Saan nagsimulang magkamali ang mga bagay – bagay? Tinanong ni Zhen Manni ang kanyang sarili.
Nakapunta na siya sa mga malalaki at maliliit na runways at nakaranas na rin siya ng iba't ibang uri ng mga labanan. Kaya, bakit siya naalangan pagdating kay Tangning?
Sinuri ni Zhen Manni si Tangning mula ulo hanggang paa at napagtanto niya na hindi pa siya kailanman nakakita ng isang pares ng mga binti na kasing perpekto ng tulad kay Tangning. Alam ng mga taong nag – eehersisyo na ang mga taong may mga perperktong mga binti ay natural lamang na mayroon ding magandang puwetan.
Kaya naman, mayroon din si Tangning ng dalawang bagay na pinagmamalaki ni Zhen Manni. Samantala, ang bagay na mayroon si Tangning, ay hindi niya kailanman makukiha sa buong buhay niya.