App herunterladen
60% Ultra Curse [Filipino] / Chapter 3: Chapter Two

Kapitel 3: Chapter Two

[]Ultra Curse

†Chapter Two

—————

Inilapag ko sa harap ni James ang tatlong patong ng libro, hindi ito kumibo at patuloy na nagbasa, bigla namang sumulpot si Yeshua mula sa aking kanan.

"Saan ka galing? " pabulong kong tanong.

"Nag CR ako, bakit? "

Hindi ko na siya sinagot at umupo na rin, nagsimula akong magbasa, may long quiz daw kami bukas sa subject ni Sir Manzon, mahirap nang bumagsak lalo na at mahilig maglagay ng trick questions sa quizzes si sir.

"Francis… Francis… "

Napatingin ako kay Yeshua, natatakpan ng libro ang mukha niya dahil nagbabasa rin siya.

"Francis—"

"Bakit ba? " mahina kong tanong dito.

Ibinaba niya ang librong hawak, luminga-linga pa ang mokong bago muling magsalita. "Nakuha mo ʼyung letter? "

Ibinaba ko na rin ang librong hawak. "Anong letter ba? Mag review ka na lang kaya—"

"Letter! ʼYung letter! "

Pilit kong prinoseso kung ano bang tinutukoy ni Yeshua, letter? Wala naman akong natatanggap na letter? Baka may ipinadala sa akin si mama na letter tapos hindi ko natanggap? Pero imposible, bakit naman siya magpapadala ng letter eh uso na ang chatting at texting ngayon, at isa pa kung may ipapadala si mama bakit kailangang malaman ni Yeshua?

Bumuntong hininga na lang ako. "Alam mo, Yesh. Mag-aral ka na lang, mamaya mo na… "

Doon ko naalala ang sobre na nahulog sa pagitan ng mga bond paper ko, ipinasok ko ulit ito sa malaking envelope.

"Oo… bakit? Ikaw ba nagpadala noon? "

Tumingin siya sa malayo at muling ibinalik ang tingin sa akin. "Pinadalhan ka nga talaga niya. "

Kumunot ang noo ko.

"Nasaan na ʼyung letter ngayon? Ibigay mo sa akin. "

"At bakit ko naman ibibigay sa iyo ha? "

"Akin na sabi! " pabulong na wika ni Yeshua.

"Ayoko nga, hindi ko nga alam kung kanino ʼyon galing, tapos ibibigay ko saʼyo? Magtigil ka nga! "

"Francis kasi! Akin na! "

Ilang beses pa akong pinilit ni Yeshua na ibigay sa kanya ang letter, pero tumanggi ako.

Natigil kami nang hinampas ni James ang mesa gamit ang dalawang palad. "Kung mag-iingay lang kayo, lumabas na lang kayo! "

Maski hangin ay hindi sinubukang lumikha ng ingay.

Sabay-sabay kaming naglakad sa hallway. Pare-pareho kaming napalabas dahil sa pagsigaw ni James.

"ʼYan! Wow! Thank you guys, ngayon mapipilitan na naman akong maghalungkat sa net ng informations tungkol sa subject. Alam nʼyo namang limitado ang impormasyon sa internet, ngayon ayaw na tuloy tayong papasukin doon. Nakakainis kayo. Parang mga engot."

Napakamot na lamang sa batok si Yeshua sa iwinika ni James.

"Ano ba kasing pinag-uusapan nʼyo? Anong meron sa letter? "

Napatingin sa akin ni Yeshua. "Si Kuya kasi ang nagpadala noʼn, babawiin ko, may weird na naman siyang balak. Francis, nasaan na ʼyung letter? Ibigay mo na, please… "

Tumigil kami sa paglalakad. "Uh… naipasa ko na ʼyung envelope para sa Science subject… nandoon pa yata ʼyung letter… "

Hinihingal kaming nakarating sa Science faculty.

"E-Excuse po kay Ma'am… Ma'am Garces… "

"Bakit hijo? "

Lumapit ako sa table ni Ma'am Garces. "Ma'am, nandiyan pa po ba ʼyung folder na may lamang essay? Monasillo po apelyido, doon ko pa kasi nailagay isa ko pang essay, " nakangiti kong saad.

Tiningnan niya ang mga patong ng envelope sa mesa. "Monasillo? Ahh— nako! Baka nadala ni Miss Kathy! Ito kasi ʼyung kanina niyang hawak, iba ata ang nadampot, pakihabol naman ʼto anak. Tapos bawiin mo na rin ʼyung envelope. "

Tinakbo namin ang distansya sa pagitan ng Science building at Technology.

"Bwiset ka, Francisco! " sigaw ni James habang hinihingal na umaakyat sa hagdan.

Nakasalubong namin ang isang babaeng kulay brown ang buhok.

"Miss Kathy! Ito po pala… ʼyung envelop nʼyo raw po sabi ni Ma'am Garces. " Iniabot ko sa teacher ang envelope.

"Ay thank you! Ito bang envelope—"

Inabot naman ni Yeshua ang envelope mula sa kamay ng guro. "Ay Miss, kanya po ito hehe. Salamat po! Bye! "

Kinawayan kami ng teacher at sabay-sabay kaming bumalik sa Science faculty, lumabas kami sa pinto habang hawak ko ang sobre.

Umupo muna kami sa isang mahabang upuan, pinapaypayan ang mga sarili gamit ang mga kamay.

"Oh, iyo na. Dapat ikaw na lang kumuha nito, " sabi ko at ibinigay kay Yeshua ang envelope, pero bago niya ito maabot ay isang pigura ang umagaw sa atensyon namin.

"Good afternoon. Anong ginagawa nʼyo rito? Wala ba kayong klase? "

Napatayo si James at kinamayan ang lalaki. "Good afternoon, President. May kinuha lang po kami. "

"Ikaw? Bakit ka nandito? Wala ka bang ginagawa? " tanong ni Yeshua sa nakatatandang kapatid.

"Wala… "

Mabilis na kinuha ni Yeshua ang envelope sa kamay ko.

"Pasensya ka na, Francis, namali lang ng bigay—"

"Ako ang nagbigay niyan, why are you taking it away from him? "

Tumayo si Yeshua at hinarap ang kapatid. Tumingin muna ito sa akin. "Dahil mali ang napagbigyan ng letter. Francis, James, una na kayo, mag-uusap lang kami. "

Lalakad na sana kami ni James nang hablutin ng kuya ni Yeshua ang envelope mula sa kamay niya. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang sobre roon.

"Para saʼyo ʼyan, Mr. Monasillo. Sana tanggapin mo ang imbitasyon. "

"Francis ʼwag! "

Natahimik ang buong hallway, walang ingay, ang presensiya ng dalawang magkapatid ay tinutupok ang isaʼt isa. Parang mga halimaw na handang ibaon ang mga pangil sa leeg ng kaharap nila.

"Anong karapatan mong pagbawalan si Mr. Monasillo? Sino ka ba? I just gave him an invitation. "

"Don't go around and spread your authority, hindi mo ako tuta, " nagngingitngit na saad ni Yeshua.

"I donʼt. At oo, hindi kita tuta, and he is not your dog too, pabayaan mo siya. "

Binitawan ng presidente ng SSG ang kamay ko at naiwan ang letter doon. Tumalikod siya sa amin, naglakad ito at bahagyang tumigil.

"And Yeshua… I donʼt go around spreading my authority— because I am authority… "

Naglaho na lang ito sa paningin namin dahil sa distansya at dilim ng hallway.

"Wow, daig nʼyo pa sagutan sa mga Filipino teleserye. May hawak ka bang script? "

Napatingin na lang ako kay James.

Tumaas ang kilay nʼya. "Just kidding, tara na nga Paulo Avelino low budget. " Inakbayan niya ang nagpupuyos sa galit na si Yeshua, at sabay-sabay na kaming bumalik sa classroom.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C3
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen