Tumingin ng masama si Long Jie kay Lu Che at sinabi, "Niloloko lang kita!" Pagkaraan, tinulungan niya si Lu Che na tumayo mula sa kama at sinuotan niya ito ng makapal na jacket.
Pagkatapos na makababa ng dalawa sa hagdan, bigla na lamang iniluhod ni Lu Che ang isang binti niya sa dulo ng hagdan, "Sumakay ka na…"
Bagaman umaga nang mga oras na iyon, ang mga kalsada ay halos wala pa ring mga tao. Tumingin sa paligid si Long Jie at tumugon, "Kalimutan mo na iyon." Tumatanggi ang kanyang bibig, pero tapat ang kanyang katawan. Hindi nagtagal nakita na lamang niya ang kanyang sarili na nasa likod ni Lu Che.
Muntik nang madapa si Lu Che sa sahig dahil sa hindi niya kaya ang bigat ni Long Jie. Mabilis na inilagay ni Long Jie ang kanyang mga paa sa sahig at tinanong, "Ayos ka lang ba?"
Hindi mapigilan ni Lu Che na hindi tumawa habang lumuluhod siyang muli, "Dali, sumampa ka na."