Talagang masayang masaya si Mo Zixi at proud ito sa kanyang sarili. Pagkatapos ng lahat, sa bawat pagkakataon na nakikita niya si Yao Anqi, siya ay hindi matutulog ng buong gabi sa huli. Kaya, hindi na nakakabigla na buntis si Yao Anqi.
Pero, sa pagkakataon na ito, hindi na niya hahayaan na magdusa mag – isa si Yao Anqi sa sakit ng panganganak. Kaya naman, nang gabing iyon, mabilis siyang umuwi ng bahay mula sa special forces.
Sa sandaling binuksan niya ang pinto at nakita si Yao Anqi, hindi niya mapigilan na hindi iyakap ang kanyang mga braso sa baywang nito at iangat ito, "Anqi, Anqi…"
Medyo nasorpresa si Yao Anqi habang mabilis niyang sinabi dito na ibaba siya, "Ingatan mo ang bata."
Mabilis na ibinababa ni Mo Zixi si Yao Anqi at tumingin sa kanya ng masayang – masaya na tila ba nawala na ito sa katinuan.