Varie is one of those women who never dreamed of having a family. She’s content with her quiet life and the unlimited freedom she enjoys every day. But her friend Lily just wouldn’t stop nagging her about her non-existent love life—especially her ex, who even invited her to his wedding. And now, the company they work for has selected her as a participant in a new program from a dating company, almost implying that she needs to get into a relationship, or else she’ll be one of the reasons why there are fewer "virkrexan" in the world.
Is she ready to abandon her belief of staying single until death?
Kung taguan lang din naman ng feelings ang labanan ay si William na ang panalo. Ilang taon na siyang may gusto sa kababatang si Red. Hindi lang talaga siya maka-first move dahil alam niyang imposibleng magkagusto ito sa kanya. Kaya imbes na mag-effort magpapansin ay hinayaan niya na lang din ang kaibigan niyang magpakatanga.
Akala niya kasi wala ring pag-asa si Red sa kapatid niyang pinaglihi sa bato.
Isang malaking pagkakamali.
Sa mundo ni Elise may diyos na may pangalang Oliphius na napagtripan silang mortal na bigyan ng dalawang soulmate. Ang una niyang soulmate ay ang PE teacher niyang pang-makisig ang pangalan, iyong pangalawa ay hindi niya pa handang makilala.
Hindi na niya alam kung saan na siya mapupunta. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar. Eton already had his happy ending with Elysia. Helios too. Tanging siya na lang ang naiwan sa ere. She, and her happily ever after. Wala na ding pag-asa. Maraming drafts. But none of it satisfied the author hanggang sa, hindi na ito nagkaroon ng pagkakataon na gumawa pa ng iba.
Kung papipiliin sana siya ay okay na 'yong nasagasaan siya ng pison o 'di kaya nahulog sa balon. O namatay siya sa cancer. O 'di kaya nagpakamatay. Okay lang. She's the antagonist. Ano pa bang hinhintay niyang happy ending?
Death is mercy.
Pero wala sa vocabulary ng author ang Death. Pati Mercy.
Ilang libong taon na ang nakalipas nang lumitaw ang mga bampira.
Ayon sa libro na naitala noong panahong natutunan ng mga unang tao ang pagsusulat, kasama na inilalang ng diyos ang iba pang nakatataas na nilalang bukod sa tao.
At ang naging sanhi nang pagkamuhi ng iba pang nilalang sa sangkatauhan ay ang higit na atensyon at pagmamahal ng nakatataas. Sa iba namang kwento, lumitaw at nilalang ang mga bampira upang puksain ang makakasalanang tao.
Ang iba naman ay nabanggit na dating tao ang mga bampira, dahil lang daw sa isang taong nakatikim ng hilaw na dugo't laman kaya nagsimula magkaroon ng iba pang ganoong klaseng lahi. Sa iba pang kwento, nilalang ang mga bampira upang linlalingin ang mga tao at gawing tulad nila. Hindi daw kasi katulad nang tao ang mga bampira kung magparami. Marami pang ibang kwento at sabi-sabi.
Hindi na din halos mabilang ang mga kwento tungkol sa kanila.
Pero walang nakakaalam kung alin at ano doon ang tunay o eksaktong dahilan.
At sa paglipas nang mas mahaba pang mga panahon, naging misteryo na lamang ang paglubog at paglitaw ng mga nilalang na tulad nila.
Sa bawat henerasyon bigla na lamang lilitaw at maglulunsad nang gyera laban sa sangkatauhan ang mga ito. Sa sumunod, bigla naman silang maglalaho na parang mga bula.
At sa kasamaang palad,
isa ako sa nabubuhay nang bumangon muli sila mula sa pinanggalingan nila ang mga bampirang minsan nang sumakop sa lahat.