Naging labis na viral ang Tianyi 'Brothel' incident. Kahit na pumasok na si Tangning sa isang makatwirang oras upang magbigay ng kanyang tugon tungkol sa insidente at gumawa ng PR efforts, hindi naman niya mahikayat na makipagtulungan sa kanya ang ibang mga tao na kasangkot sa insidente. Kaya, sa loob ng kumplikadong entertainment industry, ang kanyang pahayag ay mabilis na nawala at nalimutan.
Hindi nagtagal, nagpalabas ng isang simpleng liham na humihingi ng tawad ang Tianyi Entertainment. Gayunpaman, walang silbi ang liham na ito; hindi lamang hindi nito nabawi ang imahe ng kumpanya, nagawa pa nitong pahabain ang usap – usapan tungkol sa insidente.
Tungkol naman sa mga shows na kasalukuyang kinakausap ni Tangning, napagdesisyunan ng mga kliyente na palitan siya ng ibang modelo. Kasabay nito, lahat ng endorsement events na kanyang sinang - ayunan na ay biglang hindi na makontak.