Dahil sa pagkakaroon ng madaming pagpipilian sa martial arts, nagdulot ito kay Zhao Feng ng walang katapusang kaligayahan. Hindi niya mapigilan ang kaniyang kasiyahan at tumawa habang nakataas ang kanyang ulo. Ilang sandali rin ang lumipas bago niya napakalma ang kanyang sarili.
Sa Cloud Country, ang isang middle rank martial arts ay may halagang ilang daang pilak, gayunpaman ang perang natatanggap ni Zhao Feng ay sampung pilak lang kada buwan.
Syempre, hindi niya pwedeng ilabas ang mga skills ng sect at ibenta ito. Pag ginawa niya iyon ay mapaparusahan siya; sisirain nila ang kanyang cultivation at sisipain siya palabas ng sect.
Si Zhao Feng ay 'naglabas' ng isang daang libro mula sa Martial Arts Library, karamihan sa mga ito ay mataas ang klase at lahat ito'y mayroong hindi bababa sa isang nakaraang tao na nakapagsanay nito upang magamit niya ang kanilang mga karanasan.
Gayunpaman, para makapili ng ilang martial art skills mula sa mga librong ito ay hindi madali. Maganda na ang lahat ng librong ito'y ganap nang nakatatak sa kanyang isipan dahil kailangan lamang niya ng isang isipan para maikumpara sila laban sa isa't isa at makapili ng isang pinaka bagay sa kanya.
Ang isang martial art ay kayang dagdagan ang kanyang lakas; kasama ang kombinasyon ng maraming martial arts, magagawa lamang nitong tulungan ang kanyang cultivation.
Gumamit lamang ng kalahating oras si Zhao Feng upang pumili ng skills mula sa isang daang mga libro. Ang mga ito ay Lightly Floating Ferry, Angry Dragon Fists, Air Pushing Breathing Technique at Continuous Meteorite Arrows.
Ang Lightly Floating Ferry ay ang siguradong pinakamataas na ranggong skill mula sa kanilang lahat at si Zhao Feng ay mayroong mataas na tsansa para makita ang mga nawawalang mga salita.
Pagkatapos ay sumunod ang Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique, ang mga skills na ito ay pinunan ang bawat isa.
Ang Angry Dragon Fists ay isa sa mga pinakamataas na libro ng middle rank at ang pinsalang maidudulot nito ay mataas. Pinagsasama nito ang lakas ng isang tao sa isang hampas at ang lakas nito'y hindi kapani-paniwala na hindi mas mahina kumpara sa ilan sa mga high ranked martial arts. Si Zhao Feng ay mayroong mataas na ekspektasyon para sa Angry Dragon Fists dahil dinadagdagan nito ang pisikal na lakas ng isang tao. Ang isang malakas na katawan ay isa sa mga pundasyon at ang pinakamababang kinakailangan para sa pagbuo ng Chi.
Ang Chi ay isang bagay nagbibigay kakayahan sa isang tao na maging tunay na Martial Artists.
Ang Air Pushing Breathing Technique ay isa ring peak middle rank martial art. Binubuo nito ang lakas ng katawan, dugo, at tibay ng katawan ng isang tao. At kung masanay ito papunta sa isang mataas na antas, ay mayroong tsansang maintindihan ang Chi.
"Ang Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique ay perpektong gumagana nang magkasama at kapag ginamit nang magkasama, ang lakas nito'y maihahambing kahit na sa isang high ranked martial arts. Mayroon din itong dagdag tsansa upang maintindihan ang Inner Strength ng Martial Path." Sobrang nasiyahan si Zhao Feng.
At para sa huling skill, Continuous Meteorite Arrows, ito'y malapit na rin sa high rank.
Bakit siya pumili ng isang arrow skill? Dahil ito'y gumagana nang mabuti sa kaliwang mata ni Zhao Feng.
"Kapag hindi ako natuto ng isang arrow skill, malulungkot ako para sa aking kaliwang mata..." Si Zhao Feng ay mayroong ngiti sa kanyang mga labi.
Pwedeng maisip na sa pamamagitan ng kakayahan ng kanyang kaliwang mata, siya ay magiging natural na "godly archer" at kapag naperpekto niya ang kanyang arrow skills…
Pagkatapos pumili ng martial arts skills, sinimulan ni Zhao Feng na mag cultivate.
Una siyang nagsimula sa Air Pushing Breathing Technique, dahil ang malakas na pangangatawan at dugo ang pundasyon ng cultivation. Kung mas malakas ang dugo ng isang tao, mas malakas din ang pinsala mula sa Angry Dragon Fists sa malapitang labanan.
Habang nakapikit, ang isipan ni Zhao Feng ay pumasok sa loob ng mga nilalaman ng Air Pushing Technique.
Pagkatapos ng ilang sandali, ang dugo ng kanyang katawan ay nagsimulang gumalaw nang mabagal.
"Ganito kadali?" Nagulat si Zhao Feng
Ayon sa mga nilalaman ng Air Pushing Breathing Technique, karamihan ng tao na kayang maigalaw ang kanilang dugo ay kailangan ng kahit apat hanggang limang araw o kahit na hanggang sa labinglimang araw.
Maaari bang isa akong henyo?
Naisip ni Zhao Feng nang saglit at agad din niyang sinangayunan ang kanyang sarili. Dahil kung isa siyang henyo, kung ganoon hindi ay hindi siya mahihirapang pumasok sa ikalawang ranggo ng Martial Path.
Napagtanto niya na pagkatapos ng pagsanib sa kanyang misteryosong kaliwang mata, ang enerhiya ng kanyang utak ay nadagdagan. Ang kanyang bilis ng reaksyon, pag-unawa at bilis ng kanyang pagsusuri ay lumagpas na sa mga normal na tao.
Kapag inaaral niya ang Air Pushing Breathing Technique, isang tunog ng "peh peh" ang nanggagaling mula sa kanyang kaliwang mata.
Sa parehong oras, sa loob ng napakadilim na dimensyon, ang 6cm radius na mahinang berdeng ilaw ay umiikot na may dagdag na bilis.
****************************
Makalipas ang kalahating araw…
Si Zhao Feng ay nasanay na ang Air Pushing Breathing Technique papunta sa unang antas at ang kanyang katawan ay nagbibigay ng medyo mabahong amoy ng pawis.
Naramdaman niya ang tibay ng kanyang katawan ay naging mas malakas ng tatlumpung pursyento.
Nagawa ko? Si Zhao Feng ay tila hindi makapaniwala.
Ang Air Pushing Breathing Technique ay nahahati sa tatlong antas at pagkatapos itong masanay hanggang sa tuktok ng ikatlong antas ng isang tao ay maaaring magkaroon ng tsansa upang maintindihan na ang chi.
Makalipas ang isa pang kalahating araw, si Zhao Feng ay nasanay na ang Air Pushing Breathing Technique hanggang sa tuktok ng unang antas, pagkatapos ay bumagal na ang bilis ng kanyang pagsasanay sa skill na ito. Kung kaya binago niya ang kanyang isip at nagsimulang magsanay sa Angry Dragon Fist na ipinagpares kasama ang Air Pushing Breathing Technique.
Kagaya ng inaasahan, sa pamamagitan ng pundasyon ng Air Pushing Breathing Technique, ang bilis upang matutunan ang Angry Dragon Fist ay napakabilis.
Sa loob lamang ng kalahating araw, natutunan ni Zhao Feng ang lahat ng walumpu't isang galaw hanggang sa baguhang antas.
Ang Angry Dragon Fists ay mayroong matinding lakas, lalo na kung ginamit kasama ang Air Pushing Breathing Technique, ang eksplosibong lakas nito'y hindi kapanipaniwala.
Pinitik ni Zhao Feng ang kanyang dila dahil sa pagkamangha.
Ang pinaka nakakasurpresang parte ay ang pagkatapos niyang matutunan ang Angry Dragon Fists, ang Air Pushing Breathing Technique ay nakapasok papunta sa ikalawang antas at higit pa! Ang dalawang skills na magkasama ay mayroong 'di kapanipaniwalang epekto.
'Di na nakapapagtakang perpekto ang mga ito para sa bawat isa! Tumawa si Zhao Feng sa kanyang puso.
Para sa susunod na limang araw, ipinagpatuloy ni Zhao Feng na pag-aralan ang Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique, at ang parehong skills ay nasanay sa isang 'di kapanipaniwalang bilis.
Sa panahong ito, ang cultivation ni Zhao Feng ay nalalapit na sa tuktok ng ikalawang ranggo ng Martial Path.
"Saglit nalang at maaabot ko na rin ang tuktok ng ikalawang ranggo… Kung gayon, ang ikatlong ranggo ay hindi na rin malayo."
Puno ng ekspektasyon si Zhao Feng
********************
Kinabukasan, si Zhao Feng ay umalis sa kanyang bahay at dumiretso papuntang martial arts field.
Dahil kinakailangan ng Lightly Floating Ferry at Continuous Meteorite Arrows ng isang maluwag na lugar para makapagsanay.
Ilang sandali, dumating si Zhao Feng sa isang sulok ng martial arts field. Ito ang lugar kung saan sila nagsasanay ng mga pana.
Shoosh!
Isang pana ang nag-iwan ng isang afterimage at dumiretso papunta sa gitna ng target na limampung metro ang layo.
"Mahusay na arrow skill! 'Di na nakakapagtaka na si Brother Yui ay isa sa top three godly archers ng sect."
"Marahil ang panang ito ay kayang dumiretso papasok sa depensa ng isang nasa ikatlong ranggo at ng mga maskuladong ligaw na hayop."
Mga nasasabik na sigaw ang nanggaling sa gilid.
"Napaka-galing!" Sakto ang pagdating ni Zhao Feng at kanyang sinabi.
Kilalala niya ang kabataang tinatawag na Zhao Yui, sikat dahil sa pagiging mala-diyos niyang archer sa sect.
Shoosh Shoosh Shoosh…
Hinila ni Zhao Yui ang string at tumira ng limang palaso na kasing bilis ng kidlat, na bumuo ng isa ring sa paligid ng gitnang pulang tuldok.
"Mahusay! Kahanga hanga!" Ang mga disciples sa paligid ay nagsimulang pumalakpak.
Hindi na nagbigay ng anupamang atensyon si Zhao Feng sapagkat ang pakiramdam niya ay kaya niya rin maging isang godly archer kapag sinubukan niya.
Pumunta siya sa isang bukas na espasyo at kumuha ng isang pana. Pinintig ang kanyang mga mata na parang pumupuntirya.
Sa lalong madaling panahon ni kumuha siya ng pana, ang mga disciples sa paligid ng field ay nakatuon sa kanya.
"Tignan niyo… sino yan? Mukha siyang bago." Isang disciple ang nakakita sa kanya at kumislap ang mga mata.
"Heh heh, ang pangalan ng batang yan ay Zhao Feng at nanggaling siya mula sa isang branch sect kalahating taon na ang nakakalipas. Kamakailan lang, narinig kong ginalit niya si Zhao Yijian na pangatlo ang ranggo mula sa mga outer disciples. Narinig ko ring iniwan narin siya ng kanyang kasintahan ngayon…" Mayroong ilang nakakikilala kay Zhao Feng.
"Branch family disciple? Magpustahan tayo kung ilang rings ang matatamaan niya." Ilang mga disciples ang mapaknuksong tumingin kay Zhao Feng. Kahit na ang godly archer na si Zhao Yui ay naistorbo nito.
"Ang mga Arrow skills ay nangangailan ng talento at integridad. Hindi ito isang bagay na matututunan ng kahit na sinumang gustong matuto." Si Zhao Yui ay arogante at medyo minamaliit si Zhao Feng.
Hindi na nag-abala pa si Zhao Feng sa mga taong ito. Bahagya niyang ginamit ang kanyang kaliwang mata at ang target na may limampung metro ang layo ay naging palaki nang palaki sa kanyang paningin.
Shoosh—
Ang arrow string ay yumanig at ang palaso ay lumipad sa hangin, bahagya na tumama sa target, pero nahulog din ito sa lupa.
Lumutang ito…
Nagsimulang pawisan si Zhao Feng bilang ito'y ang una niyang pag-gamit ng isang pana.
"Hahaha…" Ang mga disciple sa paligid ng field ay inangat ang kanilang ulo at tumawa.
Isa pa. Kalmado si Zhao Feng. Ang hindi pagtama ng pana sa unang pagkakataon ay normal.
Susunod, gumamit siya ng mas madaming puwersa sa kanyang natitirang pana at isinama ang Continuous Meteorite Arrow skill sa kanyang puso.
Shoosh—
Ang pangalawang pana ay dumireto patungo sa target at isang singsing ang layo mula sa gitna. Ang ika-siyam na singsing!
Ang field ay tumahimik. Ang mga tumatawa ay tumigas ang mga muka. Maski ang kilay ni Zhao Yui ay kumunot.
Ika-siyam na singsing, ito'y napakalapit na sa gitna. Upang maka tama ng limampung metro ang layo, ito ay mahusay narin para sa ilan sa mga matatagal nang archers.
"Swerte! Dahil siguro ito sa swerte!"
"Tama ka!" Ang isang baguhan ay 'di kayang maging ganito kaasintado. Ang unang pana niya ay 'di man lang tumama sa target."
Ang mga disciple ay nagsimula muling tumawa at tumingin ka Zhao Feng.
Gayunpaman, bago nila matapos ang kanilang mga salita, ang pangatlong pana ay lumipad na sa ere.
Shooosh—
Ang pana ay lumipad na parang kidlat at tinamaan ang target.
Ta!
Gitnang gitna!
Tumahimik muli ang field ng isang pang beses. Kahit na si Zhao Yui ay nagulat. Lahat sila'y mayroong naguguluhang mukha at tumayo doon ng matigas.
"Hindi na masama ang swerte ko." Nagbigay si Zhao Feng ng isang maliit na ngiti dahil napatunayan na niya na mayroon siyang 'di matatawarang talento sa pana.
"Swerte? Anong meron dito sa lalaking 'to?" Karamihan sa mga archers ay may nahihiyang mga mukha.
Kahit na sinong archer ay baguhan sa simula. Gayunpaman, ito ang unang beses nilang makakita ng taong ganito kaswerte.
"Bata! Isa pang tira!" Ilan sa mga disciples ang sinabi ito na may mabigat na kalooban.
"Oo! Isa pang tira!" Karamihan sa kanila ay may nasasabik na mukha at nagsimulang sumigaw.
Gusto nang umalis ni Zhao Feng, pero ang mga taong ito'y hindi siya hahayaang umalis.
Mayroong iilang mga disciples ang nasa ikatlong ranggo ng Martial Path, at karamihan dito'y mas matanda kay Zhao Feng.
"Sige." Nagkibit-balikat si Zhao Feng at kinuha muli ang pana...
Walang magawa, Kinuha muli ni Zhao Feng ang pana at mabagal na hinila ang string
"Tignan niyo ang tindig ng batang 'to, halatang isa siyang baguhan!"
"Hmph! Kapag tinamaan niya ang pinaka gitna ngayon, isusulat ko ng pabaligtad ang pangalan ko."
Ang mga archers sa field ay mayroong mga nasasabik at pagmamaliit na mukha kay Zhao Feng.
Ang tao sa crowd na may pinaka mataas na skill ay si Zhao Yui. Mayroon siyang mukha na puno ng kumpiyansa habang sinabi niyang, "Ang mga skills ng archery ay napagbubuti lamang sa pamamagitan ng pagpana ng walang katapusan. Saka ka palang magiging isang peak archer."
Ang mga archer sa paligid niya'y tumango sa pang sang-ayon sa kanyang mga salita.
Pinintig ni Zhao Feng ang kanyang mga mata, pero ngayon ay hindi niya ginamit ang kanyang kaliwang mata. Kapag ginamit niya ang kanyang kaliwang mata, ay halatang tatamaan nito ang pinaka gitna.
Napag pasyhan ni Zhao Feng na maging low-key, bahagya lamang niyang ginamit ang kanyang kaliwang mata. Sa parehong oras, ang Continuous Meteorite Arrows skill sa kanyang isipan ay sumapi sa kanyang puso at naging parte niya ito.
Bawa't parte ng katawan ni Zhao Feng, pati ang kanyang paghinga, ay simulang nagkaroon ng malliit na pagbabago.
Ang mga pagbabagong ito'y hindi nakita ng mga tao. Gayunpaman, dahil sa pagiging pambihirang archer, ang mga mata ni Zhao Yui ay lumiwanag.
Shoosh-
Ang bow ay tumira ng pana na lumagitik sa hangin, at katulad ng bulalakaw ay tumama sa target.
Gitnang gitna!
"Isa pang ikasampung singsing!" si Zhao Feng ay may nasaktang ekspresyon.
Sa pagkakataong ito ay hindi niya ganap na ginamit ang kanyang kaliwang mata, pero ang ginamit lang niya ay ang mga skills ng Continuous Meteorite Arrow. Akala niya ay mahirap makakuha ng magandang resulta, ngunit hindi niya alam na tatamaan parin niya ang pinaka gitna nito.
Ah! Ipinagpag niya ang kanyang ulo at nagbuntong hininga. Ang kanyang mga galaw ay ginawang tense ang mga mukha ng mga disciple.
"Gitnang gita uli, ano ang lalaking ito?!"
"May dalawa na siyang pinaka sentro, paano naging ganito kaswerte ang isang tao?"
"Ok, tapos na akong tumira, aalis na ako ngayon." Pinagpag ni Zhao Feng ang kanyang damit at inilapag ang kanyang pana at naghandang umalis.
Habang tinitignan ang kanyang likod, lahat ng archers sa paligid ang nakaramdam ng galit.
"Bata! Diyan ka lang!" isang malamig na boses ang nanggaling mula sa likod.
Huminto sa paglalakad si Zhao Feng at umikot.
Ang taong tumawag sa kanya ay si Zhao Yui. Meron siyang mukha na puno ng galit at ang kanyang ikatlong ranggo ay pinipuwera ang mga tao sa paligid niya. Si Zhao Yui ay 17 o 18 taong gulang. Ang katunayang mayroon siyang mas mataas na cultivation at mas malaki siya kay Zhao Feng ay nagdadag ng bangis.
"Naitira ko na ang aking pana, ano pa ba ang nais mong ipagawa sakin?"
Kahit na malakas si Zhao Yui at si Zhao Feng ay walang kumpiyansang manalo, hindi ibig sabihin ay natatakot si Zhao Feng sa kanya.
"Umaarte ka parin!" suminghal si Zhao Yui. "Hindi ka isang baguhan, nandito ka lang para paglaruan kami!"
Pagkatapos itonng masabi, ang mga archers sa kanyang paligid ay napagtanto ito at tumango sa pag sang ayon.
"Di na nakakapag taka na ang batang ito ay napaka swerte, nagpapanggap lamang siyang mahina!"
"Hmph, ang lakas ng loob ng lalaking ito para paglaruan tayo!"
Ang mga disciples sa paligid ay naniwala sa mga salita ni Zhao Yui at simulang sumigaw kay Zhao Feng habang may mga galit na mukha.
"Kumalma lang kayong lahat, ito nga ang unang beses kong tumira ng pana." Ipinagpag ni Zhao Feng ang kanyang ulo; hindi nagpapanggap na mahina. Para maka kamit ng magandang resulta ay isang bagay na hindi niya inaasahan.
Si Zhao Yui ay tumitig sa kanya at kumislap ang mga mata: "Pati na ako'y nalinlang ng unang dalawang pana. Gayunpaman, ang ikatlong pana… ang tindig ng iyong kamay ay halatang naka-abot na sa isang mataas na antas. Upang makatira ng limampung metro at tamaan ang gitna ng dalawang beses na magkasunod. Anong klase ng baguhan ang ganito ka swerte?"
Mayroon siyang rason para sa kanyang salita. Hindi mahalaga kung mayroon mang isang daang bungaga si Zhao Feng, dahil hindi parin niya ito maipapaliwanag.
"Ano ba ang gusto niyo?" Namlamig ang mukha ni Zhao Feng. Kung hindi niya maipapaliwanag, kung ganoon ay wala ng punto sa pagpapaliwinag.
"Heheh, bata, ang lakas ng loob mo upang paglaruan kami. Kaya hindi ka naming hahayaang umalis ng ganito kadali."
Ang mga disciples sa paligid niya ay hinawakan ang kanilang mga kamao at padami ng padami ang mga tao na nagsisiksikan.
********
"Sister Yufei, mukhang madaming tao sa lugar na iyon, tignan natin."
Ilan sa mga kababaihan ng sect ay naakit sa lahat ng atensyon. Ang edad ng mga kababaihan ay nasa pagitan ng labindalawa at labing anim. Isa sa kanila ay nakasuot ng purple dress. Mayroon siyang mukha na kasing puti ng yebe at tila mahina, pero ang kanyang kagandahan ay walang katulad.
"Sobrang ganda… Sino siya?"
Isang kabataan na kasing edad ni Zhao Feng ay namamangha habang nakatayo at ang kanyang mga mata ay naka-lock sa babae
"Siya ang bagong henyo ng sect, si Zhao Yufei!" Karamihan sa mga disciples ay alam ang pagkakakilanlan ng babae.
"Siya ay labinlimang taong-gulang lamang at siya ay nasa tuktok na ng ikatlong ranggo. Siya ay malapit ng maging ika-apat na ranggo at pagkatapos ay maging isang tunay na Martial Artis."
"Si Zhao Yufei ay hindi lamang maganda, mayroon din siyang pambihirang talento."
Ilan sa mga kabtaan ang binawi ang kanilang mga tingin at nakaramdam ng hiya, na para bang hindi sila karapat dapat kay Zhao Yufei.
Si Zhao Yufei ay hindi lamang manganda, mayroon din siyang isang refreshing na aura. Siya ay tulad ng isang bulaklak. Pati na ang mga mata ni Zhao Yui ay kumislap nang makita niya si Zhao Yufei.
"Siya yun…" Kilala din ni Zhao Feng si Zhao Yufei. Si Zhao Yufei ay isa ding branch disciple na dumating kalahating taon na ang nakalipas. Siya'y parego ang cultivation kay Zhao Yijijian, pero mas bata siya!
Mahirap mapaniwalaan na ang isang tao na nanggaling sa branch family, sa ilalim ng mga resources na mayroon siya, ay kayang makamit ang ganitong realm.
Ito siguro ang isang tunay na henyo! May Ilang mga bagay ay hindi posibleng mangyayari sa mga normal na tao. Pero para sa isang henyo, ang mga ito'y ng madaling mangyari.
Noong nakita ni Zhao Feng si Zhao Yufei, naisip niya na siya ay maganda. Bilang isang normal na kabataas ng parehon edad, ay mahirap na hindi maakit. Gayunpaman, alam ni Zhao Feng na sa kanyang cultivation at katayuan, siya at si Zhao Yufei ay mga taong magkaiba ang mundo.
Noong nakita niyang lumapit si Zhao Yufei, lumapit si Zhao Yui at mainit siyang binati.
Si Zhao Feng ay tiwasay at diretso ang tingin kay Zhao Yufei.
Kung ito ay ang nakalipas at kaharap si Zhao Feng ang maganda at henyong babae na ito, iispin niya sa sarili niya na hindi siya karapat dapat at matatakot upang tignan man lamang siya sa kanyang mata. Gayunpaman, ngayong araw ay tumingin siya ng diretso sa kanya.
Nang tumingin siya sa kanya, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagsimulang gumalaw ng hindi namamalayan. Sa kanyang kaliwang mata, ang nakakamanghang pigura ni Zhao Yufei ay naging mas malinaw kaysa dati.
Yi!
Dahil dito, si Zhao Feng ay nabigla. Dahan dahan, ang mga damit ni Zhao Yufei ay nagsimulang kumupas at halos nakita na niya ang mala yebeng balat sa loob…
Malinaw namang, ang kanyang kaliwang mata ay walang see-through abilities. Kung mayroon man, ito'y magiging napaka hina. Dahil lamang sa mayroon siyang super-vision kaya nakikita niya ang mga bagay bagay ng mas malinaw.
Ang diperensya ay ang paningin ng mga normal na tao ay nananatiling malayo sa isang bagay, samantalang ang paningin ni Zhao Feng ay kayang palapitin ito ng mas malapit at tignan ito sa ilalim ng 'zero-distance'. Yun ang dahilan kung bakit nagkaroon ng 'see-through' effect.
Sa oras na ito, ang mata ni Zhao Feng ay gumana sa puno nitong potensyal at sa loob ng sobrang dilim na dimensyon, ang mahing berdeng liwanag at umikot ng mas mabilis.
Nang biglaang, ang mga damit ni Zhao Yufei ay kumpletong nawala, pati na ang kanyang katawan ay halos tuluyang naging tagusan. Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakita ang pagdaloy ng kanyang dugo, nakita rin niya ang mahinang purple na aura sa loob ng kanyang mga ugat.
"Ang talento ni Zhao Yufei ay napakalakas! Malapit na siyang magkaroon ng chi…" Si Zhao Feng ay sobrang nasurpresa nito at huminga siya ng malalim.
Kung edad ang pag-uusapan, siya ay isang taon lamang ang tanda sa kanya, pero siya ay mayroon ng ilang mga achievements. Sa Azure Flower Continent, karamihan sa mga Martial Learners ay nananatili sa ikatlong ranggo ng Martial Path habang buhay dahil hindi nila maintindihan ang chi at maging fourth rankers.
Gayunpaman, si Zhao Yufei, sa edad na labinlima ay halos lubusan ng naunawaan ang konsepto ng Inner Strength. Ang mga araw bago siya maging isang tunay na martial artist ay di na nalalayo.
"Ang kaliwang mata ko ay walang ganap na see-through ability, pero nararamdaman ko parin ang dugo at ang inner strength ng mga tinitignan ko." Ang mga mata ni Zhao Feng ay tumalon at ito ang konklusyon na narating niya pagkatapos itong isipin.
Sa parehong oras, ang key focus na si Zhao Yufei ay tila may naramdaman at tumingin patungo kay Zhao Feng. Hindi itinago ni Zhao Feng, pero sinarado niya ang abilidad ng kanyang kaliwang mata.
Nakaramdan si Zhao Yufei ng kakaibang pakiramdam sa loob ng kanyang puso na para bang hinuhubaran siya at ang lahat ng mga sikreto niya'y nabunyag.
"Anong nangyari dito?" Binawi ni Zhao Yufei ang kanyang tingin at tinanong.
"Little sister Yufei, ito ang nangyari…"
Si Zhao Yui at ang iba pa ay pinalaki ang buong insendente.
"Nakita ko." Tumingin si Zhao Yufei kay Zhao Feng
Alam ni Zhao Feng na sa ilalim ng ganitong mga kondisyon ay hindi siya makakapag-paliwanag.
"Bata! Dahil sa iyong mga nakaraang aksyon, nagdulot ka ng kaguluhan. Bibigyan kita ng pagkakataong humingi ng tawad sa lahat ng tao dito," Arroganteng sinabi ni Zhao Yui.
Humingi ng tawad?
"Wala akong ginawang masama, kaya bakit naman ako hihingi ng tawad?" Clinicked ni Zhao Feng ang kanyang dila.
"Kung hihingi ka ng tawad sa amin, ay palalagpasin namin ito," Sabi ni Zhao Yui na parang isang maginoo. Siya ay malinaw na nagpapakitang gilas sa harap ng magandang babaeng ito.
"Humingi ng tawad? Imposible." Sabi ni Zhao Feng. "Lahat ng sinabi mo ng nakaraan ay iniisip niyo lang sa inyong mga sarili."
Nang sinabi niya ito, lahat sila, kasama si Zhao Yufei, ay kinunot ang kanilang mga kilay.
"Itong Zhao Feng na ito ay medyo arogante." Mayroon na ngayong masamang impresyon si Zhao Yufei kay Zhao Feng.
"Di mo kayang makipag argumento ng maayos, ano?" Tumawa lamang si Zhao Yui sa halip na magalit. "Kung hindi ka hihingi ng tawad, wag mo nang isiping makaka-alis ka pa." Ang mga disciples sa paligid ay simulang pinalibutan si Zhao Feng.
"Pagtutulung tulungan niyo ako?" Si Zhao Feng ay mukha ng pangungutya at sumulyap kay Zhao Yufei.
Ang mga ekspresyon ni Zhao Yui at ng mga kanyang cronies ay nagbago. Sa harap ng henyo at magandang babaeng ito, malinaw na aarte sila na bilang mga maginoo at ang patutulong tulungan para mang gulpi ay hindi maganda sa paningin.
"Sige!" Ang mga mata ni Zhao Yui ay umikot at mayrong siyang nakatagong pakana sa kanyang puso."Hindi kami magtutulong tulungan para mang gulpi. Hindi mo na kailangang humingi ng tawad, yun ay kung matatalo mo ako sa arrow skills."
"Tama!" Dahil paraho kayong archers, gamitin niyo ang mga lakas niyo upang magsalita."
"Pwedeng si little sister Yufei ang humusga." Lahat sila'y sumang-ayon at nagsimulang sumigaw.
"Tumawa si Zhao Yui sa kanyang puso, para itong pagtira ng dalawang ibon gamit ang isang pana. Sa pamamagitan ng arrow contest, pwede niyang pahingiin ng tawad at pahiyain sa harap ng iba isa Zhao Feng. Magagawa din niyang ipakitat ang kanyang mga abilidad sa harap ni Zhao Yufei, at baka mapanalunan pa niya ang kanyang puso!
" Paligsahan ng Archery skills?" Wala ng magawa si Zhao Feng upang magsabi ng kahit ano paman, "Sige, mag usap tayo sa pamamagitan ng ating mga lakas."
También te puede interesar
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO