Descargar la aplicación
20.37% King of Gods (Tagalog) / Chapter 323: Six Warlock Divine Sage (1)

Capítulo 323: Six Warlock Divine Sage (1)

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng mahabang panahon pagkatapos nito, ang lugar ng Thousand Water ay nagkaroon lang ng isang boses.

Bilang Chapter Leader ng Iron Blood Religion Chapter, si Zhao Feng ay ang hari ng lugar na ito.

"Pagkatapos talunin ang panig ng pamilyang Yun at kontrolin ang buong lugar ng Thousand Water, mapakakapagtuon ng ako sa paghahanda para sa Sacred True Dragon Gathering."

Nakaramdam si Zhao Feng ng kasiguraduhan.

Matapos mapirmahan ang kasunduan, pinanguhanan ni Zhao Feng ang mga miyembro ng Iron Blood Religion pabalik sa kanilang lugar ng chapter.

Sa kabilang parte ng pampang, ang upper echelon ng panig ng pamilyang Yun ay may malungkot na mga ekspreyon ngunit mas maraming mga tao ang lihim na masaya.

Ang Head panig ng pamilyang Yun ay puno ng kalungkutan at ang kaniyang anyo ay tila mas tumanda habang paalis si Zhao Feng: "Ang batang iyon ay nakakatakot. Naabot na niya ang True Spirit Realm at namumuno sa kaniyang sariling teritoryo sa murang edad. Ang Iron Blood Religion ay siguradong irerekomenda siya sa Sacred True Dragon Gathering sa susunod na kalahating taon."

Ang kaniyang mata ay umikot papunta sa nasunog na si Tian Yunzhi.

Ang mukha ni Tian Yunzhi ay walang kulay at ang kaniyang aura ay napakahina na siya ay walang kamalayan.

"Ano ang sitwasyon?"

Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay tumingin sa mga doktor sa paligid.

"Sa aming tulong, walang nakakamatay na panganib ngunit maraming pinsala ang kasama ng dimensyon ng mental energy."

Seryosong sabi ng isang matandang doktor na may puting buhok.

"Pinsala sa mental energy? Ang aking pamilya ay mayroong mahalagang Spiritual Pills na makaktulong dito."

Sabi ng Head ng panig ng pamilyang Yun.

"Nabigyan na namin siya ng Spiritual Pills, ngunit ang pinsala sa mental energy ay konektado sa kaniyang blade intent. Ang panlabas na tulong ay limitado. Kailangan niyang umasa sa kaniyang sarili."

Ngumiti nang hindi maganda ang doktor na may puting buhok.

Ang mga normal na pinsala sa mental injury ay unti-unting naghihilom gamit ang mga mayamang resources, ngunit kahit ang mga kilalang doktor ay hindi masyadong nakatulong pagdating sa blade intent.

"Ano ang pinagmulan ng eye bloodline ni Zhao Feng? Kaya nitong masira ang blade intent ni Tian Yunzhi. Mapanganib ito."

Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay mababakasan ng pagiging seryoso at pag-aalala.

Si Tian Yunzhi ay isang anak mula sa parehong pamilyang Tian at Yunzhi at minana ang kanilang bloodline. Sa buong Great Country, siya ang pinakamataas. Tanging si 'Prince Jin' lang mula sa mga Imperial ang ma kakayahang talunin siya.

"Anong resulta?"

Tanong ng Head ng panig ng pamilyang Yun.

"Ang pinakamasamang resulta ay ang masira ang kaniyang kamalayan ng mental energy. Hindi ito nalalayo sa kamatayan at mas mataas ang tiyansang mangyari ito. Ang mas mabuting resulta ay ang pagbangon niya mula sa pagkalugmok ngunit ang tiyansang mangyari ito ay mababa."

Sabi ng doktor na may puting buhok matapos ang sandaling katahimikan.

"Wala bang ibang paraan para mailigtas siya?"

"Wala talagang paraan. Kahit na dumating ang isang Sovereign of the Origin Core Realm, hindi siya nito maililigtas. Kung ang mga Kings of the Void God Realm dumating, siguro. Ang mga nasa Void God Realm ay nakahawak na ng lebel ng kaluluwa at kayang makapaglakbay nang malaya sa kalawakan."

Ang doktor na may puting buhok ay umiling.

Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay nainis nang bahagya.

Ang walong pinakamalakas na puwersa ng Canopy Great Canopy ay malamang walang Origin Core Realm Sovereign. Sa mga may mas mataas na antas naman na Void God Realm Kings, siguradong wala nito sa kontinene.

"Family head, ang Six Warlock Divine Tower ay may isang misteryosong matalinong tao roon na dalubhasa sa medisina, mga array, heograpiya… Ang kaniyang kaaalmaan ay tila karagatan at alam ang lahat. Kahit ang isang Sovereign mula sa sampung pangunahing puwersa, ang Heavenly Yuan Clan, ay pumunta para siya ay bisitahin."

Biglang sinabi ng isa sa mga doktor.

"Isang labis na matalining tao mula sa Six Warlock Divine Tower? Ang ibig mo bang sabihin ay… ang guro ni Empress Qin?"

Ang mga mata ng Head ng panig ng pamilyang Yun ay nagningning. Kahit si Empress Qin ay isang disipulo ng taong iyon. Mula rito, makikita na ang kaniyang mga kakayahan.

Gayunman, ang liwanag sa kaniyang mga mata ay naging madilim ulit.

Nabalitaan na niya ang tungkol sa taong ito at ginugugol nila ang karamihan ng kanilang oras sa paglalakbay. Kahit na siya ay nasa Six Warlock Tower, hindi niya makikita ang kahit na sino.

"Mayroon pa ring kaunting pag-asa kahit na anong mangyari. Kapag pinagsama ang pangunahing pamilya ng Tian at Yun, maaarin nating maimbitahan ang taong iyon. Kung makakatulong din si Empress Qin, mas malaki ang pag-asa."

Ang mga mata ng head ng panig ng pamilyang Yun ay mangiyak-ngiyak at ang kaniyang dalawang kamay ay sumarado nang mahigpit.

Ang malapit na mga elder ng panig ng pamilyang Yun ay tahimik. Tanging kaunting bilang ng tao ang nakakaalam na ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay ang lolo ni Tian Yunzhi. Kahit si Tian Yunzhi ay hindi ito alam – matagal nang namayapa ang kaniyang ina at ito ang kaniyang unang beses na pumunta sa panig ng pamilyang Yun.

Sa isang kisapmata, kalahating buwan na ang nagdaan.

Iron Blood Religion Chapter.

Umupo nang nakade kwatro si Zhao Deng at ang Qi of True Spirit sa kaniyang katawan ay tila tuloy tuloy na daloy ng tubig.

Ang Qi of True Spirit ay nasa anyo ng likido dahil mas maiipon ito.

Sa dantian, magkakaroon ng isang lawa at ito ang magiging Source of True Spirit ng mga nasa True Spirit Realm.

Ang iba't ibang mga antas ng True Spirit Realm ay may iba't ibang sukat ng Source of True Spirit.

Kung ang Source ng True Spirit ng mga nasa True Human Rank ay maikukumpara sa isang mangkok ng kumukulong tubig, ang True Mystic Rank naman ay may isang palanggana ng tubig at ang pinakamalakas na True Lord Rank ay may isang tangke ng tubig.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng tatlo ay napakalaki. Lalo na para sa mga True Lord Rank. Sila ay labis na makapangyarihan at bawat kilos nila ay may taglay na hindi matutumbasang lakas.

Sa kasalukuyang lakas ni Zhao Feng, kaya niyang harapin ang bahagyang mas mahinang True Mystic Rank, tulad ng Head ng panig ng pamilyang Yun.

Ang bahagyang mas malakas na True Mystic Rank ay ilang beses na mas makapangyarihan kaysa sa Head ng panig ng pamilyang Yun at walang magagawa si Zhao Feng laban sa kanila.

Para sa mga True Lord Rank naman tulad ng Flooding Lake City o ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion, isang kumpas lang ng kanilang kamay ang maaaring makasira sa True Human Rank.

Sa kabutihang palad, si Zhao Feng ay nasa ilalim ng proteksyon ng Iron Blood Religion at hindi natatakot sa paghihiganti ng Flooding Lake City.

"Ang aking Source of True Spirit ay kakabuo lang at ang sunod na hakbang ay ang mapalakas at mapalawak ito."

Sinuri ni Zhao Feng ang Source of True Spirit sa kaniyang dantian.

Ang kaniyang Source of True Spirit ay may matingkad na azure na kulay at mayroong maliliit na kidlat. Kung hindi ito nakatago, isang nakasisirang aura ang manggagaling sa kaniya, na makakapagparamdam sa iba nang hindi maganda.

Kapg naging True Spirit, hindi na magiging Mortal.

Ang anyo ni Zhao Feng at nakalagpas na sa normal na buhay at ang kaniyang Source of True Spirit ay kayang makipag-ugnayan sa Heaven at Earth Yuan Qi at higupin ito.

Ang Lightning Yuan Qi ay ang pinakaangkop kay Zhao Feng at samakatuwid ay ito ang pinakamadaling mahigop. Ang iba tulad ng Wind, Wood, Fire at iba pang mga elemento ay malabo kahit pinapakiramdaman ito, kaya't paano niya ito mahihigop?

Sunod, kailangan lang si Zhao Feng na mapalakas ang kaniyang Source of True Spirit at makakarating na siya sa Early stages ng True Human Rank.

Ang mga normal na True Human Rank ay karaniwang kailangan ng kalahating taon o dalawa hanggang tatlong taon para makaabot sa Early stages mula sa Beginning stages.

Ang progreso mula sa Early stage patungo sa Late stage ang kailangan ng mabuting kapalaran, talento at pundasyon.

Ang Late stage papunta sa Peak stage ay parehas lang, mayroon din itong malaking pagitan. Si Yun Sha at ang Fan Flying Bandit ay nasa Peak stages nguit mayroong mga pagkakaiba sa kanilang lakas.

Sa lebel na ito, kaya nilang subukang makalagpas sa second Heaven ng True Spirit Realm – ang True Mystic Rank.

Ang True Mystic Rank ay may malaking pagitan at nangangailangan para maipon ang kanilang sariling Seed of Law.

"Mayroon akong Mystic Flower Sacred Liquid mula sa Water Moon Treasury na nakakatulong para maintindihan ang Seed of Laws at mapataas ang pagkakataong maabot ang True Mystic Rank nang 30%."

Naantig si Zhao Feng. Ang Mystic Flower Sacred Liquid ay isang kayamanan na natanggap ni Zhao Feng mula sa ikatlong palapag ng lilang kabaong ng Water Moon Treasury.

Ngayon naisip ang tungkol dito, ang halaga nito ay maikukumpara na sa Water Moon God Peach Fan.

Sinong nakakaalam kung magkanong maaaring maibenta ang Mystic Flower Sacred Liquid na ito kung mailalagaysa Rising Dragon Auction?

Matapos ang isang buwang pagpapatatag, lumabas na si Zhao Feng ng seklusyon at inalam ang sitwasyon ng Chapter.

Kinontrol na ng Thousand Water Chapter ang lugar at may hindi mabilang na mga pamilya at puwersa na pumunta sa kanila.

Si Yun Sha at Chen Mengzhen, ang dalawang tinyente, ay parehong labis na abala.

Si Zhao Feng, ang tunay na Chapter Leader ay nasa seklusyon at hindi pinapansin ang nangyari. Ni hindi niya binati ang mga nasa True Spirit Realm na bumisita sa kaniya.

Chapter Leader, sa wakas ay wala ka na sa seklusyon."

Si Yun Sha, Chen Mengzhen at ang ibang mga upper echelon ay agad na pumunta para iulat ang mga mahalagang usapin.

Ngayong nakontrol na ng Iron Blood Religion ang Thousand Water River, may ilang mga usaping kailangang solusyonan.

"Ang Bald Eagle, ang Captain ng Severed Blood Pirataes ay nagsasabing alam nilang ang Chapter Leader ay kakampi. Gusto ka niyang makita at makakuha ng mataas na posisyon sa Iron Blood Religion."

"Si Lord Yin ng Qiwu Mountain ay nakaabot na sa True Msytic Rank at sinasabing may mga problema sa Flooding Lake City Lord. Nabalitaan niya ang tungkol sa Chapter Leader at gusto kang imbitahan na uminom kasama niya. Mayroon din siyang anak na babae na napakaganda at siguradong gustong…"

"Mayroong isang Daoist na nagsasabing pinabanal ang buhay ng Canopy Emperor at sinasabing ang Chapter Leader ay may hangin ng True Dragon at gusto kayong suportahan sa pagkontrol sa mundo."

Sa sandaling ito, ang bawat klase ng problema ay nakarating sa tainga ni Zhao Feng.

Hindi maiwasang hawakan ni Zhao Feng ang kaniyang sintido at nagsalubong ang kaniyang mga kilay: "Kung walang problemang tungkol sa buhay at kamatayan, pakitanggihan ang lahat para sa akin."

Ibinigay niya ang lahat ng nakakaabalang problema kya Lieutenant Yun Sha at sa mga Elder.

Nang kumalma na si Zhao Feng, sinabi niya kay Die Ye: "Mayroon akong liham na kailangangmaipadala kay Tiegan Master. Kailangan ko ng tulong sa paghuwad."

"Tiegan Elder? Siya ang napakakilalang blacksmith sa buong Graet Country at isang Glorious Leader sa Religion. Ipapadala ko na ang liham, ngunit hindi ko masisiguradong pupunta siya," bahagyang seryosong sabi ni Die Ye.

"Ang aking ugnayan kay Tiegan Master ay hindi naman masama."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng. Ang dahilan kung bakit gusto niyang imbitahan si Tiegan Master ay para gumawa ng malaking sandata o gamitin ang Five Elemental Piercing Crystal para mapataas ang kapangyarihan ng Luohou Bow.

Bukod pa rito, ang Water Moon God Peach Fan ay may pitong maliit na lugar na maaaring gamitin para iklagay ang mga sandata.

Pagkatapos ayusi ito, bumalik si Zhao Feng sa seklusyon at nagsimulang pagsamahin ang Mystic Flower Treasured Bible. Ito ay isang mahabang proseso.

Flooding Lake City, City Lord's Palace.

"City Lord, ang ulat ay tama. Naging Chapter Leader na si Zhao Feng ng Iron Blood Religion at isinantabi ang lugar ng Thousand Water River at tinalo pa ang nangungunang henyo ng pangunahing pamilya ng Tian na si 'Tian Yunzhi'."

Isang itim na anino ang naiulat na nawala.

Ang Flooding Lake City Lord ay tumayo na nasa likod ang kaniyang mga kamay na may malalim na ekspresyon sa kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay tila naglalaman ng langit at may mahinang pilak na pulang liwanag.

Matapos ang ilang saglit, umikot siya at nagsalita: "Qin'er, ano sa tingin mo?"

Shua!

Isang anyo sa nyebe ang lumabas na tila isang diyosa mula sa isang pinta.

"Napagdesisyunan ko nang pasukin ang Sacred True Dragon Gathering…"

Kinagat ni Lin Qinxin ang kaniyang labi habang ang kaniyang mga mata ay gumalaw.

"Hehe, gamit ang iyong bloodline at natatagong tunay na lakas, wala sa nakababatang henerasyon ng Great Country ang papantay sa iyo. Oras na para lumabas ka sa Great Country at pasukin ang tunay na hakbang ng Northern Continent."

Sinabi ng Flooding Lake City Lord nang nakangiti.


Capítulo 324: Six Warlock Divine Sage (2)

Editor: LiberReverieGroup

Sa pagbabago ni Liu Qinxin natuwa at namangha ang Flooding Lake City Lord.

Ang talento ng kanyang babaeng anak, ang bloodline at itsura nito ay nangunuguna sa buong mundo.

Sa panlabas, ang Flooding Lake City Lord ang pinaka henyo sa pamilya ng Flood Lake Liu sa loob ng ilang libong taon. Ngunit sa pagkakaalam niya na ang talento at potensiyal ng kanyang babaeng anak ay mas mataas kaysa sa kaniya

Gayon pa man, matapos mamatay ang ina at ang kaniyang master, nasimulan niyang magustuhan ang katahimikan at hindi magustuhan ang pakikipag-away

"Sino ang dahilan kung bakit nag bago ang iyong isip? Dahil ba ito sa batang iyan?"

Hindi mapigilang magtaka ng Flooding Lake City Lord.

"Hindi, nakita ko ang guro kani-kanina lang."

Ngumiti si Liu Qinxin. Bihirang makita ang ngiting ito simula ng makatakas si Zhao Feng.

"Guro? Tinutukoy mo ba ang Six Warlock Divine Sage?

Sa wakas na tuwa na ang Flooding Lake City Lord. Ang Six Warlock Divine Sage ay maraming kaalaman gaya ng karagatan at alam nila ang tungkol sa banal na buhay.

Ilang buwan na ang nakalipas, nais imbitahan ng Flooding City Lord ang Sage upang hanapin ang lugar kung saan tumakas si Zhao feng para mahuliya siya subalit hindi niya nagawa ang ninanais niya.

"Ang banal na gurong ito na nasa Sacred True Dragron Gathering, maraming mga makapangyarihan na inheritances ang dadalo, Halimbawa, may tiyansang sampung porsiyento ang Heaven's Legacy Inheritance at patuloy ito sa pag-taas. Sinabi niya din na ang Azure Flower Continent ay sasailalim sa malaking pagbabago na hindi magtatagal at gagamitin ko ang pagkakataong ito.

May pag-asang makikita sa mga mata ni Liu Qinxin na wala noon.

"Ang Heavens legacy Inheritance ay may halos sampung porsiyentong lumitaw"

Ang Flooding Lake City Lord ay nagulat.

Alam ng lahat na ang Heaven's Legacy Inheritance ang pinaka misteryoso at ancient Inheritance.

Gayun pa man, ang tyansang lumitaw sa Heavens Legacy Inheritance ay napaka baba at minsang lang ito magpakita kada sampung libong taon.

Kung tatantiyahin ang posibilidad, ito'y magiging isang libong gaya ng Sacred True Dragon Gathering na isinasagawa isa kada sampung taon.

Gayon pa man, natantiya na ng Six Warlock Sage ang tiyansa ang paglitaw ng Heavens Legacy Inheritance ay aabot sa daang libong taon o higit pa kaysa noon, kahit na ito ay sampung porsiyento lamang.

"Qin'er. Kailangan mong kumapit sa tiyansang ito. Dose-dosenang henerasyon ang maaring walang ganitong pagkakataon. Sa bawat oras ng paglitaw ngHeaven's Legacy Inheritance, mababago nito ang sitwasiyon sa mga kontinente. Ang era na ito ay malalampasan ang Scarlet Moon Demonic Religion's Era."

Ang Flooding Lake City Lord ay natutuwa. Ang Heavens Legacy Inheritance ay lumilitaw lamang isa kada sampung libong taon at ang tinatagal lamang ng buhay ng normal na True Spirit Ranks ay inaabot lamang ng ilang taon.

Sa loob ng sampung libong taon, kahit na ang haba ng buhay ng Sovereign sa Origin Core Realm ay lumiliit.

The Flooding Lake City Lord had attended two Sacred True Dragon Gatherings and he had reached the top one hundred. But in the past hundred years, no powerful inheritance had appeared.

Ang Flooding Lake City Lord ay nakadalo na ng dalawang beses sa Sacred True Dragon Gatherings at naabot na nito ang ika isang daan kung saan ito ang pinakamataas. Subalit sa mga nakaraang libong taon, walang makapangyarihang inheritance ang lumitaw.

"Father, don't be happy too early. This is just divination. At the time, the one to appear might not be the Heaven's Legacy Inheritance."

"Ama, wag kang maging masaya ng ganito ka aga. Ito ay divination lamang. Sa ngayon, ang isang lilitaw ay maaaring hindi isang Heaven's Legacy Inheritance."

Ngumiti si Liu Qinxin.

Northern Continent, Heavenly Yuan Clan.

Sa malawak na kabundukan na nasa ibaba ng mga ulap, kastilyo, espiritual pets at mga ibon ang makikita sa tahimik na lugar na ito. Para itong isang litrato na nanggaling sa pinta.

Sa mga sandaling ito, mayroong ilang dosenang mga desciples ang nagtipon sa tuktok ng bundok na kung saan ang lahat ay hindi baba sa half step True Spirit Realm at ang kalahati naman ay na sa True Human Rank.

Ang leader ay isang gwapong bata na ka kulay pilak na kapa ang natatanging kapansin-pansin sa grupo.

Ang banal na ilaw ay tila nag-aalab sa kaniyang mga mata at sa bawat paghinga nito ay nauugnay sa Heaven Earth Yuan Qi. Nagdudulot siya ng hindi nakikitang kaba na ikinagulat ng puso nga mga normal na nasa True Mystic Rank.

Lahat ng mga disciple na naroon ay tumingin patungo sa kaniya na may malalim na paghanga na kung ang taong ito ay isang Diyos.

Siya ang Head disciple ng Heavenly Yuan Clan - Mo Tianyi.

"Great Luo Rippling Blade!"

Sa huling yugto ng True Human Rank ang batang naka kulay asul na kapa ay sumigaw at inilabas ang kaniyang espada.

Kahit na ang espada na ito ay hindi naglalaman ng anumang blade intent, ang pagkalalim at kapangyarihan nito ay katulad din ng kay Tian Yunzhi's.

Sa ataking iyon mabilis nitong mapipinsala ang mga nasa Normal True Human Rank.

Napapagalaw nito ang kalangitan at nalilipat nito ang mga kabundukan.

The silver robed Mo Tianyi calmed swiped his hand and a beam of bright light hit the blue robed youth's Great Luo Rippling Blade.

Dahan-dahan na inalis ng nakakulay pilak na kapa na si Mo Tianyi ang kaniyang kamay at isang sinag ng liwanag ang tumama sa batang naka asul na kapa ang Great Luo Rippling Blade.

Weng~~

The blade suddenly recoiled and was directed towards the blue robed youth.

Ang espada ay biglang bumanda at nakadirekta patungo sa batang nakakulay asul na kapa.

Wah!

Ang batang naka kulay asul na kapa ay kaagad dumura ng maraming dugo, na tila sakaniya tumama ang kaniyang espada.

"Hehe, Luo Jin, kung naintindihan mo lamang ang iyong blade intent marahil ay makakayanan mo akong labanan. Subalit kahit narating mo na ang True Mystic Rank ngayon, wala ka paring laban sa akin."

Umiling si Mo Tianyi at ngumiti.

"Senior brother Mo's 'Yuan Mountain Secret Technique' ay tunay ngang karapat-dapat bilang isa sa mga pinakamalakas na Spiritual grade techniques sa ating Clan. Kahit na ang iba na nasa True Lord Rank ay hindi kayang maunawaan ito. Ang ganong pag-unawa ay walang kapantay sa Northern Continent.

"Tama iyan, si Brother Mo ay pinagbawalan gamitin ang kaniyang cultivation sa kaparehong level at tinalo ang kalaban sa isang tira lamang."

"Ngayon, maaaring maabot ni Brother Mo ang top ten at kahit ang top three sa Sacred True Dragon Gathering."

Napasigaw ang mga elites sa disciples at ang ibang mga kabataan naman ay nagpakita ng paghanga.

Inilabas ni Mo Tianyi ang kaniyang kamay at sinabing: "Sa huling araw ng Sacred True Dragon Gathering, hindi ako ang Head disciple at nagawa kong makapasok sa top 30. Sa buong Northern Continent, tanging tatlong tao lamang ang nakaabot ng top 30."

Ang Sacred True Dragon Gathering ay ginaganap lamang sa loob ng bawat sampung taon at ang lahat ng may edad na limampu ay maaaring makadalo.

At para sa mga nasa True Spirit Realm, ang limampung taon ay isa sa lima hanggang pang-anim ang itinatagal ng kanilang buhay - malayo pa rin ang kanilang pagdadaan pagtapos ng okasiyong ito.

Noong nakaraang sampung libong taon, si Mo Tianyi ay wala pa sa dalawampu subalit narating na nito ang resulta. Napakahirap isipin kung paano siya humusay ng husto sa loob ng sampung taon.

"Ang pagiging isa sa sampung magagaling na Clans, ay mayroong sampung rekomendasiyon ang Heavenly Yuan Clan."

"Aye, ang kompetisiyon para sa sampung puwestong ito ay masiyadong mapanganib. Kung pagbabatayan lamang ang Inner disciples, mayroon tayong mahigit sa libo-libo at dose-dosenang Core disciples."

Bagama't ang mga disciples na nasa kabundukan ay mga elites, marami sa kanila ang may bakas ng pag-aalala sa kanilang mukha.

Pinagmasdan ni Mo Tianyu ang mga disciples at tumigil ito sa isang batang babae.

Ang babaeng ito ay nakasuot ng kulay lila at ang mata nito ay parang kristal. Ang kaniyang mukha ay napakaganda at ang kaniyang katawan ay nagbibigay ng kakaibang liwanag, na parang isang kagandahang gawa sa yelo.

Kahit na hindi siya ang pinakamatangkad sa lipon ng mga tao, kahit sinong mga bata ang makakita sa kaniyang mukha ay mawawala sa kanilang mga sarili.

"Sister Yufei, matagal na kitang hindi nakita, ngunit sa iyong lakas, hindi mo na poproblemahin ang makakuha ng rekomendasiyon."

Madalang makipag-usap sa kahit na sino si Mo Tianyi. Siya ang Head disciple at sa buong Northern Continent, na mayroon lamang dalawang magagaling na clans.

Mayroon din na Mystic Ice Clan na nasa pinaka tuktok na parte ng hilaga.

Samakatuwid, si Mo Tianyi ang tumatayong pinakamataas sa nakababatang henerasiyon.

"Itong si Zhao Yufei na madalang lamang magpakita ay tila nirekomenda ng Three Yuan Side Clan."

"Narinig ko na ang kaniyang telento ay napakalakas at mayroon rin siyang kapangyarihan na hindi pangkaraniwang bloodline.

Karamihan sa mga elites na galing sa Heavely Yuan Clan ay tumingin sa maganda at misteryosong babae.

Tanging sina Mo Tianyi at Zhao Yufei ang mga disciples ng Sovereign.

"Noon ko pa naunawaan ang secret technique na natutunan ko kay Master, kaya't wala akong karapatan na dumalo sa Sacred True Dragon Gathering."

Malinaw at may paggalang ang boses ni Zhao Yufei.

"Si Sister Yufei ay napaka-mapagkumbaba. Sino ang may lakas para hamunin ang disciple ng Sovereign?"

Puno ng pagtataka ang boses ni Mo Tianyi.

Itong si Zhao Yufei ay nakapasok na sa Heavenly Yuan Clan taon na ang nakalipas at konti na lang ay magiging half step True Spirit Realm. Ilang taon na ba ang lumipas? At ngayon ay naaboy na niya ang pinakahuling yugto ng True Human Rank at maaaring mapasama sa top 10 Core disciples.

Ang mga nakakatakot na progresong ito ay maaaring maiugnay sa kaniyang bloodline at matapos maabot ang True Spirit Realm, ang kaniyang Qi ng True Spirit ay mas mahirap na tuklasin.

Siyempre, bilang nakatataas sa mga nakababatang henerasiyon ng Northern Continent, ngunit si Mo Tianyi ay hindi natatakot sa mga henyong iyon.

Ang kaniyang tunay na kalaban ay ang mga henyo na nasa Middle West, East, at South Continent kagaya ng mga disciples ng Sovereign.

Ngumiti si Zhao Yufei ngunit hindi nakipag-away sa kahit na sino. Dalawang True Human Rank disciples ang nagtipon ng lakas ng loob at hamunin siya pagkatapos.

Ang skills ni Zhao Yufei ay dumaloy na parang isang tubig at ang bawat kilos niya ay magandang pagmasdan.

Kahit gaano nakakasira ang Qi ng True Spirit, sa kniyang mga kamay, ito ay madaling kontrolin.

Ang mga naunang yugto ng True Human Rank ay natalo sa loob lamang ng sampung atake at ang pangalawang naghamon na nasa huling yugto ay natalo sa loob lamang ng dalawampung atake. Tila nanalo si Zhao Yufei ng walang kahirap-hirap.

Sa mga oras na iyon, sa tuktok ng bundok sa malayong malayo, isang matandang Daoist na naka puting kapa at isang lalaking naka lilang kapa ang nanood ng kanilang laban.

"Hehe, Mo Tianyi, ang maliit na batang ito ay naabot na ang pinakamaagang yugto ng True Mystic Rank at nasanay na niya ang sikretong teknik ng Yuan Mountain ng seventh level, mas maayos kaysa sa nahuling henerasiyon. Mukhang kaya na niyang makapasok sa top 10. Sa top three naman, nakadipende ito sa kaniyang nakaraan at ang paglagong magagawa niya sa susunod na kalahating taon pati na rin ang suwerte natin."

Ngumiti ang naka puting kapa. Walang bakas ng Qi ng True Spirit na galing sa kaniya.

"Itong si Zhao Yufei ay tila mayroong kakaibang bloodline. Nagagawa mong inggitin sa pagpili mo lamang ng Jade at sa pagbalik mo lang sa Flower area."

Ang boses ng lalaking naka lilang kapa ay mababa. Kahit na siya ay napakalapit, ang kaniyang anyo ay malabo.

"Ang kaniyang bloodline ay lubos na nababagay sa Heaven Earth Yuan Qi at ang Yuan Qi ay napupunta sa kaniyang katawan. Nitong mga araw ay hinahanap ko ang Ten Thousand Ancient Races at ang kaniyang bloodline ay tila pamilyar sa isa sa mga halos di na nabubuhay na lahi."

Huminga ng malalim ang Daoist na naka puting kapa ang kaniyang ekspresiyon ay naging taimtim.

"Ten Thousand Ancient Races."

Ang lalaking naka lilang kapa ay nagulat at 'di makapaniwala: "Kahit na sino sa Ten Thousand Ancient Races ay isang alamat sa ancient era at kahit na ang mga talento ng mga descendants mula sa Void God Realm ay hindi maikukumpara."

Ang Ten Thousand Ancient Races ay mas alamat para sa mga nasa Origin Core Realm. Ito'y isang alamat na nabibilang sa era na malayo sa kanila.

"Kahit na ang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races na mayroon siya ay matamlay, mahirap maintindihan ang kaniyang hinaharap at maari pa nito mabago ang kalalabasan ng kontinente.

Ang boses ng Daoist na naka puting kapa ay nanginginig na may kasamang kasiyahan.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C323
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 82 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO