Descargar la aplicación
7.94% King of Gods (Tagalog) / Chapter 126: Ang Galit ni Xiao Sun

Capítulo 126: Ang Galit ni Xiao Sun

Editor: LiberReverieGroup

"Payagan niyo na siya!"

Isang may malamig na boses at may mataas na mental energy ang nagpakita. Lahat nang nasa loob ng iilang yarda paikot ay napatahimik.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang may-ari ng boses na ito ay pamilyar at nang makita niya ito, isa itong hindi gaanong katandaan na lalaki na nakasuot ng asul, ang Vice Head na nakita niya noon.

Vice Head!

Nanginig agad ang puso ng matandang lalaki sa Ascended Realm habang itinango ang kanyang ulo: "Isang pagbati Vice Head, agad ko pong ipapasa ang hamon ni Zhao Feng."

Shua!

Ang lalaking naka-asul ay tumingin lamang kay Zhao Feng nang saglit at saka umalis nang nag-iiwan ng labing-anyo habang naglaho ito sa hangin.

Agad na naunawaan ni Zhao Feng na ang mga Vice Heads ay may cultivation na malapit sa True Spirit Realm at mataas ang kanilang otoridad sa Clan.

"Zhao Feng! Sa loob ng tatlong araw, haharapin mo ang ikatlo, ikawalo, ikasiyam na substitute inner disciples. En… Bukod pa roon, kahaharapin mo rin ang hamon ni Xiao Sun."

Nagbago ang mukha ni matanda habang nagsasalita.

Nangangahulugan ito na lalaban si Zhao ng apat na beses sa isang araw, ang tatlo ay higit na mas mataas sa kanya at ang isa naman ay mas mababa. Si Hou Yuan, na nasa ikatlong pwesto at isa sa mga pinakamalalakas na outer disciples ay naroroon rin.

"Nauunawaan ko."

Tumalikod na si Zhao Feng at nagtungo sa kaliwa, iniwan niya ang tatlo na nakatulala.

Sina Nan Gongfan at Yang Qingshan ay hindi alam kung ano ang dapat sabihin, halatang nagulat talaga sila sa nakababaliw na kilos ni Zhao Feng.

Kitang-kita sa mukha ng prinsesa ang pagkagulat, matagal pa bago siya umalma at makabawi.

Teng!

Biglang nawala ang anyo ni Zhao Feng at nakabalik na ito sa sarili niyang lupain.

Hahabulin na dapat siya ni Yang Qingshan, pero pinahinto siya ni Nan Gongfan: "Sa loob ng tatlong araw, kailangan munang magpalakas ng ating kapatid na si Zhao. Mas mabuti sigurong huwag muna natin siyang istorbohin."

Walang kahit sino ang makapipigil kay Zhao Feng.

Noong gabing iyon, isang piraso ng balita ang nakapagpagulat sa kabuuhan ng mga outer disciples.

Isang tao lang naman ang naghamon ng tatlong substitute inner disciples sa isang labanan at lahat sila ay nasa loob ng top 10, ang pinakamagaling ay nasa ikatlong puwesto.

Halos lahat ng outer disciples ay nalaman ang balitang ito at karamihan sa kanila ay pinuntahan at pinagtanungan si Yang Qingshan at Nan Gongfan.

Higit silang nakaramdam ng pagkabagabag dahil sila naman talaga ang dahilan ng pangyayari.

Kay rami ng mga outer disciples na naghintay para lumipas ang tatlong araw.

Sa loob ng isang lupain.

"Ang laban ay sa tatlong araw na lang… Ako, si Xiao Sun, ay tatalunin ka at bubugbugin hanggang sa hindi ka na makalakad pa."

Humigpit ang mga kamao ni Xiao Sun at napuno siya nang pakiramdam na nais niyang makipaglaban.

Nabaling bigla ang kanyang tingin sa ikalabing-tatlong lupain, kung saan nakatira si Zhao Feng.

Bilang nasa puwesto ng ikalabing-anim, dalawang lupain lamang ang naghihiwalay sa kanila.

Madilim na gabi, sa isang pabilyon, apat na anyo ang masisilayan.

Ang isa sa kanila ay isang gwapong kabataan na nakasuot ng nilinyahang itim na pantaas, kasuotan ng mga inner disciple.

"Kapatid na Quan Chen." Magalang na wika ni Hou Yuan.

Tumayo si Quan Chen habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod niya kasama ng isang malamig na ngiti sa mukha: "Mukhang minaliit ko nga si Zhao Feng. Paano niya nagawang pangahasin ako sa pamamagitan ng paghamon sa akin?"

"Kapatid na Quan Chen, ayos lang iyan. Hindi niya ako matatalo." Dahan-dahang wika ni Hou Yuan.

"Hahaha, ang sutil na iyon ay lalaban ng apat na beses sa isang araw at dapat muna niyang talunin si Xiao Sun, na siyang makakaubos ng lakas niya. Kapag tayo na ang kalaban niya, matatanggalan lamang siya ng balat kapag hindi siya namatay."

Kampante ang magkapatid na Hong.

Tumango si Quan Chen habang sinusuri si Hou Yuan at ang magkapati na Hong.

Parang isang itlog lamang si Zhao Feng na sinusubukang sumira ng isang bato, pero mayroon pa ring kakaibang nangyayari.

Bakit naman kakalabanin ni Zhao Feng ang tatlo kung lalaban rin niya si Xiao Sun?

Ang apat na labanan ay nasa iisang araw lang!

Hindi kaya nababaliw si Zhao Feng? Ano namang makukuha niya mula rito?

Humagip lamang sa kanilang mga puso ang mga kaisipan na ito ngunit agad ring naalis. Dahil naisip na nilang matatalo si Zhao Feng, bakit pa nila kailangang isipin ang proseso?

...

Mabilis na lumipas ang panahon at patapos ang tatlong araw. Noong mga nakaraan, walang kahit sino ang nang-istorbo kay Zhao Feng at hindi rin naman ito lumabas sa kanyang kwarto.

Iniisip ng lahat na hindi nag-aaksaya ng oras si Zhao Feng para magcultivate. Pero sa katotohanan, ginugol lahat ni Zhao Feng ang kanyang oras para intindihin ang Illusion Fish Picture at ang mga array books.

Gustong matutunan ni Zhao Feng ang pitong libro, para libre na siyang makakapasok sa Thousand Leaf Pond at mapalakas ang kanyang katawan.

Ang makapunta sa Ascended Realm. Ito talaga ang layunin ni Zhao Feng.

Para rito, kinain ni Zhao Feng ang isa sa kanyang mga ginawang Marrow Cleansing Pills. Ang Marrow Cleansing Pill ay higit na epektibo para sa lahat ng nasa Ascended Realm at talagang pinapataas nito ang lebel ng iyong kakayahan. Pero dahil ito na ang pangalawang beses na gagamit siya nito, tanging kalahati na lamang ng epekto ang makukuha niya.

Pero dahil sa kanyang misteryosong kaliwang mata, kaya niyang humigop ng higit na kapangyarihan at kahit dapat kalahati lamang ang kanyang makuha kaysa sa nauna, halos buo pa rin ang epekto ng pill gaya noong unang pagkakataon.

Pagkatapos niyang kainin ang Marrow Cleansing Pill, pinadaloy niya ang Silver Wall Technique at Returning Breath Technique at naramdaman niyang lumakas ang kanyang katawan at mga laman-loob.

Ang pagtaas ng antas ng kanyang kakayahan ay siya ring nagpataas sa pundasyon ng Silver Wall Technique ni Zhao Feng. Naramdaman niya pa ngang lalong natipon at lumakas ang kanyang inner strength.

Sa ikatlong araw, siniguro ni Zhao Feng na ang kanyang Returning Breath Technique ay nakaabot na sa pinakamataas na antas at ang dami at kalidad ng kanyang inner strength ay higit pa sa kung ano ang dapat.

Nangangahulugan ito na ang kanyang Returning Breath Technique ay nakaabot na sa max level at nahigitan pa ito nang kaunti, kung kaya ang kanyang inner strength ay kapantay ng isang normal na cultivator na nasa half-step Ascended Realm.

Ang tanging pinagsisisihan niya lang ay ang kaunting pagtaas ng antas ng Silver Wall Technique. May distansiya pa rin ito kahit nasa huling yugto na ng ikasiyam na lebel, pero nauunawaan ni Zhao Feng na dahil tumaas ang kanyang mga kakayahan, dadali rin naman para sa kanya ang magpalakas ng katawan.

Kung gayon, ang peak 9th level ng Silver Wall Technique ay walang panalag, kailangan niya pa ng halos sampung araw para magawa ito.

Para naman sa huling Marrow Cleansing Pill na meron siya, binenta ito ni Zhao Feng kapalit ng iilang mga primal crystal stones. Gumamit siya ng limang substandard primal crystal stones para bumili ng materyales na kakailanganin niya para makagawa ng dalwang Marrow Cleansing Pills na nagkakahalaga ng limang primal crystal stones bawat isa.

Sumunod na umaga.

Lumabas si Zhao Feng mula sa kanyang lupain at lumanghap ng preskong hangin habang humihikab.

Hmm?

Napagtanto ni Zhao Feng na maraming outer disciples ang nag-aabang sa labas.

"Lumabas na ba si Zhao Feng?"

"Ngayon na ang araw ng laban, hindi naman siguro siya magiging pagong at magtatago, hindi ba?"

Ang karamihan sa mga outer disciples ay gusto ang ganap na ito na para bang nalaglag ang langit.

Wala namang masyadong mahilig manood ng mga ganito pero ang pangyayaring ito ay ikinagulat ng lahat ng outer disciples.

Bilang isang tagagawa ng gulo, ang atensyon ng lahat ay na kay Zhao Feng. Sa loob ng mga nakaraang araw, naging sikat talaga ang pangalan niya.

"Kapatid na Zhao!"

Agad na pinuntahan siya ni Nan Gongfan at Yang Qingshan.

Sa simula, galit sila Yang Qingshan at Nan Gongfan dahil padalos-dalos si Zhao Feng.

"Tara na."

Ang mga mata ni Zhao Feng ay punong-puno ng talim, na siyang nagdulot para sa iba na huwag siyang tignan.

Kinabahan ang lahat kasama na sila Yang Qingshan. Sa pagkakataong iyon, tila ba parang isang ispada si Zhao Feng na kayang hiwain ang kahit ano.

Napagtanto na rin nila na wala kahit sino man lang sa kanila ang nakakita ng tunay na Zhao Feng. Noong na kay Lord Guanjun pa sila, nararamdaman nilang si Bei Moi ang higit na nakasisindak, pero alam nila kung hanggang saan at gaano kalakas ito. Hindi gaya ni Zhao Feng na nasa harap nila, napakamisteryoso, walang nakaalam kung ano ang kanyang limitasyon.

Hindi nagtagal, nagpakita na rin si Zhao Feng sa mga mata ng outer disciples at saka tumuntong sa entablado kung saan ang mga substitute disciples ay naglalaban.

Parami nang parami ang mga taong nagtitipon.

Karamihan ng naroroon ay mga outer disciples. Mula sa edad na sampu hanggang ikatatlumpu, ang mga disipulo mula sa iba't ibang gulang na nakatira rito ay naroroon, humigit kumulang, tatlong daang katao, halos kalahati ng mga bilang ng mga outer disciples.

Sinuri ni Zhao Feng ang paligid at saka nakita si Xiao Sun.

Bilang isang challenger, naunang dumating si Xiao Sun.

Sumunod, dumating na rin sila Hou Yuan at ang magkapatid na Hong.

Ang tatlong ito ay lahat nasa half-step Ascende Realm at ang kanilang mga aura ay nagpapabagabag sa lahat ng mga disipulong malapit sa kanila. Lalo na kay Hou Yuan, na nasa ikatlong puwesto, kung saan napapayuko ang lahat ng mas mababa sa kanya at umiiwas ng tingin.

Kaunti lamang ang nalalaman niya kay Hou Yuan at saka nalipat ang kanyang tingin sa magkapatid na Hong. Ang magkapatid na Hong, si Hong San at Hong Si ay kambal at talagang magkamukha sila. Pareho silang maiksi ang buhok at maskulado. Habang naglalakad sila, tumatalbog ang mga ito pero hindi pa rin nakaapekto ang kanyang mga kalamanan sa kanyang liksi.

"Ang mga laban sa araw na ito ay papangasiwaan ko."

Dahan-dahang lumabas si Deacon Qiu at naglabas ng 7th Sky of the Ascended Realm aura, na siyang nagpatanto sa mga outer disciples kung gaano talaga sila kababa sa Clan.

Hindi nagtagal, tumahimik na rin ang mga manonood.

Mayroon pa ngang iilan na mga Deacons at Vice Deacons ang siya naroroon na pinintahan ng mga interesadong mukha.

"Ang unang laban, si Xiao Sun na nasa ikalabing-anim na puwesto ay hinahamon si Zhao Feng ng ikalabing-tatlong puwesto."

Umalingawngaw sa buong lugar ang boses ni Deacon Qiu.

Teng!

Nang matapos na siyang magsalita, tila parang daloy ng apoy kung magpakita sa entablado ang anyo ni Xiao Sun.

Mahinang tumalon lamang sa hangin si Zhao Feng at saka bumaba sa may entablado.

Ang unang laban: Xiao Sun vs Zhao Feng!

Ang mga kakapasok lamang na disipulo ay higit na maligalig.

Parehong si Xiao Sun at Zhao Feng ay nakasali sa Clan sa parehong pagkakataon at si Xiao Sun ang may higit na mas nakatatataas na cultivation, samantalang si Zhao Feng naman ay sikat para sa kanyang lakas sa laban.

"Zhao Feng… Tinanggap mo ang aking hamon at mapangahas ka pang hamunin sina Hou Yuan at ang kanyang mga kasama, mukhang wala ka yatang pakialam sa akin." Bulong ni Xiao Sun sa kanyang puso.

Sa kanyang kaliwang mata, isang pulang ilaw, na puno ng intensyong makipaglaban at galit ang nakita niya. Sa ilalim ng Middle Class Mortal Skill na mula sa Blazing Sun Manual, isang mabangis na pulang aura ang kumalat sa kabuuhang entablado na siyang nagpataas ng temperatura… Para siyang diyos ng apoy.


Capítulo 127: Pagpapatumba sa mga Outer Disciples (1)

Editor: LiberReverieGroup

Gayon din, ang intensyong makipagpatayan ni Xiao Sun ay umabot na sa pinakamataas na antas.

Ang kanyang cultivation na nasa half-step Ascended Realm at ang kanyang Middle Class Mortal Skill Blazing Sun Manual ay nagbigay sa kanya ng kakayahan na atakihin si Zhao Feng kailanman niya gustuhin.

"Paanong ang isang tao na kakapasok pa lamang sa Clan ay mayroong Middle Class Mortal Skill!?" Natulala ang mga malapit na disipulo.

"Bukod kay Lin Fan na nasa unang puwesto ng mga substitute inner disciples, wala pa akong naririnig na kahit sino na may Middle Class Mortal Skill."

Ang lahat ng mga may Middle Class Mortal Skills ay higit na pinagpala.

"Walang hiya! Napakalakas naman agad ng kalaban ng ating kapatid na si Zhao!"

Nagpalitan ng mga tingin si Yang Qingshan at Nan Gongfan, parehong taimtim ang mga ito.

Alam ng lahat na lalaban si Zhao Feng ng apat na tao sa araw na iyon at wala ni kahit sa kanila ang madaling talunin. Gayon din, sa bawat laban na kanyang kakaharapin, pahirap nang pahirap ang mga kalaban.

Kung kaya, iniisip ng lahat na hindi talaga mananalo si Zhao Feng. Iniisip na lamang nila ngayon kung hanggang kailan niya kayang magtagal sa kanyang sitwasyon.

"Hahahaha… Mukhang wala na tayong tsansa na makipaglaban."

Pagtawa ng magkapatid na Hong.

Sa entablado.

Kalmadong sinuri ni Zhao Feng ang kanyang kalaban.

Lalaban siya ng apat na beses ngayon, kung kaya, dapat niya agarang tapusin ang unang laban. Kailangan niyang tapusin ang unang tatlong laban nang mabilis dahil ang pinakanakasisindak na kalaban ay si Hou Yuan at dapat na lipunin ni Zhao Feng ang lakas niya para rito.

"Zhao Feng! Ang una mong laban ay siya ring iyong huli!"

Isang pulang liwanag ang gumuhit sa mga mata ni Xiao nang dumaloy sa kanyang buong katawan ang nakasusunod niyang aura patungo kay Zhao Feng.

"Nakasisindak naman talaga ang kanyang lakas at bilis."

Tila nahulog si Zhao Feng sa isang karagatan ng apoy. Bago pa man siyang makagalaw, ang kanyang kalaban ay natipon na ang inner strength nito at umatake.

Booom…

Ang matingkad na pulang kamao nito ay tila isang bulalakaw na dinaganan si Zhao Feng.

Flowing Wind Stance! Smoking Transparent Step!

Biglang lumabo at naawala ang anyo ni Zhao Feng. At gaya ng isang isda, sinimulan niyang umiwas sa mga atake ni Xiao Sun.

Ang pulang liwanag at ang nawawala-walang anyo ay nagdulot sa mga manonood ng hindi pagkakita sa mga nangyayari.

Nakikita nila ang mga atake ni Xiao Sun, pero hindi ang anyo ni Zhao Feng. Simula nang maunawaan ni Zhao Feng ang Illusion Fish Picture, ang kanyang Smoking Transparent Step ay lumagpas na sa max level.

Ang anyo ni Zhao Feng ay malabo, minsan tunay, minsan peke, at puno ng pagbabago.

Kahit napakalakas pa ng atake ni Xiao Sun, wala ni isa ang kayang mahawakan kahit ang damit ni Zhao Feng. Ang speed skill niya ay napakahusay, at hindi kayang malaman ni Xiao Sun kung alin sa mga anyo ang tunay na Zhao Feng. Palagi siyang nalilinlang.

"Ang speed skill na ito ay mukhang naglalaman ng kaliwanagan o enlightenment mula sa mga arrays. Hindi kaya…?"

Napatitig na lamang si Deacon Qiu sa anyo ni Zhao Feng habang gulat ang masisilayan sa kanyang mga mata.

Ang dalawang nasa entablado ay nagpalitan ng mga atake panandalian at kahit ang Blazing Sun Manual ni Xiao Sun ay napakalakas, hindi niya pa rin natatamaan si Zhao Feng. Ganoon pa man, ikinagulat pa rin ng top ten substitute inner disciples ang kanyang lakas.

Kahit si Zhao Feng ay ayaw siyang harapin nang ganoon. Una, gumagamit siya ng isang Middle Class Mortal Skill at kahit hindi pa ito nahahasa ni Xiao Sun sa mataas na antas, napakalakas pa rin nito. Ikalawa, gustong tipirin ni Zhao Feng ang kanyang lakas para sa mga laban mamaya.

Blazing Sun 3 Strikes!

Isang mapusyaw na pulang apoy ang lumabas mula sa katawan ni Xiao habang ang kanyang mainit na pulang kamao ay bumuga ng tatlong beses na magkakasunod-sunod, at nakagawa ng isang wide ranged wave attack.

Ang mapusyaw na pulang hangin ay napunta sa iba't ibang direksyon.

Mula lamang sa atakae na ito, matatalo niya na is Ji Fengyun, na dating nasa ikalabing-tatlong puwesto. Hindi na nakapagtataka na may kumpiyansa siyang harapin si Zhao Feng.

"Break!"

Ang ilusyonal na anyo ni Zhao Feng ay muling nagpakita sa harap ni Xiao Sun, sa ngayon, gumawa na siya ng atake.

Pew! Pew! Pew!

Ang ikalawa niyang daliri ay paulit-ulit na umulos mula sa iba't ibang posisyon. Ang ilang mga guhit ay diretsong liwanag, ang ilan ay bako-bako, pero lahat sila ay patungo kay Xiao Sun.

Namutla agad ang mukha ni Xiao Sun dahil ang mga atake ni Zhao Feng ay napupuno ng liksi at ang mga tunay na atake ay mahirap hanapin.

Ang tanging narinig lamang niya ay ang tunog ng inner strength na inilabas at kung kaya, sinubukan niyang hanapin ang posisyon ni Zhao Feng sa pamamagitan ng tunog. Pero matapos maghalo ang Star Finger sa mga enlightenments ng Illusion Fish Picture, halos bago na ang skill na ito. Ang pinsala nito ay napakataas na at punong puno ng liksi at mga ilusyon.

Ano man ang nakikita at naririnig niya ay maaaring hindi tunay dahil ag mga tainga at mga mata ay nalilinlang ng mga ilusyon.

Shooosh!

Isang guhit ng liwanag ang tumusok sa braso ni Xiao Sun na siyang nag-iwan ng malalim na sugat at nagpanginig sa kanyang katawan.

Hindi nagtagal, agad itong nasundan ng ikalawa at ikatlong mga sugat…

Nasa desperadong sitwasyon na si Xiao Sun at galit na galit niyang pinadaloy ang Blazing Sun Maual para makalaban. Pero kapag ginagawa niya ito, hindi man lang niya mahawakan kahit ang mga damit ni Zhao Feng.

Ang bilis at mga kakayahang pang-opensa ni Zhao Feng ay palaging nalilinlang si Xiao Sun.

Sa isang saglit, mayroon agad na pito hanggang walong sugat si Xiao Sun sa katawan at ang kanyang buhok ay magulo na dahil sa pag-ihip ng hangin.

"Sumuko ka na."

Dalawang anyo ang naging sa harap ni Xiao na siyang nagpakita ng tunay na katawan ni Zhao Feng.

Ang daming ginamit na enerhiya ni Xiao Sun at ganoon pa man ay nasaktan pa rin siya. Kung hindi lamang naging maluwag si Zhao Feng sa kanya, matagal na siguro siyang namatay. Pero ang pakiramdam na hindi man lang niya matamaan si Zhao Feng sa buong laban ay ikinababaliw niya.

Blazing Sun Wave Destruction!

Ang palad ni Xiao Sun ay hinati ang hangin at siyang tumama kay Zhao Feng na nasa harap niya.

Ang eksenang ito ay nagdulot kay nila Yang Qingshan para mapabulalas sa takot at sa pag-iisip na hindi nag-iingat si Zhao Feng.

Plop!

Biglang nawala ang anyo ni Zhao Feng sa hangin.

Napasigaw ng "p***" si Xiao sa kanyang puso at bago pa man siya makagalaw, isang matalim na inner strength ang sumaksak sa kanya mula sa likod.

Ang kapangyarihan ng atakeng ito ay dumaloy sa kanyang buong katawan.

Nawala sa kondisyon ang katawan ni Xiao Sun nang sinubukan niyang lumingon at masalubong ang mga malamig na mata ni Zhao Feng: "Kung totoo lamang ang laban na ito, ilang libong beses ka nang namatay…"

Ano ang punto ng pagkakaroon ng mataas na cultivation at malakas na offensive skills? Kung ang iyong tunay na kapangyarihan sa laban ay mahina, kung ganoon wala itong saysay.

"Sa unang laban, ang challenger na si Xiao Sun ay natalo!" Pag-anunsyo ni Deacon Qiu.

Pagkatapos matalo ni Xiao Sun, binawi na agad ng magkapatid na Hong ang kayabangang ipinakita nila at ang kanilang mga ekspresyon ay biglang naging taimtim.

Sa labang iyon, ang lakas ni Xiao Sun ay mailalagay na sa top 10 at ang isang elitistang gaya niya ay pinaglalaruan lamang ni Zhao Feng.

Mahihinuha lamang na ang lakas ni Zhao Feng ay halos kasing lakas rin nila at hindi na hihina pa.

"Ang ikalawang laban: Si Zhao Feng nasa ikalabing-tatlong puwesto laban kay Hong Si na nasa ikasiyam."

Si Zhao Feng na ang challenger ngayon.

Ceng!

Ang malamang anyo ni Hong Si ay tila naging pusa nang pumunta siya sa entablado.

Bahagyang lumaki ang mga mata ni Zhao Feng. Nalaman niyang ang mga kilos ni Hong Si ay maliksi at nakikita niya ring napakalakas ng kapangyarihan na itinatago nito sa kanyang katawan.

"Isang maliksing katawan, hindi lamang niya naabot ang mataas ng antas ng body strengthening, kundi nasa half-step Ascended Realm na rin siya..."

Mayroon siyang larawan ng lakas ni Hong Si. Sa aspeto ng body strengthening at bilis, higit na mas mahusay ang kay Hong Si kaysa kay Xiao Sun.

Iron Plow Arm!

Ang anyo ni Hong Si ay biglang tumalon sa harap ni Zhao Feng at saka siya pinaulanan si Zhao Feng ng mabibigat na suntok.

Booom----

Isang 50 sentimetro na butas ang nagawa sa entablado, na siyang gawa sa purong itim na bato.

Ang Iron Plow Arm ni Hong Si ay isang napakadominanteng kakayahan na kayang pulbusin ang lahat.

Agad namang umaksyon is Zhao Feng sa pamamagitan ng kanyang Smoking Transparent Step upang maiwasan ang mga atake ni Hong Si. Pero ang kamalayan ni Hong Si ay higit na mataas kaysa kay Xiao Sun kung kaya mahahabol niya rin ang anyo ni Zhao Feng.

One Line Star Finger!

Isang matinis na tunog ang maririnig habang gumuhit ito sa hangin bago tuluyang tinusok ang defensive barrier ni Hong Si.

Shoosh!

Isang sugat ang naiwan sa kaliwang binti ni Hong Si nang umungol siya sa sakit.

Ang dahilan kung bakit naging matagumpay si Zhao Feng ay dahil natagpuan niya ang maliit na kahinaan ni Hong Si sa pamamagitan ng kanyang kaliwang mata. Hindi man lang alam ni Hong Si kung ano talaga ang naganap.

Matapos niyang masugatan sa binti, bumagal na ang kanyang bilis at muli na naman siyang natamaan ng Star Finger ni Zhao Feng. Hanggan sa magkaroon lamang siya ng sampung madudugo at malalalim na sugat ay saka siya napatumba ni Zhao Feng sa entablado.

Plop!

Natumba si Hong Si sa kanyang mukha at nagngitngit ang kanyang mga ngipin sa muhi. Kung hindi lamang siya nasaktan sa kanyang kaliwang binti mula sa simula, hindi sana babagal ang kanyang kilos, at hindi sana siya agad na matatalo.

"Hong San! Ang lalaking ito ay medyo weirdo, kung kaya mag-ingat ka…"

Sinabihan ni Hong si Hong San kung ano ang maaaring mangyari pagkaakyat niya.

Ang lakas ng kanyang nakatatandang kapatid ay napakahigit kung kaya kalmado lamang ito.

"Hong San! Hindi mo kailangang talunin ang sutil na ito. Ang kailangan mo lang gawin ay sayangin ang kanyang oras para gumamit siya ng maraming enerhiya." Isang boses ang narinig niya sa kanyang tainga.

Tumango lamang si Hong San at saka naglakad patungo sa entablado nang mabagal at pirmi ang bilis.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na suriin ang kanyang ikatlong kalaban nang mabuti.

Ang aura ni Hong San ay higit na malalim kaysa sa kanyang kambal.

Iron Eagle God Claw!

Ang bilis ni Hong San ay kayang tumakas at umabante agad at higit pa siyang maliksi. Ang kanyang mga atake ay matalim at kasing bilis ng kidlat.

Pa!

Ang lightning fast claw, na kayang sumira ng metal nang iilang sentimetro, ay hiniwa ang hangin.

Smoking Transparent Step!

Muli, anyo ni Zhao Feng ay lumabo at naiwasan niya ang nakamamatay na atake ni Hong San.

Ang dalawang anyo ay nagpalitan na rin ng mga atake.

Nalaman ni Zhao Feng na hindi basta-bastang umaatake si Hong San, palagi itong nakapokus at hindi minamaliit ang kanyang kalaban.

Matalim ang mga mata ni Hong San habang malamig na nakatingin kay Zhao Feng: "Sutil na nagngangalang Zhao, totoo ngang mas malakas ka kaysa sa akin, pero hindi mo agad ako matatalo."

Ang layunin lamang niya ay ubusin ang enerhiya ni Zhao Feng at wala ng iba pa.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C126
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 87 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO