at ang kanilang mga buto ay nabali at nagdugo rin ang kanilang mga laman-laman.

Si Shi Chengtian ang may pinakamalakas na katawan sa buong Sacred True Dragon Gathering at kapag nakalipon ang lahat ng kanyang lakas, ang kanyang kapangyarihan ay talagang nakasisindak.

Bukod pa roon, walang kahit anong bakas sa mukha ni Shi Chengtian na titigil siya sa pagtapak sa kawatan ni Taiyun Shuangzi habang kinukuha niya ang True Dragon Token nito.

Weng~~

Dalawang matingkad na gintong dragons ang magkadikit pero dahil napakalaki ng dragon blessing sa kanilang malaking True Dragin Token, hindi agad ito mahihigop sa loob ng maiksing oras.

Nang pumusyaw na ang kulay ng True Dragon Token sa kalahati, itinapon na ito ni Shi Chengtian kay Zhao Feng.

Hindi ito tinanggihan ni Zhao Feng at kinuha na nag True Dragon Token. Mayroon pa itong 60%.

"Mas maraming kang nagawa sa pagpatay kay Taiyun Shuangzi. May utang na loob ako sa iyo."

Nangako si Shi Chengtian kay Zhao Feng habang tinatapakan ang katawan ni Taiyun Shuangzi.

Ang pagpunta ni Zhao Feng para manggulo kay Taiyun Shuangzi ang siyang nagligtas ng buhay ni Shi Chengtian.

Si Shi Chengtian ang pinakatapat sa lahat ng limang napakahusay na henyo at kung siguradong gagawin niya ang pangakong utang na loob kay Zhao Feng.

Weng~

Ang gintong dragon sa likod ni Zhao Feng ay nagsimula nang lumaki.

Ang dragon blessing ni Tauyun Shuangzi ay napakarami at ang 60% nito ang nagdulot para kay Zhao Feng na malagpasan ang kay nila Goddess Bing Wei at Tantai Lanyue.

Crack!

Sinira na ni Shi Chengtian ang katawan ni Taiyun Shuangzi at pinagpirapiraso ito habang umungol ng huling beses ito bago namatay.

Ang isang napakahusay na prodigy ay napatumba na ngayon.

Si Tantai Lanyue na nanonood sa malapit ay hindi mapigilang mapahinga nang malamig habang ang kanyang mukha ay namumutla.

Sinuri niya ang kabataang kulay asul ang buhok sa may burol nang may pagkabahala at kataimtiman.

Ang kamatayan ni Taiyun Shuangzi ay parang wala lang kay Zhao Feng habang napabulong siya sa kanyang sarili: "Mas mabuti nang namatay siya kay Shi Chengtian."


Capítulo 378: True Dragon Geniuses

Editor: LiberReverieGroup

Ancient Arena.

Ang daang libong taga-panood ay nanonood ng eksena na ito sa harap nila.

Ang napakahusay na henyo ay hindi kailanman nag-alala mula sa simula ng Sacred True Dragon Gathering hanggang ngayon.

Sino ang nag-iisip na ang isang napakahusay na henyo ay babagsak, at ito ay si Taiyun Shuangzi na may matinding battle power!

Hanggang sa lumitaw ang itim na kabayo na si Zhao Feng, naging posible ang lahat.

Una siyang nakipaglaban kay Goddess Bing Wei at pagkatapos ay isa-isang kinalaban ang mga mahuhusay na henyo habang isa-isa niya rin itong tinatalo.

At ngayon ay malaki ang kanyang kinalaman sa kamatayan ni Taiyun Shuangzi.

Bagaman napatay ni Shi Chengtian si Taiyun Shuangzi, karamihan sa mga tao ay tumingin na lamang sa batang may asul na buhok.

Siya ay halos wala pang ginawa at ginamit na lamang ang lamat sa puso ni Taiyun Shuangzi upang patayin siya.

Si Zhao Feng ay nanatiling walang ekspresyon habang pinapanood si Taiyun Shuangzi na bumagsak sa kanyang kamatayan.

Sa puntong ito.

Ang kanyang dragon blessings ay umabot na sa lebel ng napakahusay na henyo at halos kapareho na ng Shi Chengtian, higit pa sa Tantai Lanyue at sa dragon blessings ni Goddess Bing Wei."

"Kahit na si Taiyun Shuangzi ay malakas, ang kanyang mental energy pa rin ang pinakamahina sa lahat ng orihinal na limang napakahusay na henyo at may isang malaking kapintasan sa kanyang karakter. Ang Eye of Heart ay perpekto para dito.

Nagsimula nang isipin ni Zhao Feng ang kanyang apat na mga techniques sa mata.

Mata ng Ilusyon: Paggamit ng mental energy upang bitagin ang mga kaaway ngunit walang direktang offensive power.

Eye of Heart: Pagpasok sa kahinaan ng kalaban at halos kayang kontrolin ang mga taong may mahinang mental energy.

Eye of Ice Soul: Gamit ang kapangyarihan ng yelo upang bagbagin ang kamalayan ng kaaway.

Lightning Fire God's Eye: Pagsasama ng True Spirit Flame sa kanyang mata at kayang umatake sa sa physical at mental energy na mundo.

Walang katulad ang mga bagay na ito.

Kung offense ang pag-uusapan, ang Lightning Eye God's Eye ay ang pinakamalakas ngunit minsan ay hindi ito kapaki-pakinabang tulad ng iba pang mga eye techniques.

Halimbawa, kapag nakaharap sa Shi Chengtian, gumamit siya ng Eye of Ice Soul at long-range na atake upang puksain siya. Kung ginamit niya ang Lightning Fire God's Eye sa sitwasyong ito, magiging mas kapaki-pakinabang ito.

Kapag ginagamit ang Taiyun Shuangzi na may malaking lamat sa kanyang puso. Sa ilalim ng sitwasyon kung saan ang kanilang mental energy ay hindi nagkakalayo, paniguradong kayang manalo ni Zhao Feng sa isang galaw lamang gamit ang Eye of Heart.

"Ang apat na eye techniques ay sapat na para sa akin upang harapin ang maraming kalaban, maliban kung ang kanilang mental energy level o lakas ay lumalampas sa akin."

Naisip ni Zhao Feng.

Sa itaas ng ancient arena.

Ang siyam na Sovereigns ay maaari lamang mapanood si Taiyun Shuangzi na mamatay at walang magawa.

Ang Sacred True Dragon Gathering ay kinokontrol ng ancient arena mismo.

"Napakamalas. Kung ang isang taong katulad nito ay naging isang Sovereign sa Origin Core Realm, ang kanyang lakas ay hindi masusukat. Walang isang Sovereign na may dalawang tao sa isang katawan. "

Isang Sovereign ang bumuntong-hininga.

Ang napakahusay na henyo ay karaniwang lumilitaw lang ng isang beses sa ilang mga henerasyon at kahit na gusto ni Taiyun Shuangzi na pumatay, ang kanyang pagbagsak ay nagdulot pa rin ng paghihinagpis ng Sovereign.

"Ang kapintasan sa puso ni Taiyun Shuangzi ay lalong lumaki. Kung hindi ito nakuha, ang kanyang mga pagkakataon na maabot ang Origin Core Realm ay hindi masyadong mataas at malamang pagtapos nito ay magiging isang slaughterer na siya. "

Marahan na umiling si Yu Xingchen.

Ang lakas ay isang aspeto ngunit kung minsan, ang kalagayan ng puso ay may malaking parte rin at maaaring mas mahalaga pa ito kaysa sa lakas.

Kinakailangan ng mga eksperto ang isang ekspertong puso. Kapag nagkaroon sila nito ay saka lamang sila magkakaroon ng lakas ng isang eksperto.

Ito ay ang koneksyon sa pagitan ng estado ng puso at cultivation kaya nagkaroon din ng isang bagay tulad ng 'pagcultivate ng puso.'

"Kung sa kalagayan ng puso ang pag-uusapan, may tatlong tao sa Sacred True Dragon Gathering ang halos walang lamat sa puso."

Ang kulay kayumangging Deputy Palace Lord ay dahan-dahang nagsalita.

"Sino sa tatlo?"

"Si Yu Tianhao na walang kapantay na paniniwala at tiwala; Xin Wuheng na palaging tahimik katulad ng tubig at Zhao Feng. Ang kanyang estado ng puso ay palaging kalmado at hindi kailanman nawawalan ng pag-asa kahit na nasa isang desperadong sitwasyon. "

"Tama iyan, ang mga puso ng tatlong ito ay perpekto lahat."

Ang mga Sovereigns ay itinango ang kanilang mga ulo.

Kung ang isang tao ay may puso ng isang eksperto, magiging eksperto sila sa lalong madaling panahon.

Marahil kahit na hindi inaasahan ni Zhao Feng na ang God's Spiritual Eye ay nagbago sa kanyang panloob na puso pati na rin ang kanyang katawan.

Sa tatlo na binanggit ng Deputy Palace Lord na si Yu Tianhao at Zhao Feng ang napakahusay na mga henyo at ang kanilang battle power ay nasa mataas na ranggo.

Si Xin Wuheng ay parang nasa napakahusay na antas ng mga henyo at maaari pa ring makipagpalitan ng ilang mga galaw sa napakahusay na henyo.

