Descargar la aplicación
77.39% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 226: Chapter 226

Capítulo 226: Chapter 226

Editor: LiberReverieGroup

Nakalimutan niya kung paano siya tumango, at natatandaan lang kung paanong masayang sinuportahan ng babae ang pisngi nito ng dalawang kamay. Inilawan ng liwanag ng buwan ang magandang linyang pumapalibot sa mukha nito. Napakamalumanay ng boses nito, tulad ng walang hanggang alon na humahampas sa buhangin ng dagat, tumagos ito sa kapayapaan ng gabi at pumasok sa kanyang puso.

Once upon a time, I was yours, and you were mine.

Once upon a time, you left me to soar in the skies.

The world outside was colorful; The world outside was ruthless.

As you felt that the world outside was so interesting, I will be here praying for your blessings.

Whenever the sunsets, I will be here hoping for your return.

Even as the rain falls, I will be right here waiting for you.

Kasabay ng hangin, napuno ng kanta ang bakuran kasama ang halimuyak ng bulaklak. Lumingon, napakalinaw ng tingin ni Chu Qiao. Inunat niya ang kanyang kamay, at napakaingat na inilapit kay Zhuge Yue. Hindi ito katulad ng ibang oras, at halos tila isa itong babaeng umibig ng unang beses, sobrang kinakabahan siya na kahit ang kanyang daliri ay nanginginig. Unti-unti, una niyang hinawakan ang likod ng palad ng lalaki, bago pinisil ang mga daliri nito. Napakalamig ng mga daliri niya, tulad ng tubig mula sa nagyeyelong lawa.

Tumingin si Zhuge Yue sa kanya, ang kanyang ekspresyon ay lubos na natigilan. Sa hangin ng gabing umiihip sa paligid nila, ang halimuyak ng bulaklak ay nawasiwas. Sa isang sandali, mukha silang dalawang batang nakatayo sa parehong hakbang ng hagdan, hawak ang kamay ng bawat isa, wala sa kanila ang nagsasalita. Lagi silang nasa magkabilang panig, ngunit bigla silang naging magkakampi. Sa sandaling iyon, nakakalitp ang lahat.

Gustong matawa ni Zhuge Yue sa panunuya, gayumpaman pakiramdam niya na hindi tamang tumawa sa okasyon na ito. Masungit siyang napasimangot, at ang kanyang ekspresyon ay nakalilibang. Matapos iwanan ang mga nagpapabigat sa kanyang isip, natural na ngayon si Chu Qiao. Hila ang kamay ng lalaki, at sa kanyang matang mulat na mulat, nagtanong siya, "Zhuge Yue, magandang lugar ba ang Qinghai?"

"Hmm?" nagdalawang-isip ang lalaki bago sumagot, "Hindi na masama."

"Maganda ba doon?"

Isang hindi romantikong lalaki ang diretsong sumagot, "May mga lugar na hindi na masama."

"Malamig ba ang Qinghai?"

"Hindi malamig sa tag-init, ngunit magiging malamig sa taglamig."

Mukhang puno ng pag-asa si Chu Qiao. "Siguro ay matapat at simple ang mga sibilyan doon."

"Tanga ka siguro. Paanong mawawalan ng masasamang tao? Sino bang walang pagkamakasarili o ano pa man?"

"Ah?" Napasimangot si Chu Qiao. "Kahit na, hindi ba't maganda ang Qinghai?"

"Kailan ko sinabing isa itong paraiso?"

Hindi nakapagsalita si Chu Qiao. Sigurado siyang hindi ito dapat ang mga salitang sasabihin ng lalaki sa babae bago sila magtanan.

"Mayroong isang bagay na maganda doon."

"Ano?" Tanong ni Chu Qiao.

Mayabang na ngumiti si Zhuge Yue. "Doon, ako ang batas." Tumawa ng kaunti si Zhuge Yue, ngunit nang makitang walang nalibang, tumigil siyang miserableng tumawa bago nagtanong, "Xing'er, kailan ito nagsimula?"

Medyon natigilan si Chu Qiao habang nililinaw niya, "Anong sinabi mo?"

Huminto sandali si Zhuge Yue, na para bang nahihiya siya. Sa kanyang kilay na nakakunot, matagal bago siya nakapagpatuloy, "Kailan ka tumigil na magalit sa akin?"

"Sino nagsabing hindi na ako galit sayo?" nagkunwaring galit si Chu Qiao, habang ikinaway niya ang kanyang kamao at tinuro ang kanyang ulo. "Lagi kong maaalala ang lahat dito."

Nanghahamak na tumingin si Zhuge Yue sa kanya. "Kasinungalingan."

Mapayapang niliwanagan ng buwan ang buong tanawin na ito. sa totoo lang, marami sa isang sandali, ang ilang mga isyu ay kailangan lamang ng ilang pangungusap o ilang aksyon. Gayumpaman, maaaring ilang taon pa bago may mangyari.

Sa pag-ugoy ng mga puno, natural na lumapit ang mga daliri ng lalaki, hinila ang mga daliri ng babae sa kanyang palad. Matapos ang maraming taon ng pagsisikap, hawak ang ganoon kalalim na mga emosyon, tila ba naghihintay siya sa isang galaw na ito. Inilingon ang kanyang ulo, sa isang anggulo na walang makakakita, masayang ngumiti si Zhuge Yue.

Sa susunod na araw, naayos na sa wakas ang tulay. Nilisan nila ang syudad ng Qiufeng, at tumawid sa ilog Muling. Nang nakarating sila sa probinsya ng Qiusha, kailangan na nilang maghiwalay. Maaraw nang araw na iyon, habang ang kalangitan ay walang katapusan ang pagkaasul. Huminto ang dalawang grupo sa kanilang paglalakad habang nakatayo si Zhuge Yue at Chu Qiao sa harap ng grupo.

Nagmumukhang presko, tumingin si Zhuge Yue tungo sa hilaga. "Aalis na ako." Saad niya.

"Oh." Tumango si Chu Qiao, "Ingat ka."

"Huwag ka laging magloko kasama si Li Ce. Bumalik ka sa bahay-panuluyan mo kung nababagot ka."

"Sino ang nakikipaglokohan?" napasimangot si Chu Qiao.

"Hmph!"

"Zhuge Yue, maghihiwalay na tayo ng landas, hindi ka ba pwedeng mag-iwan ng magandang impresyon?"

Matigas ang ulong suminghal si Zhuge Yue. "Hindi ako nagkaroon ng magandang impresyon sayo."

Lumapit si Chu Qiao at kinurot siya. "Tao ka ba? Sino ang umiyak sakin para sumama sayo?"

Siguro ay nasaktan mula sa kurot ni Chu Qiao, medyo nagalit si Zhuge Yue at sumigaw, "Chu Qiao! Kailan ako pumunta sayong umiiyak para sumama sakin?"

Hindi ba? Matapos pag-isipan iyon, mukha ngang hindi ito nangyari. Ngunit ang ginawa nito ay katulad na rin noon, hindi ba? Bakit lagi nalang siyang umaakto na wala siyang pakialam matapos niyang makamit ang nais niya? Sa una palang, hindi pa niya nakukuha nang tuluyan ang nais niya.

Tumitig sa lalaki, galit niyang sinabi, "Magpatuloy kang umakto."

Nagpatuloy lang sila na tumitig sa isa't-isa, at ang lungkot ng paghihiwalay ay biglang naglaho. Matapos ang lahat, mas malapit sila kaysa dati, diba? Kahit papaano, makakapagbiro sila sa isa't-isa.

"Sobrang seryoso ako." Nagsimulang taimtim na nagsalita si Zhuge Yue, "Huwag ka masyadong makipaglokohan kasama si Li Ce. Huwag kang makialam sa mga problema ng imperyo ng Tang. Napagtanto ko na pakielamera ka talaga."

Pakielamera? Tumingin si Chu Qiao sa kanya at hindi masayang kumontra, "Nais ko lang siyang paalalahanan."

"Paano naman ngayon? Bakit papunta ka nanaman doon?"

Sumigaw si Chu Qiao, "Hindi ba't aalis na ako? Nais ko siyang puntahan upang magpaalam."

Aalis? Saan patungo? Biglang gumanda ang nararamdaman ni Zhuge Yue. Sa hindi natural na paraan, tumikhim siya at sinabi, "Ano man ang mangyari, mas mag-ingat ka. Iyong lokong Li Ce na iyon ay hindi magandang impluwensya."

Umiling si Chu Qiao at binulalas, "Hula ko nung pinag-uusapan nila ang tungkol sa personal na pagtraydor, tinutukoy nila ang taong kagaya mo."

"Anong sinabi mo?" Sasabog na talaga sa galit si Zhuge Yue. Inangat ang kamay, sinenyas ni Chu Qiao na ayaw nitong magalit tulad niya at inosenteng sinabi, "Hindi ka ba aalis? Magdidilim na ang kalangitan maya-maya. Kung hindi ka aalis, ako ang aalis."

Matapos matagal na hindi mapakali, naglabas ng jade na kampanilya si Zhuge Yue mula sa kanyang kasuotan. Mukha itong normal, ngunit itinaas niya ito sa tabi ng bibig ng babae at inutos, "Kantahin mo iyong kinanta mo kagabi."

"Bakit?" Medyo gulat na tanong ni Chu Qiao.

Namula sa hiya ang mukha ni Zhuge Yue, at mukha siyang kawili-wili. Nakasimangot niyang pinahayag, "Bakit ang dami mong tanong? Kumanta ka nalang."

"Kailangan sakto sa pakiramdam ko ang pagkanta. Pangit ang pakiramdam ko, ayokong kumanta."

Ginamit ni Zhuge Yue ang nakakamatay niyang tingin sa babae na hindi iniiwas ang kanyang tingin. Medyo natakot, bumulong si Chu Qiao, "Ang daming tao dito. Oras na kumanta ako, makikinig silang lahat sa akin. Paano ako mabubuhay sa ganoong kahihiyan?"

Tinanggap ni Zhuge Yue ang hindi magandang dahilan na ito at inutos, "Kung ganoon ay magsalita ka nalang."

"Anong sasabihin ko?"

Nasa dulo na ng pagsabog ang lalaki. "Kahit ano!"

Agad na sumigaw si Chu Qiao, "Salbaheng Zhuge Yue!" sa malakas na boses na kahit ang maraming gwardya ay hindi maiwasang lumingon at tumingin sa kanila.

Lubos na nagalit si Zhuge Yue at ginustong umalis. Nang makitang labis ang kanyang biro, agad siyang hinabol ni Chu Qiao at hinila ang kamay nito. Sinabi niya sa maliit na kampanilya, "Tandaan mo, maghihintay ako sayo." Sa isang pangungusap lang, hindi na nag-aapoy sa galit ang lalaki. Sa totoo, madali lang talaga siyang pasiyahin.

"Ano ba ito?" naguguluhan si Chu Qiao, at nalamang tulad ito ng bato, ngunit hindi ito bato. Tulad ito ng jade, pero hindi ito jade. Na may sobrang sikot na pagkakagawa, may itsura ito ng kampanilya, ngunit ang loob ay puno ng pasikot-sikot, tulad ng tainga ng tao.

Hindi nag-abala si Zhuge Yue na sagutin siya at sinabi lang, "Alis na. Huwag kang maging mabagal."

Tila ba ay may karapatan pa rin siya?

Naglakad sa uluhan ng dalawang pangkat, nang maghihiwalay na sila, hindi maiwasan ni Chu Qiao na magbigay ng seryosong basbas, "Mag-ingat ka."

Nagkunwaring napakatatag ni Zhuge Yue nang bahagya niyang ikinaway ang kanyang kamay bago kalmadong sumakay sa kanyang kabayo. Mukha siyang napakayabang at napakalamig, na para bang nasa itaas siya ng lahat. Sumagot siya, "Tandaan mo ang sinabi ko." Pagkasabi noon, umalis siya tulad ng among napapalibutan ng mga gwardya niya.

Nang unti-unting naglaho sa malayo ang grupo, nanatiling nakatayo si Chu Qiao sa kinatatayuan niya. Lumapit si Jingjing, medyo tulala, at nag-usal, "Ate, mukhang napakalupit ni bayaw."

Namula ang mukha ni Chu Qiao, lumingon siya kay Meixiang at nagtanong, "Meixiang, alam mo ba kung ano ang bagay na iyon?" tapos ay inilarawan niya ang hugis ng kampanilya.

Bago pa man makasagot si Meixiang, inagaw ni Pingan ang pagkakataon na magsalita, "Ate, kung hindi mali ang nakita mo, iyon ang Xiangzhi Bell mula sa alamat. Narinig ko na isa iyon sa tatlong yaman ng mga Windtalkers. Ang Windtalkers ay mahusay sa sining, at mga dalubhasa sa sikretong sining ng mekaniko. Ang Xiangzhi Bell ay gawa ng ika-walong hepe ng kanilang tribo. Basta't malakas ang pagsasalita ng isa sa kampanilya, ang tunog ay matatandaan ng kampanilya. Kapag umihip ang hangin doon, maririnig ang boses mula dito sa eksaktong tono. Ang tanging problema lang ay mahirap mahanap ang mga Windtalkers, at iilan lang ang nakarinig sa eksistensya nila sa nakalipas na mga taon. Kahit iyong Xiangzhi Bell ay bali-balitang nawala. Saan mo nakita ang kampanilyang iyon ate? Narinig mo bang nagsalita ang kampanilya?"

Medyo natigilan si Chu Qiao. Ang tunog ng tumatakbong kabayo ay naglaho na lahat, nag-iiwan nalang ng bakas ng alikabok sa daan.

"Xiangzhi Bell?"

Iniwan ni Zhuge Yue ang kanyang karwahe at piniling sumakay sa kanyang kabayo. Sa ngayon, malapit na siya sa hangganan ng Xia, at ang mga tauhan niyang sasalubong sa kanya ay malapit lang. Doon, hindi na kailangan pang maingat na takpan ng grupo ang kanilang mga bakas. Ang araw ay mainit na walang kahit isang bakas ng hangin. Gayumpaman, habang nasa kabayo, mayroon pa rin paparating na hanging kasalubong na umiihip sa kampanilyang nakasabit sa leeg niya.

"Tandaan mo, maghihintay ako sayo," isang boses ng babae ang malumanay na umalingawngaw sa kanyang tainga. Malinaw ito tulad ng hindi naiistorbong lawa, nagbibigay ng katiwasayan. Hindi maiwasan ng labi niyang umangat. Gayumpaman, bago pa man siya tuluyang makangiti, panibagong tumatagos na boses ang narinig, "Salbaheng Zhuge Yue!" napakalakas ng tunog na lahat ng gwardya ay nagulat. Tumigil sila at tumingin sa kanya. Sa iglap na iyon, tuluyang nagdilim ang mukha ni Zhuge Yue.

Sa landas na patungo sa silangan, sa isang karwahe, ginagawa pa rin ni Chu Qiao ang makakaya niya upang mag-isip habang sinasabi sa sarili niya, "Kung ganoon ay kahalintulad ito ng recorder? Xiangzhi Bell? Paano ito ginawa?"

"Ate? Ano ang recorder?" Lumapit si Jingjing at nauusisang nagtanong.

Nang marinig iyon, nagpaliwanag si Chu Qiao, "Ang recorder ay..." nakaupo sa kabilang parte ng karwahe, tumingin si Meixiang kay Chu Qiao na ipinaliliwanag ang konsepto ng recorder kay Jingjing, at hindi naiwasang mapangiti.

Maraming beses ay ganoon ang buhay. Kapag nakaharap mismo ng isa ang sitwasyon, maguguluhan siya. Gayumpaman ay hindi ito komplikado sa mata ng nanonood, at matigas lang ang ulo ng isa na makita ng malinaw ang bagay dahil sa kung anong nasa kailaliman ng puso nito. Kahit sa pinaka mahusay na mga tao, maguguluhan pa rin sila kapag may nangyari sa kanila. Minsan, kailangan lang niyang humakbang ng isang beses, at ang susunod na mga insidente ay lubos na magbabago.

"Marami pang dapat gawin. Maaaring may iba pang insidenteng mangyari. Natatakot ka ba?"

Sa hangin na umiihip, nagkaroon ng alon sa ibabaw ng hindi naiistorbong katubigan. Isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki, mayroong kaunting halimuyak. Ang kanyang boses ay halos hindi na maintindihan, gayumpaman ay tumagos ito sa lahat ng natitirang reserbasyon na naiwan sa puso ng lalaki nang narinig niya ang maikling salita, "Hindi ako natatakot."

Magaang nakangiti, inunat niya ang kanyang kamay at iniyakap ito sa bewang ng babae. Nakaupo ng ganoon, naghintay sila hanggang dumating ang bukang-liwayway.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C226
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión