"Dad, nagmamakaawa ako sa iyo, hindi mo maaaring hayaan na dalhin palayo ni Lin Qian si Li Jin…" lumuhod si Han Xiao sa sahig at nagmakaawa sa kanyang ama.
"Ang bagay na ito ay wala na sa ating kontrol."
"Dad, kung ibabalik mo si Li Jin sa pamilya Li at gumising siya, ako ay ihaharap sa military court…dahil…ako ang may kagagawan sa aksidente ni Li Jin," si Han Xiao ay walang pagpipilian kung hindi ang ibunyag ang katotohanan, Sa kalalabasan, hindi naman talaga niya ito iniligtas – siya ang talagang nanakit sa kanya sa umpisa pa lamang.
Si Father Han ay nagulantang.
Kailanman ay hindi niya inaasahan ang katotohanang ito.
"Dad, kung mayroon lamang akong ibang pagpipilian, sa palagay mo ba ay gagawin ko ito?" si Han Xiao ay naupo sa sahig.
Walang magawang tinitigan ni Father Han ang kisame. Sa Huli, pumayag din siya sa pangdidiin ni Han Xiao. Pagkatapos ng lahat, mayroon lamang siyang nag iisang anak na babae.