Descargar la aplicación
25.4% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 252: Mabangis

Capítulo 252: Mabangis

Editor: LiberReverieGroup

Hindi maaaring magtagal siya ng ganito dahil ang itaas na bahagi ng katawan ni Xinghe ay hindi ito kakayanin.

Ang loob ng warehouse ay walang laman kundi ang mga alikabok sa sahig. Wala na siyang makitang mataas na lugar na pwedeng pagkilusan.

Kahit na sa pinakamabilis na pagmamaneho, kakailanganin ni Mubai ng sampu hanggang kinse minutos para makarating doon.

Hindi niya kakayaning magtagal ng ganoon katagal…

Ang dalawang gutom na aso sa ibaba niya ay naging mabangis na. Ilang beses, ay halos maabot na ang kanyang mga sakong.

Sa kanilang mga mata, si Xinghe ay tulad ng isang masarap na piraso ng karne na tinutuya sila.

Alam niya na kapag nakagat siya at nakaladkad pababa, na ito na ang magiging katapusan niya.

Maaaring may alam siyang kaunting pagtatanggol sa sarili pero nag-aalangan pa din siya kung matatalo niya ang dalawang mababangis na aso.

Nagtangis ang mga ngipin ni Xinghe at mabigat na sinuntok ang salamin ng bintana. Nabasag ito matapos ang malakas na tunog.

Ang biglaang malakas na tunog ang nagpatakot sa dalawang aso kaya naman umatras ito ng ilang hakbang pansamantala.

Ginamit ni Xinghe ang pagkakataon na bumaba ng may hawak na piraso ng bubog ng salamin. Sa oras na bumaba siya, agad siyang sinugod ng dalawang malaking aso.

Hindi umilag si Xinghe. Habang handa ng kumagat sa kanyang leeg ang isa sa mga aso, isinaksak niya ang matalim na bubog sa mata nito!

Nahulog sa sahig ang aso na may iyak. Matapos nito ay gumulong ito sa sahig na tila nababaliw.

Wala ng panahon pa na harapin ni Xinghe ang isa pang aso dahil nagawa nitong magtagumpay na makagat siya sa binti!

Itinaas ni Xinghe ang isa pa niyang paa at sinipa ng malakas ang aso. Napalipag din niya ang aso pero hindi bago ito makakagat ng piraso sa binti ni Xinghe. Agad-agad ay nakulayan ng pulang dugo ang pantalon ni Xinghe.

Ngunit namanhid na siya gawa ng adrenaline. Kumuha pa ulit siya ng isa pang bubog mula sa sahig at sinunggaban ang nasaktang aso.

Nakatutok ang bubog sa isa pa nitong mata…

Ibinuhos ni Xinghe ang buo niyang lakas sa pagsaksak para makasigurado na natamaan niya ang bungo nito kaya naman ang bubog mismo ay nakasugat sa kanyang palad. Nang umatras na siya, lumayo sa kanya ang aso ng walang direksyon, marahas na humihinga bago ito sumalampak sa sahig.

Nalaman ni Xinghe na bulag na ito at malapit ng mamatay…

Nagulantang ang isa pang aso sa kanyang kalupitan at nanatiling nakatayo ng may kalayuan sa kanya habang tinatahulan siya pero natatakot na lumapit.

Pagod na si Xinghe matapos ang sagupaang iyon.

Nakatamo siya ng maraming sugat sa kanyang katawan.

Gayunpaman, kalmado siyang tumayo, isang bubog na tumutulo ang dugo sa kanyang kamay.

Ang dugo ay pinaghalong dugo niya at ng aso.

Ang amoy ng dugo ang nagpasabik sa aso pero maingat ito na huwag agad-agad atakihin si Xinghe. Imbes ay inikutan nito si Xinghe at mapagpasensiyang naghihintay ng pagkakataon.

Habang iniikutan siya ng aso, hinaharap naman ito ni Xinghe, hindi ito binibigyan ng pagkakataon na sunggaban siya mula sa gilid o likuran.

Gayunpaman, hindi na siya makahabol pa sa bilis ng aso gawa ng pagkawala ng dugo.

Nakakita na din sa wakas ng pagkakataon ang aso mula sa kanyang galaw at inatake nito ang braso niya na may hawak ng bubog. Ang puwersa nito ay nagpatumba din kay Xinghe!

Matapos makatikim muli ng karne, ang aso ay hindi na bumitaw kahit gaano pa kalakas ang panlalaban ni Xinghe.

Sa oras na iyon, ang libreng kaliwang kamay ni Xinghe ay nangapa sa sahig para maghanap ng iba pang bubog.

Nakakapa din ang mga daliri niya sa isa at ang pakiramdam ng sakit mula sa dalawang kamay ang nagpabalik ng kanyang atensiyon para magpokus.

"Pumunta ka sa impiyerno—" isinaksak niya ang bubog sa leeg ng aso gamit ang lahat ng kanyang lakas!

Ngunit sadyang makulit ang aso.

Kahit na nakadanas na ito ng sugat sa leeg, ayaw pa din nitong luwagan ang panga…

Alam ng aso na sa oras na gawin nito iyon, magreresulta iyon sa kamatayan nito. Hindi ito papayag na mamatay ng ganoon kadali.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C252
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión