Ang lahat ng sama ng loob ay nakatalagang matapos. Ngunit, kailanman ay hindi inaasahan ni Tangning na ang mga bagay ay matatapos na ang buhay ni Han Xiuche ang gagawing kapalit para sa katotohanan bago pa totoong magising si Han Jie.
Kahit pa si Han Xiuche ay gumawa ng maraming problema para sa kanya, lalo na ang patuloy na paninirang puri nito sa kanya, kahit paano ay natuklasan niya na ang kanyang ina ay napagbintangan at nagbago din siya kaagad.
Higit sa lahat, ang kanyang pagluhod ay kanyang ginawa ng nababalot ang kanyang katawan ng dugo; hindi siya nag iwan para sa kanyang sarili ng isang pagkakataon na bawiin pa ang kanyang sinabi.
Sa isiping ito, si Tangning ay huminga ng malalim na para bang ang lahat ay nakaraan na.
"Tangning, nakahanda ka na bang patawarin si Xiuche?"