"Qian Lan, hindi mo kailangan na pumunta dito upang ipaliwanag mo ang iyong sarili sa akin. Hindi naman ako galit," sagot ni Mo Zichen. "At saka, sa totoo lang naniniwala ako na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa anuman. Hindi ka dapat na makipagtalo sa iyong mga magulang dahil sa isang tao na hindi mo pa masyadong kilala."
Ang tugon ni Mo Zichen ay mas nakapagbigay ng hindi magandang pakiramdam kay Qian Lan.
Pagkatapos ng lahat, ang kanyang bawat kataga ay tila ba tinitingnan nito ang sitwasyon mula sa pananaw ng isang nagmamasid lamang. Kailanman ay hindi nito isinaalang alang na nagpunta siya dito ng mag isa, dahil lamang siya ay nag aalala na siya ay nagagalit.
"Naiintindihan ko..." bulong ni Qian Lan. "Masaya ako na hindi ka nagagalit. Aalis na ako. Maraming salamat sa iyong jacket."
"Ipagmamaneho kita..."