Kulay Lila…
Saglit na nag-isip si Marvin bago ito pilit na ngumiti at napailing.
Pangkaraniwan sa Feinan ang kulay lila na buhok. Halimabawa, ang Fate Sorcerer na nakilala niya sa Thousand Leaves Forest na si Kate. Mayroong din Valkyrie na mag-isang pinagtanggol ng tatlong bayan sa hilaga noong panahon ng Calamity.
Kung tunay ngang Seer ang kanyang kapatid, siguradong mangyayari ang nakita nito!
Kaya naman pala siya nahihiya! Kahit gaano pa siya katanda mag-isip, isa pa rin siyang 9 na taong gulang na bata.
Nakita niya sa kanyang panaginip ang kanyang kuya na may kasamang babae… Talaga namang nakakahiya ito?
Nagbuntong hininga si Wayne at seryosong sinabi kay Wayne na, "Tungkol sa nakita mo sa mga panaginip mo, wag mong sasabihin 'yon kahit kanino, naiintindihan mo?"
Tumango si Wayne. Alam niyang mayroong mali nang makita ang reaksyon ni Marvin.
Pagkatapos nilang makita ang Shadow Prince ngayong, naiintindihan na niyang mayroon mga bagay siyang nakikita, na hindi nakikita ng iba.
"Pagpapatuloy mo lang ang pag-aaral mo dito sa Three Ring Towers sa mga susunod na buwan." Naging maingat si Marvin sa kanyang mga sasabihin.""Pero may isang bagay kang dapat ipangako sa akin."
"Sige, Kuya!" Agad na nangako si Wayne.
"Hindi ka pwedeng mag-advance," seryosong sabi ni Marvin.
Ikinagulat naman ito ni Wayne.
…
Paglipas ng isang oras, nakasakay na si Marvin sa isang hot air balloon, habang nagapaalam naman sa kanya si Wayne.
Kahit na medyo kakaiba ang huling kahilingan ng kanyang kuya, tinanggap pa rin ito ni Wayne.
Nangako siya kay Marvin na hindi ito mag-aadvance sa 2nd rank Wizard ngayong buwan, kahit na malapit na itong mag-advance.
Hindi magiging epektibo ang gagawin ni Marvin kung makakapg-advanc ena si Wayne sa 2nd rank Wizard. Walang sino man ang makakapigil sa pagkasira ng Universe Magic Pool, bukod na lang kung biglang bumalik ang Wizard God at pigilan ang mga New God.
Pero sa palagay ni Marvin, hindi agad-agad babalik ang Wizard God. Siguradong naglalakbay pa ito sa kawalan.
Binaggit ang impormasyon na ito sa laro.
Ang Feinan, na naging mapayapa ng mahabang panahon, ay lalamunin na ng panahon ng kaguluhan.
Hindi rin magpapahuli ang mga Devil at mga Demon, habang pinapagalaw na ng mga Evil Spirit ang kanilang mga tauhan. Humihina na ang mga pwersang pumoprotekta sa Feinan.
Kahit si Marvin ay walang kakayahang protektahan ang buong Feinan. Kaya niya lang protektahan ang mga taong malapit sa kanya, pati na ang White River Valley.
Para magawa ito, hindi maaaring mapagbalingan siya ng mga god bago pa man siya lumakas ng tuluyan.
At ang madalas na pakikisalamuha sa mga god ay isa sa mga maaaring makakuha ng atensyon ng mga god.
Kung may ilang bagay na sinabi si Marvin kina Hathaway at Inheim, tungkol sa hinaharap, maaaring magbago ang iilang mga nakatadhana, pero hindi pa rin nito mababago ang kabuoang sitwasyon ng Feinan.
Ang muling pagpasok at pagtitipon ng mga tagasunod ng mga New God ng ikatlong era, ay hindi na maiiwasan.
Kailangan pangalagaan ni Marvin ang kanyang sarili hanggang sa umabot na siya sa puntong kaya na niyang tapatan ang mga god na ito, kapag nangyari 'yon, saka niya lang mailalabas ang kanyang pwersa.
Hindi kahinaan ang pagtitiis.
...
At lumapag na nga sa Moonlight Forest ang hot air balloon.
Walang naging aberya ang paglalakbay ni Marvin dahil mayoong siyang pass. Binaybay niya ang Skull Valley at tinawid ang Despair Hills at muling nakaabot sa tirahan ng Mad Lich.
Pero nang ibigay ni Marvin ang Eternal Flower kay Fidel, malungkot nitong sinabi na, "Wala na si Sasha."
"Ano?"
Nagulat si Marvin.
Sumagot lang siya noong narinig niya na ang paliwanag ni Fidel. Ilanga raw na ang nakakalipas, umalis ang Lich sa kanyang tahanan. Walang naiwang kahit anong bakas.
Naghanap nang naghanap si Fidel, pero tanging liham na isinulat ni Sasha ang nakita niya.
Sinabi niyang umalis siya panandalian para hanapin ang Great Lich sa hilaga, para maghanap ng tunay na kapangyarihan.
Ngayong wala na siyang emosyon ng isang tao, hindi na niya matatanggap si Fidel.
Umaasa siyang makakapagsimulang muli si Fidel.
Kaunti lang ang nakasulat sa liham pero dama ni Marvin ang kawalang pag-asa ng Lich nang sinulat niya ito.
'Nawalan na ng emosyon ng tao? Kung wala na talaga, mag-aabala pa ba siyang mag-iwan ng sulat?"
'Bulag at ignorante ang lahat ng taong nagmamahal, lagi nilang iniisip na mayroong mas magandang maaaring pagpilian ang mahal nila. Pero ang totoo, pareho lang silang nagpapakatanga.'
'Siguro hinahanap niya an Body Revival skill. Siguro ayaw niyang sayangin ang oras ni Fidel dahil akala niya wala nang pag-asa.' Nang makita ang tulirong mukha ni Fidel, muntik nang masabi ni Marvin ang lahat ng nalalaman niya.
Pero sa isip niya lang ito nasasabi lahat. Syempre gusto pa rin niyang itago ang katauhan niya bilang transmigrator.
Naging maingat sa mga salitang gagamitin si Marvin. "Baka mali lang ang pagkakaintindi mo sa mga sinabi niya."
"Pag-isipan mong mabuti, kung talagang wala na siyang emosyon, bakit pa siya mag-iiwan ng sulat?"
"Pwede namang umalis na lang siya basta-basta."
Biglang nagliwanag ang mga mata ni Fidel.
Tila ba nabuhayan na muli ito ng pag-asa.
"Tama ka!"
"Hindi kaya iniwan niya ang sulat na 'to para sabihin na hanapin ko siya sa hilaga?"
Walang nasabi si Marvin.
Hindi lang pabago-bago ang emosyon ng lalaing ito, parang may problema rin ito sap ag-iisip.
"Para saan pa ang paghahanap mo sa kanya? Malinaw naman na ayaw niyang makita mo siya dahil sa itsura niya, hinahanap mob a siya o tinutugis mo siya?"
"Wag kang masyadong mag-alala. Hindi ba masyado mo siyang minamadali?" Dagdag ni Marvin.
"Baka kailangan niya lang ng oras."
"Ang sabi mo noon, bago nangyari 'yon, malapit kayo sa isa't isa. Malinaw naman na may nararamdaman siya para sayo. Kailangan mo lang siyang bigyan ng distansya at oras."
Makikita ang lungkot sa mata ni Fidel. "Pero natatakot akong baka malimutan na niya ako sa paglipas ng panahon."
"Nabalitaan ko na wala talagang emosyon ang mga Lich."
Natahimik si Marvin, hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
Naghintay siya sa loob ng maliit na kwarto panandalian, at matapos nitong masigurong hindi ito magiging isang Lich, umalis na si Marvin.
Bago umalis, binigyan ni Fidel ng pabuya si Marvin sa pagdadala niya ng Eternal Flower.
Mukhang mayaman si Fidel. Marahil isa siyang tagapagmana ng isang Wizard clan at mayroong samu't saring kayamanan.
Sa pagkakataong ito, binigyan niya si Marvin ng pulseras.
[Wristband of Gratitude]
Quality: Uncommon
Effect: Nature Affinity +3
Nature Affinity was a very rarely seen property.
Kinakatawan nito ang kaugnayan ng lahat ng Nature God sa isang nilalang. Malinaw naman na ang Ranger ay isang class na may mataas na Nature Affinity, kaya mayroon sila mga espesyal na bonus sa kagubatan.
At kapag mas mataas ang Nature Affinity, mas lumalakas ang skill ng isang Ranger tulad na lang ng Hide at Stealth.
Nature Affinity +3, base sa tantya ni Marvin, ibig sabihin tataas ang kanyang skill ng 9%.
Isa itong magandang enhancing equipment.
Matapos pasalamatan ni Marvin si Fidel, ginamit na niya ang Wristband of Gratitude.
Bago umalis, sinabi niya kay Fidel na kapag nabagot ito, pwede itong bumisita sa White River Valley. Pumayag naman si Fidel at sinabing dadalaw siya doon isang araw.
Kung sabagay, wala naman siyang masyadong gagawin sa kanyang bahay, at ngayong umalis si Sasha, wala na siyang iba pang kaibigan.
Matapos umalis ng Despair Hills, dumeretso na si Marvin sa River Shore City.
Matagal na panahon rin siyang hindi nakabalik sa White River Valley. Anon a kayang kalagayan nito ngayon? Hindi maaaring wala ang kanilang overlord.
…
Sa Thousand Leaves Forest, isang taong gula-gulanit ang damit, na may hawak na lumang espada, ang palabas ng gubat.
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga nito ang isang boses:
"Ivan, binabawi ko na ang katayuan mo bilang Elven Prince, hindi ka na isang Exiled."
"Magmula ngayon, hindi mo na tahanan ang Thousand Leaves Forest. Hindi ka na maaaring umapak sa lugar na ito."
"Magmula ngayon, isa ka ng Outcast."
"Lumayas ka na. Baka balang araw, kapag sapat na ang lakas mo para talunin ako, muli kang makabalik sa terotoryo ko."
"Kung hindi, ako mismo ang magtatapon sayo palabas. Alis!"
Ito ang boses ng nakakatakot at nakakamanghang Great Elven King!
Tumagal man si Ivan sa laban, tulad ng inaasahan, natalo pa rin ito sa dwelo nila ng kanyang ama. Pero hindi niya inakala na hindi nap ala ang grupo ng mga stone people ng Stone Giant Territory ang naghihintay sa kanya, kundi ang permanenteng pagpapalayas sa kanya.
Isang Outcast…
Ngayon lang natulala ng ganito si Ivan.
'Sinukuan na ba talaga niya ako?'
'Ginawa ko na ang lahat pero hindi ko pa rin siya mapantayan. Kung sabagay, paano nga ba matatapatan ng talent ko ang pinakamalakas na Wood Elven Ruler sa kasaysayan.
'Kahit anong pag-eensayo ko, basura pa rin ako sa mga mata niya. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, hindi niya ako kailanman nakita.'
Puro pagnhahamak lang. Pakiramdam ni Ivan ay nilamon na ng kalungkutan ang kanyang puso.
'Lalaki man o babae ang gusto ko, hindi naman mahalaga 'yon eh… Ang gusto ko lang naman ay makita mo ko!'
Sa ilalim ng tirik na araw, naglakad na palabas ng gubat ang kaawa-awang Elven Prince.
"Klang" ang kanyang lumang espada ay nahulog sa lapag.
Nang biglang ikinagulat niya ang pag-atungal ng isang dragon mula sa dakong silangan.
Sa sumunod na sandal ay dinampot niya ang kanyang espada at nagtungo pa-silangan.
'Pucha, Masama ang araw ko ngayon. Tara't pumatay na lang ng dragon!' Mukhang isang sugatang lobo si Ivan.
...
Sa Thousand Leaves Forest, sa Mirror Lake, dalawang tao ang nakatayo.
Kagulat-gulat, makikita sa tubig ang eksena ng pagdampot ni Ivan ng kanyang esapada at pagtungo niya pa-silangan.
"Kamahalan, si Ivan, …"
Magalang at buong katapatang sinabi ni Ollie na, "Mahal po talaga niya kayo."
"Masipag rin po siya."
Walang reaksyon sa mukha ng Great Elven King, "Kulang pa. Hindi pa sapat."
"Sa lagay niyang 'yan, paano niya poprotektahan ang teritoryong ito kapag wala na ako?"
"Kung ganyan siya mag-isip, na parang bata, paano ako makakampanteng iwan sa kanya ang Thousand Leaves Forest?"
"Nakapagdesisyon na ako, Ollie. Makakaalis ka na."
Kinagat ni Ollie ang kanyang labi at tahimik na umalis.
Tanging ang Great Elven King ang naiwan sa tabi ng Mirror Lake.
Tahimik na naglakad sa dalampasigan si Nicholas at iniangat ang kanyang kanang kamay.
Sa isang iglap, nagbago ang makikitang eksena sa tubig!
Nawala ang tumatakbong si Ivan, at ang mukha ng isang binate ang lumabas sa harap ng Great Elven King.
May kakaibang liwanag na kuminang sa mata ng Great Elven King nang makita niya ang mukha ng taong ito.
'Lahat ng god sa kalangitan ay pinili so GLynos dahil nasa kanya ang balat ng [Time Worm] na nagbigay sa kanya ng kakayahang makalusot sa barikada ng Universe Magic Pool. Sa tingin nila, handa na ang lahat.'
"Ang hindi nila alam, ikaw ang pinili ng Wizard God na si Lance para ipagtanggol ang Feinan."
"Marvin…"