Nang marinig nilang magsalita si Lin Qian ng may ganoong kapangyarihan, ang lahat ay lubhang nagulat.
Waring ang tahimik na assistant ni Tangning ay mayroong nakakagulat na bahagi. Dati, palagi lamang itong mag isa at hindi masyadong nagsasalita tulad ng isang tao na mula sa labas ng industriya na hindi sanay sa pakikisalamuha. Ngunit, nang makita nila kung paano nito pinangangalagaan si Tangning, naramdaman ng mga crew na tila kailangan nilang bigyan ng maraming pansin si Tangning at maging maingat sa paligid nito.
"Mayroon dahilan para magkaroon ng aksidente. Hindi ka pwedeng manigaw na lamang ng ilang kataga at hayaan itong makalampas. Pagkatapos ng lahat, ang sanggkot dito ay buhay at kamatayan."
"Tama si Assistant Lin. Kailangan natin na imbestigahan ang pangyayaring ito ng detalyado," pagsang ayon ng Director.