Pagkaraang maresolba ang problema, si Long Jie ay nag umpisa ng magbihis ng pormal na damit sa bahay. Siya at si Lu Che ay pupunta sa bahay ng pamilya Lu ng araw na iyon at si Lu Che lamang ang maaari niyang asahan ngayon.
Ngunit, kahit pa siya nagmula sa mayamang pamilya at makapangyarihang background, ano naman ang kahalagahan noon?
Kapag wala ang pagmamahal ng kanyang asawa, ang lahat ay walang laman at walang kahulugan.
Kaya, ang kailangan lamang niya ay si Lu Che at iyon lamang ay sapat na.
Habang nakatayo siya sa harapan ng salamin, si Long Jie ay nakasuot ng isang mahabang silver dress. Kahit pa ang kanyang katawan ay hindi kasing perpekto ng kay Tangning, ang kanyang presensya ay kapareho ng isang reyna. Pagkaraang magtrabaho kay Tangning ng matagal, siya ay nakapag ipon ng kaunting kayamanan, kaya hindi siya nagtitipid sa kanyang hitsura.
Pagkatapos ng lahat, kung gusto niyang sumunod sa tabi ni Tangning, kailangan niyang makibagay!