Sa loob ng bula ng liwanag.

Sa pagbagsak ng dating napakahusay na henyo, nagkaroon ng pagkakataong umanga ang isang napakahusay na henyo.

Ang limang kasalukuyan ay: Yu Tianhao, Shi Chengtian, Zhao Feng, Tantai Lanyue at Diyosa Bing Wei at sa lahat ng mga ito si Yu Tianhao pa rin ang may pinakamaraming dragon blessing.

Pagkatapos nito ay si Shi Chengtian at Zhao Feng na ang magkapantay.

Ang pinakamababa ay ang Goddess Bing Wei bilang bahagi ng kanyang dragon blessing na kinuha ni Zhao Feng sa unang round.

"Zhao Feng, iniligtas mo ang aking buhay at utang ko sa iyo ang isang pabor. Ang Stone Heart Jade na pendant ay ang kayamanan ng aking pamilyang Shi na ibibigay ko sa iyo. Kapag isang araw kailangan mo ng tulong maaari mong dalhin ito sa pamilyang Shi at hanapin ako. "

Ibinigay ni Shi Chengtian ang isang mamahaling jade na pendant kay Zhao Feng.

Kinuha ni Zhao Feng ang Stone Heart Jade Pendant at nalaman na ang kanyang mga pandama sa Heaven Earth Yuan Qi ay nadagdagan ng marami at mayroon din itong iba pang gamit. Sa mga tuntunin ng halaga marahil ito ay malapit sa isang High Tier Spiritual grade weapon.

Si Zhao Feng ay hindi tumanggi sa gayong bagay.

"Maaaring kailangan ko ng mga katulong kapag bumalik ako sa Thirteen Countries."

Naisip ni Zhao Feng.

Pagkatapos humiwalay kay Shi Chengtian, Si Zhao Feng ay muling nakita si Jiang Sanfeng at Die Ye.

Ang dalawa ay makakakitaan pa rin ng bakas ng pagkabigla.

Bago sila umalis upang maging sanhi ng problema para kay Taiyun Shuangzi, sila ay nabagabag ngunit sa isang galaw lamang ni Zhao Feng ay napuwersa si Taiyun Shuangzi sa isang desperadong sitwasyon.

"Mabuti na namatay na ang halimaw na ito. Pinatay ni Taiyun Shuangzi ang maraming tao sa Sacred True Dragon Gathering. "

Si Jiang Sanfeng at Die Ye ay nasiyahan.

Sila ay halos pinatay niya nang hindi nila ibigay ang kanilang True Dragon Token.

Pagkatapos tapusin si Taiyun Shuangzi, si Zhao Feng at ang kanyang kasamahan ay bumalik sa lugar ng ilog upang makipagkita sa tatlong mula sa Heavenly Yuan Clan.

Pinagtibay pa rin ni Zhao Yufei ang kanyang pundasyon at si Mo Tianyi at ang lalaki na may dilaw na mukha ay pinoprotektahan pa rin siya.

Sa sandaling ito, ang dalawa ay hindi alam na si Taiyun Shuangzi ay pumanaw na at nang kanilang malaman ang katotohanan, ang kanilang mga puso ay tumibok ng mabilis.

Sa mga sumunod na mga araw.

Si Zhao Feng at ang kanyang mga kasamahan ay hindi sinadya na makahanap ng mga bagong target.

Lahat sila ay mayroong True Dragon Tokens at ang kanilang dragon blessing ay masyadong malakas.

Sa limang napakahusay na henyo.

Si Yu Tianhao ay paminsan-minsan umaalis.

Si Shi Chengtian ay nagpapagaling at si Tantai Lanyue ay nakabawi rin at pinahintulutan ang kanyang spiritual pets na magpahinga.

Naunawaan ni Zhao Feng ang labanan sa pagitan ni Yu Tianhao at Xin Wuheng.

Only Goddess Bing Wei went out to hunt for more dragon blessing and increase her own.

Tanging si Goddess Bing Wei lamang ang lumabas upang maghanap ng mas maraming dragon blessing at dagdagan ang kanya.

Gayunpaman.

Ang ang dragon blessing ng limang napakahusay na henyo ay napakalaki at hindi na marami ang natitirang True Dragon Tokens, ibig sabihin na ito ay mahirap upang madagdagan ang kanilang mga dragon blessing.

Ito ang dahilan kaya si Zhao Feng ay tumigil na sa paghahanap.

Umupo siya ng naka dekwatro at nakapikit ang mata habang ang mga tanawin mula sa araw na iyon ay bumabalik sa kanyang isipan.

