Descargar la aplicación
50.63% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1148: Syempre, mas importante ang boyfriend ko

Capítulo 1148: Syempre, mas importante ang boyfriend ko

Editor: LiberReverieGroup

Magkasamang nakaupo si Ye Wan Wan at Han Xian Yu da sofa habang hinihintay nila sila Luo Chen at Gong Xu. Biglang nag-ring ang kanyang phone.

Makikita na si Xu Yi ang tumatawag.

Bakit ako tinatawagan ni Xu Yi sa oras na ito?

Kataka-takang nilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang phone at tumungo siya sa pasilyo na walang tao, bago niya sinagot ang tawag.

"Uy, Steward Xu?"

Maririnig ang nagpa-panic na boses ni Xu Yi noong sinagot niya ang atwag. "Miss Wan Wan, nag-away ba kayo ni 9th Master?"

Naguguluhan si Ye Wan Wan. "Huh? Nag-away? Hindi kami nag-away! Okay lang kami!"

Balisang nagtanong si Xu Yi, "Imposible! Bakit… bakit pala naging bayolente si 9th Master…?"

Walang masabi si Ye Wan Wan. "Hoy! Hindi ko kasalanan kapag nagiging bayolente si Si Ye Han, okay? Huwag ako ang lagi mong sinisisi sa lahat…"

Ang tono ng pananalita ni Xu Yi ay parang papaiyak na. Maririnig ang malaking kaguluhan sa panig ni Xu Yi. "Miss Wan Wan! Pumunta ka dito sa opisina para makita mo! Please! May mali talaga sa emosyon ni 9th Master ngayong araw!"

Naging seryoso ang itsura ni Ye Wan Wan nang marinig niya iyon.

Hindi basta-bastang tatawag si Xu Yi sa kanya maliban na kung seryoso o kailangan niya talagang pumunta.

"Sige, naiintindihan ko. Papunta na rin ako diyan."

Pagkababa ni Ye Wan Wan ng tawagan, bumalik siya sa dressing room at bigla siyang bumulong sa tenga ni Ye Mu Fan: "Aalis lang ako ng saglit. Babalik rin ako."

"Saan ka pupunta?" Tinanong siya ni Ye Mu Fan.

"Masama ang pakiramdam ng boyfriend ko. Titingnan ko lang ang kalagayan niya. "

Nagalit si Ye Mu Fan nang marinig niya iyon. "P*ta! Importante ang araw na ito! Anong mas importante—boyfriend mo o ang award ceremony?!"

"Malamang ang boyfriend ko."

"…"

Sinuyo siya ni Ye Wan Wan. "Babalik agad ako, Kuya. May oras pa naman tayo!"

"Sige na!" Iritable na sinabi ni Ye Mu Fan.

Sa Si Corporation:

Naghihintay sa Xu Yi sa harap ng desk. Personal niyang dinala si Ye Wan Wan sa elevator nang makita niya ito at umakyat sila sa top floor kung saan ang opis ng chairman.

"Anong nangyayari?" Balisang tinanong ni Ye Wan Wan.

Malungkot na sumagot si Xu Yi, "Miss Wan Wan, paano ko malalaman ang laman ng utak ni 9th Master? Dapat… dapat ikaw ang tinatanong ko…"

Ye Wanwan: "…"

Ang problema dito ay hindi ko kasalanan ang nangyayari sa kanya! Okay lang naman siya kanina noong umalis ako ng bahay kaninang umaga!

Kahit na hindi pa nakikita ni Ye Wan Wan si Si Ye Han, napansin na niya ang pagiging emosyonal ni Xu Yi sa mga salita niya at base na rin sa namumutla at natatakot na itsura ng mga empleyadong dinaanan nila.

Nakarating na ang dalawa sa opisina ng chairman. Maingat na kinatok ni Xu Yi ang pintuan bago niya binuksan at pumasok.

Pagkapasok ni Ye Wan Wan, napansin niya na ang opisina ni Si Ye Han ay parang dinaanan ng buhawi dahil sobrang gulo nito.

Sa likod ng malaking desk, may suot na itim na dress shirt si Si Ye Han habang nakaupo siya sa leather na upuan. Hinahaplos niya ang kanyang noo. Pinapalibutan siya ng kawalan ng pag-asa at kamatayan, ang awra niya ang napaka-bayolente na parang kaya niyang sirain ang lahat ng lalapit sa kanyang katawan.

Kahit si Ye Wan Wan ay natatakot, paano pa kaya si Xu Yi. Gusto nang umalis ni Ye Wan Wan dahil sa sobrang takot na naramdaman niya.

Nakatayo sa may pintuan si Xu Yi, hindi niya sinubukang huminga ng malakas.

Nagdalawang isip si Ye Wan Wan bago niya nilapitan si Si Ye Han. "Ah-Jiu…"

Pagkalapit niya dito, napansin ni Ye Wan Wan na parang nasalanta ang mukha ni Si Ye Han, parang walang kulay ang mukha niya.

Ilang oras lamang ang pagkakahiwalay nila sa isat-isa. Bakit bigla siyang nagkaganito?


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C1148
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión