App herunterladen
71.42% Who's the Killer? / Chapter 15: I K A L A B I N G - D A L A W A

Kapitel 15: I K A L A B I N G - D A L A W A

3rd Person's POV

Takip-takip ni Allure ang kaniyang palad habang palabas siya sa pintuan patungong roof deck ng Hospital. Pansin niya kaagad ang lalaking kanina pa niya sinusundan. Kunot-noo at nakayukom ang mga kamao nito habang tinititigan niya ang misteryosong lalaki.

"May kinalaman ka ba sa kaso ni Lure Heinous at sa kaso ng Lola ni Ghoul?" tanong ni Allure sa lalaking nakaharap na ngayon sa direksyon niya. Hindi nito makita ang ekspresyon sa mukha nito dahil sa mask na nagkukubli sa katauhan niya.

"What if I say yes, may magagawa ka ba?" Umigting ang panga ni Allure dahil sa wika ng lalaki. Seryosong-seryoso ito, and he's way to dangerous now.

"Bakit mo ba 'to ginagawa? Ha?!" Habang naglalakad palapit sa lalaki nang nakayuko at ramdam sa awra nito ang bigat.

"Mukhang nakalilimot ka na talaga, ha Allure. Alam niyo kung bakit ko 'to ginagawa!" paglalahad nito na siyang nagpatigil kay Allure. Napatingin siya sa lalaki.

"It was just an accident. Aksidente ang nangyari, at hindi kasalanan ng pamilya ko at pamilya ni Ghoul 'yon." Pagdepense nito. Napangiti ang lalaki sa ilalim ng mask nito.

"Wala kang alam Allure. Wala kang alam." Gulat siyang napatitig sa mukha nito.

"A-anong ibig mong sabihin?" Puno siya nang pagtataka. Biglang umihip ang malaka-lakang hangin, sumasabay na rin ang buhok niya sa agos.

"Pinatay sila-" sabay na nanlisik na tumingin kay Allure. "-at pamilya niyo ang may sala!" Natulala siya sa natuklasan, napapalingo pa siyang nagbabadyang hindi sang-ayon sa isinalaysay ng lalaki.

"Hindi, sinungaling ka! Hinding-hindi magagawa nina Papa iyon, aksidente ang nangyari at inosente sila. Wala kang karapatang mangbintang kung alam mong walang kang katibayan." Napasinghap ang lalaki na tila ba'y nauubusan na nang pasensya.

"Kawawa ka pala, hindi mo manlang nasaksihan kung paano naging kriminal ang mga magulang niyo." Umigting ang tenga niya dahil sa narinig. Wala ni isang nagsalita nang gano'n sa mga magulang niya, puro kasi papuri ang natatanggap nito.

"Namulat ka pala sa mundong puno nang kasinungalingan, kawawang nilalang." Hindi na kinaya ni Allure ang pinagsasabi ng lalaki at mabilis niyang hinagisan ng mga patalim. Nakailag naman ito na tila bang alam na ang gagawin ng binata.

"Sinungaling! Kayo, kayo ang mamamatay tao. Pinatay niyo siya, pinatay niyo ang babaeng pinakamamahal ko. Tapos ngayon, idadamay niyo na naman si Ghoul!"

"Pasensyahan na tayo, Allure. Dahil buhay ang kinuha, buhay niyo rin ang kapalit!" sigaw nito at mabilis na umihip ang hangin kasabay nito ang parang papel na paglutong nito sa ere. Hindi na siya nagulat sa nakita. Ngunit, nagsisisi siya. Kasalanan niya ang lahat, kasalanan niya kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Tila nawala na nang tuluyan' sa katinuan si Allure, napaluhod ito. Umiiyak, nagsusumamo?

Sino nga ba talaga ang may sala?

Sino nga ba ang pumapatay?

* * *

Ghoul's POV

"Magpadala kayo rito ng bombero at pulis, nahuli na ang suspek. Oo, ngayon na at saka magpadala na rin kayo nang magbabantay sa witness natin. Oo, sige salamat." sambit ko sa telepono. Saka ito pinatay at madalang na pinagmasdan ang mukhang puno ng pasa, at nakabendang ulo ng kaibigan ko. Patawad, Sioney. Lumapit ako rito at hinawakan ang kamay niya, kung nakarating lang sana ako nang mas maaga hindi na sana ito nangyari sa kaniya. Kasalanan ko 'to lahat eh.

Iginalaw ko ang aking paa, mukhang wala na ang pamamaga at pagkaka-sprain nito. Salamat naman at nakakapaglakad na ako nang maayos. Napaisip ako bigla sa mga nangyari kanina, ano nga ba ang nais iparating ni Chim sa mga sinabi niya. Argghh, nakalilito.

[ F L A S H B A C K ]

Mabilis akong tumakbo sa kuwartong kinahihimlayan ni Sioney. Binunot ko ang baril na nasa ilalim ng coat ko nang mapansin ang mga gamit sa labas ng silid ni Sioney. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko, huli na ba ako? Hindi, hindi maaari ito!

Nang marating ko ang kuwarto ay bagsak-balikat akong napatingin sa nakahandusay na katawan ni Sioney: umaagos ang dugo nito, may gasgas ang mga pisngi, may kalmot at mga pasa ang leeg. Napadako ang tingin ko sa lalaking nakatayo. Uminit ang ulo, napuno nang galita ang pagkatao. Hinding-hindi kita mapapatawad sa, Chim. Napaluha ako't itinutok sa kaniya ang pistol, bago pa man siya makalapit sa naghihingalong kaibigan ko ay hindi ko na siya bibigyan pa nang pagkakataon at mabilis siyang pinaputukan sa kaniyang likod. Umalingawngaw ang nakakabinging tunog nito.

"SIONEY!" sigaw ko nang mapansing unti-unti na siyang pumipikit. Napalingon naman si Chim sa gawi ko't nagsusuka ng dugo. Bagay lang sa 'yo iyan.

"B-bakit?" Saka ito napaluhod, at napayuko. Umaagos pa rin sa kaniyang bibig ang kaniyang dugo. Hindi ko siya tinugon, at kinuha ang posas sa aking likuran at pinusasan siya. Huli ka na, Chim.

"H-hindi a-ako a-ang p-pumatay s-sa L-lola mo!"

"H-huh? S-sinungaling ka! Ikaw, ikaw ang kumitil sa buhay niya. At ngayon, pagbabayaran mo na lahat ng mga kasalanan mo. Mabubulok ka na sa kulungan." Lumapit siya sa tenga ko at parang may ibinulong.

"Solo queria protegerte, Ya he terminado con mi parte, y ahora todo tuyo."

Saad niya bago siya tuluyang natumba't nawalan na ng hininga.

[ F L A S H B A C K E N D S ]

"Excuse me po ma'am, ililipat na po ng private room ang pasyente," wika ng Doctor, habang nasa likod nito ang mga Nurse na tutulong sa kaniya. Napatango ako at mariin na tumayo sabay nito ang pagtanggal ko sa aking mga luha.

Kinuha nila ang katawan ni Sioney at ang dextrose nito at inihiga sa rolling bed. Nakalulula na talaga ang kulay puti.

"Ms. Villaroque, right?" Napalingon ako kaniyang gawi at tumango.

"Can I talk to you in private?" Hindi na ako nagsalita at tumango na lang, sinundan ko siya hanggang makarating kami sa opisina niya.

"Please take a sit," giit niya saka umupo sa swivel chair.

"Bakit po Doc?" May kinuha siya sa drawer niya at saka ibinigay sa akin ang isang envelope. Nagtaka naman ako, para saan ito?

"Ano po ito?"

"Hintayin na muna natin ang kasama mo, papunta na siya rito." Sabay ang pagbukas sa pintuan ng opisina niya, at iniluwa nito si Allure.

"Hey, kumusta? Kilala mo na ba siya?" Pag-intrega ko sa kaniya. Ngunit, hindi siya sumagot sa katanungan ko. Gayunpaman, ang doctor na ang nagsimula ng diskusyon.

"Pinapapunta ko kayo rito, dahil may nag-report sa akin na mga Nurse na may napapansin daw silang mga taong umaali-ligid sa buong hospital. At kayo kaagad ang pinatawag ko dahil konektado ang lahat ng iyon sa inyo," wika niya. Taong umaali-aligid? Baka si Ulterior iyon?

"At iyang envelope na 'yan ay naglalaman ng mga pictures sa mga taong tinutukoy namin, may isang flashdrive riyan na isang copy video mula sa isang CCTV footage malapit sa may side ng hospital sa araw nang pagkamatay ng isang biktima na nagngangalang Lena, baka kilala niyo sila?" Mabilis kong tinignan ang brown envelope at binuksan ito kaagad. I was shocked dahil sa mga nakita. Anong ibig sabihin nito?

May dalawang lalaki pareho silang naka-black coat at naka-sombrero. Hindi pamilyar sa akin ang tindig nila, pati na ang porma nito. Wala ni isang kuha ang nakatutok sa mukha ng dalawa, maliban sa isang blurd picture.

"Kilala mo ba sila, Allure? Baka makatulong sila sa mga pending na kaso natin?" saad ko. Hindi ito kumibo at patuloy lang na tiningnan ang mga litrato. Hindi ko na muna siya ginulo. Nabaling ang atensyon ko sa flashdrive.

"Doc, maaari ko bang hiramin ang laptop mo?" Tumango ito at ibinigay sa akin ang gamit niya, mabilis kong isinaksak ang flashdrive sa laptop niya. Napanganga ako sa mga nakikita ko. Ito ang kuha sa lugar kung saan ako nahimatay, at saktong ito rin ang oras na iyon.

May dumating na babae at ako iyon, nagpapalingo-lingo ito at naka-posisyon ang mga kamay sa mga maaaring mangyari. May dumating na lalaki sa may malapit basurahan, tila nag-usap sila. Hindi ko marinig dahil malayo amg puwesto ko, nakita ko na lang ang pagtaas nito ng kaniyang mga kamay. Ngunit, matapos ang ilang saglit ay may dumating na lalaki sa likod nito. Pi-nause ko ang part na iyon.

"S-sino siya?" Pagtatanong ko sa Doctor, hindi ito sumagot bagkus ay lumingo ito na nagsasabing wala siyang alam.

"Ikaw Allure? Kilala mo siya?" Sabay turo sa screen kung saan ang lalaking nasa likod ko. Tinignan ko siya habang naghihintay nang sagot, tumingin siya sa Doctor at nalaman naman nito ang ibig sabihin ni Allure. Tumayo sa kinauupuan at umalis nang tuluyan.

"K-kilala mo ba siya?" Tumango si Allure.

"Dati silang mga magagaling na Detective, pero dahil sa isang kasalanang nagawa nila ay natanggal sila sa serbisyo at ang mas malala pa ay nakulong sila nang matagal. Hindi ko lang alam kung bakit sila nakalaya," wika niya.

"Ano pala ang kasalanan nila?" tanong ko. Tumingin si Allure sa akin nang blankong tingin.

"Pinatay nila ang Chief ng dating samahan ng mga Detective roon sa dating opisina ng agency." Nagulat ako sa mga ipinahayag niya. Dating opisina? Ng mga detective?

"Nasaan ba ang dating opisina ng mga detective?" Mukhang kailangan ko nang ilahad ang mga impormasyon na hawak ko. Kinukutuban na ako.

"Sa likod ng mga malalaking building diyan sa may unahan, hindi malayo sa bagong headquarters natin." Iyon nga, tama nga ang hinala ko. Ngayon, pagpapatunay na lang ang kailangan ko. At oras na rin siguro na ipagtapat ko ito sa kaniya.

"Allure, may sasabihin ako sa 'yo." Seryoso kong sabi habang nakatitig sa kaniya. Ngumiti siya at . . .

"You don't have to, matagal ko nang alam." Pagtatapat niya. Paano?

"Malalaman mo rin, sa tamang panahon Ghoul."

* * *

"Before ba may mangyari sa Lola mo, ano-ano bang mga nangyari bago mo siya natagpuang patay? May naramdaman ka na bang kakaiba bago iyon, nakita o narinig?" Pagbubukas nito ng diskusyon. Nasa labas na kami ng opisina ni Doc.

"Sa araw na iyon?" Tumango siya at napatingala naman ako sa kisame ng pasilyo, at taimtim na iniisip kung ano nga ba ang mga nangyari sa mismong araw na 'yon.

"Wala naman. Puwera na lang do'n sa sunod-sunod na nangyari sa akin sa loob ng mga oras na iyon, matapos kitang makita sa opisina na ibang may kakaibang titig doon na nagsimula ang lahat." Napatigil naman siya. Huminga muna ako bago nagpatuloy.

"At sa paglabas ko ng Headquarters ay may nakita akong isang lalaking naka-itim na jacket na may itinuturo sa may itaas ng billboard. Delirium yata ang word na iyon." Napahawak siya sa kaniyang baba, na parang nag-iisip nang malalim.

"Sandali lang . . ." mabilis siyang dumako sa may bintana ng hallway at may tinignan.

"Sa harap lang ba ng Headquarters natin?" Tumango ako. Sinundan ko rin naman ang mga ikinilos niya. Kita sa lugar na kinatatayuan naming dalawa ang tanawin ng buong siyudad. Nasa ikaapat kaming palapag kami ng Hospital.

"Iyon ba iyong delirium na itinuro niya?" Sabay na tinuro ang isang establisemento gamit ang hintuturo. Sinundan ko naman ito, malapit lang sa Hospital ang headquarters namin kaya kitang-kita rito ang mga lugar na malalapit lang talaga.

"Oo, iyon nga roon sa may bandang posteng iyon siya nakatayo." At sinabayang siya itinuro ang lugar na iyon.

"Iyon lang ba?" Lumingo ako.

"Marami pang nangyari sa akin sa araw na iyon." Tumango ulit siya at seryosong-seryoso sa pag-iisip.

"Kilala mo ba ang lalaki iyon?" Napalingon ako sa kaniya. Alam kong bago pa lang kami magkakilala, pero sasabihin ko ba sa kaniya kung sino iyon? Lalo na't tinutulungan rin ako ni Clandestine sa pagreresolba sa kaso.

"Oo, nagpakilala siya sa akin matapos ang isang linggo matapos mamatay si Lola.

"Anong pangalan niya?"

"Clandestine." Simple sagot ko.

"Clandestine?" Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. Ano naman ang mayroon sa pangalan na 'yon?

"May ibinigay ba siya sa 'yong bagay? O kahit na anong maaaring makatulong sa atin?" Napa-isip ako bigla. Iyong sobre at susi. Tama iyon nga.

"Bagay? Ah, mayroon. Sandali lang titignan ko lang rito." Mabilis ko na kinapa ang aking bag.

"Heto." Sabay lahad ng sobreng itim. Kinuha niya ito at mausising tinignan ang labas ng itim na envelope at stamp.

"Amoy kandila?" Napatango ako. Iyon din kasi kaagad ang naamoy ko simula nang matanggap ko iyan.

"Kailan mo ito natanggap?" Pagtatanong niya sa akin. I should be honest now, kailangan ko nang sabihin sa kaniya iyon.

"Kahapon. Kasama sa mga ibang envelopes na nakuha ko sa email box ko sa bahay." Napasingkit siyang tinitigan muli ang stamp ng sobre.

"Kumuha ka ng papel at ballpen." Mabilis ko siyang sinunod at mabilis na binigyang tugon ang nais niya.

"332348 3597486." Sulat kamay niyang ginawa ang mga maliliit na numero sa stamp number na 'to. Wait? Parang nakita ko na ang numerong ito?

"Anong gagawin natin diyan? Para saan na ba 'yan?" Kinuha niya ang keypad na cellphone nito mula sa kaniyang bulsa. Ano na namang gagawin niya? Hindi siya sumagot at sa halip ay iniisa-isa nito ang numero niya sa keypad.

"Anong ginagawa mo?" pagtatanong ko.

"Matching ang tawag dito. ABC (2) DEF (3) GHI (4) JKL(5) MNO (6) PQRS (7) TUV (8) WXYZ (9)." Napatango naman ako subalit ay wala namang akong naintindihan sa mga sinabi niya.

Iniisa-isa ang bawat numero sa sa papel at hinanap ang ka-match na mga letters nito.

D E C E I T E L Y S I U M ?

Ano 'yon? Deceit Elysium? Hindi naman siguro siya pamilyar sa akin. Lumilipad na ang isip ko kakaisip sa word na iyon, ano ba ibig sabihin no'n?

"Shit!" Nagulat akong napatingin sa kaniya. Namumutla ito't mukhang natatakot, anong nangyari sa kaniya?

"Bakit? Anong nangyari sa 'yo?"

"Mamamatay tayo!"

---

HeartHarl101


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C15
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen