Sa loob ng marangyang tahanan ng Tang family, ang mga ilaw ay maliwanag na nakabukas.
Ang kondisyon ni Elder Tang ay matatag na, kaya siya ay pinauwi na ng bahay. Upang mapasaya si Elder Tang, ang buong pamilya ay nagtipon sa ospital upang suduin siya.
"Lolo, gumagabi na, ihahatid na kita sa iyong kwarto," wika ni Tang Xuan at ng kanyang asawa habang inaaalalayan nila ito.
"Lolo…" singit ni Tang Jingxuan.
"Jingxuan, hindi maganda ang pakiramdam ni lolo. Huwag mong galitin si lolo sa walang kwentang bagay. Matuto ka ngang kumilos ng maayos," pagpipigil ni Tang Xuan. Sa ibabaw, si Tang Xuan ay umaarteng nag - aalala sa kalagayan ni Elder Tang. Ngunit ang katotohanan, hinahadlangan lamang nito si Tang Jingxuan na banggitin ang aksidenteng nangyari kay Tangning.
Gayunman, hindi madaling maloko si Elder Tang. Kaya, tumayo ito at sinabi, "Jingxuan, magsalita ka. Makikinig si Lolo."