Descargar la aplicación
88.01% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 257: Chapter 257

Capítulo 257: Chapter 257

Editor: LiberReverieGroup

"Heneral, saan tayo patungo?"

Hinawakan ni Chu Qiao ang renda ng kabayo at lumingon. "Upang salakayin ang hilagang tarangkahan, kung nasaan ang Xiaoqi Camp."

Natigilan si He Xiao tapos ay nagtanong, "Hindi ba tayo pupunta sa Rose Square upang iligtas ang Fourth Young Master?"

Ngumiti si Chu Qiao at kumpyansang dineklara, "Huwag kang mag-alala, kakatagpuin niya tayo doon." Nang natapos niya ang kanyang sasabihin, lumabas na siya ng gusali sakay ng kanyang kabayo.

Mayroong halos 40,000 sundalo mula sa Xiaoqi Camp na may baluti sa buong katawan ang nakatalaga sa hilagang tarangkahan. Ang hukbo na ito, dating pinamunuan ni Zhao Che, ay naging kay Zhao Yang, matapos lumaban ng maraming labanan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ang katapatan ng mga ito sa lalaki ay hindi matatalo sa hukbong Xiuli ni Chu Qiao.

Sa kasalukuyan, nakatingin sila sa puwersa ng kaaway na mas mababa sa 1,000 katao. Ang kumander na si He Qian, ay nakatayo sa tarangkahan ng syudad at nanghahamak na tumawa. "Patayin silang lahat."

Matangkad at makapal ang tarangkahan ng syudad, pinalakas ng maraming gamit pangdepensa. Upang tagumpay na maatake ang ganitong uri ng tarangkahan, kailangan mahigitan ng pwersa ng kaaway ang pangdepensang pwersa ng tatlo hanggang limang beses. Gayunpaman, may kulang 1,000 sundalo si Chu Qiao na kasama, ngunit naglakas-loob siyang ipatibong ang kanyang sarili laban sa libu-libong mga tao sa tarangkahan. Katulad ito ng isang pagpapakamatay na misyon.

Nagpadala ang hukbo ng Xia ng isang tao na may malakas na tinig, pinapayuhan si Chu Qiao na sumuko. Pagkalipas ng mahabang sandali, nang makita na hindi siya tumugon, sinimulan nitong insultuhin si Zhuge Yue, sinasabi na isa siyang rebeldeng nakipagtulungan kay Zhao Che upang patayin ang Emperador ng Xia. Ngayong napapaligiran ito, tiyak na makakatagpo nito ang kasawian nito.

Patuloy na nakikinig si Chu Qiao sa katahimikan. Gayunpaman, pagkaraan ng ilang sandali, nang makita nagsimulang sumobra ang sundalo, nakaramdam siya ng galit. Inunat niya ang kanyang kamay at sinabi kay He Xiao, "Pana."

Nanatiling tahimik si He Xiao habang iniabot ang pana kay Chu Qiao.

Nilagyan ni Chu Qiao ng palaso ang pana, pinakawalan ito sa nakakatakot na bilis. Ang sundalong iyon ay alerto din dahil sa kanyang karanasan sa pagsasagawa ng ganitong gawain. Tumalon siya pababa ng kanyang kabayo nang makita ang paparating na palaso ni Chu Qiao, ngunit bago siya bumagsak sa lupa, biglang lumitaw ang palaso at tumagos sa kanyang bibig, nakausli sa likuran ng kanyang ulo.

Nagalit si He Qian tapos ay nagbigay ng utos na umatake. Sa sandaling iyon, ang kalangitan ay napuno ng maraming palaso habang isinigaw ng mga sundalong Xia ang kanilang sigaw pandigma.

Ang hukbong Xiuli ay medyo tahimik kumpara sa hukbong Xia, dahil hindi sila nakatayo sa saklaw ng mga palaso. Ang tanging mga palasong lumusot sa kanilang teritoryo ay itinira ng ilang mas malakas na sundalo mula sa kabilang panig, ngunit bumagal sila sa puntong madaling masasangga ng mga sundalo ng hukbong Xiuli ang mga palaso.

Ang tanging gawain ni He Qian ay ipagtanggol ang tarangkahan ng syudad. Gayunpaman, pinalibutan lamang sila ng pwersa ni Chu Qiao dahil hindi sila sumugod. Dito, nahinto ang labanan. Dapat bang ang kanyang mga sundalo ang umatake? Nakita niya ang iba pa niyang mga kasama na nakikipaglaban sa unahang linya, tinutulungan si Zhao Yang upang makamit ang tagumpay. Nakalapit na sa wakas ang kanyang mga kaaway, ngunit maaari lamang siyang manatili sa kanyang posisyon, hindi makaatake. Nakaramdam siya ng galit sa katotohanang ito. Sa sandaling ito, isang sundalo mula sa kabilang panig, may hawak na kalasag, at sumigaw ng isang bagay na hindi niya naintindihan.

Natigilan si He Qian tapos ay inutusan ang kanyang hukbo na tumahimik. Dahil medyo matanda na siya, medyo humina na ang pandinig niya. Tinanong niya ang gwardya sa tabi niya, "Anong sinabi ng taong iyon?"

Mahinang sinagot siya ng gwardya matapos ang mahabang sandali, may nababagabag na ekspresyon sa kanyang mukha. "Heneral, tinatanong ng taong iyon kung handa ka nang sumuko. Sinabi niya na kung magpatuloy kang maging matigas ang ulo, pupuksain nila tayo."

Nagalit si He Qiao. Puksain siya? Mayroon siyang 40,000 sundalo, habang ang kaaway niya ay kulang 1,000. Bagaman narinig niya ang karunungan ng hari ng Xiuli sa pakikidigma, nagawang makamit ang tagumpay sa kabila ng nalalamangan sa bilang, nakamit lamang niya kung ano ang mayroon siya nang may naaangkop na hakbang upang ipagtanggol ang isang syudad. Ngayon na aatakihin niya ang tarangkahan na may kulang 1,000 katao, sinimulan niyang tanggalin ang mga pagkakataon nito.

Habang patuloy na nanggagalaiti sa galit si He Qian, isang maliwanag na dilaw na paputok ang pumutok sa kalangitan, sumabog na may boom, nagbibigay ng isang marilag na tanawin. Tumingin si Chu Qiao sa silangan. Pagkaraan ng mahabang sandali, mahinahon niyang sinabi, "Sige. Buksan ang tarangkahan ng syudad."

Natigalgal na nakatayo si Pingan sa gilid. Nang magsasalita na siya, nagtanong si He Xiao, "papatayin ba natin silang lahat?"

Sumimangot si Chu Qiao at sumagot, "Depende iyon kung mangangahas silang lumaban."

Napanganga si Pingan habang sinusubukan niyang maunawaan ang kabaliwan ng planong ito. Bigla, malakas na sumigaw si He Xiao, tapos ay isang pangkat ng 40 sundalo na may baluting nakasuot sa buong katawan ay ang sumulong sakay ng kanilang mga kabayo, bumuo ng dalawang hilera. Ang bawat sundalo ay may hawak na isang pana at palaso. Ang harap na hanay ng mga sundalo ay nababalutan ng bola ng papel na nilangisan ang kanilang mga palaso, habang ang likod na hanay ng mga sundalo ay sinilaban ang kanilang mga palaso.

"Puntiryahin ang hilagang tarangkahan. Pangkat 1, tumira sa itaas na kaliwang sulok. Pangkat 2, tumira sa ibabang kaliwang sulok. Pangkat 3, tumira sa itaas na kanang sulok. Pangkat 4, tumira sa ibabang kanang sulok. Pangkat 5, tumira sa gitna. Handa, isa, dalawa, tira!"

Sa sandaling iyon, ang unang alon ng palaso ay lumipad patungo sa tarangkahan ng syudad, malapit na sinundan ng ikalawang alon ng nag-aapoy na palaso. Nang tumama ang unang alon ng palaso sa tarangkahan ng syudad, ang bawat nag-aapoy na palaso ay lumapag sa bawat bola ng papel na may langis. Sa pamamagitan ng hangin, nagsimulang sumunog ang apoy.

Natigilan sa una si He Qian, ngunit tumawa bilang sagot, "Sinusubukan bang sunugin ng hari ng Xiuli ang aking tarangkahan? Haha, hindi sapat iyon!"

Boom! Habang nagsasalita siya, isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa tarangkahan ng syudad, dahilan upang bayolente itong yumanig, para bang nakaranas ito ng lindol. Nagsimulang umakyat papunta sa kalangitan ang itim na usok. Manghang nakatingin lamang si He Qian sa tarangkahan ng syudad, na ipinagtanggol niya ng mahigit sa 20 taon, ay naging alikabok kasama ang kalahati ng pader ng syudad.

Ang tarangkahan ay inilarawan bilang pinagmamalaki ng Xia, nabansagan bilang isang hindi mapapasok na kuta sa loob ng higit sa 300 taon. Gayunpaman, sa sandaling ito, ang talang iyon ay naging alikabok habang nawala ang tarangkahan ng syudad.

"Pangkat 6 hanggang 10, ihanda ang inyong sarili! Puntirya, ang silangang bahagi ng pader ng syudad! Pangkat 6, ..." Narinig muli ang tinig ni He Xiao, kasunod ng mga serye ng matinding pagsabog na sinira ang silangang bahagi ng pader ng syudad. Matapos ang tatlong pag-atake, karamihan sa hilagang tarangkahan ay na-bomba hanggang maging alikabok; makikita ng hukbong Xiuli ang patag na lupa sa harap nila.

"Mga tao sa kabilang panig, makinig kayo!" Sampung mensaherong sundalo ang sumulong sakay ng kanilang mga kabayo, may hawak na nagpapalakas ng tunog habang patuloy silang sumisigaw, "Ibaba niyo ang inyong mga armas! Ibaba niyo ang inyong mga armas! Ilagay ang inyong mga kamay sa likod ng inyong ulo at maningkayad sa lupa! Tatanggapin namin na sumuko na kayo, at hahayaan namin kayong mabuhay. Mga tao sa kabilang panig, makinig kayo! Ibaba ang inyong mga armas... "

Hindi makapaniwalang naiinis si He Qiao. Hindi niya maiintindihan kung paano natalo ang hukbo niya ng 40,000 sa kaunting pagsusumikap lang, na hindi man nakipaglaban ng malapitan sa kalaban. Paano napasok ng kaaway ang kanilang depensa sa ilang pagsabog? Bakit mayroong ganitong nakakatakot na pampasabog sa mundong ito? Bakit hindi niya ito narinig noon?

Sumulong si Chu Qiao sakay ng kanyang kabayo at tiningnan si He Qian mula sa itaas, na bumagsak mula sa tuktok ng tarangkahan. Tumango siya at mahinahon na bumulong, "Heneral He, salamat at hinayaan mo akong manalo."

Sa sandaling iyon, sumuka ng dugo si He Qian dahil sa pagkabigo.

Bigla, isang landas ng alikabok ang lumitaw sa abot-tanaw sa silangan. Si Zhuge Yue, kasama ang 3,000 sundalo, ay mabilis na tumatakbo tungo sa kanila sakay ng kabayo. Nang makita niya ang tanawin sa harap niya, nagulat din siya. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang makita niya si Chu Qiao.

Silang dalawa ay pinaghihiwalay ng gulo ng digmaan, nakaupo sa likuran ng kanilang kabayo habang nakatingin sa isa't isa sa karamihan.

Ngumiti si Chu Qiao. Nakasuot pa rin siya ng kanyang napakagandang nabuburdahang pulang pangkasal, ang kanyang korona ay maayos pa rin. Ang kanyang buhok ay mataas ang pagkakatali; mukhang siyang kasing taas ng hari sa ilalim ng panggabing kalangitan.

Lumapit si Zhuge Yue at nagtanong, "Ayos ka lang ba?"

Tumawa si Chu Qiao bilang sagot, "Ayos lang ako."

Oo, ayos lang ako. Mabuti nalang natanggap ko ang nakatagong mensahe mo, kaya alam kong may magtatangka sa araw na ito. Hindi ko lang inasahan na matapang sila. Walang mga pagkakamali. Nag-aalala lang ako sa iyo, ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili sa paggawa ng anuman. Medyo nag-aalala lang ako. Hindi ako nasaktan o napahiya. Ayos lang ang lahat.

Lumingon si Zhuge Yue at kinausap si He Qian at ang 40,000 sundalo ng Green Army, "Hindi sinaktan ng Seventh Royal Highness o ako ang Kamahalan. Ang tunay na utak ay ang taong tapat kayong lahat. Sa kasalukuyan, naghihintay ang kaaway sa labas ng hangganan, habang hindi tayo matatag sa loob. Hindi namin nais na palalain ang sitwasyon. Bumalik kayo at sabihin kay Zhao Yang na walang kaming pakialam sa syudad na ito. Ibibigay namin ang syudad na ito sa kanya." Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, inunat niya ang kanyang braso at tinulungan si Chu Qiao makasakay sa kanyang kabayo, tumakbo palabas ng mga bumagsak na tarangkahan ng syudad at palayo sa kadiliman kasama ang kanyang mga tauhan.

Hindi nagmamalaki si Zhuge Yue. Ang syudad na ito ay talagang ipinagkaloob kay Zhao Yang ni Zhao Che at sa kanyang sarili.

Bago ang kasal, inaasahan nila na may susubukang gawin si Zhao Yang. Sinuhulan niya ang mga sundalo sa Yanming Pass at ipinadala ang kanyang mga sundalo upang pribadong biruin si Yan Xun. Pagkatapos, ikinalat niya tsismis na hindi kayang makipaglaban ng Yan Bei sa digmaan, pinapaypayan ang emosyon ng mga tao sa Elder Clan at ang hukuman ng Xia. Pagkatapos nito, gamit ang paparating na salungatan sa Yan Bei bilang dahilan, ginamit niya ang Elder Clan upang mapakilos ang mga sundalo ni Zhuge Yue. Sa ilalim ng suporta ng mga Wei, Zhuge at iba pang maharlikang pamilya, ang pwersa ng militar ni Zhao Che at Zhuge Yue ay ipinamahagi sa ibang mga lugar para sa layunin ng pagsasanay. Sumapaw ito sa araw ng kasal, kung saan pinahina ang kanilang kapangyarihan.

Kinailangan bumalik ni Zhuge Yue sa kabisera para sa kanyang kasal. Dahil hindi pa natatapos ng mga sundalo ang kanilang pagsasanay sa lungsod ng Ye, kinailangang manatili ni Zhao Che upang bantayan sila. Ang plano ni Zhao Yang ay gamitin ang pagkakataong ito upang patayin si Zhuge Yue, tapos ay isisi kay Zhao Che. Pagkatapos, mawawalan ng kapangyarihan si Zhao Che, at mahuhulog siya sa awa ni Zhao Yang.

Gayunpaman, hindi inaasahan ni Zhao Yang na sisirain ni Zhuge Yue ang kanyang plano, na may suporta siya ng Green Army, Xiaoqi Camp, ang mga tropa ng kabisera, at si Zhuge Huai, na ginanap ang kanyang bahagi sa pagbihag kay Chu Qiao.

Nang dumating si Zhuge Yue at ang kanyang mga tauhan sa Syudad ng Dongyu, dumating ang 110,000-malakas na hukbo ng Qinghai na nakatalaga sa Zhen Huang. Sinamahan ng iba pang mga hukbo na matapat kay Zhuge Yue at Zhao Che, ang kanilang lakas ay nalalapit sa 250,000.

Sa kasalukuyan, pinamunuan ni Zhao Che ang 170,000 malakas na Hukbong Donghu, itinalaga ang sarili sa syudad ng Ye. Sa isang partido sa hilaga at ang isa sa kanluran, mahigpit nilang hawak ang syudad ng Zhen Huang.

Wala pang tatlong araw, ang pinuno ng iba't-ibang syudad tulad ng Xuan, Xuanhua, Daliao, at Qing ay pinakilos ang kanilang sundalo at nagtungo sa kabisera upang labanan si Zhao Yang, ipinapahayag ang kanilang sarili na matuwid na pumatay sa mga rebelde. Ang mga taong ito ay hindi matapat kay Zhao Che o Zhuge Yue; nais lamang nila ng bahagi sa gitna ng kaguluhan. Natural, si Zhao Yang ang naging puntirya ng mga taong ito.

Ang ilan sa mga panginoong may-lupa, na may lakas ngunit walang talino, ay nais din ang trono. Ito ang tiyak na dahilan kung bakit sumuko si Zhuge Yue sa Zhen Huang dati. Alam niya na ang gulo sa loob ng Xia ay hindi maiiwasan, kaya't nais niya lahat ng mga sakim na labanan ito sa pagitan ng bawat isa hanggang sa mananaig ang pinakamalakas na partido.

Nagkagulo ang buong Imperyo ng Xia.

Kinuha nila Zhuge Yue at Zhao Che ang pagkakataon na buksan ang hangganan patungo sa Qinghai at Donghu, nagpadala ng malalaking pangkat ng sundalo upang palakasin ang seguridad sa lugar na ito. Ang mga sibilyan na nadawit sa kaguluhan ay tumakas tungo sa kanluran at hilaga nang marinig ang balita. Sa halos tatlong araw, tinatayang 400,000 sibilyan ang lumikas Qinghai Pass lang. Bagaman ang mga opisyales ng Qinghai ay gumugol ng higit sa tatlong buwan na paghahanda para sa dito, nabigla pa rin sila sa biglaang pagdagsa ng mga tao na ito.

Ang iba`t-ibang panginoong may-lupa ay nagpunta sa kabisera para sa nag-iisang hangarin na makinabang mula sa kaguluhan. Gayunpaman, napagtanto nila na hindi ito mangyayari. Habang nakikipaglaban sila sa isa't-isa nang higit sa sampung araw sa kabisera, kinuha ni Zhao Yang ang pagkakataon na ilihis ang kanilang pansin kay Zhao Che. Bumaling ang mga panginoong may-lupa kay Zhao Che, umaasa na mapabilib ang kanilang bagong pinuno.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C257
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión