Descargar la aplicación
1% King of Gods (Tagalog) / Chapter 16: Kabanata 16: Ang Pagtalo kay Zhao Gan

Capítulo 16: Kabanata 16: Ang Pagtalo kay Zhao Gan

Editor: LiberReverieGroup

"Oo, ako nga si Zhao Feng."

Hindi umatras o nagbigay daan si Zhao Feng. Sa halip ay hinarap niya si Zhao Gan. Ang eksenang ito ay nagawang gulatin ang mga disciples.

"Kailan nakapasok si Zhao Feng sa ikatlong ranggo?" Si Zhao Kun at ang kanyang mga kasama ay nakita na rin ang mga pagbabago ni Zhao Feng. Pati si Zhao Xue na nakatayo sa tabi ni Zhao Yijian ay nagulat.

"Hmph! Isang walang kwentang basura na gumagamit ng panlabas na tulong upang makapasok. Ang ganitong mga tao ay lubhang mahina," sabi ni Zhao Yijian nang may panlalait.

"Siguro…" Sumagot si Zhao Xue

"Zhao Feng, mas malakas ka kaysa sa inaakala ko. 'Di na nakapagtataka na kaya mong talunin ang kapatid ko." Pinuri ni Zhao Gan si Zhao Feng habang nakahinto siya nang dalawang hakbang mula sa kanya.

"Tigilan mo na ang pagpuri sa'kin. Palagay ko'y nandito ka para ipaghiganti ang kapatid mo?" Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

"Oo!" Mabilis na itinuloy ni Zhao Gan, "Kahit na ang kapatid ko ay isang walang kwentang basura… Kapatid ko pa rin siya." Naging masama ang mukha ni Zhao Kun nang nagsalita si Zhao Gan. Ang kapatid niyang ito ay hindi siya kailanman binigyan ng mukha sa harap ng iba tao.

Tinuloy ni Zhao Gan, "Mas bata ka sa'kin at kapapasok mo palang sa ikatlong ranggo. Kaya't hindi kita aapihin. Kung kaya mong mabuhay nang lagpas sa sampung galaw ko ay papalagpasin ko nalang ang nangyaring ito."

"Sige." Si Zhao Feng ay bahagyang nasurpresa sa kung paano kumilos si Zhao Gan. Ang kuya ni Zhao Kun ay hindi kasing arogante kaysa sa kanyang inakala.

Ang dalawa ay nagharap sa isang bakanteng lugar sa loob ng martial arts field.

"Nagsisimula na…"

Ang aura ni Zhao Gan ay naging malamig at ang kanyang mga kamay at paa ay nagsimulang bumaluktok na para bang isang nakalalasong ahas. Thirteen Changes of the Poisonous Snake!

Ang ilan sa mga disciples ay alam ang kasaysayan ng skill. Bilang kalaban ni Zhao Gan, si Zhao Feng ay nakaramdam ng isang kakaibang ginaw. Bagama't ang magkapatid ay parehong natuto ng Thirteen Changes of the Poisonous Snake, si Zhao Gan ay kayang bigyan siya ng matinding presyur.

Second change of the Poisonous Snake! Si Zhao Gan ay umatake na parang isang ahas patungo sa ulo ni Zhao Feng.

Nakaramdam lamang si Zhao Feng ng isang malamig na pakiramdam patungo sa kanyang ulo. Ang bilis ng kanyang kalaban ay doble kumpara nang kay Zhao Kun. Mabuti at ang kanyang kaliwang mata ay kaya pa ring makita ang mga ruta ng mga atake ni Zhao Gan, kaya't nagtaas siya ng isang kamao para sumangga.

Pah!

Nalito ni Zhao Feng si Zhao Gan sa pamamagitan ng kanyang suntok, subalit naramdaman niya na ang katawan ng kanyang kalaban ay para bang mantikilya. Bumaluktok si Zhao Gan sa lupa at pagkatapos ay gumamit ng explosive speed para sumugod pabalik patungo kay Zhao Feng.

"Di na nakapagtataka na karapat-dapat siya bilang ikalimang pinakamahusay na outer disciple!" Mayroon siyang pakiramdam na ang kalaban niya ay hindi isang tao, sa halip ay isang tusong ahas.

Pah! Pah! Pah..

Si Zhao Feng ay may isang taimtim na itsura sa kanyang mukha habang lumalaban siya kay Zhao Gan. Sa maikling panahon na ito, si Zhao Feng ay maraming beses nang muntikang matalo.

"Hanggang saan kaya ako aabot nang hindi ginagamit ang kaliwang mata ko." Si Zhao Feng ay napaka kalmado. Sa sandaling ginamit niya ang kanyang kaliwang mata, ang kanyang reaction speed at vision ay kapansin-pansing madadagdagan, kaya ito'y hindi na magiging hamon para sa kanya.

Siyempre, nang hindi ginagamit ang kanyang kaliwang mata, ang reaction speed ni Zhao Feng ay nalagpasan na ang ibang Martial Learners ng kaparehong ranggo.

Sa simula, si Zhao Feng ay nasa ilalim ng isang matinding presyur. Gayunpaman, habang tumatagal ang laban, hinasa niya ang kanyang karanasan at battle prowess sa laban na ito laban kay Zhao Gan.

Pah! Pah! Beng…

Ang dalawang anino ay magkasamang naglalaban sa loob ng field. Silang dalawa ay parehong gumamit ng close battle skills at ang bilis ng kanilang laban ay sobrang mabilis.

"Mas malakas si Zhao Feng kaysa sa inaakala ko."

"Limang galaw na ang nakalipas." Pakiramdam ng ilan sa mga disciples ay hindi ito kapani-paniwala.

"Ang kanyang paglakas ay sobrang bilis."

Ang paghinga ni Zhao Xue ay nagsimulang bumilis.

Sa hindi kalayuan, si Zhao Kun ay paulit-ulit na pinupunasan ang pawis sa kanyang noo, Dahil sa lakas ng kanyang kuya ay inakala niyang kakailanganin lamang niya ng dalawa o tatlong galaw upang mapabagsak si Zhao Feng, ngunit si Zhao Feng ay lumakas nang hindi inaasahan.

Hindi nagtagal ay ang ikaanim na galaw!

"Fourth Change of the Poisonous Snake!" Ang mga galaw ni Zhao Gan ay naging katulad ng isang dagat. Lumatigo, tumalon, at bumalot sila kay Zhao Feng. Nang ang ika-apat na pagbabago ay nagsimula, ang pinsalang naidudulot ni Zhao Gan ay kapansin-pansing nadagdagan.

Naramdaman ni Zhao Feng ang paglakas ng pressure at naalala niya na ang natutunan pa lamang ni Zhao Kun ay ang unang tatlong forms ng Thirteen Changes of the Poisonous Snake.

Gayunpaman, Si Zhao Gan ay natutunan na ang unang pitong pagbabago! Ang bawat magkasunod na pagbabago ay mas mahirap matutunan, pero ang pinsala na naidudulot nito ay kapansin-pansing tumataas din. Pakiramdam ni Zhao Feng na tila ang kalaban niya ay walang buto at siya'y palapit nang palapit.

Shuah!

Ginamit ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry upang makalayo kay Zhao Gan base sa instinct. Ang close combat ay ang forte ng Thirteen Changes of the Poisonous Snake, maging ang Angry Dragon Fists ay mahirap gamitim laban dito.

Teng! Ten!

Si Zhao Feng, kung bilis ang pag-uusapan, ay lubos na mas mabilis kaysa kay Zhao Gan.

Ang ikawalong galaw, ang ikasiyam na galaw… ang ikasampung galaw!

Ang dalawang anino ay naghiwalay habang ang mga disciples na nanonood ay pinipigilan ang kanilang paghinga.

"Nanalo ka na." si Zhao Gan ay tumingin nang malalim kay Zhao Feng at tila walang magawa. Pagkatapos ay umikot siya at umalis habang siya ay nag-iwan ng isang grupo ng mga gulat na disicples.

"Salamat at nagpigil ka." Ngumiti ng maliit si Zhao Feng. Hindi niya ginamit ang lahat ng kanyang lakas sa laban na ito, lalo na ang kanyang kaliwang mata. Hindi rin niya ginamit ang Lightly Floating Ferry o ang Air Pushing Breathing Technique sa pinakamataas nilang potensyal.

Mayroon siyang dalawang rason para dito. Una, gusto niyang makita kung gaano siya kalakas nang hindi ginagamit ang kanyang kaliwang mata. Pangalawa, gusto mag-iwan ng ilang mga nakatagong baraha para sa family sparring contest.

Maliwanag naman ang resulta. Nang pinigilan niya ang kanyang sarili mula sa paggamit ng mga bagay na 'to, siya ay kasing lakas ni Zhao Gan. Siyempre, hindi rin nakumpirma ni Zhao Feng kung si Zhao Gan ay nagtira din ng mga nakatagong galaw, dahil silang dalawa ay nagpalitan lamang ng sampung suntok.

"Kailan pa kaya siya naging malakas…?" Ilan sa mga tao na pamilyar kay Zhao Feng ay tumitig ngayon kay Zhao Feng habang nanlalaki ang dilat ng kanilang mga mata. Si Zhao Kun ay mas matindi, binuksan niya ang kanyang bunganga na parang isang manok na gawa sa kahoy.

"Kuya, kung hindi mo siya kayang talunin sa loob ng sampung galaw ay maaari mo parin siyang talunin para sa'kin," sabi ni Zhao Kun nang makahabol siya kay Zhao Gan.

"Mas magandang sumuko ka na. Kahit na kung walang limitasyon ay hindi ko pa rin siya kayang talunin. Ang kanyang bilis ay masyadong mabilis para sa akin," ipinagpag ni Zhao Gan ang kanyang ulo.

"Paano ito naging posible!" Alam ni Zhao Kun na ang kanyang kapatid ay hindi nagsisinungaling. Hindi iyon ang ugali niya.

"Nanalo siya…" Tumigas ang katawan ni Zhao Xue habang nagbigay siya ng isang komplikadong tingin sa binata na hindi nalalayo. Ang binata ay lalo nang mas guwapo, mas matangkad kumpara sa dati…

"Itong batang 'to ay may ilang tricks," Sinabi ni Zhao Yijian habang nakatingin nang malamig. "Pero nilabanan lamang niya si Zhao Gan ng sampung galaw… habang si Zhao Gan ay matagal nang natalo sa'kin!" Si Zhao Xue ay naglabas ng hininga nang narinig niya ang mga salita ni Zhao Yijiam.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya takot na maging mas malakas pa si Zhao Feng. Habang siya ay lumalakas, mas lalong nagiging komplikado ang kanyang nararamdaman.

*****************

Matapos ang sparring match, ang field ay bumalik na sa orihinal nitong estado. Ito'y dahil malapit na ang tanghali at ang makapangyarihang Martial Artist ay malapit nang magbigay ng lecture.

"Andito na si Coach Chen!" Ang mga tao ay biglang natuwa.

Sinundan ni Zhao Feng ang tingin ng lahat ng tao at nakita ang isang matangkad at maskuladong lalaki na mabagal na naglalakad papasok sa martial arts field.

"Siya si Coach Chen." Palihim na binuksan ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata at nakita niyang mayroong isang mahinang dilaw na liwanag na nanggaling mula sa kanyang dugo. Ang Inner strength ay naitutulak sa bawat hininga niya na gumagawa ng isang hindi nakikitang pressure.

'Bakit ang mga malalakas na tao ay may iba't-ibang aura at gumagawa ng hindi nakikitang pressure?' Medyo naintindihan na ngayon ni Zhao Feng sa pamamagitan ng pag-tingin kay Coach Chen. Bawat hakbang ni Coach Chen at bawat tingin niya ay gumagawa ng pressure. Ang aura na ito ay pag-aari ng mga Martial Artists. Kahit na sinong Martial Learner na nasa ilalim ng ika-apat na ranggo ay baka wala ng lakas ng loob para atakihin siya.

"Napakalakas!" Ang mga disciples may mga mukha ng paghanga at pagkatakot. Gaano kadaming Martial Learners sa Green Flower Continent ang gustong magkaroon ng titulong Martial Artist? Pati na si Zhao Feng ay pareho lang.

Gayunpaman, ang kanyang layunin ay hindi limitado dito. Ang kanyang layunin ay maging Martial Master, yung mga mayroong ikapitong ranggo o mas mataas pa. At pati na rin ang bulung-bulungang Holy Martial Path…

"Ngayon araw ay magtuturo ako tungkol sa kung papaano gamitin ang mga skills para sa mga Martial Learners ng ikatlong ranggo o mas mababa. Ituturo ko rin ang aking mga karanasan sa Inner Strength…" Ang boses ni Coach Chen ay malalim pero hindi malakas. Gayunpaman, pati na ang mga nasa ilang daang metro ang layo ay malinaw pa rin siyang naririnig.

Matapos marinig ang karanasan sa inner strength, ang mga mata nila Zhao Yijian, Zhao Yufei at Zhao Yue ay kuminang.

Inner Strength ng Martial Path? Pagkakataon nga naman! Si Zhao Feng ay lubhang umaasa.


Capítulo 17: Inner Strength ng Martial Path

Editor: LiberReverieGroup

"Kagaya ng alam ng lahat, ang Martial Path ay nahahati sa siyam na ranggo. Ang unang tatlong ranggo ay kilala bilang mga Body ranks at mayroong titulo ng Martial Learners. Ang ikaapat hanggang ikaanim na ranggo ay kilala bilang mga Martial Artists, at ang ikapito hanggang ikasiyam na ranggo ay kilala bilang mga Martial Masters. Ang lahat ng mga Martial Masters ay mayroong mataas na katayuan, maging ang Zhao sect ay mayroon lamang kaunting miyembrong katulad nila," simpleng ipinaliwanag ni Coach Chen ang tungkol sa siyam na ranggo ng Martial Path.

"Bawat tatlong ranggo ay may malaking pagitan sa bawat isa."

Ang kaisipan ni Zhao Feng ay gumuhit ng isang simpleng diagram.

Unang tatlong mga ranggo: Palakasin ang katawan at magtayo ng isang magandang pundasyon.

Pang apat hanggang pang anim na ranggo: Bumuo ng inner strength o chi. Bawat galaw at aksyon ay higit ang lakas sa mga Martial Learners.

Ikapito hanggang ika-siyam na ranggo: Pataasin ang Inner Strength papunta sa Transformation Strength, na kayang umatake sa pamamagitan ng hangin.

Mayroong mga usap-usapan sa loob ng Cload Country tungkol sa mga malalaking Martial Masters, ang mga taong nakaabot sa tuktok ng ikasiyam na ranggo at mayroong titulo na Ten Thousand Man Army, na kayang talunin ang kanilang mga kalaban nang walang kahirap-hirap.

Sa mata nila, ang mga normal na Martial Artist at deadly beasts ay mga langgam lamang.

"Una, mag-uusap tayo tungkol sa una at pangalawang ranggo ng Martial Path. Sa pamamagitan ng mga martial art skills, pinapalakas natin ang ating katawan at dugo…" Si Coach Chen ay unang nagsalita tungkol sa pundasyon ng unang dalawang ranggo.

Karamihan sa mga disciples sa loob ng field ay naabot na ang ikatlong ranggo, kaya't sila'y hindi masyadong nagbigay ng atensyon dito. Si Zhao Feng ay nakinig nang mabuti dahil siya ay nanatili sa unang ranggo ng Marital Path sa mahabang panahon. At ngayon ay iba na ang tingin sa mahigit kumulang isang daang libro sa kanyang isipan.

Bigla niyang naalala ang unang skill na natutunan niya, ang Flaming Metal Fist. Dahan-dahan, ang mga galaw, mga karanasan, at skill ay naglaho sa kanyang memorya.

Si Zhao Feng ay nabigla dahil hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito. Ang tanging bagay na alam niya ay ang Flaming Metal Fist ay lumagpas na sa pinaka mataas na antas. Hindi niya napagtanto na aksidente siyang nakapasok sa isang meditational state. Ang mga estadong ito ay bihira, kahit para sa mga henyo.

"Susunod, pag-uusapan natin ang mga skills ng ikalawa at ikatlong ranggo, at kung paano sila isagawa…" Hindi lamang nagsalita si Coach Chen, ipinakita rin niya kung papaano sila i-praktis.

Bilang isang tunay na Martial Artist, anumang mga galaw na ipinakita ni Coach Chen ay mga middle rank martial arts na sinanay hanggang sa pinaka mataas na antas. Kahit na gumamit ng ikatlong ranggong lakas at middle ranked martial arts si Coach Chen, kaya parin niyang talunin ang top ten disciples.

"At huli, ituturo ko sa inyo ang tricks tungkol sa Inner Strength. Ilan sa inyo ay narating na ang tuktok ng ikatlong ranggo at kaunti nalang ang layo mula sa ika-apat na ranggo." Nang nagsalita si Coach Chen, ang kanyang mga labi ay napangiti. Ang lahat mga top ten disciples ay naabot na ang tuktok ng ikatlong ranggo.

"Maging ako ay hindi kayang ipaliwanag ng buo kung papaano gumagana ang chi. Ang susi ay kung paano naiintindihan ng bawat isa sa inyo ang Inner Strength. Ang magagawa ko lang ay ibigay ko sa inyo ang ilan sa aking mga karanasan…" Ang boses ni Coach Chen ay humina. Pagkatapos niyang tapusin ang kanyang pangungusap ay nagbigay siya ng isang katakot-takot na aura.

Sa sandaling iyon, lahat ng Zhao sect disciples ay hindi makahinga nang maayos. Ang hindi nakikitang pressure ay bumaha sa lahat ng mga Martial Learners.

"Anong klaseng lakas! Ito ba ang Inner Strength? Kung mayroon ako niyan, maaari kong subukan na makapasok para maging isang tunay na martial artist…" Pinigilan ng mga tao ang kanilang mga paghinga habang nakatingin sila ng may pagkamangha.

"Pagkatapos ng lahat, ang inner strength ay isang uri ng lakas na nabubuo sa loob ng isang tao. Kaya't, ang malakas na dugo ang susi sa pagbuo ng Inner Strength. At ang lakas ng katawan ng isang tao ay naka depende sa kung gaano kalakas ang katawan at dugo ng isang tao. Ito ang dahilan kung bakit kilala ang unang tatlong ranggo bilang Power Ranks. Sila'y nagbibgay ng isang solidong pundasyon na pagtatayuan," Sabi ni Coach Chen habang ipinapakita niya ito.

"Rock Breaking Palm!" Isang mahinang dilaw na liwanag ang lumbasa sa gitna ng kanyang palad.

Pah—-

Bago pa man tumama ang palad sa lupa, ang puwersa ng palad ay nakadating na.

"Ah!"

Ang lakas ng palad na iyon na puno ng Inner Strength ay parang isang bundok na bumagsak papunta sa mga disciples. Ang nag-iisang aura na iyon ay kayang pasukuin ang mga Martial Learners.

Plop!

Tatlong disciples ng ikalawang ranggo na tumayo sa harap ay bumagsak sa lupa.

"Hmph! Nakikita kong mahina ang iyong pundasyon. Ang hangin mula sa aking palad ay nagawa ka nang pabagsakin. Kung iyon ay isang tao na nasa ikapitong ranggo o mas mataas kumpara sakin, kayo'y madudurog na sa mga madaming piraso…" Ipinagpag ni Coach Chen ang kanyang ulo.

Habang nagpapaliwanag at nagdedemonstra siya, isa sa mga binata ay parang isang iskultura na hindi gumagalaw. Nang matapos ni Coach Chen ang kanyang demonstrasyon, ang binata ay ipinikit ang kanyang mata.

"Ang Inner Strength ay parang ganon…" Ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata. Sa kanyang isip, ang larawan ng katawan ng isang tao ay lumabas muli.

At sa isang punto, isang mahinang dilaw na liwanag ang nanggaling mula sa loob ng dugo. Kanina, nang nag-dedemonstra si Coach Chen, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata para makakuha ng mas magandang tingin…

Ang kanyang mata ay nahuli ang mga maliliit na pagbabago sa loob ng katawan ni Coach Chen, kasama na kung papaano nabubuo ang chi. Sa kanyang isipan, ang eksenang ito ay paulit-ulit na ipinapalabas. Siguro, maski si Coach Chen ay hindi tiyak na kayang intindihin ang mga pagbabago sa kanyang katawan sa loob ng kanyang katawan.

Susunod, ipinamalas muli ni Coach Chen ang ilan sa kanyang mga sariling karanasan. Bawat oras na nagpapamalas siya, gagamitin ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata para mag-obserba. Habang ang ibang mga disiciples ay naririnig lamang ang lohika, si Zhao Feng ay kayang makita ng lubos kung paano ito nabubuo.

Matapos ang kalahating oras, ang lektyur ni Coach Chen ay natapos.

"Hindi niyo pwedeng pwersahin ang Inner Strength. Para makabuo ng chi, kailangan mayroon kang mahusay na talento at solidong pundasyon." Iniling ni Coach Chen ang kanyang ulo habang siya'y umaalis. Halata naman na wala siyang masyadong pag-asa sa mga outer disciples na ito.

Kung ang kanyang eksplenasyon ay magagawang ipaintindi sa isa o dalawa sa kanila, Ito ay hindi inaasahan…

Matapos umalis ni Coach Chen, karamihan sa mga disciples ay naiwan nang may mga nagtatanong na mga mukha? Matapos ang lahat, ang Inner Strength ay hindi mailalarawan. Ito'y ibat'-iba para sa lahat.

Ang mga disciples na mataas ang ranggo na nakakuha ng ilang mga ideya. Minsan si Zhao Yue, na may pinakamataas ang ranggo, at si Zhao Yijian ay mayroong mga ekspresyon ng pag-iisip at minsan ay ekspresyon ng kaligayahan…

Ang mga kilay ni Zhao Yufei ay medyo pumagaypay.

At para kay Zhao Feng, isinarado niya ang kanyang mga mata habang nakatayo. Sa loob ng kanyang isipan, ang memorya ng pagpapamalas ni Coach Chen ay paulit-ulit na lumalabas.

*****************

Maya-maya…

Naglabas si Zhao Feng ng isang hininga habang nagmamadali siyang umuwi.

Bang!

Nang nakauwi siya, sinarado niya ang kanyang kuwarto at umupo ng naka cross-legged.

"Naintindihan ko na rin kung paano gumagana ang Inner Strength…" Sa loob ng kanyang isipan, muling lumabas ang mga huling pahina ng Lightly Floating Ferry.

Ayon sa Air Pushing Breathing Technique, kung sasanayin niya ito hanggang sa pinakamataas na antas, magkakaroon siya ng pundasyon para bumuo ng Inner Strength.

Ginugol niya ang natitirang araw para intindihin ang mga kaalaman na nakuha niya. Sa gabi, isinagawa ni Zhao Feng ang Air Pushing Breathing Technique ng ilang beses para makumpirma na naabot na niya ang tuktok ng ikatlong ranggo.

"Nagsisimula na ito ngayon…" Huminga nang malalim si Zhao Feng habang unti-unti niyang binubuo ang kanyang chi. Habang sinusundan ang Lightly Floating Ferry, sabay na unti-unting itinulak ni Zhao Feng ang kanyang dugo.

Kumpara sa Air Pushing Breathing Technique, ang pamantayan ng Lightly Floating Ferry ay mas mataas.

Hindi nagtagal, ang dugo ni Zhao Feng ay dumaan na sa kanyang katawan. Ang lahat ay naging maayos. Gayunpaman, sa huli, pakiramdam ni Zhao Feng na para bang wala na siyang enerhiyang natitira.

Ang rason ay dahil, habang ang dugo ni Zhao Feng ay malakas, nagkukulang siya sa dami. Kung ang blood strength ang pag-uusapan, maikukumpara siya kay Zhao Yue, subalit kung ang dami ang pag-uusapan, ay malayo pa rin siya.

Hindi naabot ni Zhao Fegn ang ang tuktok ng ikatlong ranggo, at ang paraan ng pagbuo ng Inner Strength ng Lightly Floating Ferry ay mas mahirap kaysa sa karamihan ng mga ibang skills.

"Kung ako'y mabigo, ang aking dugo ay mapupunta sa isang panahon ng kahinaan at ito'y magiging mas mahirap na buuin sa susunod…" Kinuyom ni Zhao Feng ang kanyang ipin habang naglabas siya ng isang piraso ng dalawang taong gulang na blood plant.

Hu!

Huminga ng isang malalim na hininga si Zhao Feng habang ang enerhiya mula sa blood plant ay sumanib sa daloy ng kanyang dugo.

Weng~

Sa huling sandali, nadama ni Zhao Feng ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa loob niya.

Ha!

Isang malakas na sigaw na kasing lakas ng kidlat ang umugong sa loob ng kuwarto, na nagdulot upang kumalampag ang mga bintana. Ang kuwarto ay dumilim sa kadahilanang ang mga kandila ay namatay.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan ay mayroong isang binata na puno ng pag-asa na dahan-dahang binuksan ang kanyang palad. Isang magandang berdeng liwanag ang lumitaw…


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C16
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 82 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO