Si Eremielle Bailen ay isang mapagmahal na anak, kapatid, at apo sa kaniyang pamilya. Ngunit dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang kaniyang buhay ay nag-iba.
Tila isa siyang ligaw na kaluluwa. Napunta siya sa makalumang panahon. Ang panahon kung saan minsan nang umusbong ang tinaguriang Puerto de Cavite. Kasabay nito, malalaman niya ang sistema at kalakaran sa panahon ng mga Kastila. At doon, hindi niya inasahang makakaranas siya kasiyahan, paghihirap, at pagmamahal.
Samahan si Eremielle na libutin ang ganda ng Puerto de Cavite--ang isa sa mga unang bayan na itinatag sa Pilipinas--na nalimot na ng panahon.