Descargar la aplicación
39.65% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 899: Anong galit at poot?

Capítulo 899: Anong galit at poot?

Editor: LiberReverieGroup

Biglang humikbi si Little Lolita at pinunasan niya ang kanyang mga luha nang marinig niya iyon. "Master, mamamatay na si Jiao Jiao. Hindi mo na ako makakasama sa tabi mo. Kahit na wala na ako, kumain at matulog ka pa rin ng maayos, okay…"

Kumibo ang gilid ng mga labi ni Ye Wan Wan at halos mabaliw na siya. Hindi ba, linya ito sa isang melodramatic series na pinapanood niya kanina?

Tiningnan ng mersenaryo sa likod ni Little Lolita ang limang katulong at naisip niya na parang pamilyar ang mga ito, pero hindi niya matandaan kung saan niya nakita ang mga ito noon...

Kahit na pamilyar ang mga ito, hindi niya na lamang pinansin ang mga ito at inisip niya na tapusin na lamang ang kanilang misyon.

Napansin ng mersenaryo na malapit na kaibigan ni Ye Wan Wan si Little Lolita, kaya sinakal niya ito at tiningnan niya ng masama si Ye Wan Wan na nasa sofa at sinindak niya ito, "Ayaw naming manggulo, Miss Ye, kaya sinasabihan ka namin na makipagtulungan at sumunod ka sa amin. Kung hindi, mawawalan ng kwenta ang pagkamatay ng mga taong isa-sakripisyo ang buhay nila para sa iyo."

Hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang mga aktor na kasama niya at sinasadya niyang manguha pa ng ibang impormasyon sa mga mersenaryo. "Sinong nagpadala sa inyo?"

Napansin ni Ye Wan Wan ang kakayahan at ang mga ranggo ng mga ito, napagtanto niya na hindi sila ang mga mersenaryo na sumibak sa kanya habang nasa kalsada sila.

Nakakapanliit ang tingin ng lider kay Ye Wan Wan. "Miss, hindi mo yata alam ang nangyayari ngayon at hindi namin obligasyon na sagutin ang tanong mo."

"Si Si Ming Li? O si Qin Ruo Xi?" patuloy siyang tinanong ni Ye Wan Wan.

Naging masama ang tingin ng ibang mersenaryo kay Ye Wan Wan. "Sinabi ko na sayo na wala kaming obligasyon para sagutin ang katanungan mo!"

Bigla niyang tiningnan ang oras sa kanyang relo at nairita siya. "Please."

Tumawa si Ye Wan Wan. "Edi wag. Gusto ko lamang kung sino ang may galit sa inyong tatlo."

"Ano ba ang gusto mong sabihin? Tigilan mo na ang pagsasayang ng oras!" Hindi na kayang magtimpi pa ng lider habang naghahanda siyang sampalin si Ye Wan Wan.

Gayunpaman, bago pa siya makalapit kay Ye Wan Wan, sinagip ng old housekeeper si Ye Wan Wan at tumayo siya sa harap nito. "Mapangahas ka! Hindi ka pwedeng maging masahol sa kanya!"

Naging manhid ang mga mata ng mersenaryo. "Ikaw tanda ka! Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Kung ayaw mong mamatay, manahimik ka at umalis ka sa daan ko! Kayong lahat, pumunta kayo dito at pumila kayo. Mag-squat kayo at iyuko niyo ang mga ulo niyo. Huwag niyo akong iistorbohin!"

Galit na tiningnan ng mersenaryo ang mga katulong na nasa kwarto - tiningnan niya ang bodyguard na hindi lumaban, ang tangang matabang chef na may hawak na caryfish, ang katulong na iyak ng iyak at ang matanda na halos mamatay na. "Tsk, sana nagpadala sila dito ng mga tao na marunong makipaglaban, ang pinadala lamang nila ay mga walang kwenta; para saan pa na nag-hire sila ng mga mersenaryo? Ayoko silang saktan dahil hindi sila karapat-dapat!"

Inatake ng mersenaryo na nagngangalang Joe, ang lalaking balbas sarado dahil mukhang siya ang pinaka malakas sa grupo.

Maririnig ang "swish."

Hindi niya ito… nasuntok...

Hinarangan ng munting bodyguard ang kamao ng mersenaryo, bago po nito masapak ang lalaking balbas sarado, hindi niya nga lang alam kung anong ginamit ng bodyguard.

Sa isang saglit, biglang binalutan ng nakakatakot at nakakamatay na awra ang ,unting bodyguard na hindi makabasag pinggan kanina.

Gumapang ang takot sa puso ni Joe at naramdaman niya na nasa panganib ang buhay niya. "I… ikaw…"

Sumimangot ang dalawang mersenaryo habang nakikita nila ang pangyayari. "Anong ginagawa mo, Joe? Ano pang hinihintay mo? Tapusin mo na siya!"

"Hindi ko…" sinubukang bawiin ng mersenaryo ang kanyang braso ngunit hindi ito gumalaw. Sa sobrang panic niya, mararamdaman ang daloy ng malamig na pawis na nanggaling sa kanyang noo.

Kinuha ng balbas saradong lalaki ang isda ng mersenaryo at bigla niyang tiningnan ang partner niya na nakahalukipkip, naghihintay ito ng magandang palabas na kanyang matutunghayan ngayon. "Ay, baby, narinig mo ba ang sinabi niya? Mersenaryo pala silang tatlo!"


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C899
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión