Inunat ni An Zihao ang kanyang braso at ibinalot iyon kay Chen Xingyan. Pagkatapos na suriin niyang mabuti ng kanyang mata ang buong apartment, inilagay niya ng isang bugkos na susi sa lameas at nagsabi, "Ang bahay na ito ang kasalukuyang pinaka mahal na pag aari ko. Ibibigay ko ito sa inyong dalawa. Maaari kayong tumira dito kung gusto ninyo, kung hindi, ang ipagbili ito ay hindi rin naman masamang ideya."
Si Father Yun at Mother Yun ay parehong natigilan habang nagkatinginan sila sa isa't isa at nagtatanong kay An Zihao, "Ibibigay mo ang iyong apartment sa amin? Sinasabi mo ba na pera lamang ang kailangan namin sa iyo?"
"Zihao, dahil lamang nasa iyong mga kamay na ang isang tagapagmana ngayon, nakalimutan mo na ba ang ipinangako mo sa aming si Yun Xin…?" Si Mother Yun ay nag umpisa ng umiyak.