Pagkatapos na mabugbog, sinabi lang ni Song Linlin sa kanyang managaer na iulat ang insidente sa Hai Rui. Kinakailangan niya, kahit papano, na paabisuhan ang PR ng Hai Rui para naman hindi sila parang walang alam kung sakali man bigla na lamang silang tanungin ng media.
Talaga namang mapang – api si Bai Qingyi. Para sa kanya, ang pagtuturo ng leksyon ay parang laro lamang ng bata.
Hindi kayang protektahan ng Hai Rui o Tangning si Song Linlin. Kaya, sa huli, ang buong pagsubog na ito ay naging masamang panaginip para sa kanya.
Ang damdamin niya ay naloko, siya ay sugatan sa loob at labas at ang kanyang karera ay nasira na. Wala nang maisip si Song Linlin na ibang babae sa mundong ito na mas nakakaawa pa kung ikukumpara sa kanya. Ang pinakamasama pa lahat, patuloy pa din sa kanyang kumakapit si Bai Qingyi at patuloy siya nitong inaatake.
Gusto nang patayin ni Song Linlin ang kanyang sarili…