Isang daang taon na ang nakalipas, ang kilalang Water Moon Pirate ay nagcultivate ng Mystic Flower Treasured Bible at sumikat dahil sa kaniyang bilis.
Ang Water Moon Pirate ay gumamit ng nakakasindak na bilis para makapasok sa mga vault ng bawat grupo at ninakaw ang kanilang mga kayamanan. Kahit ang mga nasa True Lord Rank ay walang magawa.
Mystic Flower Lightning Charming Step.
Si Zhao Feng ay tila isang malabong bagay na hindi makita nang maayos. Isinama niya ang ilang essence ng Wicked Path sa kaniyang Lightning Inheritance.
Ang Lightning Inheritance ay labis na makapangyarihan at malalim, kaya ginamit ni Zhao Feng ito bilang pundasyon. Ang Mystic Flower Treasured Bible ay mas praktikal at mas madaling gamitin.
Dahil dito, isinama ni Zhao Feng ang ilang Mystic Flower Treasured Bible sa kaniyang Lightning Inheritance.
Sa kasalukuyan, isinama niya ang halos 10% ng essence rito. Ngunit kahit na ganoon, si Zhao Feng ay kapansin-pansing nagyabong.
Pinawisan nang malamig ang noo ni Tian Yunzhi. Hindi pa siya nakakita nang ganoong nakakasindak na bilis noon sa nakababatang henerasyon. Mahirap rin siyang maramdaman gamit ang Spiritual Sense.
Ang mga kilos ni Zhao Feng ang kasingbilis ng kidlat at ghostly illusions. Maraming malabong anyong nagsasama at mahirap malaman kung sino ang totoo.
"Blade of Lightning!"
Isang matalas na patalim ang lumitaw sa hangin. Nasa kalahating yarda ito, na nagbibigay ng malabong azure na kulat at nanginginig habang umiikot.
Shewww!
Ang Blade of Lightning ay hindi kayang maramdaman at sumaksak nang matindi kay Tian Yunzhi, kung nasaan ang kaniyang kahinaan.
Shua!
Si Tian Yunzhi ay takot na takot na nag-umpisa na siyang pawisan nang malamig. Halos hindi na niya ito maramdaman gamit ang kaniyang blade intent at mapigilan ito.
Crackle!
Ang Blade of Lightning ay sumabog at isang ragasa ng kidlat ang nagpamanhid sa katawan ni Tian Yuzhi.
Kung hindi lang dahil sa kaniyang bloodline power, siguradong malala na ang kaniyang pinsala.
Kahit na napigilan ni Tian Yunzhi ang kaniyang atake, namanhid naman siya at nabawasan nito ang kaniyang liksi at bilis.
Ang ganap na kalamangan ni Zhao Feng at ang magulong kidlat ang nakapagpuwersa kay Tian Yunzhi sa isang mapanganib na sitwasyon.
sa lahat ng mga skill sa mundo, ang kaniyang bilis ang nangingibabaw.
Kahit na binuksan ni Tian Yunzhi ang kaniyang bloodline power, na nakapantay sa battle power ni Zhao Feng, ang pagkakaiba sa bilis ang nagpatalo sa kaniya.
"Ang Mystic Flower Lightning Charming Step ay nagawa mula sa pagsasama ng Mystic Flower Freedom Step at Charming Figure of Lightning. Ang aking bilis ay mas mataas laban sa mga kapantay k0 ng lebel ng cultivation at may pagkakataong masundan ang bilis ng Water Moon Pirate."
Ang anyo ni Zhao Feng ay tila bugso ng liwanag na nagtagumpay sa pagpuwersa kay Tian Yunzhi.
Kung hindi naintindihan ni Tian Yunzhi ang blade intent at nagawang pigilan si Zhao Feng ang mga pamatay na galaw ni Zhao Feng sa mga huling saglit, ilang beses na rin siguro siyang namatay.
Dagdag pa rito, hindi pa ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline para madagdagan ang kaniyang kapangyarihan sa pag-atake.
Ginagamit niya si Tian Yunzhi para masuri ang kaniyang Mystic Flower Lightning Charming Step, habang gumagamit din ng bagong mga naintindihang technique mula sa Lightning Inheritance.
Habang mas lumalaban si Tian Yunzhi, mas nakakaramdam siya ng takot. Sa ilalim ng sitwasyong ito, ang kaniyang potensyal at blade intent power ay nawala rin.
"Kung magagawa kong maisama ang mga essence ng Mystic Flower Treasured Bible sa Lightning Inheritance, ang aking bilis at may pagkakataong malagpasan ang Water Moon Pirate. Ang kapangyarihan ng Lightning Inheritance ay makakalagpas din sa orihinal nitong anyo."
Isang pag-uulit ang lumitaw sa isip ni Zhao Feng.
Hindi ito tila hindi pa siya nakapagsama ng magkaibang mga skill noon. Nagawa na niya ito habang pinag-aaralan ang mga Mortal tier skill.
Gayunman, ang mga technique na mayroon siya ngayon ay nasa Spiritual tier at ang Mystic Wind Palm at Four Wind Stances ay pagpundasyon lahat.
Nang pinipigilan ni Zhao Feng si Tian Yuzhi, ang mga elite ng Iron Blood Religio ay mayroong malaking kalamangan.
Ang panig ng pamilyang Yun ay unti-unting tumakas.
Ang makapangyarihang tagatulong na kanilang isinama, si Tian Yunzhi, ay ganap nang natatalo ni Zhao Feng.
Si Yun Sha, Elder Gao at iba pang mga upper echelon ng chapter ay nagsimula nang humanga.
Sa larangan ng lakas at mga paraan, si Zhao Feng ay karapat-dapat na maging isang Chapter Leader.
Dagdag pa rito, siya ay labis na bata at puno ng potensyal.
Si Yun Sha, Die Ye at mga kasama nila ay naintindihan na sa wakas kung bakit labis na hinahangaan ng Depity Patriarch ang youth na ito.
Makakayanan ba ng isang normal na henyo na makatakas mula sa Flooding Lake City, manakaw ang Water Moon Treasury at madakip si Empress Qin?
Xiu—
May mga malabong anyong lumitaw sa pampang.
Si Zhao Feng ay lumayo na mula kay Tian Yunzhi.
Si Tian Yunzhi ay namintog at may umaagos na pawis mula sa kaniyang noo. Mayroon ring ilang mga nasunog na bahagi ng kaniyang katawan.
"Bakti hindi niya ipinagpatuloy? Natalo na sana niya ako."
Nagngalit ang ngipin ni Tian Yunzhi.
Hindi tumingin si Zhao Feng sa kaniya at tumingin sa kabilang banda ng pampang gamit ang kaniyang kaliwang mata.
Plop!
Isang tagatulong mula sa panig ng pamilyang Yun, na nasa True Human Rank, ang halos nakaluhod na sa lupa. Ang kaniyang buong katawan ay basang-basa ng malamig na pawis at tumingin nang walang pag-asa kay Zhao Feng.
Ang ekspertong ito ay isang kaibigan ng panig ng pamilyang Yun na napag-alaman ang ulat at pumunta para suportahan ang panig ng pamilyang Yun.
Isang dagdag na cultivator na nasa True Spirit Realm ang nakapagbigay sana ng pag-asa sa panig ng pamilyang Yun.
Gayunman, bago pa sumaya ang panig ng pamilyang Yun, ang puwersa nila ay nawalan ng kakayahang lumaban sa isang tingin lang ni Zhao Feng.
"Nakakatawa... pinapanood niya ang sitwasyon habang nakikipaglaban sa akin at inaatake pa ang iba?"
Si Tian Yunzhi ay nagulat at nagalit, ngunit nag-alala pa sa lakas na taglay ni Zhao Feng.
Anong ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin na hindi man lang nahirapan sa kaniya at pinagtutuunan ng pansin ang pangkalahatang sitwasyon.
Ang Head ng panig ng pamilyang Yun, si Yun Sha, Die Ye at iba pang mga eksperto ay napansin ang detalyeng ito.
Hindi lang sa pisikal na aspeto malakas si Zhao Feng, ang kaniyang katalinuhan at mata ay nakakalat rin sa buong lugar.
Ang puwersa ng panig ng pamilyang Yun ay walang emosyong dinurog ni Zhao Feng.
"Nais bang sirain ng kalangitan ang aking panig ng pamilyang Yun?"
Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay puno ng kalungkutan habang nanginig ang kaniyang Qi of True Spirit at halos mag-umpisang masunog. Nagawa niyang mapaalis si Yun Sha at Die Ye sa loob ng maiksing panahon.
Ang ekspertong nasa True Mystic Rank ay matanda na at wala na sa kaniyang sukdulang lakas ngayon, o kung hindi ay madali niya lang mapipigilan si Yun Sha at Die Ye.
"Family Head!"
Ang mga tao mula sa panig ng pamilyang Yun at si Tian Yunzhi ay hindi sang-yon lahat. Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay malapit nang gamitin ang kaniyang life force.
"Matandang family head, kung susunugin mo ang iyong Qi of True Spirit, maaari mong mapatay ang isa o dalawang True Spirit Realm o matatapos na ang iyong buhay. Kung wala ka, ang panig ng pamilyang Yun ay haharap din sa kamatayan."
Bahagyang ngumit si Zhao Feng.
Pagkatapos niyang sabihin ito, ang panig ng pamilyang Yun at Iron Blood Religion ay tumahimik.
"Ano ba ang iyong nais?"
Nagngalit ang ngipin ng Head ng panig ng pamilyang Yun. Siya ay tumingin kay Zhao Feng nang may bahagyang pag-asa.
Kahit na tila makapangyarihan si Zhao Feng ang atakihin ang panig ng pamilyang Yun, nag-aalala pa rin si Zhao Feng.
Kung ganap nilang sisiraina ang panig ng pamilyang Yun, ang Iron Blood Religion Chapter ay mawawalan din ng malaking bagay. Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay hindi papahalagahan ang kaniyang buhay at pagniningasin ang Qi of True Spirit nito, na makakapagpahintulot sa kaniyang magamit ang kapangyarihang makakalagpas sa kaniyang sukdulan. Gaano karaming mga elite naman ang mawawala sa Iron Blood Religion Chapter dito?
"Ang pagsuko ng panig ng pamilyang Yun at pagbigay ng kalahati ng teritoryo nito, mga mina ng Primal Crystal Stone at iba pang mga resources sa Iron Blood Religion Chapter. Kailangan mo ring pumirma sa 50 taong kasunduang mapapasailalim kayo ng pamumuno ng Iron Blood Religon Chapter," mabagal na sinabi ni Zhao Feng.
Sa halip na mawalan ng malaking bagay at masira ang panig ng pamilyang Yun, mas mabuti nang makakuha ng mas maraming pakinabang.
Nang marinig ito, ang malungkot na upper echelon ng panig ng pamilyang Yun ay mababakasan ng kasiyahan.
Ang Iron Blood Religon Chapter ay hindi talaga sila gustong sirain at sa halip ay nais silang bigyan ng mga kinakailangan. Sa paraang ito, hindi mamamatay ang panig ng pamilyang Yun.
Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay natahimik saglit bago nagngalit ang ngipin: "Imposibleng maging puwersa sa ilalim ng Iron Blood Religion Chapter ang panig ng pamilyang Yun. Dagdag pa rito, ang kalahati ng aming mga resources at teritoryo ay labis naman…"
Ang dalawa ay nag-usap naman gamit ang kanilang mga Spiritual Sense.
Ang panig ng pamilyang Yun ay magbibigay lang ng isang katlo ng teritoryo at resources nito at siniguradong ang Iron Blood Religion Chapter ay hindi na aatake sa panig ng pamilyang Yun sa loob ng isang daang taon at kung hindi ay mapapasawalang bias ang kasunduan.
Ang mga kilay ni Zhao Feng ay nagtama, ang Head na ito ng panig ng pamilyang Yun ay hindi masyadong umatras.
Sa mismong sandaling ito, ang lakas ni Tian Yunzhi ay tila na nanumbalik at sumigaw: "Yun family head, huwang kang sumang-ayon sa mga kagustuhan niya, ako na ang bahala."
Hu~~
Siya ay nagbuntong-hininga at ang kaniyang dalawang bloodline at tila nagbuhol. Ang kaniyang Qi of True Spirit at malapit nang magningas at ang kaniyang patalim ay tumaas at tumunog na puno ng kapangyarihan.
"Hindi ko inakalang ang labang kanina ay napagninga ang iyong bloodline at blade intent," bahagyang ngumiti si Zhao Feng.
Huala!
Isang eleganteng pamaypay ang lumitaw sa kaniyang kamay at ang bloodline sa kaniyang loob ay gumalaw.
Sa sandaling iyon, isang malabong azure na simbolo ng kidlat ang lumitaw sa kaniyang noo.
Hu~
Ang Water Moon Peach God Fan ni Zhao Feng ay gumalaw sa hangin at isang ilog ng kidlat ang nandurog.
Boom!
Ang ilog ay agad na gumawa ng mga alon na isang daang yarda ang taas at ang mga along ng kidlat ay sinira ang lahat ng madaanan nito.
"Ano…"
Ang blade intent ni Tian Yunzhi at dinurog ng Water Moon God Peach Fan.
Sky Cloud River Slash!
Ginamit na niya ang lahat ng kaniyang lakas at hiniwa ang mga alon ng kidlat.
Ang dalawang nakakasindak na kapangyarihan ay nagtama at si Tian Yunzhi ay dumura ng dugo nang may namumutlang ekspresyon.
Bam!
Ang anyo ni Tian Yunzhi ay tinamaan ng nakakasirang alon ng kidlat at napatalsik ng ilang milya ang layo. Ang kaniyang katawan ay nasunog at siya ay nahimatay.
Nagulat ng nangyari ang parehong panig. Walang nag-akalang magagawa ni Zhao Feng ang ganoon kalakas na atake nang ginamit niya ang Water Moon God Peach Fan.
Dagdag pa rito, si Zhao Feng ay gumamit rin ng mental energy attack gamit ang Water Moon God Peach Fan, na nakalagpas sa blade intent ni Tian Yunzhi.
Siya ay nadurog parehong sa isip at pisikal.
"Tumigil ka, sasang-ayon ako sa iyong mga kinakailangan."
Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay wala nang mukhang maihaharap nang tumingin nang malalim kay Zhao Feng habang nakataas ang mga kamay.
Pala!
Ang pamaypay sa mga kamay ni Zhao Feng ay sumarado at bahagyang bumilis ang kaniyang paghinga.
Itinaas ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at ang lahat ng mga miyembro ng Iron Blood Religion Chapter ay tumigil sa pag-atake.
Sa nakakasirang atake ni Zhao Feng, nawala sa panig ng pamilyang Yun ang kanilang layuning lumaban at ang lahat ay nagdesisyong sumuko na lang.
Syempre, kahit ang pamaypay ay napakamakapangyarihan, agad na nagamit nito ang 20% ng Qi of True Spirit ni Zhao Feng.
Sa parehong araw, ang upper echelons ng parehong puwersa ay nagkaroon ng kasunduan.
Ang panig ng pamilyang Yun ay ibinigay ang kalahati ng teritoryo at resources nito sa Iron Blood Religion Chapter at ang parehong panig ay pumirma sa isang kasunduang hindi nila aatakihin ang bawat isa sa loob ng 50 taon.
Pagkatapos ng labanang ito, ang sitwasyon sa lugar ng Thousand Water River ay malaki ang ipinagbago.
Ang Iron Blood Religion Chapter ay tunay nang namumuno sa Thousand Water at ang panglan ni Zhao Feng ay nakapagpatakot sa hindi mabilang na puwersa.
Sa loob ng mahabang panahon pagkatapos nito, ang lugar ng Thousand Water ay nagkaroon lang ng isang boses.
Bilang Chapter Leader ng Iron Blood Religion Chapter, si Zhao Feng ay ang hari ng lugar na ito.
"Pagkatapos talunin ang panig ng pamilyang Yun at kontrolin ang buong lugar ng Thousand Water, mapakakapagtuon ng ako sa paghahanda para sa Sacred True Dragon Gathering."
Nakaramdam si Zhao Feng ng kasiguraduhan.
Matapos mapirmahan ang kasunduan, pinanguhanan ni Zhao Feng ang mga miyembro ng Iron Blood Religion pabalik sa kanilang lugar ng chapter.
Sa kabilang parte ng pampang, ang upper echelon ng panig ng pamilyang Yun ay may malungkot na mga ekspreyon ngunit mas maraming mga tao ang lihim na masaya.
Ang Head panig ng pamilyang Yun ay puno ng kalungkutan at ang kaniyang anyo ay tila mas tumanda habang paalis si Zhao Feng: "Ang batang iyon ay nakakatakot. Naabot na niya ang True Spirit Realm at namumuno sa kaniyang sariling teritoryo sa murang edad. Ang Iron Blood Religion ay siguradong irerekomenda siya sa Sacred True Dragon Gathering sa susunod na kalahating taon."
Ang kaniyang mata ay umikot papunta sa nasunog na si Tian Yunzhi.
Ang mukha ni Tian Yunzhi ay walang kulay at ang kaniyang aura ay napakahina na siya ay walang kamalayan.
"Ano ang sitwasyon?"
Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay tumingin sa mga doktor sa paligid.
"Sa aming tulong, walang nakakamatay na panganib ngunit maraming pinsala ang kasama ng dimensyon ng mental energy."
Seryosong sabi ng isang matandang doktor na may puting buhok.
"Pinsala sa mental energy? Ang aking pamilya ay mayroong mahalagang Spiritual Pills na makaktulong dito."
Sabi ng Head ng panig ng pamilyang Yun.
"Nabigyan na namin siya ng Spiritual Pills, ngunit ang pinsala sa mental energy ay konektado sa kaniyang blade intent. Ang panlabas na tulong ay limitado. Kailangan niyang umasa sa kaniyang sarili."
Ngumiti nang hindi maganda ang doktor na may puting buhok.
Ang mga normal na pinsala sa mental injury ay unti-unting naghihilom gamit ang mga mayamang resources, ngunit kahit ang mga kilalang doktor ay hindi masyadong nakatulong pagdating sa blade intent.
"Ano ang pinagmulan ng eye bloodline ni Zhao Feng? Kaya nitong masira ang blade intent ni Tian Yunzhi. Mapanganib ito."
Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay mababakasan ng pagiging seryoso at pag-aalala.
Si Tian Yunzhi ay isang anak mula sa parehong pamilyang Tian at Yunzhi at minana ang kanilang bloodline. Sa buong Great Country, siya ang pinakamataas. Tanging si 'Prince Jin' lang mula sa mga Imperial ang ma kakayahang talunin siya.
"Anong resulta?"
Tanong ng Head ng panig ng pamilyang Yun.
"Ang pinakamasamang resulta ay ang masira ang kaniyang kamalayan ng mental energy. Hindi ito nalalayo sa kamatayan at mas mataas ang tiyansang mangyari ito. Ang mas mabuting resulta ay ang pagbangon niya mula sa pagkalugmok ngunit ang tiyansang mangyari ito ay mababa."
Sabi ng doktor na may puting buhok matapos ang sandaling katahimikan.
"Wala bang ibang paraan para mailigtas siya?"
"Wala talagang paraan. Kahit na dumating ang isang Sovereign of the Origin Core Realm, hindi siya nito maililigtas. Kung ang mga Kings of the Void God Realm dumating, siguro. Ang mga nasa Void God Realm ay nakahawak na ng lebel ng kaluluwa at kayang makapaglakbay nang malaya sa kalawakan."
Ang doktor na may puting buhok ay umiling.
Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay nainis nang bahagya.
Ang walong pinakamalakas na puwersa ng Canopy Great Canopy ay malamang walang Origin Core Realm Sovereign. Sa mga may mas mataas na antas naman na Void God Realm Kings, siguradong wala nito sa kontinene.
"Family head, ang Six Warlock Divine Tower ay may isang misteryosong matalinong tao roon na dalubhasa sa medisina, mga array, heograpiya… Ang kaniyang kaaalmaan ay tila karagatan at alam ang lahat. Kahit ang isang Sovereign mula sa sampung pangunahing puwersa, ang Heavenly Yuan Clan, ay pumunta para siya ay bisitahin."
Biglang sinabi ng isa sa mga doktor.
"Isang labis na matalining tao mula sa Six Warlock Divine Tower? Ang ibig mo bang sabihin ay… ang guro ni Empress Qin?"
Ang mga mata ng Head ng panig ng pamilyang Yun ay nagningning. Kahit si Empress Qin ay isang disipulo ng taong iyon. Mula rito, makikita na ang kaniyang mga kakayahan.
Gayunman, ang liwanag sa kaniyang mga mata ay naging madilim ulit.
Nabalitaan na niya ang tungkol sa taong ito at ginugugol nila ang karamihan ng kanilang oras sa paglalakbay. Kahit na siya ay nasa Six Warlock Tower, hindi niya makikita ang kahit na sino.
"Mayroon pa ring kaunting pag-asa kahit na anong mangyari. Kapag pinagsama ang pangunahing pamilya ng Tian at Yun, maaarin nating maimbitahan ang taong iyon. Kung makakatulong din si Empress Qin, mas malaki ang pag-asa."
Ang mga mata ng head ng panig ng pamilyang Yun ay mangiyak-ngiyak at ang kaniyang dalawang kamay ay sumarado nang mahigpit.
Ang malapit na mga elder ng panig ng pamilyang Yun ay tahimik. Tanging kaunting bilang ng tao ang nakakaalam na ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay ang lolo ni Tian Yunzhi. Kahit si Tian Yunzhi ay hindi ito alam – matagal nang namayapa ang kaniyang ina at ito ang kaniyang unang beses na pumunta sa panig ng pamilyang Yun.
Sa isang kisapmata, kalahating buwan na ang nagdaan.
Iron Blood Religion Chapter.
Umupo nang nakade kwatro si Zhao Deng at ang Qi of True Spirit sa kaniyang katawan ay tila tuloy tuloy na daloy ng tubig.
Ang Qi of True Spirit ay nasa anyo ng likido dahil mas maiipon ito.
Sa dantian, magkakaroon ng isang lawa at ito ang magiging Source of True Spirit ng mga nasa True Spirit Realm.
Ang iba't ibang mga antas ng True Spirit Realm ay may iba't ibang sukat ng Source of True Spirit.
Kung ang Source ng True Spirit ng mga nasa True Human Rank ay maikukumpara sa isang mangkok ng kumukulong tubig, ang True Mystic Rank naman ay may isang palanggana ng tubig at ang pinakamalakas na True Lord Rank ay may isang tangke ng tubig.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng tatlo ay napakalaki. Lalo na para sa mga True Lord Rank. Sila ay labis na makapangyarihan at bawat kilos nila ay may taglay na hindi matutumbasang lakas.
Sa kasalukuyang lakas ni Zhao Feng, kaya niyang harapin ang bahagyang mas mahinang True Mystic Rank, tulad ng Head ng panig ng pamilyang Yun.
Ang bahagyang mas malakas na True Mystic Rank ay ilang beses na mas makapangyarihan kaysa sa Head ng panig ng pamilyang Yun at walang magagawa si Zhao Feng laban sa kanila.
Para sa mga True Lord Rank naman tulad ng Flooding Lake City o ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion, isang kumpas lang ng kanilang kamay ang maaaring makasira sa True Human Rank.
Sa kabutihang palad, si Zhao Feng ay nasa ilalim ng proteksyon ng Iron Blood Religion at hindi natatakot sa paghihiganti ng Flooding Lake City.
"Ang aking Source of True Spirit ay kakabuo lang at ang sunod na hakbang ay ang mapalakas at mapalawak ito."
Sinuri ni Zhao Feng ang Source of True Spirit sa kaniyang dantian.
Ang kaniyang Source of True Spirit ay may matingkad na azure na kulay at mayroong maliliit na kidlat. Kung hindi ito nakatago, isang nakasisirang aura ang manggagaling sa kaniya, na makakapagparamdam sa iba nang hindi maganda.
Kapg naging True Spirit, hindi na magiging Mortal.
Ang anyo ni Zhao Feng at nakalagpas na sa normal na buhay at ang kaniyang Source of True Spirit ay kayang makipag-ugnayan sa Heaven at Earth Yuan Qi at higupin ito.
Ang Lightning Yuan Qi ay ang pinakaangkop kay Zhao Feng at samakatuwid ay ito ang pinakamadaling mahigop. Ang iba tulad ng Wind, Wood, Fire at iba pang mga elemento ay malabo kahit pinapakiramdaman ito, kaya't paano niya ito mahihigop?
Sunod, kailangan lang si Zhao Feng na mapalakas ang kaniyang Source of True Spirit at makakarating na siya sa Early stages ng True Human Rank.
Ang mga normal na True Human Rank ay karaniwang kailangan ng kalahating taon o dalawa hanggang tatlong taon para makaabot sa Early stages mula sa Beginning stages.
Ang progreso mula sa Early stage patungo sa Late stage ang kailangan ng mabuting kapalaran, talento at pundasyon.
Ang Late stage papunta sa Peak stage ay parehas lang, mayroon din itong malaking pagitan. Si Yun Sha at ang Fan Flying Bandit ay nasa Peak stages nguit mayroong mga pagkakaiba sa kanilang lakas.
Sa lebel na ito, kaya nilang subukang makalagpas sa second Heaven ng True Spirit Realm – ang True Mystic Rank.
Ang True Mystic Rank ay may malaking pagitan at nangangailangan para maipon ang kanilang sariling Seed of Law.
"Mayroon akong Mystic Flower Sacred Liquid mula sa Water Moon Treasury na nakakatulong para maintindihan ang Seed of Laws at mapataas ang pagkakataong maabot ang True Mystic Rank nang 30%."
Naantig si Zhao Feng. Ang Mystic Flower Sacred Liquid ay isang kayamanan na natanggap ni Zhao Feng mula sa ikatlong palapag ng lilang kabaong ng Water Moon Treasury.
Ngayon naisip ang tungkol dito, ang halaga nito ay maikukumpara na sa Water Moon God Peach Fan.
Sinong nakakaalam kung magkanong maaaring maibenta ang Mystic Flower Sacred Liquid na ito kung mailalagaysa Rising Dragon Auction?
Matapos ang isang buwang pagpapatatag, lumabas na si Zhao Feng ng seklusyon at inalam ang sitwasyon ng Chapter.
Kinontrol na ng Thousand Water Chapter ang lugar at may hindi mabilang na mga pamilya at puwersa na pumunta sa kanila.
Si Yun Sha at Chen Mengzhen, ang dalawang tinyente, ay parehong labis na abala.
Si Zhao Feng, ang tunay na Chapter Leader ay nasa seklusyon at hindi pinapansin ang nangyari. Ni hindi niya binati ang mga nasa True Spirit Realm na bumisita sa kaniya.
Chapter Leader, sa wakas ay wala ka na sa seklusyon."
Si Yun Sha, Chen Mengzhen at ang ibang mga upper echelon ay agad na pumunta para iulat ang mga mahalagang usapin.
Ngayong nakontrol na ng Iron Blood Religion ang Thousand Water River, may ilang mga usaping kailangang solusyonan.
"Ang Bald Eagle, ang Captain ng Severed Blood Pirataes ay nagsasabing alam nilang ang Chapter Leader ay kakampi. Gusto ka niyang makita at makakuha ng mataas na posisyon sa Iron Blood Religion."
"Si Lord Yin ng Qiwu Mountain ay nakaabot na sa True Msytic Rank at sinasabing may mga problema sa Flooding Lake City Lord. Nabalitaan niya ang tungkol sa Chapter Leader at gusto kang imbitahan na uminom kasama niya. Mayroon din siyang anak na babae na napakaganda at siguradong gustong…"
"Mayroong isang Daoist na nagsasabing pinabanal ang buhay ng Canopy Emperor at sinasabing ang Chapter Leader ay may hangin ng True Dragon at gusto kayong suportahan sa pagkontrol sa mundo."
Sa sandaling ito, ang bawat klase ng problema ay nakarating sa tainga ni Zhao Feng.
Hindi maiwasang hawakan ni Zhao Feng ang kaniyang sintido at nagsalubong ang kaniyang mga kilay: "Kung walang problemang tungkol sa buhay at kamatayan, pakitanggihan ang lahat para sa akin."
Ibinigay niya ang lahat ng nakakaabalang problema kya Lieutenant Yun Sha at sa mga Elder.
Nang kumalma na si Zhao Feng, sinabi niya kay Die Ye: "Mayroon akong liham na kailangangmaipadala kay Tiegan Master. Kailangan ko ng tulong sa paghuwad."
"Tiegan Elder? Siya ang napakakilalang blacksmith sa buong Graet Country at isang Glorious Leader sa Religion. Ipapadala ko na ang liham, ngunit hindi ko masisiguradong pupunta siya," bahagyang seryosong sabi ni Die Ye.
"Ang aking ugnayan kay Tiegan Master ay hindi naman masama."
Bahagyang ngumiti si Zhao Feng. Ang dahilan kung bakit gusto niyang imbitahan si Tiegan Master ay para gumawa ng malaking sandata o gamitin ang Five Elemental Piercing Crystal para mapataas ang kapangyarihan ng Luohou Bow.
Bukod pa rito, ang Water Moon God Peach Fan ay may pitong maliit na lugar na maaaring gamitin para iklagay ang mga sandata.
Pagkatapos ayusi ito, bumalik si Zhao Feng sa seklusyon at nagsimulang pagsamahin ang Mystic Flower Treasured Bible. Ito ay isang mahabang proseso.
Flooding Lake City, City Lord's Palace.
"City Lord, ang ulat ay tama. Naging Chapter Leader na si Zhao Feng ng Iron Blood Religion at isinantabi ang lugar ng Thousand Water River at tinalo pa ang nangungunang henyo ng pangunahing pamilya ng Tian na si 'Tian Yunzhi'."
Isang itim na anino ang naiulat na nawala.
Ang Flooding Lake City Lord ay tumayo na nasa likod ang kaniyang mga kamay na may malalim na ekspresyon sa kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay tila naglalaman ng langit at may mahinang pilak na pulang liwanag.
Matapos ang ilang saglit, umikot siya at nagsalita: "Qin'er, ano sa tingin mo?"
Shua!
Isang anyo sa nyebe ang lumabas na tila isang diyosa mula sa isang pinta.
"Napagdesisyunan ko nang pasukin ang Sacred True Dragon Gathering…"
Kinagat ni Lin Qinxin ang kaniyang labi habang ang kaniyang mga mata ay gumalaw.
"Hehe, gamit ang iyong bloodline at natatagong tunay na lakas, wala sa nakababatang henerasyon ng Great Country ang papantay sa iyo. Oras na para lumabas ka sa Great Country at pasukin ang tunay na hakbang ng Northern Continent."
Sinabi ng Flooding Lake City Lord nang nakangiti.
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO