App herunterladen
66.66% University Series: Athena Louise Sarxel / Chapter 36: Chapter 36

Kapitel 36: Chapter 36

Xyzrielle's PoV:

I woke up when I felt the needed to pee. I checked first kung anong oras. It's already 3 am.

Devil hour daw ito sabi ng iba eh. Oh well, wala naman akong dapat na ikabahala. Bakit ako matatakot eh demonyo ako? Chos lang. Life hacks 'yan ah.

Akmang tatayo na sana ako nang mabaling ang aking tingin sa isang pares ng kamay na nakapulupot sa aking beywang. It was Athena's hands. Sinubukan kong alisin ang kamay nya but to my dismay, I can't. Gumalaw sya ng kaunti.

Ayaw ko naman syang magising kaya dahan-dahan kong tinanggal iyon at wow! Success! Whooo!

"Saan ka pupunta?" Tanong ng kung sino. Muli kong naramdaman ang pagpulupot ng kamay sa aking bewang. But this time, mas mahigpit na ito.

Napatingin kat Athena at hindi ko maiwasang mapalunok. Jusko. Para naman akong nahuling nagnanakaw ng pagkain nito. Ang babaw lang pala ng tulog nya. Ang hirap naman non.

Kapag naisipan ko pala syanh saksakin ay madali lang syang magigising. Just kidding. Hindi ko naman 'yun gagawin.

"Ahm... iihi lang ako." Kaswal kong sagot sa kanya.

Hindi ko kailangang makaramdam ng nerbyos dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin.

Dali-dali akong nagtungo sa kanilang restroom at inilabas na ang dapat ilabas. Parang puputok na 'yung pantog ko kanina.

Whooo! Heaven!

Ang sarap talaga kapag nailalabas mo na 'yun noh. Ang ginhawa sa pakiramdam. Grabe.

Mayroon na palang kuryente. Naayos na siguro ng MERALCO. Pero mygosh, ang lamig. Sobra-sobrang lamig. Parang 'yung convo nyo. Pero totoo nga na malamig. Para kang nasa Antarctica.

'Grabe naman makadescribe, girl.'

Naisipan kong hinaan ang aircon ni Athena. Buti naman at nabawas-bawasan ang ginaw.

Sumilip na rin ako sa labas at nakitang umuulan pa rin nang malakas. Sa tingin ko ay wala ulit na pasok bukas. Malakas ang pakiramdam ko eh.

Tumambay muna ako rito ng mga ilang sandali. Para makumpirma kung may pasok ba ngayon, naisipan kong icheck ang website ng SU. At guys, napakagaling ko talaga! Wala! Suspended! Yey! Mahaba -aba ang tulog ko nito nyan lalo pa at katabi ko si Arts.

Masaya akong naglakad pabalik sa pwesto namin ni Athena. Ngunit ganon na lang ang aking gulat nang may makita akong isang pigura ng babae na nakatayo. Nakapatong ang kamay nito sa kanyaang beywang.

Fuck. Is that a ghost?

W-White lady?

Mama! Gusto ko na palang umuwi! Huhuhu.

Sisigaw na sana ako nang magsalita bigla 'yung multo.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ng multo at nag-angat ng tingin sa akin.

Napahinga ako nang maluwag ng makitang si Athena lang pala 'yon. Jusko. Tinatakot ko lang pala ang sarili ko. Tsk.

Ngunit napalitan din ng kaba ang nararamdaman ko nang makitang tinatapunan nya ako ng masasamang tingin. Ano na naman bang ginawa ko? Huhuhu.

"Umihi lang ako." Mahinahon kung sagot sa kanya.

"Oh really? Ganon katagal?" Balik-tanong nya sa akin. Halatang hindi sya naniniwala. Hmp. Nagsasabi naman ako ng totoo eh.

"Argh! Whatever. Bahala ka nga riyan!" Singhal ni Athena at bumalik na sa pagkakahiga.

Grabe. Ang aga naman nyang magsungit. Wala talagang syang pinipiling oras kapag sinusumpong.

Hindi na ako sumagot pa at tumabi na lang sa tabi ni Athena. Nakatalikod sya sa akin.

"Babyloves, magshare naman tayo ng kumot mo." I said at pinacute-an pa ang aking boses. Well, I'm sure na kapag narinig nya 'yon ay hindi nya ako matitiis hihihi.

"NO! Ayoko nga! Manigas ka riyan. Tsk!"

Nagkamali ata ako huhuhu. Ang sama naman nya. Hmp. Hahayaan nyang manigas sa lamig ang cute na cute nyang girlfriend. Hindi makatarungan 'yon!

Well, bahala sya ruyan kung ayaw nya. Nagpaalam naman ako ng maayos eh.

"What the hell?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" Mataray nyang turan.

Nakaharap na sya sa akin. Kitang-kita ko ngayon ang masasamang titig na ipinupukol nya sa akin Medyo na-immune na ako sa mga ganyan kaya wa-effect na 'yan. Sorry na lang sya.

"Hmm... nakikishare sayo." Painosente kong sagot at binigyan pa sya ng isang ngiti.

"Bakit ba napakakulit mo? Bahala ka nga riyan!" Tumalikod na sya uli.

Ramdam kong naasar na sya sa akin. Wala eh. Pikon talaga si Athena. Lumipas ang ilang segundo. Pinakiramdaman ko kung tulog na ba sya at sa tingin ko ay tulog na sya. Dahan-dahan kong inilagay ang aking kamay sa kanyang bewang.

"Tsk. Tapos ngayon mangyayakap ka! Wala, hindi pwede!" She exclaimed at hinampas pa ang kamay ko.

I pouted. Hindi ko alam kung malakas lang ba ang pakiramdam nya o gising lang talaga si Athena.

Hmp. Ano ba yan? Bakit ayaw nya? Huhuhu. Wala akong nagawa kung hindi tanggalin ang kamay ko at tumalikod na rin. Hindi pa naman ako sanay matulog ng walang yakap. Sana lang talaga ay makatulog ako nito.

Patulog na sana ako nang makaramdam kong may nangangalabit sa akin.

Tsk. Istorbo naman. Sino ba 'to?

I opened my eyes at humarap sa salarin. Sumalubong sa akin ang mukha ni Athena. Nakataas ang isa nyang kilay. Ano na naman bang trip nya? Patulog na ako eh. Panira naman. Hmp.

"Nagbago na pala ang isip ko. Pwede mo na akong yakapin." Masungit nyang saad.

Ano kayang masamang hangin ang umihip sa kanyang isipan at nagbago ang kanyang desisyon? Aish. Basta. Ang gulo nya talaga.

Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang bewang at niyakap sya. Hmm. Ang bango nya talaga. Grabe. Parang baby. Baby ko.

Ayos! Makakatulog ako nang maayos nito.

Sus. Paayaw-ayaw pa kanina, gusto rin naman pala ni Athena.

"Kung bubulong ka, siguraduhin mong hindi ko maririnig ha." Kinagat nya ang aking balikat. Nagiging bampira na naman po sya huhuhu. Mukhang nasabi ko ata 'yung dapat ay sa isip ko lang.

Naramdaman kong sumiksik sya sa akin. We both drifted to sleep after that.

_____//_____

Ang magandang mukha ni Athena ang unang tumambad sa akin nang magmulat ako ng mata.

Naks. Dapat pala ay lagi na lang syang tulog para mabait sya tignan. Para syang maamong tupa ngayon. Hindi makabasag-pinggan eh. Kahit saang anggulo mo sya tignan ay wala kang maiipintas sa kanya. Talaga nga sigurong isa syang dyosa.

Jusko. Bakit ganon? Ang unfair huhuhu. Sinalo nya talaga lahat ng blessings ni Lord eh. Hmp. Hindi man lang namigay ang babaeng 'to. Sinolo lahat.

Nakita kong nakapulupot pa rin nang mahigpit ang kamay nya sa aking bewang. Sinubukan ko ma alisin ang kamay nya pero gumalaw sya ng kaunti. Ayaw ko naman syang magising dahil sa akin.

Kaya dahan-dahan ang ginawa ko at success naman sya. Mukhang hindi naka-on ang ninja side nya at hindi ako naramdaman.

Nang makaalis ako ay kinuha ko ang aking cellphone para magtake ng pictures nya habang tulog. Remembrance lang. Pandagdag doon sa album nya sa cellphone ko. Tanda nyo pa ba 'yon?

Alam kong hindi ako magsasawang tumitig kay Athena. Napakaperfect nya talaga. Medyo ligwak lang sa attitude dahil napakataray at sungit nya. Kung mabait 'to, baka may chance pa na maging girlcrush ko sya.

'Sus. Hindi mo pa ba sya crush sa lagay na yan?' Tanong sa akin ng mahadera kong utak.

Bahala ka riyan. No comment muna ako sa ganyan mo. Umagang-umaga ha. Mambibwiset ka na naman sa akin, mind.

Inayos ko muna ang aking sarili. Naghilamos muna ako para hindi masyadong panget tignan. Nang sa tingin ko ay ayos na ako, tsaka ko na naisipang lumabas na.

Nakita kong nandito na pala ang mga kasambahay nila. Buti naman at may kasama na sya rito.

"Sino po kayo, Ma'am?" Tanong sa akin ng isa sa kanila. Bata pa ito at sa tingin ko ay magkasing-edad lang kami pero heto sya, nagtatrabaho na.

"Uhm... kakilala ko po si Athena. Kaibigan nya po ako." Pagpapakilala ko sa aking sarili.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya na ako ang girlfriend ng amo nya. Sa tingin ko ay magugulat sya. Well, sino nga bang hindi diba? Kahit ako rin ay nagulat eh. Atsaka, nagpepretend lang naman kami kaya ipinakilala ko na lang ang sarili ko bilang kaibigan ni Athena.

"Ganon po ba, Ma'am? Nagugutom na po ba kayo?" She asked. Umiling ako bilang sagot pero sumama ako sa kanya patungong kusina.

May nakita akong isang matandang babae roon na nagluluto. Sinigang ang niluluto nya base na rin sa kanyang pagkakasabi. Napag-alaman kong sya ay si Manang Fe. Ang pinakamatagal nilang kasambahay.

Mababait naman ang mga kasama nila. Napag-alaman ko ring apat lang silang nagtatrabaho dahil ayaw daw masyado ng pamilyang Sarxel ang maraming katulong.

Umakyat ako muli sa kwarto ni Athena para icheck kung gising na ba sya. Nakita kong mahimbing pa rin ang tulog nya. Grabe naman.

May nakita akong marker dito sa loob ng kanyang silid. Isang plano ang pumasok sa aking isipan. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil doon.

Sinimulan kong magdrawing ng kung ano-ano sa kanyang mukha. Sayang ang kinis nya. Pero ngayong araw lang naman eh. Sorry, makinis n face ni Athena.

Nang matapos ay tinignan ko ang aking work of art. Jusko. Kahit ang dami ng drawing ng mukha nya ay hindi pa rin mawawala ang angkin nyang ganda. Hmp. Sana all na lang ang masasabi ko. Ang unfair talaga eh.

Hindi ko nalimutang kuhanan sya ng litrato. Gagamitin ko 'tong pang black mail sa kanya. Just kidding. Pandagdag lang sa pic nya sa cellphone ko. Remembrance.

"Babyloves, gising na." Marahang niyugyog ko ang kanyang balikat. Baka kasi mapasobra at matuluyan na syang matulog. Mahirap na.

"Argh. Ano ba 'yan? Ang aga-aga pa." She answered at natulog na namang muli. Mukhang wala na akong magagawa kaya iniwan ko na sya sa loob.

Nakipagkwentuhan na muna ako sa mga kasambahay nila rito. Nakakatuwa sila at marami na rin akong nalaman tungkol sa family ni Athena.

"Alam nyo ba Ma'am... ngayon ko lang po kayo nakita." Saad ni Clarity. Sya 'yung nakausap ko kanina pagkababa ko. 'Yung ka-age ko lang.

"Opo, tama po sya kasi po ang lagi lang naming nakikitang pumupunta rito ay sina Ma'am Stacey, Ma'am Ella, at Sir Jared." Dagdag pa ni Manang Fe.

Akmang sasagot na sana ako nang makarinig kami ng isang malakas na sigaw. Kilalang-kilala ko kung sino 'yon.

"Xyzrielle?!!"

At mukhang nakita na nga po ni Athena ang ginawa ko sa kanyang precious face. Lagot na ako nito.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C36
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen