Ang ika-apatnapu't walong araw.
Ang Floating Crest Trial ng henerayon ngayon ay opisyal nang nagtapos at niyanig ng pangalan ni Zhao FEng ang buong Clan. Siguro nga'y hindi siya isang Core disciple, ngunit tiyak na siya ay isa sa mga pinakakilala.
Sa iisang oras, ang mga usap-usapan tungkol sa kaniyang 'kahambugan', 'katalasan' at ang pagiging 'makasarili' ay kumalat. Mayroong mga usap-usapan tungkol sa ilang mga Core disciples na naloko niya. Subalit, hindi lang dito nagtatapos.
Sa ikalawang araw.
Inanunsyo ni First Elder na kukuhanin niya si Zhao Feng bilang isang core disciple niya. Ang balitang ito ay muling niyanig ang buong Cln, lalo na ang mga nasa mataas na level.
Walang dudang si First Elder ang may pinakamaraming nalalaman at ang pinakamapangyarihang Elder. Sa pagtaas niya kay Zhao Feng bilang kaniyang opisyal na disciple, nagdulot ito upang ang ikalawang nabanggit na isa sa mga disciples ay hindi maalipusta.
Ang ikalawang araw matapos ang trial.
Nagpunta si Zhao Feng sa Clan Mission Division at binalik niya ang mga primal crystal stones na utang at bumili siya ng tatlong 'Luohou arrows'.
Nang makita ng matandang lalaking si Zhang si Zhao Feng, ang unang nabanggit ay hindi mapigilan kundi bumuntong hininga. Ang dalawa ay nagpustahan kung makakasali ba si Zhao Feng sa Trial o hindi.
Hindi lang nagawang makapasok ni Zhao Feng, siya rin ang nanguna at natalo niya ang ten-thousand year record. Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaniyang sarili kundi manabik pagtapos niyang bilhin ang mga Luohou arrows. Ang mga arrows ay may mataas na kalidad at sila ay maikukumpara sa isang Middle grade Mortal weapon.
Mapapakawalan lamang ang buong kapangyarihan nito gamit ang Luohuo Bow.
Beng sou--
Bahagyang hinatak ni Zhao Feng ang tali at isang kulay malalim na berdeng palaso ang tumuhog sa hangin sa sobrang bilis hindi ito makikita ng mata lamang.
"Hmm? Kailan pa nagkaroon ang Luohou Bow ng ganito kalakas na ice attributes?" Bahagyang nahilo ang matandang lalaking si Zhang.
Biglang nagkaroon ng tiyak na malaking bilang ng kalamigan ang pana.
Qiu!
Kusang bumalik ang Luohou arrow.
Tumango si Zhao Feng sa pagkakuntento at inabot niya ang Luohou Bow kay Vice Head Zhang.
Mayroong isang asul na lotus sa Luohou Bow. Inabot ito ng matandang lalaking si Zhang at hinawakan ang pana. Malamig ito at ang mga materyales kung saang gawa ang pana ay sumailalim din sa pagbabago.
"Hindi nakapagtataka na ikaw ang first place sa Floating Crest Trial. Ang kapangyarihan ng Luohou Bow ngayon ay hindi mas mahina ay kaysa sa isang High grade Mortal weapon. Ang ice attribute ay mas mahalaga pa kaysa sa ilang High grade mortal weaponts." Sabi ni Vice Head Zhang.
Bahagyang nagsisisi si Zhao Feng. Ang ice arrows sa trial ay nagamit na lahat. Mayroon silang epekto ng ice sealing kapag ginamit kasama ng Luohou Bow.
Siyempre, kung ang pag-uusapan ay purong kapangyarihan, ang Luohou Bow ay mas malakas kapag kasama ang Luohou arrows. Tinantsa ni Zhao Feng na kung tirahin niya ang Luohou Bow gamit ang lahat ng kaniyang lakas, magdudulot ito ng kritikal na banta sa mga nasa 5th Sky ng Ascended Realm.
"Nagkakahalaga ito ng dalawang beses ng True Force kapag gagamitin parehas ang Luohou Bow at ang Luohou ng magkasama."
Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng. Ang lahat ng bagay ay may sari-sariling kahinaan at forte.
Pagtapos nito.
Tinanong ni Zhao Feng ang matandang lalaking si Zhang tungkol sa kung paano niya aayusin ang kaniyang Yin Shadow Cloak. Ang Yin Shadow Cloak ang pinakamahagang gamit ni Zhao Feng. Ang halaga nito ay sampung beses ng isang Spiritual weapon.
Ang mga Spiritual weapons ay mayroong kinakailangan na cultivation at kahit ang mga nasa Ascended Realm ay hindi ito kayang kontrolin. Subalit, ang mga Inheritance grade treasures ay maaaring lumago kasabay ng gumagamit. Gaano ito kabihira?
Inipon ni Zhao Feng halos lahat ng mga materyales na kakailanganin upang maayos ang Yin Shadow Cloak ngunit mayroon pang ilang mga bagay na kinakailangan niya.
Bukod dito, mayroon pang isang mahalagang kondisyon.
"Ibig sabihin ang blacksmith ay kailangan munang maging isang Grandmaster at nasa True Spirit Realm?" Tanong ng matandang lalaking si Zhang.
"Tama iyan!" Tumango si Zhao Feng.
"Mahirap 'yan. Sa loob ng thirteen clans, walang kahit isang Grandmaster Blacksmith." Mapait na ngumiti ang matandang lalaking si Zhang.
Wala?
Lubhang nagulat si Zhao Feng - ang thirteen countries ay walang kahti isang Grandmaster Blacksmith?
"Kung talagang kailangan mo ng isa, mayroong Grandmaster Blacksmith na tinatawag na 'Yan Ye' sa Metal Dragon Country. Subalit, sa hilagang kontinente, ang isang Grandmaster Blacksmith ay mayroong mataas na katayuan. Kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi siya kayang bayaran, kaya paano pa ang Broken Moon Clan." Umiling ang matandang lalaking si Zhang.
Mukhang hindi lang ito isang basta-bastang problema. Kinagat ni Zhao Feng ang kaniyang dila. Hindi niya naisip na lubhang bihira ang mga Grandmaster Blacksmiths at mayroon silang ganito kataas na estado.
Ibig sabihin ni Vice Head Zhang na kahit gamitin pa ng isang tao ang titulo ng 'Broken Moon Clan' upang subukang kuhanin siya, ang nabanggit ay walang pakialam tungkol dito.
Ang thirteen Cloud countries ay nasa pagitan ng Sky Rich at Metal Dragon countries. Ang dalawang ito ay ang pinakamakapangyarihang umiiral ngayon at ang mga dibisyon sa likuran nila ay mayroong labis na kapangyarihan.
The two were engaged in a continuous war and the fight would be settled by the powers backing the two countries.
Ang dalawa ay sangkot sa tuloy-tuloy na digmaan at ang laban ay malulutas ng mga kapangyarihang sumusuporta sa dalawang mga bansa.
Sa oras na manalo ang isa sa kanila, madali nilang mawawalis ang thirteen countries.
"Si Grandmaster Yan Ye ay nagmumula sa kapangyarihang sumusporta sa Metal Dragon Country at mayroon siyang mga koneksyon sa Heavenly Yuan Sect, isa sa sampung mga pinakamakapangyarihan sa kontinente. Ang nabanggit ay isa sa mga peak factions na kayang magdesisyon ng mga buhay ng maraming mas maliliit na clans gamit lamang ang kanilang pag-iisip."
Taimtim ang ekspresyon ng matandang lalaking si Zhang. Halatang sinusubukan niyang balaan si Zhao Feng.
Bansa, dibisyon, sampung malalakas na kapangyarihan…
Pinigil ni Zhao Feng ang kagalakan sa kaniyang puso. Tila ba ang mundo ay labis na mas malaki pa kaysa sa naiisip niya. Sa Green Flower Continent, ang sampung makakapangyarihan na ito ay mayroong abilidad upang piliin kung sino ang bubuhayin at sino ang hindi. Kahit ang Scarlet Moon Demonic Religion ay natalo ng sampung pinakamakakapangyarihan na ito.
"Kumalma ka, guro. Wala pa tayo sa puntong iyon. Naniniwala ang disciples na ito na hangga't mayroong sapat na kita, kahit isang Grandmaster Blacksmith ay tatalikod sa kaniyang dignidad." Lubhang malakas ang loob ni Zhao Feng.
Pagtapos magpaalam sa matandang lalaking si Zhang, nagpunta si Zhao Feng sa matandang lalaking si Guan upang makita siya. Ang dalawang ito ay inalagaan siya at ito ay isang bagay na hindi makakalimutan ni Zhao Feng. Pagtapos niyang umalis sa trial, si Zhao Feng ay nagbigay ng mga kagamitan sa dalawang guro.
Sa wakas.
Nagpunta si Zhao Feng upang makita ang mga outer disciples at walang naglakas-loob na huminga ng malakas nang makita nila si Zhao Feng.
Masiyado lang talagang matunog ang pangalan ni Zhao Feng ngayon. Kahit ang mga Core discples ay nadurog sa ilalim ng kaniyang mga paa.
Nagpunta rito si Zhao Feng upang makita sina Yang Qingshan at si Nan Gongfan.
"Brother Zhao, hindi ako makapaniwalang nakaabot ka na sa ganito kataas na katayuan. Una sa trial at sunod ay maging isang disciple ng First Elder."
Sa pagkakita kay Zhao Feng, sina Yang Qingshan at Nan Gongfan ay parehas nagalak. Halatang narinig nila ang tungkol sa mga ginawa ni Zhao Feng.
Ang nabanggit ay ngumiti at nagtanong: "Kumusta kayong dalawa? May nang-aalipusta ba sainyo?"
"Wala! Maglalakas-loob ba sila?"
"Kahit ang mga inner disciples ay takot sa pangalan mo. Sino ang maglalakas-loob mang-alipusta sa amin?"
Naintindihan ni Zhao Feng na ang dalawa ay mayroong magandang buhay bilang outer disciples at parehas silang nakaabot sa top twenty ng outer disciples, at si Yang Qingshan ay malapit ng makatungtong sa Ascended Realm.
Bago siya umalis.
Binigyan ni Zhao Feng ng dalawa ng bungkos ng Spiritual pills na madaling makakapagpaabot sa kanila sa Ascended Realm.
Sa loob ng isang araw o dalawang araw na nakalipas.
Inasikaso ni Zhao Feng ang lahat ng mga magugulong bagay. Halos lahat ng mga pabuyang bigay ng Clan ay naipagpalit na. Mayroong maraming klase ng pabuya.
Una, ang pamimigay ng primal crystal stones.
Si Zhao Feng ay mayroong 8000 low grade primal crystal stones, na katumbas ng 800,000 substandard primal crystal stones.
Kahit na malaking bilang ito, wala pa rin ito kumpara sa Spiritual weapons at Spiritual tier skills.
Ikalawa, ang pagpapabuya ng resources. Si Zhao Feng ay may abilidad na kumuha ng mga resources kasingdami ng kayang kuhanin ng isang Vice Head.
Ang buwanang pera na nakuha niya ay mas malaki pa kaysa sa gastos sa ilang taong pag-iipon ng normal disciples.
Ikatlo, ang karapatang makapasok sa Hollow Building kung kailan niya gusto at suriin ang kahit anong Peak tier Mortal skill.
Ikaapat…
Mayroong kabuuan ng sampung pabuya at isa sa kanila ay ang pagbibigay kay Zhao Feng ng sarili niyang gusali. Ang nabanggit ay hindi makapagsalita - ngayon ay hindi oras upang maging high-key at kumalma.
Nanatili siya sa kaniyang kuwarto.
Sa ilang sandali.
Si Zhao Feng ay lubhang low-key at wala siyang kinikitang kahit sino.
Sa kalaliman ng kaniyang isip.
Ang tatlong palapag na gusaling nagrerepresenta ng Lightning Inheritance ay lumitaw na. Sinubukan ni Zhao Feng maintindihan ang unang palapag ng Lightning Inheritance, kahit na katiting lamang. Sa ganito kakapangyarihang inheritance , wala na siyang kailangan pa.
Una. Kailangan niyang gawing perpekto ang Lightning Wind Palm at ito ang magiging skill na pagsisimulan niya.
Sa loob ng ilang mga araw, ang tanawin ng kidlat ay lumilitaw sa isip ni Zhao Feng. Mula sa isang kidlat hanggang sa isang kumukulog na bagyo.
Ang Lightning Inheritance ay may 'kidlat' dito, at gamit ang comprehension abilities ni Zhao Feng, naiintindihan lamang niya ang mga dulo nito.
Suwerte na siya na ang kaniyang kasalukuyang layunin ay gawing perpekto ang Lightning Wind Palm at gamitin ang nabanggit bilang landas upang maintindihan ang 'Lightning Inheritance'.
Makalipas ang ilang mga araw.
Ang Lightning Wind Palm ni Zhao Feng ay nakaabot na sa peak fourth level. Fourth level pa lang ito, ngunit ang kapangyarihan nito ay doble na sa lakas nito nakaraan!
"Ang Lightning Inheritance nga talaga ang pinakamagandang inheritance ng Floating Crest Palace. Matapos ang mga pagbabagong ginawa ko sa Lightning Wind Palm, ang panganib kasama nito ay nabawasan samantalang ang kapangyarihan nito ay lumakas pa. Mas maganda pa ito kaysa sa ilang mga High tier Mortal skills."
Lubhang nagalak si Zhao Feng. Gamit ang kaniyang 'Lightning Inheritance', kahit anong skill na nasa ilalim ng Spiritual tier ay walang kuwenta sa kaniya. Ang pinakamagandang dulot nito ay, magagamit ito bilang suporta.
Sa loob ng sampung araw.
Nagawa ng maintindihan ni Zhao Feng ang kaunti ng Lightning at nagawa niyang isanib ito sa kaniyang movement skill.
Matapos itong pagsamahin, ang explosive speed ni Zhao Feng ay naging kasing bilis ng kidlat at punong-puno siya ng kaliksihan nang gamitin niya ang kaniyang Illusion Fish Picture.
"Maaari nang ituring na perpekto ang paggalaw ko." Lubhang natutuwa si Zhao Feng.
Pagtapos nito, pinagsanib ni Zhao Feng pati ang Lightning sa kaniyang Heavenly Wind True Force, nag nagdulot upang magkaroon ng kislap ng mga kidlat ang true force, nagpapataas ng speed at damage nito. Gamit ang Lightning bilang pundasyon, ang mga skills ni Zhao Feng ay lahat lumago.
Sunod.
Nagpunta sa taimtim na cultivation si Zhao Feng. Naabot niya na ang peak 3rd Sky sa trial at maituturing na siyang isang middle-high sa mga inner disciples. Subalit, alam ni Zhao Feng na walang kuwenta ito sa Three Clan Party.
May kontrol na si Zhao Feng sa malaking bilang ng resources, pills at primal crystal stones… Walang kahit anong bagay na wala siya!
Makalipas ang limang araw.
Nakatungtong na si Zhao Feng sa 4th Sky ng Ascended Realm at ang aura ay nagdulot upang manliit ang mga malapit na enerhiya.
Sila Lin Fan, Yun MEngxiang, at ang iba pa na kalapit ay lahat natulala.
"Si Brother Zhao ay tunay na mas mabilis ng isang hakbang kaysa sa akin"
Si Lin Fan, na sinusubukan ding makaabot sa 4th Sky, ay hindi mapigilang ngumiti at umiling.
Ang 4th Sky ay may higit na ipinagkaiba sa 3rd. Nararamdaman ni Zhao Feng ang enerhiyang nasa paligid niya na siyang nagpapalakas sa kanya. Kahit hindi niya naman ito direktang nahihigop, kaya niya pa rin itong gamitin sa pamamagitan ng cultivating.
Kapag naabot ng isang tao ang ganitong antas, ang tawag rito ay 'Xiantian'.
"Kapag ang mga martial artists ay nakaabot ng Ascended Realm, mas naghahanap sila ng mga pagbabago at ng Dao."
Unti-unti nang nauunawaan ni Zhao Feng.
Ang pagiging martial artist ay isa lamang sa mga titulo ng pagiging cultivator. Mayroon ring mga tinatawag na Blood Corpse Protector, na siyang pinag-isa ang kanyang sarili sa mga bangkay. Ito ang tinatawag na Corpse Dao.
Ang nakatalukbong na anyo sa Cloud Forest, na siyang kumokontrol ng isang hukbo ng mga halimaw para atakihin ang Guanjun Province City, ay isa misteryoso rin ang pinagmulan. Sa mundong ito, iba't iba ang cultivation techniques at skills.
Ang pagiging martial artist ay isa sa pinakanormal at pinakamadali na maging, pero sa parehong pagkakataon, sila rin ang pinakamarami.
Matapos maabot ang 4th Sky ng Ascended Realm, muling nagcultivate si Zhao Feng sa loob ng dalawa pang araw para ayusin ang kanyang realm at i-organisa ang kanyang mga kakayahan sa kanyang kaliwang mata. Kasama na rito ang Peak Tier Mortal Skills pati na rin ang mga Spiritual Tier Skills!
Nakatingin lamang si Zhao Feng sa kanila upang makalipon pa ng kaalaman. Ang kanyang core skill study ay ang Lightning Houses pa rin. Naglalaman ito ng lahat – opensa, depensa, paggalaw at mga sikretong techniques. Kung kaya, hindi na kailangan pa ni Zhao Feng na magsanay ng iba pang skills.
Matapos ang dalawang araw.
Hu~
Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng at saka umalis sa gusali. Sa pagkakataong iyon, may naramdaman siyang enerhiya sa malapit.
"Si Lin Fay ay umangat na rin?"
Napatingin si Zhao Feng sa isang direksyon. Matapos niyang marating ang 4th Sky ng Ascended Realm, ang kanyang pandama ay higit na naging matalas.
Nang umangat na ang antas ni Lin Fan, maraming mga inner disciples ang nagtungo sa kanya para batiin siya. Kasama na rito si Prinsesa Yun Mengxiang, Xu Ren, Xiao Sun at ang iba pa. Kapag nakaabot na ang isang inner disciple ng 4th Sky, magkakaroon na sila ng pagkakataon para maging isang Core disciple.
Matagal nang nasa Clan si Lin Fan kung kaya marami na rin siyang kaibigan na pumunta para ipagdiwang ang naganap. Tumawa si Zhao Feng at saka naglakad patungo sa gusali ni Lin Fan.
Sa loob ng balkonahe.
"Binabati kita Kapatid na Lin sa iyong pag-angat sa 4th Sky. Mukhang hindi na talaga malayo na maging isang Core disciple ka."
"Kapatid na Lin, isa ka nga talagang dragon na naninirahan kasama ng mga tao. Kapag nakalipad ka na, huwag mo kaming kalilimutan ah."
May kabuuang sampung inner disciples ang magalang at masayang nagsabi.
Mula sa karamihan, si Yun Mengxiang, Xiao Sun at Xu Ren ang may kakaibang mga ekspresyon sa mukha.
Hindi binigyang tingin nila Yun Mengxiang at Xiao Sun si Lin Fan sapagkat katamtaman lang naman ang talento nito. Ngunit, pagkatapos ng trial na ito, mula sa pagiging isang payak na isda ay naging dragon ito at yumapak sa nakatataas na uri ng mga disipulo.
Nakakaaawa na si Lin Fan sa dami ng mga taong pumapalibot sa kanya. Kaaabot lamang niya ng 4th Sky at kailangan niyang pang ayusin ang kanyang cultivation, preo ang mga taong ito ay agad na nagkumpulan at binati siya.
"Noong maging 4th Sky na si Zhao Feng, bakit hindi niyo siya binati?" Malamig ang tawa ni Lin Fan sa kanyang puso.
Naabot ni Zhao Feng ang 4th Sky dalawang araw na ang nakararaan, pero wala man lang sumubok na guluhin siya. Kahit ang Head Disciple na si Yang Gan ay sumaglit lamang at umalis kaagad.
Ngayon.
Si Zhao Feng ay isang nilalang na nagdadala ng kalamidad saan man siya magpunta. Nakakaloko na nga ang kanyang pagsanay sa Lightning Wind Palm at nagawa niya ring linlangin ang mga Core disciples.
Ipinahiya niya ang mga Core disciples sa Central Division sa harap ng Regulation Elder. Ngunit, kahit sino ay walang magawa sa kanya.
Sa mga core disciples, andyan si Yang Gan sa likod niya para tulungan siya. Sa buong Clan, si First Elder pa ang kanyang Master.
Habang iniisip si Zhao Feng, halo-halo ang nararamdaman ni Lin Fan, may pasasalamat, may paggalang at higit sa lahat, kuryosidad.
"Kapatid na Lin." Isang pamilyar na boses ang maririnig mula sa balkonahe.
Isa na namang tao ang dumating para batiin si Lin Fan. Sa una, marami ang walang pakialam pero nang makita nila ang anyo, humigpit ang kanilang mga puso.
Isa itong kabataan na may takip ang kabilang mata at may asul na buhok na siyang nagdala ng pagkagulat sa lahat ng naroroon pagkapasok niya.
Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nila Yun Mengxiang at Xiao Sun.
"Kapatid na Zhao!" Agad na lumapit si Lin Fan para batiin ang bagong dating nang may tuwa.
"Zhao Feng!"
Biglang napuno ng tensyon ang paligid nang mag-iba ang eskpresyon ng lahat. Agad na naging maingat ang mga inner disciples na ito at binati si Zhao Feng nang may ngiti sa kanilang labi.
"En."
Tumango si Zhao Feng at saka binati rin ang iilang mga pamilyar na tao sa kanya.
Ikinagulat ito ng lahat ng mga iba pang disipulo na naroroon: "Mukha mang nakasisindak si Zhao Feng, pero ang kanyang pag-uugali ay hindi naman kasing sama gaya ng nasa mga usap-usapan."
Nakaramdam agad sila ng luho nang tumango si Zhao Feng sa kanila pabalik. Sa mga usap-usapan, isa siyang brutal at salbaheng tao na pinatilapon ang karamihan sa mga Core disciples dahil gusto niya lang.
"Napakahusay ng ating Kapatid na Zhao sa trial. Kahit sinong gusto niyang tanggalin sa kanyang paningin ay maaaring mawala."
"Walang kahit sino ang makakalaban kay Zhao Feng sa Floating Crest Trial."
Nagsimulang purihin ng mga inner disciples si Zhao Feng at marami ang nagparamdam na handa silang maging tagapagsunod nito.
Kung tatanungin lang kung sino ang hindi dapat ginagalit o iniinis, si Zhao Feng iyon. Kung may magiging tagapagsunod si Zhao Feng, hindi ba ibig sabihin noon susundin nila ano man ang gustuhin niyang ipagawa?
Kakaiba ang mukha ni Zhao Feng habang umiiling siya. Wala siyang kahit anong intensyon na kumuha ng mga tagapagsunod.
"Kapatid na Zhao, naabot mo na ang 4th Sky at napalakas mo na rin ang pundasyon ng itong kapangyarihan. Hahamunin mo na ba ang mga Core disciples?" Biglaang pagtatanoong ni Lin Fan.
Hamunin ang mga Core disciples!?
Umigting ang tensyon sa mukha nga mga inner disciples.
Ang mga core disciples ay isang buong tier na mas mataas kaysa sa mga inner disciples, katulad ng agwat ng mga inner disciples sa outer disciples.
"Kung hindi mo iyan tinanong, makakalimutan ko na sana."
Kumamot ng ulo si Zhao Feng. Bigla niyang naalala ang pangako niya sa First Elder na makakaabot siya sa top five ng Core disciples at makakapasok siya sa Three Clan Party.
Kapag nakaabot lamang si Zhao Feng sa top five saka siya mabibigyan ng pagkakataon para maihalal ng First Elder sa Three Clan Party. Ito ang pinakamababang pamantayan para makapasok siya!
Sila ang kakatawan sa buong Broken Moon Clan sa Three Clan Party. Nang marinig na talagang hahamunin ni Zhao Feng ang mga Core disciples, ang mga kasalukuyang naroroon na inner disciples ay natuwa.
Ang ayos at pagkakasunod-sunod ng mga Core disciples ay lubhang nagbabago sa paglipas ng oras.
Lahat-lahat ng ito ay dahil sa Floating Crest Trial. Lahat ng mga sumali rito ay nagkaroon ng higit na mataas na cultivation.
Si Yang Gan, Bei Moi, Quan Chen at Ran Xiaoyuan ang siyang sumira sa buong ranking ng mga Core disciples.
Si Yang Gan ang nasa una, ang Head disciple. Si Bei Moi ang nasa ikalawa ng mga Core disciples. Si Quan Chen at Ran Xiaoyuan naman ang umookupa sa ikalima at ikanim na mga puwesto.
Ikinagulantang ito ng lahat ng mga inner disciples.
Nang marinig ang balitang ito, hindi mapigilan ni Zhao Feng na ikurok ang kanyang dila. Hindi niya agad napagtanto na siya ang paruparo na siyang bumabayo ng hangin.
Kung hindi dahil sa kanya, hindi lahat ay makakapasa sa ikalawang pagsubok. Kung hindi rin dahil sa kanya, ang Sky Boundary Island ay hindi magiging isang isla ng yelo…
"Tama iyan, ang patimpalak na ito ay hindi pa naging ganito katindi sa mga inner disciples." Bumuntong hininga si Lin Fan.
Hanggang sa ngayon, ang mga disipulo na sumali sa trial ay dapat makakuha na ng kanilang rankings at dapat mapagdesisyunan na rin kung sino ang mga core disciples. Ngunit, marami ang nakapagtanto na ang ranking ng mga core disciples ay matagal nang tapos.
Ito ay dahil sa ang isang nakasisindak na anyo ay hindi pa kumikilos. At ang taong ito ay si Zhao Feng!
Ang nasa unang puwesto ng trial, ang kauna-unahang tao na sumira ng sampung libong taon na kasaysayan. Hindi pa siya gumagawa ng kanyang kilos. Pero ngayon, nakatayo siya sa kanilang harap at handa na siyang hamunin ang mga Core disciples.
Bakit naman hindi sila magiging masaya? Magbabago kaya ang rankings?
Pero may iilan na hindi naniniwala. Para sa kanila, tsamba lamang at swerte kung bakit nanguna si Zhao Feng sa trial. Dagdag pa, hindi nakatanggap ng kahit anong pamana si Zhao Feng, kung kaya wala siyang kahit anong kapangyarihan o karanasan kumpara sa mga mas matatandang core disciples.
"Kapatid na Zhao!"
Mula sa labas, isang boses na dominante ang nangibabaw. Kasama ng tunog ay isang napakalakas na aura.
Ang mga inner disciples na nasa loob ay hindi halos makahinga.
Pagkatapos makita kung sino ang dumating, nagulantang sila: "Yang Gan!"
Bilang Head Disciple, walang duda na si Yang Gan ang pinuno ng henerasyon ng mga kabataan.
Hindi na kaya ng mga inner disciples ang nararamdaman nilang pagkahanga, si Yang Gan ay naririto rin kasama nila, isang Head Disciple at disipulo ng First Elder.
Ngunit, walang kahit sino ang nag-isip na pupunta rito si Yang Gan para makita sila kaya batiin si Lin Fan. Ito ay dahil sa wala silang kakayahan o kaya karapatan na ipagawa ito sa kanya.
"Kapatid na Yang." Lumabas si Zhao Feng sa balkonahe.
"Kapatid na Zhao, pinapasabi ni Master na sabihin ko na raw sa'yo na pumasok ka nasa top five core disciples sa madaling panahon." Agad na sinabi ni Yang Gan kay Zhao Feng ang rason kung bakit siya pumunta.
Sa mga normal na sitwasyon, hindi talaga kinakausap o pinupuntahan ni Yang Gan si Zhao Feng. Kahit pa pareho silang disipulo ng First Elder, ang kanilang relasyon ay nasa pagitan ng maganda at hindi.
Ang gusto ni Yang Gan ay perpeksyon at kahit pa ayaw niya kay Zhao Feng, poprotektahan niya pa rin ito dahil parehas sila ng Master. Pero, ang nakababata na ito ay muling nilagpasan na naman ang mga inaasahan niya mula rito.
Lalo na sa Floating Crest Trial, nanguna si Zhao Feng kung kaya naging hindi siya kumportable rito at bahagyang nainggit.
"Inaasahan ko na sabihin sana ng aking Kapatid na si Yang kay Master na naabot ko na ang top five core disciples at hindi niya kailangang mag-alala." Ngumiti si Zhao Feng pagkasabi nito.
Nauunawaan niya namang naghahanda ang kanyang Master na ihalal siya para sa Three Clan Party pero muntikan niya na itong makalimutan.
Nang marinig ito, napataas ang kilay ni Yang Gan: Saan naman nanggagaling ang kumpiyansa ni Zhao Feng? Hindi pa nga siya nagsisimulang kumilos at gusto niya nang ipasabi na napagtagumpayan niya na ito.
Hindi ba nangangahulugan na nagsisinungaling siya sa Master?
Hindi pwede! Sasabihin ko sa Master na dapat ayusin ang aroganteng pag-uugali ni Zhao Feng.
"Sige lang, ito talaga ang eksaktong sasabihin ko sa kanya." Tumawa si Yang Gan at saka lumiko at nagtungo sa kaliwa.
Ito ang gusto niyang gawin at ginawa niya nga talaga.
"T*** i**, hindi man lang ako bibigyan ng mukha ni Yang Gan. Hindi, kailangan kong makapasok sa top five bago sila magkita ng Master." Humigpit ang ekpresyon ni Zhao Feng.
Shua!
Isang tunog ng kidlat ang naging labing-imahe ni Zhao Feng nang bigla siyang maglaho.
Anong klase ng movement skill ito?
Lahat ng naroroon ay malamig ang naging hininga.
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO