Kinabukasan, palihim na kinuha ni Long Jie ang lahat ng impormasyon na meron siya kay Li Yu para makipagkita sa pinsan ng reporter sa isang tagong café. Sa dalawang magpinsan na ito, ang isa ay may apelyidong Lu at ang isa naman ay may apelyidong Han. Ang lalaki na may apelyidong Lu ang sumubok dati na pagbantaan si Long Jie at ito rin nakatatandang pinsan ng lalaki na kasalukuyang nakaupo sa harap niya.
Ang lalaking ito ay si Han Zhou. Nakabihis ng black-patterned t-shirt at isang pares ng tastas na pantalon; maayos ang kanyang buhok; tila ba siya ang tipo ng tao na nasanay sa karangyaan. Nang makita niya si Long Jie, tinanggal niya ang kanyang sunglasses at itinaas ang kanyang kilay, "Ano ang dahilan kung bakit moa ko ipinatawag dito?"
Hindi alam ni Long Jie na ang lalaking ito ay magpapalabas pala ng iskandalo tungkol kay Tangning. Sinabi lang niya, "Mayroon akong iaalok sa iyo na siguradong pagkakakitaan mo, kukunin mo ba ito ng hindi nalalaman ng iyong pinsan?"