Sa country B.
Ligtas na nakalapag ang isang private jet sa tarmac.
Ang grupo nila ay tumungo sa isang hotel para magpahinga sa gabing iyon.
Sa ngayon, hindi maayos ang pamamalakad ng politiko sa Country B, hindi pwedeng dumeretso si Si Ye Han sa lugar na kailangan niyang puntahan, kinailangan niya pang magmaneho papunta doon. Tatagal ng tatlong araw ang biyahe niya papunta doon.
Kung tatlong araw silang magmamaneho papunta sa paroroonan nila, hindi magiging garantisado ang kalagayan ang daan sa mga bayan doon; ang bawat miyembro sa grupo nila ay natural at sinanay na rin na maging handa sa maliliit na problemang tulad nito. Hindi maiwasang mangamba ng grupong iyon dahil kasama nila ang lampa, maganda at makulit na babae, si Ye Wan Wan.
Sa totoo lang, malaking bagay at napaka importante ng negosasyon na ito. Kahit anong mangyari ay hindi sila pwedeng magkamali.
Pagkarating na pagkarating nila sa hotel, agad na nagsimula si Si Ye Han na magtrabaho.
Sa gilid ng desk, nakatalumbaba si Ye Wan Wan at sinabi, "Trabaho na lang ng trabaho! Yan lang alam mo, magtrabaho! Mas importante ba ang hamak na laptop kesa tignan mo ako?"
Hindi huminto sa pag-type si Si Ye Han. Tumingin lang siya ng patagilid kay Ye Wan Wan at tumabingi ang kanyang ulo nang bigla niyang hinalikan si Ye Wan Wan sa pisngi para mapawi ang nararamdaman nito.
Nandilim ang itsura ni Ye Wan Wan. Hindi man lang siya nag-effort nung ginawa niya iyon! Parang pinapaalis niya ang isang hamak na kuting o tuta?
Tinitigan siyang maigi ni Ye Wan Wan. "Gusto ko ng makabagbag damdamin na halik, yung tatagal ng tatlong minuto!"
Huminto si Si Ye Han sa ginagawa niya. Makikita na sinusubukan niyang pakalmahin ang apoy sa gitna ng malamig na sapa habang masama niyang tinitignan ang babaeng nasa tabi niya, at sinabi, "Hintayin mong matapos ako."
Ye Wan Wan: "..."
Pwet ko hintayin mo!!!!
Mukhang nabubuang na si Ye Wan Wan!
Masyado niyang pinilit si Si Ye Han kahit ang intensyon na lang ay papahingahin ang lalaki, pero halos mapamura si Ye Wan Wan sa isinagot sa kanya ni Si Ye Han!
Bakit ba siya nagtra-trabaho ng sobra-sobra?
Naisip niya na noon na umaakto si Si Ye Han na parang may taong humahabol sa kanya.
Sino o ano kaya ang makapag-takot sa great devil?
Hindi na kaya ni Ye Wan Wan na mabuhay ng ganito!
Naisip ni Ye Wan Wan na baka mamatay siya sa sobrang galit kung mananatili pa siya sa kwartong iyon, kaya dali-dali siyang umalis ng kwarto.
Bakit kaya siya nagalit...
Ginagawa ko ito para sa sarili ko; wala siyang kinalaman dito...
Habang naglalakad si Ye Wan Wan sa lobby, nakita niya si Liu Ying at ang iba nilang kasama.
Dumilim ang paningin ni Liu Ying nang makita niya si Ye Wan Wan na nag-gagala sa may lobby. "Hindi ligtas ang country B tuwing gabi Miss Ye. Manatili ka na lang sa bahay at 'wag ka nang maglibot sa labas. Kapag may nangyaring masama sayo, mapupunta ang lahat ng atensyon namin para iligtas ka."
Nalulungkot pa rin si Ye Wan Wan sa mga oras na iyon, ngunit bigla siyang nagutya nang marinig niya ang sinabi ni Liu Ying, "May sasabihin ako sayo kapitan Liu Ying. Sinabi ko naman na sayo noon: makaka engkwentro ka ng mapanganib na sitwasyon ngayong gabi. Mas maganda na kung mananatili ka sa bahay at 'wag ka na ring maggala--malala kung maaantala mo ang negosasyon at isasama mo pa ang lahat sa kapalpakan mo!"
"Tsk, makaka-engkwentro ako ng mapanganib na sitwasyon? Pasensya na pero baka mapaasa lang kita!" Pangasar na sinabi ni Liu Ying.
Umiling ang ibang kasamahan ni Liu Ying na nakatayo sa tabi niya, naisip nila na kakatawan lang ang sinabi ni Ye Wan Wan.
*cough* "Miss Ye, ang huling beses na nagdugo si Kapitan ay tatlong taon nang nakalipas!"
"Tama! Sa kakayanan ng kapitan, walang makakalapit sa kanya, lalo na ang mga magnanais na mananakit o magpadugo sa kanya!"
"Anong mapanganib na pangyayari? Kalokohan ang sinasabi ni Ye Wan Wan…"
Humikab si Ye Wan Wan at tamad niyang tiningnan ang bawat isa sa kanila. "Sigurado ako pagdating sa mga hula ko; wala naman akong magagawa kung hindi niyo ako paniniwalaan!"
Pinagtawanan siya ng grupo na nasa lobby pagkatapos umalis ni Ye Wan Wan.
"Hahaha, makaka-engkwentro raw si kapitan ng mapanganib na sitwasyon- ito na ang pinaka-nakakatawang kalokohan na narinig ko ngayong taon!"
"Hahaha, tama ka! Buong taon 'kong pagtatawanan ang joke niya!"
...