Ngunit, sino ang mag aakala, ang babae na nakasama nila ng mahigit 19 taon ay isa palang manlilinlang, habang ang kanilang tunay na asawa ay halos gumapang pabalik mula sa libingan at nakaranas ng pinakamasakit na pagpapahirap pagkatapos na nakawan ng lahat!
Nang maisip ito, ang puso ni Father Mo ay kumirot ng napakasakit; alam niya na nawala na ang kanyang karapatan na harapin pang muli si Bai Lihua.
Si Hua Wenfeng ay lubos na napaligiran ng mga reporter at hindi makawala. Ngunit, si Tangning at ang kanyang mga kasama ay madaling nakaalis sa Hilton Hotel sa ilalim ng pangangalaga ni Chen Xingyan at ng iba pang bodyguard.
Ang Tangning ng mga sandaling iyon ay hindi nag iisip kung bakit si Hua Wenfeng ay biglang umatake pagkatapos ng mahabang pananahimik. Nang mga panahon na napagtanto niya, ang sitwasyon sa Beijing ay ibang iba na...
...