"Hindi ko talaga sinasadya…" mabilis na yumuko si Han Xiner at humihingi ng tawad.
"Kalimutan mo na yan Xiao Yang, samahan mo ako upang makapagpalit. Isulat mo ang kanyang pangalan at ipadala mo sa kanya ang babayaran, hindi na kailangan pang gawin nating mahirap para sa kanya ang mga bagay," malumanay na sabi ng babae na kilala bilang si 'Yi Jie'. Sa panlabas na anyo, tila nauunawaan nito ang pagkakamali ni Xiner, ngunit sa katotohanan, wala itong intensyon na pakawalan ito ng ganoon na lamang.
'Ipadala sa kanya ang bayaran'!
Ang damit na tulad noon, kahit pa na magtrabaho si Han Xiner sa susunod na sampung taon sa kanyang kasalukyang kinikita, hindi pa rin sasapat para bayaran ito.
Namutla ang mukha ni Han Xiner, "Bakit hindi kaya labhan ko nalang iyan para sa iyo…"