"Ang Switching the Stars... kumbinasyon ng mental energy, lakas at pokus... Isa sa likas na katangian... "

Halos ganap na naiintindihan ni Zhao Feng ang Switching the Stars, lalo na dahil tugma ito sa Mystic Flower Treasured Bible.

Matapos matutuhan ang Switching the Stars, si Zhao Feng ay mas lumakas ang depensa.

Ang kumbinasyon ng mental energy, lakas at pokus at ang isa na may likas na katangian ay hindi lamang para madagdagan ang paggamit ng potensyal ng isa, maaari rin nitong mapalakas ang mental energy level ni Zhao Feng at root of law.

Si Zhao Feng ay pumasok sa landas ng pagsasama ng mental energy, kapangyarihan at pokus.

Hinawakan din niya ang pinto sa sa pagiging isa sa kalikasan at naging dahilan ito upang tumaas ang kanyang mastery sa paggamit ng kidlat.

Sa unang araw.

Naunawaan ni Zhao Feng ang kumbinasyon ng mental energy,

kapangyarihan at pokus at pagiging isa sa kalikasan. Nadama niya na ang kanyang potensyal at mental energy level ay parehong umaangat.

Sa pangalawang araw.

Matagumpay na naabot ni Zhao Feng ang pinakamataas na antas, ang ikatlong palapag ng Lightning Inheritance.

"Ayon sa mga kinakailangan sa ikatlong palapag, kailangan ng paglilinang ng True Lord Rank upang makamit ito, ngunit talagang nagtagumpay ako!"

Si Zhao Feng ay labis na natuwa.

Ang pangatlong palapag ng lightning inheritance ay kinakailangan na tugma sa heaven Earth Lightning Yuan Qi.

Because Zhao Feng had comprehended combining mental energy, power and focus and being one with nature, he succeeded in reaching the third floor of the Lightning Inheritance.

Dahil alam ni Zhao Feng na pagsasama ng mental energy, kapangyarihan at pokus at pagiging isa sa kalikasan, nagtagumpay siya sa pag-abot sa ikatlong palapag ng Lightning Inheritance.

Ang bawat aksyon at kilusan ng ikatlong palapag ay nakakasindak at ang kapangyarihan ng kidlat ay umabot sa buong bagong antas.

Kahit na ang mental energy ni Zhao Feng ay patuloy na tumataas at maihahambing sa mga huling yugto ng True Mystic Rank, nahirapan pa rin siyang sanayin ito hangaang sa ikatlong palapag ng Lightning Inheritance.

"Anong antas ng pananaw ang naabot ni Xin Wuheng? Kung hindi para sa kanyang normal na talento at walang bloodline, tiyak na hanggang unang yugto ng True Mystic Rank lamang siya. "

Walang magawa si Zhao Feng kung 'di ang isipin si Xin Wuheng.

Ang nakalipas na talento ni Zhao Feng ay katamtaman lamang ngunit nagbago ito pagkatapos matanggap ang God's Spiritual Eye.

He knew how slow that cultivation speed was.

Alam niya kung gaano kabagal ang kanyang cultivation noon.

Lumipas ang oras at sa ikapitong araw sa loob ng liwanag.

Ang bilang ng mga True Dragon Tokens ay bumababa at ang mga walang mga token ay pumalag at bumuo ng mga alyansa at grupo.

Ang mga labanan ay napakalakas ngunit wala sa kanila ang nakarating sa antas ng isang napakahusay na henyo.

Ang mga nasa overwhelming prodigy level ay nagkaroon ng labanan na malapit sa isang True Lord Rank at ang paggamit ng mga numero ay walang silbi.

Samakatuwid.

Zhao Feng and company were quiet.

Si Zhao Feng at ang kanyang mga kasamahan ay nanahimik.

Hanggang sa araw na ito.

Ang bilang ng True Dragon Tokens ay bumaba sa isang daan.

Weng ~~~~~~~

Ang bula ng liwanag ay nagsimulang gumalaw at tinipon ang maraming dragon blessing.

Ang ungol ng isang daang dragon ay maaring marinig nang mahina.

Mula sa itaas ng ancient arena, isang daang dragon ang maaaring makita at ang pinaka makapangyarihan sa limang nagniningning na gintong dragon ay higit sa tatlong yarda ang haba, na bumubuo ng isang kahanga-hangang tanawin.

Bukod sa isa pang limang napakahusay na henyo, ang natitirang mga gintong dragon ay isang yarda lahat ang taas.

Shua! Shua! Shua!

Ang ilang daang mga henyo na walang True Dragon Tokens ay nawala mula sa bula ng liwanag at itinaboy palabas.

Ang natitirang isang daan ay ang sikat na 'True Dragon Geniuses.'


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C377
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 87 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO