También te puede interesar
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO
Capítulo 48: Disciplinary Knights
Editor: LiberReverieGroup
Kahit na isang 1st-circle magic lang ang acid spray, marami pa rin itong masamang epekto.
Magsusugat ang balat mo hanggang sa mabulog ito. Kung malagyan ka sa mata nito, pwede itong maging sanhin ng permanenteng pagkabulag.
Ito ang nakakatakot na kapangyarihan ng mga caster. Kahit na 1st-circle spell lang ito, malakas pa rin ito!
Pero handa si Marvin para dito.
Sa mas mababang level, pumapangalawa lang ang acid spray, sa Circle of Ice, bilang paboritong spell ng mga Sorcerer at Wizard.
Tinagilid ni Marvin ang kanyang katawan at gumulong palayo para maiwasan ang acid spray.
"Bang!"
Pagka-iwas niya, nagulat niya ang isang gnoll na nakatayo sa di kalayuan. Itinabi niya ang kanyang dagger, binuhat ang gnoll at hinarang sa kanyang habang tumatakbo papunta sa Sorcerer!
Talagang nasindak ang gnoll Sorcerer sa pagkakataong ito!
Halatang ginagamit ni Marvin bilang panangga ang gnoll!
Biglang may isang Arcane Missile ang lumipad patungo sa kanila.
"Bang!"
Agad namang inihagis ni Marvin ang gnoll para salagin ang Arcane Missile.
Biglang binilisan ni Marvin, na tila isang multo na sa bilis, hanggang sa wakas, naka-abot na siya sa Sorcerer!
Cutthroat!
Kahit na nakasuot ang gnoll Sorcerer ng isang low level na mana armor, wala rin itong magagawa laban sa isang makapangyarihang cutthroat.
Napugutan ni Marvin ng ulo ang Sorcerer dahil sa 17 puntos niyang strength.
Para lang siyang nag-araro ng lupa!
Sumirit ang dugo mula sa leeg ng gnoll Sorcerer, habang gulat na gulat naman ang mga gnoll na nakapalibot sa kanila.
Namatay ang pinuno nila ng ganun-ganun lang?
Kahit na nagkaroon na sila ng ideya noong sugurin ni Marvin ang Sorcerer.
Nakakagulat pa rin ito kapag nagkatotoo na.
Kahit na ang isang hukbo ng mga dragon ay magkakagulo kapag nawalan sila ng pinuno, paano pa kaya ang isang hukbo ng mga gnoll!
Nagdiwang naman ng napakalakas ang kupunan nila Marvin!
Makikita naman na ipinagmamalaki ng archer na si Joey ang kanyang nagawa. Dahil hindi naman mapapatay ni Marvin ang gnoll Sorcerer kung hindi dahil sa Markang inilagay niya.
Mayroon siyang naiambag sa panalong ito!
…
Sa mga susunod na sandal, inilabas ng duguang si Marvin ang dalawang dagger.
Hindi siya nag-atubili at itinuloy ang pakikipaglaban para ubusin ang mga natitira pang gnoll!
Nagsimula na silang magpulasan at magtatatakbo patungo sa palasyo.
'May isang minute pang natitira sa Dragon Strength..'
'Hindi ko pwedeng palampasin ang mga exp na 'to!'
Kailan man hindi naging pusong-mamon si Marvin. Sumigaw siya at sinumulang iwasiwas ang kanyang mga dagger!
Pinulbos nila ang mga gnoll!
...
…
Nagkagulo na rin sa kampo ng mga gnoll.
Nagsimula na silang tumakas at itapon ang mga armor at helmet nila!
"Hahabulin natin sila!" Desididong utos ni Anna.
Eto na ang oras!
Kailangan nilang samantalahin ang pagtakas ng mga gnoll para habulin ang mga ito at pugutan ng ulo.
Sumigaw si Andre at pinangunahan ng lahat ng miyembro ng White River Valley farrison ang paghabol sa mga ito!
Sumunod rin ang mga Adventurer. Wala naman sa kanila ang paghabol sa mga gnoll.
Tutal, para na silang mga manok na pinugutan ng ulo. Sobrang baba na ng kanilang kumpiyansa at pagkukunwari na lang ang ginagawa nilang paglaban. Iwina-wasiwas na lang nila sa takot ang kanilang mga sandata.
Kahit na malaki ang lamang ng mga gnoll sa bilang, nagsimula na ang pagpuksa sa kanila.
Kahit na naging madugo sa bandang ito, wala naman si Marvin rito.
Nakita ng mga adventurer at ng garrison na mag-isang hinahabol ni Marvin ang mga nasa trentang gnoll.
Nakakatakot ang kanyang bilis, hindi siya matakasan ng mga gnoll na maiikli lang ang binti!
Dagger rising, dagger plunging!
Pinaulit-ulit lang niya ang atakeng ito.
Nagkalat na ang mga bangkay sa paligid matapos ang ilang minuto!
Ni isa ay walang nakatakas. Bangkay na silang lahat.
Ito ang tunay na lakas ni Masked Twin Blades!
Nawindang silang lahat!
Mag-isa siyang nakatayo sa tuktok ng burol at hindi gumagalaw. Hindi nila maaninag ang reaksyon sa mukha nito.
Pero puno ng paggalang ang mga mata ng mga nakasaksi.
Dahil sa lakas nyang ito, naging pabor sa kanila ang laban.
Sinimulan niya sa pagpatay sa kung sino mang humarang sa kanya. Pagkatapos ay pinugutan niya ng ulo ang gnoll adjutant. Hanggang sa sinamantala niya ang kaguluhan para tuluyang mapatay ang gnoll Sorcerer.
Tunay na nakakamangha ang nagawa niya.
'Kakaiba talaga siya…'
'Mukhang hind inga ang batang noble ng White River Valley ang kumuha sa kanya. Hindi niya ko niloloko…'
'Mayroon ngang malakas na taong sumusuporta sa kanya.'
Walang imik na pumapatay ng gnoll sa isang banda si Cat habang tinitingnan ang Masked Twin Blades.
Bigla itong nag-alala.
Dahil palihim siyang nagpadala ng carrier pigeon dalawang araw na ang nakakalipas.
Lumipad ito patunging River Shore City.
Kung hindi siya nagkamali sa oras, dapat nakapagpadala na ng mga tauhan ang taong 'yon…
'Sana isang 2nd rank na class holder, mga dalawa o higit pa.'
Kung hindi, makakaramdam ng takot si Cat.
Mabagsik ang Masked Twin Blades, hindi niya ito kayang lampasan.
Pero umabot na siya sa puntong ito. Wala na siyang ibang magagawa dahil kumampi na siya sa taon iyon. Kaya kailangan niyang magbakasakali.
Ayaw niyang maging isang adventurer habang buhay.
…
Karamihan ng mga gnoll fighter ay napatay na ng mga tao. Wala ng depensa ang iba pang mga gnoll nang lumikas ang mga ito.
Hindi sila ganoon kabilis kaya kaunti lang ang nakatakas.
Dahil nagtagumpay sila sa digmaan, nabawi na nila ang White River Valley!
Sa utos ni Anna, panandalian silang nagpahinga saka sinunog ang mga bangkay ng mga gnoll.
Pinagpatuloy nila ang pag-abante patungo sa palasyo.
Karamihan ng mga gnoll na nasa loob ng palasyo ay walang fighting ability.
Mga matatanda o mga bata lang ang mga ito.
Nadispatya na ang kanilang mga fighter. At wala ng ulo ang kanilang pinuno.
Isa lang ang kahahantungan nila. Kamatayan!
Maluput ang mundong ito.
Sa isang digmaan sa pagitan ng mga race, walang ititirang kahit na sino. Kahit na isang bagong panganak na sanggol ay papatayin nila.
Mas dadanak ang dugo ngayon kumpara kanina.
Sanay na sa ganito ang mga adventurer.
Habang ang garrison naman ay buong buhay na silang naninirahan sa Feinan world kaya alam nila ang batas na ito. Bukod dito, maraming ring mga tao ang nasawi nang sumugo ang mga gnoll.
Walang rason para magpakita sila ng awa.
Higit sa 200 gnoll ang itinali bago tuluyang paslangin.
Isinalansan ang kanilang mga bangkay sa tuktok ng burol saka ito sinunog. Nagliliyab ito hanggang hatinggabi, at may natitira pang kaunting dingas kinabukasan.
"Panalo tayo!"
"Nagawa natin!"
"Nakauwi na tayo!"
Naiyak sa ligaya ang garrison ng White River Valley habang nakatayo sa taas ng pader ng palasyo.
Kahit na abandonado pa rin ang mga bahay sa paligid ng palasyo, alam nilang di magtatagal ay babalik ang mga taong lumikas patungo sa bundok kapag ipinatawag na sila ng lord!
Makakabangon na muli ang White River Valley!
Nagpahinga na muna ang mga adventurer ng gabing iyon na napuno ng sigla. Tumayo sila sa tuktok ng mga pader at nilasap ang simoy ng hangin.
Binayaran na ni Anna ang mga ito, at wala namang nasawi sa kanila, Buo ang kanilang tagumpay sa misyon na ito.
Pangkaraniwan lang ang presyo ng pabuya sa isang misyong walang namatay.
Pero walang nasawi sa kanila dahil kay Masked Twin Blades!
Ang pinakamalalang nangyari lang ay ang natapilok ang isang miyembro ng garrison dahil sa di mapigilang tuwa nito habang hinahabol ang mga gnoll.
Habang ang iba naman ay kaunting sugat lang.
Bihira para sa mga adventurer ang mga tulad nitong, nakakatuwang trabaho na mayroong malaking pabuya, at hindi gaanong delikadong labanan.
"Maraming Salamat sa pagtulong niyo sa amin."
Walang emosyong sabi ni Anna sa mga Adventurer, "Ngayon masasabing kong natupad na ng lahat ang usapan. Maaari na kayong umalis ano mang oras."
"Malugod naman namin kayong tatanggapin kung nais niyong manatili. Pero kailangan niyong sumunod sa mga batas ng White River Valley."
Umalis kaagad ang tatlong adventurer matapos makuha ang kanilang pera dahil wala naman silang interes sa White River Valley.
Nanatili naman ang dalawang grupo.
Malayo ang tingin ni Cat na parang bang may inaabangan.
Di nagtagal, may ilang anino ang lumitaw sa malayo.
Mga knight!
"Saan nanggaling ang mga knight na 'yan?" Sumimangot si Anna. "Andre!"
"Masusunod!"
Tiningnan ni Andre ang isa sa mga miyembro ng garrison.
Agad namang inasinta ng lalaki gamit ang pana ang paparating na mga knight at nagpakawala ng tatlong palaso!
Mayroon lang ordinaryong shooting skill ang mga ito. Hindi kasing husay ng kay Joey pagdating sa malayuang tira. Pero isa pa rin itong epektibong babala.
At dahil sa tatlong palasong babala, bumagal ang tatlong knight at dahan-dahang dumating ang mga ito sa paanan ng burol kung nasaan ang palasyo.
Isang knight ang lumapit at sumigaw ng, "Kami ang [Disciplinary Knights] ng River Shore City!"
"Nandito kami para hulihin ang kriminal na si [Masked Twin Blades]!"
"Umaasa kaming walang hahadlang sa pagtupad naming sa aming tungkulin!"