Ang sampung elite disciples ay nakatayo sa isang tuwid na linya sa hagdan at ang Clan Master at ang 4 na Elders ay mayroong mas mahina na auras. Pagtapos magpahinga ng saglit, ang kanilang mga tingin ay lumapag sa 10 disciples na puno ng kagalakan at pag-asa.
Ang Broken Moon Clan Master ay ngumiti at tumango kay Ran Xiaoyuan bilang pampalakas ng loob. Kalmado ang 1st Elder nang siya ay tumingin kay Yang Gan at Zhao Feng halatang umaasa. Sila Elder Xue, Hai Yun Master at Granny Liuyue ay mayroong kani-kanilang disciples na sasali at pakiramdam ni Zhao feng ang Floating Crest Trial ay talagang laban sa pagitan ng mga Elders ng Clan.
Sa grupo, ang mga mata ni Quan Chen ay nagbigay ng malamig na liwanag habang nakatingin siya kay Zhao Feng. Simula ng naging disciple si Zhao Feng ng 1st Elder, pinigil ni Quan Chen ang kaniyang galit at naghintay para sa pagkakataong ito - ang Floating Crest Trial.
Ang trial na ito ay puno ng panganib at gantimpala, at mayroong maraming kaso ng mga taong namamatay. Ang pinakaimportanteng bagay ay ang cultivators ng True Spirit Realm ay hindi nakikita ang mga nangyayari sa loob.
Weng~
Ang pasukan ng Floating Crest Palace ay bahagyang yumanig at isang 'berdeng pinto' ang lumitaw mula sa puting ilaw. Pagtapos ng ilang hinga, ang berdeng pinto ay napanatili.
"Ang pasukan ay napanatili na at ito kusa itong magsasara kapag pumasok na ang 10." Pagbabanta ng 1st Elder.
Shua! Shua!
Lahat silang 10 ay ginamit ang kanilang speed skills at naging malabo nang sila ay kumaripas lagpas sa berdeng pinto.
Shua!
Sa segundong nakalagpas si Zhao Feng sa pinto, nakaramdam siya ng pagkamanhid sa buo niyang katawan.
Sa isang iglap.
Lahat sila ay lumapag sa isang itim na gintong daan na may 10 yardang lawak. Sa madilim na lugar na ito, ang paningin ng lahat ay limitado, kahit sila ay nakarating na sa Ascended Realm.
Ngunit mayroong isang natatangi at iyon ay si Zhao Feng!
Ang madilim na ilaw ay hindi masiyadong nakaapekto sa kaniya.
"Bakit hindi tayo makagalaw?"
Naramdaman ng 10 elite disciples na mamanhid ang kanilang mga katawan o tumigas at hindi nila makontrol ang kanilang mga katawan.
Qiu! Qiu Qiu…
Sa madilim na ilaw, ilang masilaw na liwanag ang lumitaw, na naging 10 malinaw na tokens at sumanib sa kanilang katawan ng may 'shua'.
Sa parehong oras, isang boses ang maririnig sa kanilang mga isip: "Ang Floating Crest Trial ay nagsimula na at ang Floating Crest Token, na siyang sumanib sa inyong mga katawan, ay gagamitin upang itala ang inyong mga score."
Nasabihan tungkol dito ang grupo bago sila pumasok sa Palace, kaya hindi na sila nagulat.
"Kung gaano ka katagal manatili, ganoon din kaganda ang resulta. Ang bilang ng trials na naipasa mo at pati ang iyong pagpapakitang gilas sa trials ay makakaapekyo sa inyong final score at ang final score ang magpapasya ng gantimpala." Isang mekanikal na boses ang muling narinig tila ba inaanunsyo nito ang mga alituntunin.
Sa oras na ito naramdaman ni Zhao Feng ang paglaho ng pamamanhid na nagdulot upang makagalaw siyang muli.
"Ang first trial: Abyss of Death - 3 araw na palugit." Sinabi ito ng robotic na boses, at biglang naglaho.
Lahat ay nakatayo sa itim at gintong daan at hindi nila alam kung ano ang gagawin. Ang daanan ay gawa sa isang matigas na materyal, na siyang nagbigay ng malamig na pakiramdam. Gamit ang lakas ng grupo, hindi man lamang nila ito mapinsala.
Sa parehas na gilid ng daanan ay isang malalim na bangin at ang mga umuungol na hangin ay maaaring magbago sa kahit anong oras.
Tinantsa ni Zhao Feng na bukod pa sa 3 Core disciples na maaaring humadlang sa hangin sa ilang sandali, ang lahat ng tao ay mabilis na malalasog-lasog. Ang tanging ligtas na lugar ay ang itim at gintong daanan.
Ang likod ni Zhao Feng ay biglang nanlamig nang maramdaman niya ang pagdating ng panganib sa likuran niya.
Dang! Dang! Dang…..
Mula sa malalim na itim sa likuran nila, isang nakakanginig-kaluluwang tunog ang lumitaw. Sa parehong oras, isang katakot-takot na aura ang kumalat.
Ano ito?
Lahat, kabilang na ang 3 Core disciples, ay lumingon ngunit ang nakikita lang nila ay isang malabong anyo.
Diyos ko...
Lumingon si Zhao Feng at siya ay biglang nagulat sa kaniyang nakita.
"Takbo!"
Mabilis na sinabi ni Zhao Feng kay Lin Fan bago kumaripas ng takbo at ang ikalawang nabanggit ay sumunod kay Zhao Feng ng walang pagaalinlangan.
Si Quan Chen at ang iba pa ay naguluhan, ngunit ang mga tila metal na hakbang sa likod nila ay naging palapit ng palapit. Ang aura mula dito ay nagdulot ng kaba sa kanila, naging dahilan upang mamuo ang kanilang dugo.
Sa 10, mayroong ilan na sinundan si Zhao Feng ayon sa kanilang pakiramdam at tumakbo sa unahan.
Dang! Dang…
Sa kadiliman, isang black metal monster na 3 yarda ang laki ang lumitaw at isang pares ng berdeng mata ang bumukas. Mayroon ding isang pares ng maitim na berdeng pakpak sa likod ng black metal monster na 10 yarda ang lawak.
"Ano ang bagay na iyon?"
Ang puso ng bawat isa ay nanginig.
"Tumakbo kayong lahat! Ang aura ng halimaw na iyon ay nasa True Spirit Realm." Sigaw ni Yang Gan.
Kahit ang isang taong kasing lakas niya, na nakarating na sa 5th Sky ng Ascended Realm, ay walang magawa laban sa isang nasa True Spirit Realm.
Ang resulta ng kahit sinong katapat ng black metal monster ay magiging biglaang kamatayan.
Walang makatatanggi rito at ang paningin ni Zhao Feng ang pinakamabisa sa lahat. Pagtapos niyang makita ang black metal monster, mabilis siyang tumakbo ng walang pagaalinlangan.
Takbo sa harap.
Wala ng iba pang daan.
Sa likod nila nandoon ang black metal monster at sa parehas na gilid ay ang bangin.
Sou-- Sou-- Sou--
Ang 3 Core disciples ay ang mayroong pinkamabilis na speed at sa isang kurap ng mata, ay nalagpasan na nila si Zhao Feng.
Nagbago ang ekspresyon ni Lin Fan, ngunit wala siyang magagawa.
Sa 10 sumali, ang 3 Core disciples ang pinakamalakas.
Deng! Deng! Deng…
Ang mga hakbang ng black metal monster ay mukhang mabagal, ngunit hindi ang bilis nito. Kaya nitong makalagpas ng 10 metro sa bawat hakbang.
Ang malalim na tunog ng hakbang at ng aura ng True Spirit Realm ay nagdulot upang lumukso ang puso ng bawat it at mapuno ito ng takot.
"Mamamatay agad tayong lahat kapag tayo ay nahuli ng black metal monster na ito." Naisip ni Quan Chen sa takot.
Sa ganito kadesperadong sitwasyon, paano niya pa iisipin si Zhao Feng?
Pighati! Kamatayan
Lahat sila ay nagsimulang kumaripas sa kanilang pinakamabilis na speed.
"Brother Zhao, bakit hindi ka tumakbo ng mas mabilis?"
Tumakbo si Lin Fan katabi ni Zhao Feng, ngunit nakita niya na ang bilis ng ikalawang nabanggit ay nanatili.
Ang matalim na mga mata ni Zhao Feng ay tumingin sa likod at sinabi niya sa mababang tono: "Hindi mo ba narinig na ang 1st round ay magtatagal ng 3 araw?"
Huminto muna si Lin Fan, sunod ay luhang nagbago ang kaniyang ekspresyon nang siya ay malamig na huminga.
"Kaya mo bang panatilihin ang pinakamabilis na speed mo ng 3 araw?" Kalmadong tinanong ni Zhao Feng.
"Imposible. Kaya ko lang panatilihin ang pinakamabilis kong speed sa loob ng 2 oras." Umiling si Lin Fan.
Kung bibilisan pa niya hanggang sa pinakahangganan ng speed niya, mas mabilis pa siya kaysa sa mga kabayo. Ngunit kokonsumo siya ng masiyadong maraming enerhiya at ang 1st trial ay magtatagal ng 3 araw.
"Ang trial ay hindi magpapadala ng isang buong halimaw na nasa True Spirit Realm upang patayin tayo o kung hindi, sa tingin mo ba ay may pag-asa pa tayong mabuhay?" Nagpatuloy sa pagtatanong si Zhao Feng.
"Hindi maaari." Sambit ni Lin Fan ng walang paga-alinlangan.
Kaharap ang isang nilalang na nasa True Spirit Realm, talagang hindi sila makakapalag. Kahit silang 10 ay magsama-sama, mamamatay pa rin sila sa isang tira lang.
"Ang bilis ng black metal monster sa likod natin ay nasa 2nd Sky lamang ng Ascended Realm. Ang kailangan lamang nating gawin ay panatilihin ang bilis na ito at hindi mahuli sa loob ng 3 araw. Kung ganoon, makakapasa tayo sa 1st trial." Binigay ni Zhao Feng ang kaniyang kasagutan.
Ang kaniyang paningin ang pinakamalakas sa lahat at alam niya ang bilis ng black metal monster.
Lahat ng tungkol dito ay nakarating na sa True Spirit Realm bukod sa bilis nito dahil ang bilis nito ay mas mababa kumpara sa kahit kanino sa kanila.
Ganoon pala!
Dali-daling kinontrol ni Lin Fan ang kaniyang bilis upang tipirin ang kaniyang enerhiya. Sa iisang oras, hindi niya mapigilan ang kaniyang sariling kundi mas lalo pang humanga sa batang nasa tapat niya. Ang pagkakalmado ni Zhao Feng at ang kontrol nito ay nakarating na sa isang hindi kapani-paniwalang level.
Dang! Dang! Dang…
Ang tunog ng tila metal na mga hakbang ay mas lumiit pa.
Pinanatili nina Zhao Feng at Lin Fan ang kanilang bilis at dahil sila ay medyo mas mabilis kaysa sa black metal monster, ang distansya sa pagitan nila ay mas lalaki pa sa paglipas ng oras.
Makalipas ang ilang oras.
Hu! Hu!
Sina Liu Yue'er at Sun Yuanhao sa harapan ay nagpapahinga sa sahig, binabawi ang kanilang enerhiya. Sa bilis ng pagtakbo nila, malaki ang enerhiyang kinonsumo nila.
"Kayong dalawa ay hindi nahuli ng black metal monster kahit ganiyan kayo kabagal tumakbo?"
Ang mga kilay ni Liu Yue'er ay kumunot habang gulat na gulat niya itong sinabi.
"Haha, ang bilis namin ay katiting na mas mabilis lang kaysa sa black metal monster. En, kaunting oras pa at ang gunggong na iyon ay makakahabol." Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.
Pagtapos ng maiksing paghinto, siya at si Lin Fan ay marahang tumakatakbo pa rin, para bang tumigil lang sila upang tingnan ang paligid.
"Iyan… ay posible?"
Sina Liu Yue'er at Sun Yuanhao ay tumingin sa isa't isa ng may pagdududua, ngunit ang tunog ng metal na mag hakbang ay biglang lumitaw.
"Takbo!"
Nakita ng dalawa ang malaking itim na anino sa likuran nila na nagpakawala ng isang katakot-takot na aura, na halos magdulot ng paninigas ng kanilang dugo.
Ang unang trial - Abyss of Death - oras: 3 days.
Nakalipas na ang kalahating araw at ang mga disciples sa harapan ay hindi na masiyadong nakatakbo bago nila makonsumo ang lahat ng kanilang enerhiya. Kahit na mayroon silang pills, na pambawi ng kanilang enerhiya, hindi ito maganda para sa katawan kung patuloy itong gagamitin.
Sina Zhao Feng at Lin Fan ang unang nakaalam kung paano gumana ang black metal monster at gumamit sila ng katiting na enerhiya para sa pinakamalaki nilang natamo.
Siyempre, hindi sila lahat baliw at 'di nagtagal, ang bawat isa ay nakatagpo ng pinakamabisang paraan upang harapin ang halimaw.
Sa ikalawang araw.
Ilan sa mga disciples ang nakaramdam ng pagod, ngunit ang black metal monster sa likuran nila ay hindi dahil isa itong mekanikal na makina at hindi gawa sa mga buto at dugo.
Sa oras na ito, ang paligid ng dalawang gilid ng daanan ay nagsimulang magbago. Sa una, hindi naintindihan ni Zhao Feng kung ano ang nangyayari hanggang makakita siya ng isang kalansay na nakahiga sa isang sirang silid.
Ang kalansay ay para bang naroon na sa silid na iyon ng matagal na panahon na, ngunit ang mga buto ay mayroon pa ring matamlay na liwanag. Katabi nito ay ilang mga kagamitan: isang bungkol sa primal crystal stones, isang sirang bamboo sword, isang jade ornament at ilang ancient books...
Ang 3 core disciples ay naririto at nakatingin dito.
Nadiskubre ni Zhao Feng na ang layo ng kahoy na silid ay isang daang yarda lamang mula sa kanya, ngunit isang kawalan naman ang nakapagitan sa kanila.
Sa ilalim ng mga normal na pagkakataon, ang mga nasa 3rd Sky ng Ascended Realm ay hindi nakalilipad. Kaya lamang nilang lumutang sa ere sa loob ng isang daang yarda, kaya lang ang hangin sa ibabaw ng kawalan ay napakalakas na kahit ang mga cultivators ng 3rd Sky ay natatakot na mamatay at magpira-piraso.
Sa pagkakataong iyon, tatlong Core disciples ang nakatayo sa dulo ng itim at ginintuang kalsada, pero hindi sila gumagalaw.
Lumiit ang kaliwang mata ni Zhao Feng nang sinuri niya ang kalansay pati ang mga nalalapit na aytems.
"Ang kalansay ay matagal nang narito, pero ang mga buto niya ay bahagyang nagliliwanag pa rin, nangangahulugang ang cultivation ng taong ito ay nasa True Spirit Realm o kaya mas mataas pa noong nabubuhay pa siya."
Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng.
Hindi lamang siya ang nakakita nito, kundi pati na rin ang tatlong Core Disciples.
Ang mga aytems ay naiwan na sa loob ng napakatagal na panahon, pero hindi pa rin ito kinakalawang at hindi pa rin nasisira, ibig sabihin hindi sila simple.
Sirang bamboo sword, Jade ornament, mga sinaunang libro…
Ang mga materyales ng aytems na ito ay lahat kakaiba at gaya ng mga buto, hindi pa rin ito nasisira.
"Kung makukuha ko lang ang mga aytems na nasa tabi ng bangkay, hindi na mahalaga kahit matalo pa ako rito. Ang mga gamit na naiwan ng isang cultivator na nasa True Spirit Realm ay maaaring Spiritual Class Skills o kaya Spiritual Weapons."
Tuwang-tuwa si Quan Chen at hindi mapantayan ang kanyang kasakiman.
Lahat ay napatingin sa mga aytems na nasa tabi ng kalansay at hindi nagtagal ay nagkaroon ng hinuha si Zhao Feng:
1. Ang sirang bamboo sword ay isang Spiritual Weapon at kahit wala na itong ispiritu sa loob, kasing lakas pa rin ito ng isang Elite Class Mortal Weapon.
2. Ang materyal naman na ginamit para sa jade ornament ay lubhang kakaiba at mukhang may kapangyarihan na dumadadaloy rito. Ang presyo nito ay hindi katulad ng Spiritual Weapon pero siguradong mahal pa rin ito.
At para naman sa dalawang lumang libro, walang nakakaalam kung anong class nito, pero dahil sa cultivation ng kalansay, bago siya mamatay, mukha isa itong Peak Class Mortal Skill o higit oa.
Ang mga aytems na ito ay higit pa kaysa sa maaaring makuhang pabuya sa pagkuha ng unang puwesto sa pagsubok na ito.
Kahit si Zhao Feng ay gustong kunin ang mga ito, pero ang kanyang mga mata ay kumislap at saka siya napabuntong hininga: "Tara!"
Hindi nag-alangan si Lin Fan at sinundan si Zhao Feng.
"Kahit ang mga nasa 4th Sky ng Ascended Realm ay walang kumpiyansa na makababalik sila sa kahoy na silid ng walang kahit anong galos." Pag-iisip ni Lin Fan.
Ang mga nasa 4th Sky ng Ascended Realm ay may 20% lamang ng tsansang magtagumpay at si Yang Gan na may pinakamataas na cultivation ay mayroong 30-40% na tsansa depende kung gaano kalakas ang hangin.
"Ang layunin ko ay maabot ang unang puwesto at matalo si Hai Yun Master."
Naging matalim ang mga mata ni Yang Gan nang umalis na rin siya.
Sumunod, napabuntong hininga na rin si Quan Chen at Lu Hu nang magsimula na naman silang tumakbo.
Karamihan sa mga disipulo ay mag-aalangan sa harap ng mga aytems na ito, pero umalis rin naman sila mamaya-maya. Lahat sila ay mga elite disciples kung kaya dapat lang nilang kontrolin ang ganid nila. Bukod pa roon, ang tsansa na manalo sila ay napakababa at lalo na ang mga nasa mas mababa ng 4th Sky ay wala talagang pag-asa.
Pagkatapos noon, nagsisilakihang mga bato ang nagpakita sa dalawang panig ng daan na may nakasulat na 'rewards' o pabuya.
Sa pagkakataong iyon.
Isang gubat ang lumitaw sa kawalang iyon at nakita nila ang iba't ibang kayamanan na niloloob nito mula sa kanilang mga mata.
"Ang Spiritual Tasty Fruit ay nakatutulong sa mga mas mababa sa 7th Sky ng Ascended Realm. Ang isang prutas ay makakatulong sa isang cultivator na makaangat agad ng isang Sky." Napabulalas si Liu Yue'er nang makilala niya ang prutas.
"Ang Moon Dragon Root, sinasabing ang kayamanang ito ay nagpapataas sa mga kakayahan ng isang tao at maaaring pang mabigyan ang kumain nito ng isang ancient special talent…"
Napatitig na lamang si Zhao Feng sa kagubatan at saka huminga nang malalim.
Ang pain ay napakalakas at talagang nakatutukso.
Napakaraming kayamanan rito na maaaring baguhin ang buhay at tadhana ni Zhao Feng, gaya na lamang ng kanyang kaliwang mata.
Nakahanap nga rin si Zhao Feng ng mga heaven defying materials na maaaring gamitin para pataasin ang talento ng isang tao.
Ang mga kayamanan ng gubat na ito ay higit pa sa kahit anong nakita niya. Kahit isa lamang sa kanila na makapasok sa gubat ay mababago na ang kanyang tadhana at hindi na rin mahirap abutin ang True Spirit Realm.
"Spiritual Tasty Fruit! Scarlet Dragon Fruit!"
Ang mga mata ng isang disipulo na nasa Peak 3rd Sky ng ay nagningning sa kasakiman. Ang lalaking ito ay si Chen Yue, ang tanging disipulo na hindi ganoon kapamilyar si Zhao Feng.
Teng!
Napabulalas si Chen Yue nang padaluyin niya ang kanyang True Force para makabuo ng isang mapulang malaalon na enerhiya o scarlet red wave, na siyang sinakop ang kawalan.
Hu~
Ang hangin na nasa ibabaw ng kawalan ay nagsimulang gumalaw, na siyang nagpapula sa mukha ni Chen Yue. Ginamit niya ang lahat ng kanyang lakas para makatakbo ng 10-20 na yarda bago bumigay ang True Force na pumapalibot sa kanya.
"Ahhh!"
Napasigaw si Chen Yue bago tuluyang mahulog sa kawalan at mawala sa kanilang paningin. Ang eksenang ito ay nakapagpagulat sa lahat ng mga disipulo.
"Sa Peak 3rd Sky na cultivation ni Chen Yue, kaya niya lamang tumakbo ng 10-20 na yarda sa hangin, hindi man lang umabot sa sanglima ng kabuuang distansya."
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay naging taimtim. Ang kanyang cultivation ay mas mababa pa kay Chen Yue, nangangahulugang ang dami ng kanyang True Force ay mas mababa rin kaysa sa disipulong kakahulog lamang. Pero higit naman itong mas dalisay kaysa kay Chen Yue.
"Tara na."
Si Lu Hu, isang core disciple ay napailing at umalis. Noong una, gusto niya itong subukan dahil nasa 4th Sky naman na siya at ang kanyang forte ay body strengthening. Pero matapos makita ang nangyari kay Chen Yue, alam ni Lu Hu na ang kaya lamang niyang takbuhin ay 40-50 na yarda bago siya tuluyang mahulog sa kawalan.
"Tara umalis na tayo."
Ang lahat ay napabuntong hininga habang pinipigil ang ganid na namumuo sa kanilang puso at saka nagsimulang tumakbo ulit.
Jiang! Jiang! Jiang…
Ang itim na metal na halimaw na nakasunod sa kanila ay talagang hindi nalalaman kung paano mapagod. Kahit napakabilis na nila, kailangan pa rin naman nilang magpahinga para makabawi ng lakas, nangangahulugang hindi talaga nila maililigaw ang halimaw.
"30% na tsansa."
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng nang titigan niya ang kagubatan pero sumuko rin siya sa huli. Ang daan patungo sa Floating Crest Trial ay mahaba pa at sigurado siyang marami pang rewards o pabuya na malalagom niya mula dito.
Ito pa lamang ang unang pagsubok o First Trial na tinatawag na road of temptation o daan ng panunukso, bukod pa sa pagiging nakakamatay na daan nito.
...…..
Ang tarangkahan sa Floating Crest Palace.
Weng!
sang kakaibang berdeng ilaw ang sumilaw sa pinto.
"Ganito kabilis?"
Ang apat na Elders at ang Clan Master ay nagulantang. Ang bilog ay naglaho at isang anyo ang lumitaw – si Chen Yue.
"Anong dahilan at napalabas ka agad?" Malalim na pagtatanong ni Elder Xue.
Mapakla ang ekspresyon ng mukha ni Chen Yue nang sabihin niya sa Elders at Clan Master kung ano ang nangyari.
"Isa kang inner disciple at hindi mo man lang matiis ang ganung klaseng pagtitimpi?" Panghahamak na sabi ni Granny Liuyue.
"Hindi niya naman kasalanan ang lahat. Ang Trial ngayon ay mas mahirap kaysa sa mga nakaraan – hinahabol na sila ng isang halimaw na nasa True Spirit Realm at napakarami ng pabuya o rewards sa daan na hindi mahihigitan ng kahit ano."
Ang mga boses ng Broken Moon Clan Masters ay malambot at nakakapang-akit.
"Habang humihirap ito, mas gumaganda rin ang pabuya. Sa kasamaang palad, ang kabataang ito ay hindi nakapasa sa First Trial o unang pagsubok, kung kaya wala siyang kahit anong pabuya. Pero maswerte pa rin siya dahil ang Trial na ito ay para sa mga karapat-dapat. Ano na lamang kaya ang mangyayari sa kanya kung nasa Demonic Trial siya? Makakabalik pa kaya siya ng buhay?" Bahagyang ngumiti ang 1st Elder.
Hindi na nagulat pa ang mga Elders sa pagkatalo ni Chen Yue dahil mas iniisip nila ang mga sari-sarili nilang mga disipulo na nasa pagsubok pa.
…..
Sa isang kisapmata, dalawang araw na ang nagdaan mula noong simulan ang trial.
Jiang! Jiang!
Wala man lang kahirap-hirap na hinahabol sila ng itim na metal na halimaw kahit hindi ito ganoon kabilis. Halos lahat rin ng mga disipulo ay nakasalalay na lamang sa kanilang determinasyon at pills para magpatuloy.
Sa kanilang lahat, si Yang Gan ang tila hindi man lang pinagpawisan. Ang kanyang cultivation ang pinakamataas sa lahat at ang kanyang bilis ay ilang tier na mas mataas kaysa sa halimaw na humahabol sa kanila.
Kahit si Quan Chen ay nagsimula na ring mapagod. Ang mga disipulo na mas mababa sa 4th Sky ng Ascended Realm ay pinipilit na lamang ang kanilang mga sarili para hindi tuluyang mapatay ng halimaw na nakasunod sa kanila.
Nauunawaan ng lahat na ang 1st Trial Abyss of Death ay nangangahulugang hahabulin sila ng isang halimaw sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi nang walang humpay, habang kailangan nilang magtimpi sa mga pabuyang inaakit sila sa daan.
"Kalahating araw na lamang ang natitira. Kayong lahat, tara na!"
Sumisigaw si Yang Gan sa harap para bigyan ng motibasyon ang lahat, ito lang naman ang kaya niyang gawin. Kahit siya ay maaaring mapatay ng halimaw.
Nabaling ang tingin ni Yang Gan sa iisang naiibang disipulo ng 1st Elder, si Zhao Feng. Ang paghinga nito ay maayos pa at kalmado ang itsura hindi gaya ng karamihan. Si Lin Fan na nasa tabi niya ang halos maligo na sa pawis, pero malakas ang determinasyon nito.
Ito ang bagay na higit na ikinagulat ni Yang Gan sapagkat sina Zhao Feng at Lin Fan ang may pinakamababang cultivation sa grupo pero nakaabot pa sila hanggang dito. Lalo na si Zhao Feng na mukhang hindi man lang napagod gaya ng iba.
Sa pagkakataong ito, ang mga pabuya sa magkabilang gilid ng daan ay palapit nang palapit.
Ang mga panunuksong pabuyang ito ay halos nasa 100 yarda na lang, ang iilan ay nasa 70-80 na yarda at ang iba ay 50-60 na lamang.
Pero dahil sa dalawang araw na walang tigil na pagtakbo, ang enerhiya ng mga tao ay higit na bumaba. Bukod pa roon, ang halaga ng mga aytems ay bumaba rin kumpara dati.
"Kapag mas malaki ang pabuya, mas mataas ang panganib. Pero habang dumadali na, nangangahulugan ring bumaba ang halaga ng mga pabuya."
Tumango si Zhao Feng nang tahimik.
Habang sila ay tumatakbo, sinusuri ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang mga naglalabasang pabuya. Pero ang success rate ng halos lahat ng mga ito ay mas mababa pa sa 50% at hindi rin naman ganoon kaganda ang mga aytems na ito.
Sa isang pagkakataon.
Ang senaryo ng kawalan ay biglang nagbago at isang kakaibang pabilyon na halos apat hanggang limang yarda ang laki ay nagpakita mula sa 20-30 na yarda ang layo.
Mula sa pabilyon ay maririnig ang musika ng luta at isang magandang babae ang nakaupo roon. Ang babae ay may maputing mala kremang balat at manipis na itim na mga kilay. Ang bawat ngiti niya ay puno ng walang hanggang panunukso, na siyang nagpatulala sa lahat ng mga napapatingin sa kanya.
Ikinabahala ng mga disipulo ang kakaibang pangyayari na ito, pero nang mapatingin sila sa babae, naramdaman nila kung gaano ito kaganda, gandang tila tumagos sa kanilang katawan at kaluluwa.
Ang lugar na ito ay 20-30 yarda lamang ang layo, nangangahulugang ang mga hangin roon ay hindi ganoon kalakas.
Ang mga puso ng lahat ay bumilis ang pagtibok at pati ang mga mata nila Lu Hu, Sun Yuanhao at Quan Chen ay napuno ng pagnanasa. Ang kakaibang bagay pa ay pati sila Liu Yue'er at Ran Xiaoyuan ay napatulala rin.
Walang kahit sino halos ang kayang pigilan ang sarili na maakit sa tunog ng luta. Sa buong pangkat, tanging si Zhao Feng lang ang hindi apektado habang tinitignan ang babae nang diretso sa mga nagniningning nitong mata.
Ang unang naapektuhan ay sina Yang Gan, sumunod si Lin Fan, na nagngitngit ang mga ngipin habang pinipigilan ang sarili.
Namangha nang bahagya si Zhao Feng – hindi niya akalaing ang determinasyon ni Lin Fan ay mas mataas pa kaysa kay Quan Chen.
Da!
Napabulalas nang malakas si Yang Gan na siyang nakapagpagising sa ibang mga tao.
"Kapatid na Yang, 20-30 yarda lang naman ang layo… Subukan kaya natin….?"
Pagsusuhestiyon ni Quan Chen, ang babaeng nasa pabilyon ay napakaganda, tila ba isa siyang diyosa.
"20-30 yarda ang pinakamalapit na distansya sa lahat…"
Sumulyap si Zhao Feng habang kinakalkula niya sa kanyang isip ang success rate at halaga ng mga aytems na nasa loob nito.
También te puede interesar
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO