App herunterladen
88.31% When Devil's Fall In Love / Chapter 68: Devil 65: Zero Heartbeat

Kapitel 68: Devil 65: Zero Heartbeat

Someone's Pov

Three Hours Ago...

Napatda si Eros nang humito ang sasakyan ng kapatid sa gitna ng highway kung saan mabibilis ang mga sasakyan.

Dug...

Dug...

Dug...

Nabibingi siya sa tunog na iyon.

Mabilis siyang lumabas ng kotse at tumakbo rito ngunit malayo pa siya habang nasa kabilang lane na ng kalsada si Zero.

"ZEROIN!! GET OUT OF THE CAR!!!" Ubod lakas na sigaw niya dahil paparating na ang mga sasakyan.

Marami narin ang bumubusina sa nakaharang na sasakyan ng kapatid.

Dug...

Dug...

Dug...

"ZEROINNNN!!! GET OUT!!!" Muling sigaw niya ngunit nakita niyang napalugmok pa sa manibela ang ulo ng kapatid at hawak nito ang dibdib.

No!!! He's having a heart attack!!

"ZERO!!" Sigaw niya at napatingin sa mga paparating na sasakyan.

Kumaway siya sa mga ito ng 'stop' ngunit mukhang nagkakarera pa ang mga ito at panay lang ang busina.

Tumawid na siya ng kalsada at iniharang ang sarili sa kalsada ngunit nanlaki ang mga mata niya nang walang planong huminto ang mga ito. At nang malapit na ang mga ito ay napalundag nalang siya sa gilid.

Mabilis siyang lumingon sa kotse ng kapatid at nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang tumilapon paitaas ang kapatid niya.

"NO!!!ZEROINNNNNN!!!" Hiyaw niya kasabay ng pagtulo ng luha.

Waring nag slowmo ang paligid niya maging ang pagtaas ng katawan ni Zero sa ere.

Zeroin...!!!

Pagkatapos niyon ay nakakabinging ingay ng mga sasakyan ang maririnig sa paligid.

Nagcrash ang magkakasunod na sasakyan na umararo sa sasakyan ng kapatid niya.

Nanginginig ang tuhod na hinanap niya ang kapatid.

Sinilip niya ito sa ilalalim ng mga sasakyang nagcrash ngunit wala ito roon.

Lumipat siya sa kabilang bahagi ng kalsada at dun niya nakita ang kapatid.

Nakahandusay ito sa hood ng sarili nitong sasakyan. Tumatagas ang dugo nito sa harap ng kotse nito at walang malay.

Mabilis niya itong nilapitan at di malaman ang gagawin.

Haahh!! Haaahh!!!

Ilang beses siyang huminga ng malalim at kinalma ang sarili.

Agad niyang kinuha ang maliit na flashlight sa bulsa at inilawan ang mga mata ng kapatid.

"Zeroin please stay with me..." Aniya habang sinusuri ang lagay ng kapatid.

Pinulsuhan niya ito at napakagat labi siya saka napapikit ng mariin nang malamang sobrang hina ng pulso nito.

Agad niyang tinawagan ang ospital at mabilis na nag-utos na magpadala ng ambulansya at mga kagamitan na kakailangan niya upang marevive ang kapatid.

"Please, please.. Stay with me...!" Nanginginig ang labi niya sa lamig at kaba.

Pinakinggan niya ang tibok ng puso nito at lalo siyang nanghina dahil mukhang hindi na nito kakayanin pa.

Mabilis siyang sumampa sa hood ng kotse at sinimulang i-pump ang dibdib ng kapatid. Ni-CPR nya rin ito upang bigyan ng hangin ang baga nito.

"Zeroinn...! Please hang in there." Aniya saka muling pinump ang kapatid.

Malakas ang ulan at marami naring mga nasaktang tao na sakay ng mga sasakyang nagcrash ang unti unting lumalabas sa mga sasakyan.

Ngunit parang wala siyang maramdamang habag sa mga ito. Ang nasa isip lamang niya ay ang kaligtasan ng kapatid.

Nang dumating ang ambulance ay agad siyang nagpatulong upang isakay ang kapatid dito at habang nasa daan ay dun na niya pinump ang kapatid gamit ang defibrillator.

"Come on..come on.. Breath!" Usal niya habang kinikiskis ang magkabilang defibrillator saka itinapat sa dibdib ng kapatid at tumingin sa kasamang nurse na natataranta narin.

"Clear..!" Sigaw niya kasabay niyon ang pagdaloy ng boltaheng kuryente sa katawan ng pasyente.

Umangat at bumaba ang dibdib ni Zero ngunit nanatiling flat line ang monitor nito.

Nang makalimang beses na niyang ginagawa iyon ay tuluyan na siyang napaluha.

"CLEAR..!" Sigaw niya at muling itinapat sa dibdib ng kapatid ang hawak na machine.

Ngunit wala parin itong response.

Flat line.

"Zeroinn!!" Hiyaw niya at binitiwan ang machine saka muli pinump ang dibdib nito.

He even gives him an multiple CPR.

And pump him again.

But still. Flat line.

Hindi niya alam kung dahil nanginginig siya kaya hindi niya magawang i-revive ito o dahil ayaw na talaga ng kapatid niya na bumalik pa.

Balak pa sana niyang gamitin ang defibrillator nang pigilan na siya ng nurse.

"Doc. Wala na ho sya. Masisira na ho na ang ibang organs kapag inelectric shock pa sya. Kailangan nyo na hong i-announce ang time of death. It's 9:42pm." Anang nurse na kasama nya.

Napayuko siya kasabay ng masaganang luha sa pisngi niya.

"Zeroin!!"

Napapikit siya ng mariin at tumango sa nurse.

Muli niyang tiningnan ang kapatid.

Hindi sila close nito. At ni hindi rin sila madalas magkasama. Nitong huli lang sila nakakapag-usap dahil sa pagkaka-ospital nito.

Ngunit hindi niya rin ito itinuring na iba sa kanila. He doesn't know kung alam na ba nito na hindi nila ito totoong kapatid.

O baka naman nalaman na nito ang totoo kaya ito naglayas ng wala sa sarili?

Sa isiping iyon ay mabilis niyang tinawagan si Erhis.

Alam niyang masasaktan ito ng todo sa nangyari. Mahal na mahal pa naman ng kapatid niya ang bunso nila.

"Kuya Eros! How's Bunso. Where is he? Did you find him? Sinundan sya ni Dad dahil baka kung mapano sya. He's having a heart attack. Nakita mo ba sya?" Sunod sunod na tanong nito nang sagutin ang tawag nya.

Muling dumaloy ang luha sa mga mata niya.

"Y-yeah..umm...nagkita na kami. Kasama ko sya ngayon at papunta kami ng hospital." Pilit na kinakalma ang boses na sagot niya.

"Oh thanks God! Okay, pupunta na kami ng hospital! Tatawagan ko si dad." Anito at agad na pinatay ang phone.

Napatakip siya ng bibig kasabay ng impit na pag-iyak.

Pakiramdam niya ay siya ang pinakawalang kwentang doctor sa pagkakataong iyon. Sa tagal niyang naging doctor ay halos dalawa hanggang tatlo pa lamang ang pasyenteng hindi lumaban na mabuhay.

Ngunit hindi niya aakalain na magiging isa roon ang kapatid niya.

Hinawakan niya ang kamay ni Zero at masuyong hinaplos ang buhok nito.

"I'm sorry...I'm sorry...Bunso.. I'm sorry. Patawarin mo si Kuya.. Patawad!!" Aniyang napahagulhol. Maging ang kasama niyang nurse at driver ng ambulance ay di narin napigilang mapaiyak.

Sa tagal nilang nakakasama ang kilala at matalinong doctor ay noon lamang nila ito nakitang ganun.

Nang makarating sa ospital ay ipinagkatiwala na lamang ni Eros sa mga kasamahan ang bangkay ng kapatid.

Nanghihinang napaupo siya sa kanyang opisina at tulalang napatitig sa kawalan.

Hindi niya alam kung paano sasabihin sa pamilya niya ang nangyari sa kapatid.

Samantala...

Humahangos namang dumating sina Erhis at ang mga magulang niya sa hospital kasabay ang nanghihinang si Madam na isinugod din sa emergency room dahil sa pagtaas ng dugo nito.

Mabilis nilang hinanap ang kapatid. Ngunit ganun nalang ang pagkagimbal nila nang sabihin ng nurse na dead on arrival ang hinahanap nila.

Nahimatay sa pagkagulat ang mommy niya at dinala sa kanilang VIP room katabi ng kwarto ni Madam.

Agad namang hinanap ni Erhis ang kuya niya upang alamin dito ang nangyari.

Ngunit nanlumo at napaluhod siya sa nalaman.

"No! That's not true!! Tell me that's not true!!" Hiyaw niya habang humahagulhol.

"I'm sorry, I tried everything I could. I tried my best to revive him but...I'm sorry." Umiiyak rin na usal ni Eros habang niyayakap ang kapatid.

"Zero..Bunso!!!" Hiyaw ni Erhis habang patuloy sa paghagulhol.

Ilang sandali pang naghysterical sa pag-iyak si Erhis hanggang sa mawalan ito ng malay.

Agad naman itong binuhat ni Eros at pinahiga sa kwarto niya na nasa loob din ng office niya.

Pinunasan niya ang luha ng kapatid at malungkot na hinaplos ang buhok nito.

"I'm sorry.." Aniya kasabay ng pagluha.

Matapos ang ilang sandali ay tinawagan narin niya ang iba pang kapatid at pinaalam ang nangyari kay Zero.

Ilang sandali pa ay dumating na si Edward na hindi rin makapaniwala sa nangyari at napaiyak agad nang makita siya. Si Eric naman ay bukas pa makakarating dahil nasa New York pa ito.

Matapos ang ilang minutong pag-uusap nang kung anong nangyari ay nagising narin sina Erhis at ang mommy nila na muling napaiyak sa nalaman.

Walang patid sa pagtulo ang luha ni Erhis habang nakayakap sa daddy nila.

Maging ang daddy nila ay sinisisi ang sarili sa nangyari.

Humahangos namang napasugod din ang mga kaibigan ni Zero na hindi rin makapaniwala sa nangyari at di na rin napigilang umiyak lalo na si Cody.

Nasa labas na sila ng morgue lahat nang lumabas ang lalaking nurse na naglinis ng katawan ni Zero.

"Doc, pwede nyo na pong makita ang bangkay." Anito kay Eros saka yumukod sa pamilya nila tanda ng paggalang.

Nang masilip ng lahat ang katawan ni Zero ay hindi na naman nila napigilang mapaluha.

"Zero anak..!" Hagulhol na tawag ni Erin habang yakap ang walang buhay na katawan ng anak.

Agad naman siyang niyakap ng asawa at umiiyak rin na hinaplos ang pisngi ang anak.

Kung nagawa lang nito na pigilan ang anak kanina ay di sana ito nangyari. Sinisisi ni Enrique ang sarili sa pagkawala ng anak.

"Bunso..!" Usal ni Erhis habang nasa kabilang side ng kama at hawak sa kamay ang kapatid.

Mainit pa ang katawan nito dahil ilang sandali pa lamang itong nawala.

Niyakap naman siya ni Eros upang aluin.

"I'm sorry..! I should've tried harder to save him. I'm sorry..!" Ani Eros sa lahat ng naroon.

Lumapit naman sa kanya si Edward at tinapik ang balikat niya.

"It's not your fault brother. We know that you've tried your best to save him." Anito na bakas din ang pamumugto ng mga mata buhat sa pag-iyak.

"Dude..." Umiiyak namang sambit ni Cody habang nasa paanan ng kaibigan.

Walang patid sa pagtulo ang mga luha niya habang nakatingin sa walang buhay na kaibigan.

"...wala namang biruan na ganito oh!" Dagdag niya. Inakbayan naman siya ni Drew na hindi na rin napigilang mapaluha.

Puno ng paghihinagpis at pagluluksa ang nararamdaman ng lahat at hindi matanggap ang sinapit ni Zero.

Hanggang sa magulat ang lahat nang marahas na bumukas ang pinto ng morgue at pumasok roon ang isang babae.

Agad itong napatingin sa lalaking nakahiga na animo'y natutulog.

"Jack!?" Bulalas ni Cody pagkakita sa babae.

Napatingin rin dito ang pamilya ni Zero at nakilala ang babae.

Bahagya silang nagbigay daan para dito upang makita nito ang kanilang namayapang pamilya.

Dahan dahan namang naglakad palapit sa kama si Jack habang hindi inaalis ang tingin sa natutulog na kasintahan.

Alam ng lahat na isa rin ito sa mga kaibigan ni Zero ngunit sa paraan ng pagtingin nito sa nakaratay na si Zero ay waring mas higit pa roon ang relasyon nito dito.

Alam ng dalawang kaibigan ni Zero kung gaano kasakit para kay Jack ang nangyari dahil kasintahan nito ang nawala. Iilang linggo palang din na naging magkasintahan ang mga ito kaya naiintindihan nila ito.

Ngunit walang bakas ng lungkot o paghihinagpis ang mukha ni Jack. She was emotionless na parang tulad ng dati nitong hitsura nung una nila itong makilala.

Huminto ito sa tapat ni Zero at naupo sa tabi nito.

Kinuha nito ang kamay ni Zero at marahang hinalikan.

"My love, did you wait for me? I'm sorry I came late." Anito.

Nagkatinginan ang lahat na naroon. Sa kinikilos ni Jack ay waring wala itong pakialam sa iba pang naroon at waring hindi nito nakikita ang ibang kasama.

Hinaplos ni Jack ang mukha ni Zero at marahang inilapit ang mukha rito.

Napatikhim si Eros at mukhang alam na niya na marahil ay kasintahan na nga ni Zero si Jack kaya ganun ang kinikilos nito.

Marahan niyang tinapik sa braso si Erhis at niyayang lumabas na muna.

Sumenyas rin siya sa lahat na iwan muna sina Zero at Jack.

Nagtataka man ang mga magulang ni Zero ay sumang-ayon nalang din sila ngunit natigilan sila nang muling magsalita si Jack.

"My love, didn't I tell you that you're not allowed to die on me? Have you forgotten what I said? If you die. Everybody will too." Anito matapos gawaran ng halik ang kasintahan.

Muling nagkatinginan ang lahat ng naroon.

Napapikit naman si Jack at humugot ng malalim na hangin saka muling hinalikan ang kasintahan.

Ilang sandali pa ay waring may kung anong liwanag ang lumabas sa bibig ni Jack papunta sa bibig ni Zero.

Napamulagat ang lahat sa nasaksihan.

"What is she doing!?" Hindi napigilang bulalas ng mommy ni Zero at akmang lalapitan ang mga ito nang pigilan ito ni Eros.

Hindi alam ni Eros ang nangyayari subalit malakas ang kutob niya na kung anuman ang hiwagang ginagawa ni Jack ngayon ay para iyon sa kanyang kapatid.

"What is she trying to do?!" Bulalas din ni Erhis na hindi makapaniwala sa nakikita. Ngunit walang nakasagot sa kanila. Lahat sila ay napanganga at gulat na gulat sa mga nangyayari at nakikita.

Tumagal ng ilang sandali ang liwanag na iyon na sumakop sa kabuuan ng silid.

Napapikit pa ang lahat nang masilaw sa liwanag na hatid nito.

Matapos niyon ay ang sunod sunod na pag-ubo ni Zero ang kanilang nasaksihan na syang nagpagimbal sa kanilang lahat.

"Oh my God!!" Mulagat ang matang bulalas ni Erin nang makitang gumalaw ang anak.

Hindi rin napigilang mapasinghap ng lahat nang makitang dumilat si Zero at parang batang napaiyak nang makita si Jack sa tabi nito.

"Salamander...!!" Bulalas ni Zero at mabilis na napabangon at napasubsob sa dibdib ng kasintahan.

"H-hindi a-ako Montero!! H-hindi ako...😭!!!I'm just an abandoned child!!! I'm not my parents child!! I'm not a Montero..!! Ang sakit!! Ang sakit sakit!! Paano nilang nagawang itago sakin ang lahat!!" Umiiyak na sumbong ni Zero kay Jack habang yakap yakap ito ng mahigpit na para bang mawawala ang lahat ng hinanakit nito kapag nailabas na nito ang lahat ng saloobin sa kasintahan.

Hindi naman umimik si Jack bagkus ay marahan nya lamang hinaplos haplos ang likod ng kasintahan habang masuyong hinahalikan ang noo at ulo nito.

Halos hindi naman makahinga ang ibang naroon sa nakita. Para bang nagising lamang si Zero sa mahabang pagkakahimbing at ngayon ay nagsusumbong ng masama nitong panaginip.

Ngunit matapos niyon ay waring nawalan ng malay si Zero at muli itong pinahiga ni Jack sa kama.

"W-what happened? Why did he...what's happening?" Tarantang bulalas ni Edward.

"Who are you? What did you do to my son?" Hindi rin makapaniwalang bulalas ni Erin.

"J-jack..?!" Hindi rin makapaniwalang bulalas nina Cody at Drew. Hindi nila akalain na may ganoong klaseng kapangyarihan si Jack.

Napayakap naman si Erhis kay Eros at nakaramdam ng takot kay Jack. To think na gusto pa nila itong dalawa para sa kanilang kapatid.

Matapos ayusin ang pagkakahiga ni Zero ay dahan dahan namang tumingin si Jack sa kanilang lahat.

Hindi napigilang makaramdam ng takot ng lahat nang makita ang killing aura sa hitsura ni Jack. Mukha itong mangangain ng tao anumang oras. Sobrang seryoso ng mukha nito at hindi kababakasan ng awa.

Para itong susugod sa laban upang ipagtanggol ang nasaktang kasintahan.

"Tell me..." Panimula ni Jack habang marahang humakbang papalapit sa kanila. Binalot ng takot at pagkagimbal ang mga mukha nila nang unti unting magbaga ang mga mata at kamay ni Jack. Nalusaw ang kamay nito at naging matulis na bagay na animo'y anumang oras ay itutusok nalang nito sa kanilang mga katawan. Agad na naalarma sina Eros at Edward maging si Mr. Montero. Mabilis nilang itinago sa likuran sina Erin at Erhis maging sina Cody at Drew.

Huminto si Jack sa harap nila at tumingin sa kanila habang nagbabaga ang mga mata at nagkaroon ng mga itim na ugat sa mukha at leeg.

"...where is the person, who hurt my Natsu?"

--


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C68
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen