Si Tangning ay pumirma ng kontrata sa Cheng Tian; ito ay isang bagay na walang sinuman ang nag – akala.
Pagkatapos na umalis ng Tianyi, maraming kumpanya ang nag - alok kay Tangning. Gaya ng Star Age at Creative Century. Pero, sino ang mag – aakala, na lalagpasan lang ni Tangning ang lahat ng second – grade companies at pipiliin niyang maging modelo sa isa sa pinakamalaking kumpanya.
At ang mas nakakagulat pa ay mismomg si An Zihao ang naging kanyang personal manager!
Dahil ba pareho sila ng mga naging karanasan? O dahil ba sa pareho nilang naranasan ang masadlak sa kanilang buhay?
Ang isa ay isang dating primyadong modelo, ang isan naman ay isang dating nangungunang manager, sa kanilang pagsama, siguradong magkakaroon ng matibay na pagtutulungan sa trabaho. Nakikita na ng media na ang Cheng Tian Entertainment ay magkakaroon ng malaking pasabog sa buong industriya ng entertainment.