App herunterladen
62.98% There is US not You and I / Chapter 97: Kalmado Si Kate

Kapitel 97: Kalmado Si Kate

"Kate buti pa sabay na tayong umuwi, iwan mo na ang chopper dito."

Sabi ni Nadine.

"Yes po Mom, yan po talaga ang plan ko!"

Pero bago sila umalis may natanggap na tawag si Nadine at si Kate.

"Tumatawag sa akin ang Tita Ninang mo, sagutin ko lang!"

"May tawag din po ako Mom, from my work. Nagpasa po kasi ako ng resignation baka natanggap na nila. They want to talk to me.

After five minutes.

"Mom hindi na po ako makakasabay, mauna na po kayo. Need ko pa po munang dumaan sa office. Kailangan daw po akong makausap ng director namin."

Paliwanag ni Kate

"Baka gusto nilang pigilan ang pagalis mo?"

"Mom, hindi po nila ako mapipigilan, badly needed po ako ni HubbyLabs ko. And I'm preggy!"

"Pwede din naman kitang ihatid dun tapos antayin na lang kita."

Suggestion ni Nadine.

"Huwag na po Mom at natitiyak kong gagabihin po ako! Mukhang gusto nila ng farewell party. Hehe!"

"Okey sige! Pero ihahatid pa rin kita! And don't say no! Then call paguuwi ka na para masundo kita! Ayoko ng bumabyahe ka ng magisa sa kalagayan mo ngayon. Maliwanag?"

"Yes po!"

Wala ng nagawa si Kate, nagpahatid na lang ito sa Mommy nya para matapos ang usapan.

Pero kinagabihan, naka receive ng message si Nadine na hindi sya makakauwi dahil pagod na syang bumyahe at nakainom pa. Duon na lang daw sya tutuloy sa condo ng kasamahan nya sa work na walking distance lang sa office nila.

Sinubukang tawagan ni Nadine si Kate pero hindi ito sumasagot.

Hindi maintindihan ni Nadine ang nararamdaman. Nagaalala sya.

Hindi sya mapakali.

'Napapraning na naman ba ko?'

May dahilan na magaalala si Nadine dahil sa mga oras na ito, nasa kamay na ng mga tauhan ni Gen. Pasahuay si Kate.

Hindi totoong pinapupunta sya ng director nila.

Kanina, nakatanggap sya ng tawag mula sa secretary ng director nya na sinasabing kailangan nyang magtungo sa office dahil gusto syang makausap personally ng director. Pero ang totoo, kagagawan iyon ni Gen. Pasahuay.

Tinakot nya ang secretary ng director para sundin ang utos nito upang maihiwalay si Kate sa nanay nya.

At nag tagumpay sila.

Nakita ng mga tao roon na pumasok si Kate pero walang nakakaalam kung kelan sya umalis, bigla na lang itong naglaho na parang bula.

Nakita ng mga tauhan ni Gen. Pasahuay ng ihatid ni Nadine si Kate at umalis agad ito pagkatapos.

Pag pasok ng elevator ni Kate, duon na sya tinambangan ng mga tauhan ni Gen. Pasahuay.

Sa elevator sya tinambangan ng mga tauhan ni Gen. Pasahuay.

Nilagyan nila ng sako sa ulo, kinuha ang cellphone at nailabas ng walang nakakakita.

Pero hindi nanlaban si Kate. Hinayaan lang nya na gawin nila ang plano nila.

Dinala nila si Kate sa may bangin para patayin tapos ay itapon ang bangkay. Mas madali ito para sa kanila at mas mahirapan naman para sa magiimbestiga lalo na pag inanod sa malayo ang bangkay.

Agad nilang tinanggal ang talukbong ni Kate at tinutukan ng baril. Ayaw nilang magaksaya ng panahon.

Pero....

"Hahahaha! Hindi ko akalaing mga duwag pala kayo. Nakatalikod pa ako, gusto nyo na akong barilin?"

Napatigil ang taong may baril na nakatutok sa kanya lalo na ng humarap si Kate.

Nagtataka sya kung bakit kalmado ang isang 'to at nakuha pang tumawa.

'Marahil ay tanggap na nya ang kapalaran nya.'

Tinitigan ni Kate isa isa ang mga taong nasa harap nya. Kinikilala.

Nangisi ito.

Kahit madilim at liwanag ng buwan lang ang ilaw, napansin nila ang ngising iyon ni Kate.

'Totoo ba 'to, hindi sya natatakot?'

Kalmado si Kate, yan ang una nilang napansin.

Kung ibang tao ito malamang umiiyak na ito at nagmamakaawa.

"Hanep naman ang kaduwagan nyo, nagiisa na nga lang ako at babae pa pero takot pa rin kayo na makilala ko kayo? Tsk tsk tsk manang mana kayo sa amo nyong si Gen Pasahuay!

Nagkatinginan sa isa't isa ang mga tauhan ni Gen. Pasahuay.

'Alam nyang si Gen. Pasahuay ang nagpadukot sa kanya?'

'Kaya pala pinadidispatsa ito agad ni General, madaming alam at matabil ang dila!'

Kakalabitin na sana ng may hawak na baril ang gatilyo pero muling nagsalita si Kate.

"Major Resty Ramirez, siguraduhin mong hindi ka sasablay."

"Lintek na paano ka nya nakilala?"

Gulat na tanong ng nasa kalapit nito.

"Aba malay ko?"

"Capt. Lazaro, Sgt. Espirutu.

at si Col. Manabay ang lider ng grupo."

Isa isa silang tinuro ni Kate at nagulat ang lahat kung paano sila nakilala, may takip ang bibig nila.

"Kilala nya tayong lahat?"

'Lintek na, paano nya kami nakilala?'

Napaisip si Col. Manabay.

'Nagpapahaba sya ng oras. Mukhang may binabalak sya!'

Napansin ni Col. Manabay na unti unting umuurong si Kate, hanggang sa isang hakbang na lang nasa dulo na ito.

Nangisi si Col. Manabay.

"Mukhang tama si Gen. Pasahuay, masyado kang matabil. Kaya pala gusto ka nyang idispatsa agad.

Pero anong plano mo, tumalon dyan?

Alam mo ba kung gaano kataas ang bangin na yan?

Kahit na matakasan mo kami, hindi mo matatakasan ang kamatayan mo!"

"Hahaha! Bakit akala nyo ba magtatagumpay kayo? Mamatay man ako, lalabas pa rin ang katotohanan na si Sen. Edward Reyes ang totoong pinuno ng sindikato at may ebidensya akong magpapatunay dito!"

Nagulat na naman sila.

'Pati yun alam nya?!'

"Col. Manabay, madami syang alam! Kailangan tapusin na natin sya!"

At hinubad na nito ang takip sa dibdib.

Para saan pa na takpan ang mukha nila kung nakikilala naman sila at saka ... sigurado naman hindi makakatakas ang taong ito.

"Hindi ako naniniwala sa'yo na may ebidensya kang hawak na magpapatunay na si Sen. Reyes ang pinuno ng sindikato! Gusto makaligtas sa kamatayan mo!"

Kinalabit na nito ang gatilyo.

BANG!

Nahulog si Kate sa bangin.

SPLASH!

"Lintek na, nahulog na agad ng hindi pa natin natitiyak kung tinamaan!"

"Sa lapit ni Col. Manabay, nagdududa ka pa? Sharp shooter kaya yan!"

"Saka kahit na hindi sya tinamaan, patay din sya sa sobrang taas nyan! Kita mo nga hindi natin makita yung ilalim sa sobrang dilim!"

"Itapon nyo na rin ang mga gamit nya, ikalat nyo para hindi mahalata!"

Pati cellphone ni Kate ay itinapon din nila at saka sila umalis.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C97
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen