Descargar la aplicación
25% [Draft Book] / Chapter 3: Kabanata II

Capítulo 3: Kabanata II

Sa dalawang araw na pagtira ko dito kila tita Michelle at tito James Cayabyab ay sa isang araw palang nalibot ko na ata yung buong subdivision nila.

Oo, ganun ako ka bored.

Maslalo na't wala naman akong ginagawa sa bahay kundi mag linis dito, tunganga doon, linis diyaan, at tunganga rito. Kaya nga laging may pasalubong sila tita at tito sa'kin eh, kasi nadadatnan nila ang bahay nila na kumikinang na sa sobrang linis.

Hindi den naman ako mahilig manood ng tv kahit na sabihing may cable pa sila, kasi sa lugar namin ang pampalipas oras ko lang ay gumala.

Kahit saan!

Basta maganda 'yong tanawin. Game ako!

"Ona!" Tawag sa'kin ni tita habang naglalakad ako pauwi. Pinahinto niya agad yung tricycle driver sa tabi ko, habang sinasalansan niya sa gilid yung mga grocery na binili niya para magkaroon pa ng pwesto sa loob.

"Sumakay kana" Utos niya at dali-dali din naman akong sumunod.

"Ba't ka pala naglalakad eh sa phase four pa 'yong bahay natin"

Nagmano muna ako sakanya bago sumagot.

"Hehehe napag tripan ko lang po teh, naho-homesick lang po siguro ako. Naglalakad lang din kasi ako pag-umuuwi".

"Ganun ba, eh kumain kana ba?"

Umiling ako.

"Sakto bumili ako ng baking ingredients kanina. Tulungan mo akong gumawa ng tinapay mamaya ah"

"Sige po!"

At ayon na nga. Pagkauwi namin sa bahay ora mismo ay naghanda na agad si tita ng mga materyales para umpisahan na namin yung pag bake. Simpleng pandesal lang daw na papalamanan ng ube sa loob. Sa first try namin eh muntik-muntikan pang masunog yung tinapay at sa second try naman namin ay hindi na luto yung sa loob. Pero pasalamat nawa'y sa pangatlong subok namin ay naluto naman ng maayos.

"Teh, mukhang masarap 'yong ginawa natin ah!"

"Syempre ako pa ba?"

"Hahahaha mag benta kaya tayo ng flavored pandesal dito teh? Kahit ako na maglako basta may commission hehehe"

"Magandang ideya 'yan. Sige kapag wala akong masyadong pasyente bibili ako ng mga ingredients kahit ikaw na din magluto. Kaya mo naman 'yon 'di ba?"

"Ako pa ba teh?" Paggaya ko sakanya na itinawa lang naming dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay nag desisyon muna akong lumabas para magpahangin. Sa loob at labas ng subdivision ay masasabi kong pare-parehas lang ang pagkaka disenyo nito pati na din sa pintura. Two storey house lang ito pero kasya na ang isang pamilya na may miyembrong dalawa o apat na tao. Pero may mangilan-ngilan ding pinarerenovate yung sakanila tulad nalang ng bahay nila tita na ginawan pa ng balkonahe.

Sa buhay sa probinsya pag may ganito ka nang bahay ay masasabing mayaman ka na pero sa mga tao dito, sila lang po yung mga nasa middle class or yung mga may kaya.

At kung tatanungin man ako kung alin sa mga bahay dito ang pinakamaganda ay syempre 'di na ako lalayo. Kila tita na!

Dalawang ektarya ng lupa yung binili nila dito para mapatayo yung bahay. Sing laki ng mga ibang pinarenovate na bahay pero mas malaki sa karaniwang bahay dito. Meron pa silang kotse at garahe sa baba. Kaya masasabi kong mapalad talaga silang mag-asawa.

Pano ko nasabi?

Si tita kasi ay psychiatrist, nakapagtapos siya sa Butuan (sa'min) tapos lumuwas ng maynila para kunin yung master's degree niya. Samantalang si tito naman ay dito na sa Cavite lumaki, nag mamay-ari siya ng maliit na kainan sa palengke. Hindi pa ako nakakapunta doon pero sapalagay ko ay matayog yung kanyang negosyo.

Bukod sa pagiging netibo ni tita ay sinuong niya din ang matinding hirap sa probinsya para lang makapagtapos. Kaya nga siya ang role model ko eh.

Pero sa limang taon nilang pagsasama ay hindi padin sila nabibiyayaan ng anak.

Hindi kaya't baog silang dalawa?

Hayst. Wag ko na nga muna isipin 'yan. Kamusta na kaya si Amang at yung mga kapatid ko sa cabadbaran?

Matawagan ko na nga.

"Hello?"

"Anna!"

"Oh, ba't napatawag ka Ona, hindi ba't umaga na d'yan sa inyo?"

"Sira! Anong akala mo sa Cavite, America?"

"Hihihi"

"Kahit kailan ka talaga ambobo mo padin"

"Yabang naman nito eh nakasyamba ka lang naman sa paraffle noong nakaraang taon"

"At least... Oh, kamusta na ba d'yan si Amang at si bunso?"

"Eto, si Amang nasa bayan para bumili ng pangtaboy ng mga insekto sa pananim niya, si Emma naman ay tulog pa mula kanina"

"Ba't naisipan ni Amang bumili ngayon. Ba't 'di niya nalang pinagbukas?"

"Tanungin mo siya wag ako, hawak ko ba utak ni amang?"

"... Alam mo namiss kitang sabunutan"

"Na-miss ka ba?"

"Hay naku Anna Bella Purton, pag nakauwi ako d'yan sasabunutan kita ng tatlong araw. Walang hinto-hinto. Makikita mo!"

"Babalik ka pa pala. Wag na, saya saya na namin dito eh"

Hindi na ako nakapag timpi at pinatayan ko nalang siya ng cellphone. Kahit kailan talaga Anna nakaka bwisit ka!

Calm down Ona.

Tandaan mo may pasok ka pa bukas.

Bawal ka ma-stress sayang yung ganda mo.

Kung mukha kang tae kanina pwes, mag mukha ka nang tao bukas. Please lang.

Nag inhale exhale muna ako bago ulit ako nagpatuloy sa paglalakad. Tama naman conscious ko, kailangan kong magmukhang disente bukas.

Napatingin ako sa cellphone ko at tiningnan ang oras. Alas sais na pala, kaya pala mukha ng madilim. So nag decide nalang akong umuwi at saktong sakto naman nang malapit na ako sa bahay ay nakita ko si tito na nagtatapon ng basura.

"Oh Ona, ba't nasa labas ka pa"

Lumapit agad ako kay tito siyaka nagmano.

"Nagpahangin lang po toh"

"Ahh Sige pumasok kana sa loob at tulungan mo tita mo do'n para mahanda na ang lamesa"

"Sige po"

Pagpasok ko sa loob ay naamoy ko agad ang ulam namin ngayong gabi. Ang paborito ko, adobo.

"Kunin mo na 'yong mga plato Ona, kakain na tayo. Matatapos na 'to" utos ni tita sa'kin habang syine-check niya yung ulam.

Nang masalansan ko na ang mga plato at kutsara kasama na din ang mga baso ay naka-upo na kaming tatlo sa lamesa para kumain.

"Kamusta pala unang pasok mo sa eskwela Ona?" Tanong ni tito.

"Ok lang naman po toh, medyo napagod lang kaka-akyat baba. Nasa seventh floor pa po kasi yung room namin"

"Hindi ba't may elevator naman sainyo?" Tanong ni tita.

"Meron naman po kaso, nirerepair pa daw"

"Eh may bago ka na bang kaibigan?" Tanong ni tito pagkatapos maka-ilang subo ng kanin at ulam.

"For sure may crush na din 'yan si Ona sa classmates niya. Yiiie" Sabat naman ni tita.

"Ikaw naman, kabata-bata palang ni Ona. 'Di pa pwedeng mag jowa-jowa 'yan. Magtatapos muna siya ng pag-aaral" Ani ni tito na ikinangiti ko lang.

"Oo nga naman tita. Ka aga-aga pa lang eh. Siyaka wala naman akong natitipuhan sa'min, pero meron na akong kaibigan si Kevin Yang. School council president po siya doon"

"Kevin Yang, Yung anak ni Harrold Yang?" Tanong ni tito. Muntikan pa akong matawa kasi lumaki pa mata niya nung binangit ko si Kevin.

"Eh hindi ba't yan yung negosyante na may ari ng sikat na restaurant sa Tanza?" Sabat ulit ni tita.

"Naks naman Ona, bigatin yung kaibigan. Magbake ulit tayo ng flavored pandesal bukas para matikman niya naman" Ani ni tita.

"Para saan naman po teh?"

"Para sa magandang pakikitungo. 'Di ba pwede 'yon?"

"Hehehe sabagay. Paniguradong matutuwa yung isang 'yun"

Libre eh...

"Ako pa ba?"

Nagpatuloy pa kaming kumain at sabay na din kaming nanood ng tv hangang lumalim ang gabi at oras na para magpahinga.

Kasalukuyan akong nakahiga sa loob ng kwarto pero ni isang beses ay 'di ako dinalaw ng antok. Nag desisyon nalang ako mag cellphone at sa pagbukas ko ng facebook ay napansin ko agad na may friend request pala ako.

"S-Si Mago? Ba't niya naman ako inadd eh halos 'di naman kami nag-uusap"

Normal lang naman makipagkaibigan 'di ba?

Kung sabagay. Baka gusto niya lang akong maging kaibigan nahihiya lang siguro siya mag salita.

Isip ko, bago ko pinindot ang accept.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión