Descargar la aplicación
32.19% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 94: Chapter 94

Capítulo 94: Chapter 94

Editor: LiberReverieGroup

Gumalaw ng kaunti si Liang Shaoqing. Pagkatapos ng mahabang pag iisip, "Iniwan mo nang ganito. Kung ibibigay mo itong lahat, paano ka naman?" Sabi nito.

"Okay lang ako," ngiting sagot ni Chu Qiao. "Kung hindi dahil sa akin, wala ka ngayong sa kina lalagyan mo. Kahit na ikaw ang may kasalanan, hindi ko itatanggi ang aking responsibilidad. Tanggapin mo. Mag ingat ka sa hinaharap, at wag kang mamagitan sa mga gawain ng ibang tao."

Hindi na nakabalik ng salita si Liang Shaoqing. Hawak niya ang papel de bangko sa kamay nito at nanatiling tahimik.

Huminga ng malalim si Chu Qiao at humilig sa haligi. Tumingin siya sa sinag ng buwan sa labas, matahimik ang makikita sa mga mata niya. Ang natural na matapang na tingin niya ay lumuha; ang naiwan ay ang mas mahinhin na anyo.

Tumingin si Liang Shaoqing at binigyan siya ng kakaibang tingin. Biglang na sabi niya, "Saan ka pupunta?"

"Ako? Uuwi nako."

"Naninirahang ka sa bansang Tan?"

"Hindi," ang munting dalaga ay iniling ng kaunit ang ulo. "Ang tirahan ko ay napaka layo. Marami pa akon daan na tatahakin."

"Walang mapayapa ngayon. Isa kang babae, kaialngan mo mag dagdag ingat.

Napangiti si Chu Qiao at nanatiling tahimik. Marahan ang pag tingin nito, ang mga pilok mata nito ay kay haba, na nag bibigay kaunting anino sa mukha niya ang sinag ng buwan. Nakikita ni Liang Shaoqing na hindi ito sumagot, dagdag niya pa, "Pupunta ako sa bansang Tang."

"Oh." Malambot na pag responde ni Chu Qiao.

Ang boses ni Liang Shaoqing ay biglang masigla ang tono, na parang nag karoon ng malaking tagumpay. "Pupunta na ako sa Jing para bumisita sa matandang Master na si Cai Zhongmou."

"Cao Zhongmou, ang scholar ng bansang Tang sa seremonyang departamento?"

"Oo! Kilala mo siya?"

Napatango si Chu Qiao. "Master Cao ay walang kapantay ang kanyang tula. Kilalang kilala siya saan man dako."

"Tama ka," sabi ni Liang Shaoqing. "Nag lakbay ako ng kahaba haba para lang mabisita ko siya. Kailangan ko siyang makita, mukha sa mukha."

"Mabuti at merong ibang tao ang umiidolo sa kayan. Subalit hindi ka pwede lumapit sakanya. Nakakaawa ka kapag nawalan ka ng kamay."

"Bakit naman?" Naiinis na sabi ni Liang Shaoqing. "Mister Cai ay isang tanyag na kilala Bakit naman ako madidismaya?"

"siya ba?" Natatawang sabi ni chi Qiao, "Hinihiling ko nakakbuti sayo."

Patungo ang hangin sa loob ng templo na nag bigay ilaw na lumagapak sa lupa. Napa isip ng matagal si Liang Shaoqing bago nag tanong, "bakit hinahabo ka ng mga opisyales?"

Hindi tumingin si Chu Qiao. "Hindo mo alam?"

Natigilan si Liang Shaoqing. "Anong di ko alam?"

Hindi nasiyahan ang dalaga. "Hindi mo ba sinabi? Magnanakaw. Tama ka, nahuli ak osa pag nanakaw, kaya pala sinusundan niyo ko."

Natigilan si Liang Shaoqing. Lumingon si Chu Qiao na may ngiti. "Tama. Ang pagkain na kinakain, yang hinahawakan mong papael de bangko, ninakaw ko yang lahat. Yang perang ginamit ko sa unang pang pyansa ko palabas, ninakaw ko yan. Alam mo na ang kinalalagyan mo. Gusto mo parin bang tanggihan ang pera at pagkain, na parang isang matayog na pitong pulgadang laki ng lalaki?"

"Ako...ako…" nauutal ng matagal si Liang Shaoqing. Natawa si Chu Qiao na nag bigay ng ngiti. Ang puting ngipin ng dalaga ay muntik ng sumilaw sa mata ng scholar.

Sa sandaling iyon biglang napa simangot si Chu Qiao. Napawi ang ngiti nito sa mukha. Lumingon siya na may masamang tingin at inunahan siya ng pandama. Ipina dama niya ang taenga, hindi mabilang ang mga na suri niyang mga yapak sa papalapit sa templo sa hindi kalayuan.

Sa ngayon, may naramadaman si Liang Shaoqing na hindi maganda. Kinakabahang inilihig niya ang katawan at bumulong, "Si Pinunong Mu ba iyon?"

Hindi sumagot si Chu Qiao, ayaw niya ipag bahala ang posible sa kanyang puso. Merong kakayahan si Pinunong Mu pero hindi niya kayang pakiludin ang ganong kalaking hukbo. Dagdag pa, ang mga yapak ng mga tao ay nag papakita na maayos ang pag sasanay sa martial art. Tumayo siya ng dahan dahan at dinadama ang kanyang espada. "Kailangan mong sundan siya sa likod niya. Kahit mabuhay o mamatay ka man na sa saiyo na iyon." Marahang sabi niya.

Nang siya ay magsalita, isang kulay pilak na sinag ang biglang nasa harapan niya. Mapanganib! Dahil sa mabilis na kilos, naka galaw ang karawan niya sa gilid at iniwasan niya ang papalapit na espada sa himpapawid patungo sa kanya. Sa tunog nang pagtusok, lumapag sa dibdib ng hindi kilalang kalaban. Isang iyak na pag hihinagpis ang biglang pumalahaw. Ang posisyon niya ay handang puntay sa kanya. Meron nag uugnay may panganib sa gabing ito!

"Sundan niyo ako!" Singhal ni Chu Qiao. Ang pag sisisrko ang dahilan kung bakit naka labas siya sa bintana, kumiskis ang kanyang espada para salubungin ang papalapit na pana. Maiingay na yapak ang umalingawngaw sa pinto. Ang matalim na pana ay lumipad sa ere patungo sa dalawa. Dahil sa walang tunog, nag kakiskisan ang mga kanilang espada para umipisahan ang patayan!

Maliwanag ang sinag ng buwan. Dalawang lalaki ang nakasuot ng itim ang lumapit kay Chu Qiao. Bago siya nakakilos, ang isa ay kinuha ang kaniyang espada at tinutok sa kaniyang ulo.

Bilang pagganti! Hinawakan nito ang pulsuhan! Ang galaw ni Chu Qiao ay nakakabigla. Sa mga tunog ng buto na nabali at mga nahulog na espada, ang mga lalaking naka itim ay sumigaw sa sakit.

"Tanga! Sundan niyo ko!" Hinila ni Chu Qiao si Liang Shaoqing, na takot na takot sa mga nangyari. Tumalon siya at sinipa ang isang lalaki sa kaniyang dibdib ng walang awa. Ang tunog ng pagsira ng mga buto ang narinig ulit. Dumura ang lalaki ng kaunting dugo, at bumagsak ng patalikod. Gumalaw ng mabilis ang dalaga , at nilabas ulit ang kaniyang espada. Dahil sa katangian na pakiramdam na makaligtas ng buhay ay nag madali siyang maiwasan ang mga sandata kalaban at gumanti ng malakas na atake. Sa mabilis na pangyayari, ang mga natirang tao ay natatakot na sa dalaga at hindi kayang lumapit pa rito

"Atakihin! Atakihin!" Inutusan ng pinuno ang kaniyang mga kasamahan habang humahakbang siya patalikod. Lumingon si Chu Qiao sa kaniya na may tinging malamig at ngumiti ng nakakatakot. Nilabas niya ang kaniyang huling punyal at binato ito sa lalaki na tiyak tatamaan. Nanlaki ang mata ng lalaki at bumagsak sa sahig.

Makipot ang entrada ng templo. Hindi karamihan ng tao ang makakapasok sa templo ng sabay. Kada kikilos si Chu Qiao ay puro kaguluhan ang nangyayari. Napapatay niya ang mga lalaki sa isang hampas lang. Ang mas importante ay walang hawak na sandata si Chu Qiao, dinipensahan niya ang kaniyang mga binti. Subalit, sapat na ito para makapatay ng kalaban. Sa sandaling iyon siya ay hindi magagapi, makikitaang kakaiba.

Biglaang napa hiwalay si Liang Shaoqing sa iyak sa likuran niya. Walang pag-iisip na tumalikod si Chu Qiao nakadama siya ng matinding sakit sa kaniyang kaliwang tadyang. Bago pa niya matignan ang kaniyang sugat ay ginamit niya ang espadang Poyue na kung saan hawak niya ito para maiwasiwas sa ulo ng kalaban niya. Mga dugong nagkalat sa mukha ni Liang Shaoqing. Ang mahiyaang scholar, ay hindi man lang kayang pumatay ng manok, pumapalahaw ng malakas na iyak na mas malakas pa sa lalaking na pugutan!

Ang dalaga na ito ay hindi mo aakalaing mabilis kahit na may sugat pa ito. Ang payat niyang pangangatawan ay gumalaw na may liksi sa makipot na espasyo. Dahil sa maikli lamang, ang mga katawan ng mga kalaban ay naging mga tuta sa sahig.

"Humawak ka ng mahigpit sakin!" Singhal ni Chu Qiao. Bago pa maka galaw si Liang Shaoqing panibagong grupo na kalaban ang papalapit sakanila. Hindi Naiintindihan ng lalaki kung bakit ang alilang mag lalako ay pupunta sa malawak na lugar para lang hulihin siya. Kinalas ni Chu Qiao ang tali na nasa bewang niya at itinapon galing sa haligi patungo sa bubong. Umakyat siya sa bubong gamit ang lubid pang suporta. Hindi ka agad maka hawak si Liang Shaoqing.

Panibagong bugso na pana ang paparating sa kanila. Naupo si Chu Qiao sa haligi at gamit ang kawit galing sa lubid para makuha si Liang Shaoqing. Humawak siya sa kabilang lubid ng mahigpit at tumalon pababa sa lupa. Sa bilis ay nag kapalit sila ng kinatayuan!

"Magbilis! Pakawalan ang mga pana!"

"Humawak sa lubid!" Utos ni Chu Qiao. Hinla niya ang lubid para maka akyar sa bunong sa mabilis na galawan. Nang patungo ang pana sa kanyang balikat na naging sanhi ng paglabas ng dugo.

"Ah! Nasugatan ka!"

"Pbayaan mo! Singhal ni Chu Qiao. Tinuklap niya ang sahig ng bubong at umakyat habang hawak niya siLiang Shaoqing.

Ang pana ay tumama sa haligi. Ibang boses ang umalingawngaw,galit nilang sabi, "Tumatakas ang target patungo sa bubong. Sundan sila!" Subalit, hindi na makita si Chu Qiao sa bubong nang sila ay makapunta sa bubong. Ang mga lalaking naka itim ay nag katinginan at tinanggal ang mga kasuotan ng sandaling iyon. "Nakatakas siya sa ating patibong! Namuhay tayo ng walang kabuluhan sa mahabang panahon!" Sa ilalim ng kanilang kasuotan ay isang damit pang hukbo.

ibang lalaki naman ang nailing ang ulo, "Marami na tayong sinakrepesyo para sa Tang Ma Ridge. Kung normal lang siyang babae hindi manganga ko ang kapitolyo ng ganong kalaking halaga."

"Sa aking opinyon, okay lang na sumuko na tayo."

"Kailangan nating ipag patuloy." Naiiling na sabi ng lalaki, "Mas mahirap na siyang hulihin sa hinaharap."

"Kamusta kana?" Sa kadiliman, dala si Liang Shaoqing ni Chu Qiao, naglalakad sa makipot na daan. Ang sugatang balikat niya ay kaya pa naman ngunit ang isa niyang kaliwang tadyang ay malubha.Hindi mapigilang pag labas ng dugo sa kanyang sugat.

Napaigik si Chu Qiao at nang galaiti ang ngipin. "Ibabamo ko."

"Ah?"

"Ibaba mo ko!" Matigas na sabi ng dalaga. "Hindi tayo hinabol non."

"Sinong may sabi na hindi ka nila hinahabol!" Isang mababaw na tinig ang biglang lumabas sa kadiliman. Silang dalawa ay na bigla nang makita ang papalapit na si Pinunong Wu na kasama ang humigit kumulang na 20 katao.

nasabi ni Liang Shoqing, "kayo ba ay okay lang!"

Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng pinunong Mu. Ang tingin niya ay naka tuon kay Chu Qiao. Numiti, "Tanga! Marami ka palang kalaban tama? Sinubukan kong hanapin ko. Hindi ko inaasahang mabilis lang pangyayari."naka ngiting sabi nito.

Napatayo si Liang Shaoqing at inabot ang kamay nito para depensanhan si Chu Qiao. Sa galit ay, "hulihin niyo ako kung kaya niyo! Wag niyo lang siyang saktan!"

"Wag siyang saktan?" Mapang nulso ni Pinunong Mu. "Hindi ko hahayaang masaktan sia!

Mga tao! Hulihin itong Rascal. Ang mukha nito ay nakapag gwapo. Maari siyang makakuha ng malaking presyo."

Naunang sumulong ang mga lalaki para sulungin angnaghihirap na si Chu Qiao na may sugat na hindi na kayang depensahan na si Liang Shaoqing naganon kadali.

Na ngaway ang kamay ni Pinunong Mu at kinumpas ito. "Tara na! At bumalik sa merkado!"


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C94
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión