Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment.
Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid.
“Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan.
Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig.
“Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay.
“Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo.
“Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat.
“Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami.
“Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat.
***********************************************
Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big.
"UNO"
sa panulat ni B.M. Cervantes
Copyright by B.M. Cervantes
All Rights Reserved 2020
Alam ni Al na wala siyang magagawa kundi pakasalan si Troy- ang lalakeng kalaban noon ng kanyang kumpanya at ang itinuturing niyang mortal na kaaway mapanegosyo man o sa personal.
Ngayong pagmamay-ari na nito ang kanyang pinakamamahal na kumpanya, kaya ba niyang ibigay maging ang kanyang sarili dito upang makuha lang ang lahat nang nawala sa kanya?
***********************************************
(Basahin ang kapanapanabik na istorya nina Al at Troy sa "Hate Me or Love Me" Don't forget to rate it, give your positive review & some power stones. Thank you!)
HATE ME OR LOVE ME
Copyright by B. M. Cervantes
All Rights Reserved, 2020
Muhing-muhi si Yna sa isang sikat na celebrity na si Daniel Dhanes nang magkrus ang landas nila ng lalake isang gabi at bastusin siya nito.
Kaya naman ng matupad ang kanyang pangarap bilang isang journalist ay hindi niya pinaglagpas ang sandaling masundan ang nasabing artista upang maungkat niya ang baho nito sa publiko.
Nagtagumpay man siya na sirain ang pangalan ni Daniel ngunit mas nagwagi ang lalake dahil nakuha na nito ang kanyang puso.
***********************************************
Basahin ang kapanapanabik, nakakatuwa at kakaibang love story nina Ynah at Daniel sa nobelang pinamagatang "My Paparazzi" ni B.M. Cervantes.
"My Paparazzi"
Copyright by B.M. Cervantes
All Rights Reserved, 2019
"She only treats him like her older brother after she was adopted by his mother. But for James, Sierra is not his little sister. She is his woman. And he will do everything to own Sierra."
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
(Read more by adding this story to your library. Please don't forget to give it your vote a high rating. Thanks!)
B.M. Cervantes
All Rights Reserved
Copyright, 2019
Mula sa isang maimpluwensyang pamilya si Charles Gabriel Torres at ginagawa niya ang lahat upang mapanatili ang magandang reputasyon ng pamilya.
Kaya naman pati sa sa unibersidad na kanyang pinapasukan ay pinakita niya ang pagiging isang lalakeng mataas ang dignidad bilang president ng iba’t-ibang pang-akademikong organisasyon.
At nang magpamiyembro sa kanyang Debate Club si Hannah Gomez, babaeng puro incomplete ang mga grado at bagsak sa mga subjects nito, alam ni Charles na hindi ito ang babaeng naaiisip niya na mamahalin niya. Ngunit kaya ba niyang pigilan ang damdamin? Kaya ba niyang itaya ang pangalan at ang pinakaiingatang dignidad upang huwag mawala ang babae sa kanyang buhay?
Samantala, wala sa bokabularyo ni Hannah ang salitang magseryoso kaya naman ng makaharap niya si Charles- ang president ng student organization, Debate Club, at iba pang organisasyon sa unibersidad na pinapasukan- isa lang ang nais niya: ang maging tutor ito hindi lang upang maging maganda na ang tingin ng magulang sa kanya kundi upang mas pagselosin ang panganay na kapatid na si Barbara na may gusto sa lalake.
Wala siyang ninais bawat sandali kundi ang sirain ang araw ng kapatid na lagi na lang pinapaboran ng magulang. Dahil matagumpay ang kanyang plano na inisin ang kapatid, kaya ba niyang tanggapin sa sarili na pati ang puso ni Charles ay nais na rin niyang angkinin?
"PLAN TO LOVE YOU"
ORDER THIS BOOK: pinagpalapublishingservices@gmail.com