Gabi na sila nang nakarating sa flower shop. Pumasok na sila Sarah, ang kanyang Kuya at pinsan sa isang simpleng shop na punong puno ng magagandang bulaklak. Maraming bulaklak doon. Iba't ibang klase, iba iba ang kulay at sobrang bango. Ang flower shop din na iyon ay nagbebenta din ng iba pang bouquet at crown bouquet materials.
Ang kanyang Kuya at ang pinsan niya ay pumunta sa kabilang estante para bumili ng floral foam at iba pang materials. Si Sarah naman ay sa kabilang bahagi ng shop at tumitingin sa mga bulaklak. Dahan dahan siyang naglalakad habang isa isang hinahawakan ang mga magagandang bulaklak na naka display sa gilid.
Hanggang sa napako ang paningin niya sa isang munting bulaklak na naka display sa basket. Isang tangkay ng Sunflower. Ang bulaklak na iyon ay parang hindi napili kaya mag isa nalang ito sa sisidlan. At parang hindi din napansin nang ilang araw kaya ang ibang petals nito ay nalaglag na.
At sa hindi inaasahang pagkakataon at nakita ni Sarah na nahulog nang dahan dahan ang isang petal pa nito.
"Hayst! Ano ba yan. Nalaglag na naman yung isang petal? Ang ganda na sanda eh kung hindi kayo naghiwa-hiwalay. Kung buo pa kayo! Mahal, ganoon din sana tayo. Kung hindi lang tayo naghiwalay, edi sana maganda parin yung pagsasama natin. Sa dinami daming nangyari sa atin, sa paghihiwalay lang pala mauuwi ang lahat. Ano ba 'tong pinagsasabi kong hiwalay eh, hindi naman pala naging tayo."
"Tapos na yung klase natin sa Senior High. Graduate na tayo! Kasabay ng pagtatapos natin sa pag aaral, ay ang pag tatapos din ng relasyon natin – ng pagkakaibigan natin."
"Napagkasunduan ng pamilya kong mag aral ako sa isang private na paaralan at kumuha ng Bachelor of Arts Major in Mass Communication. Malungkot ang naging bakasyon ko. Kung gaano kainit ang pahanon, ay ganoon nalang kalamig ang pakikitungo mo sa akin. Bihira ka na ring mag chat sa akin. Hanggang nabalitaan ko nalang na sa pagsapit ng pasukan ay luluwas ka na sa Manila upang makipag sapalaran. Hindi ko alam ang gagawin ko! Sobrang nakaka lungkot pero wala naman akong magagawa."
"Hanggang sumapit na nga ang araw ng pasukan. Kahit medyo kinakabahan sa unang araw ay pumunta ako sa school. Palakad-lakad lang ako dahil naghahanap ako kung saan ba yung magiging classroom namin. Hanggang sa mapadaan ako sa may Registrar Office. Andaming nakapila!"
"Sa di kalayuan ay nakita kitang naka pila. Akala ko noong una ay namalik-mata lang ako. Kaya napapikit nalang ako nang ilang saglit. Tiningnan ko ulit kung saang direksyon ka naroroon. Pero di pa rin nagbago kung ano nakita ko nung una. Ikaw nga Mahal!"
"Nagkataon namang tumingin ka rin sa akin kaya napa ngiti ako. Sobrang saya ko! Parang bigla nalang tumigil ang buong paligid. Hindi ko namamalayang humahakbang na pala nang kusa ang mga paa ko papunta sa direksyon mo. Nag usap tayo nang saglit at confirm na nga na sa iisang paaralan din tayo mag aaral. Kinuha mo ang kursong Bachelor of Science in Criminology. Hindi naman ito yung first choice mo pero you grabbed the opportunity. Ang I'm happy for your decision. Dahil sa iisang school lang tayo, siguro ito ulit yung magiging simula natin. Kagaya noon na kahit nagkatampuhan at nagka hiwalay ay nagbalikan ulit."
"Habang nag uusap tayo Mahal, alam mo bang gusto na kitang yakapin? Miss na miss na kasi kita noon eh. Dalawang buwan din tayong hindi nagkita. Pero pinigilan ko ang sarili."
"After a while, nagpaalan na muna ako. Hahanapin ko muna yung iba kong kaklase. Ikaw naman ay nakapila para magpa enroll."
"Pagbalik ko, wala ka na sa pwesto mo. Palinga linga lang ako pero hindi kita nakita. Lumabas ako ng campus at nakita kitang pasakay sa tricycle. Gustong kitang habulin noon para sabihin sa'yo na miss na kita pero ayokong mag eskandalo."
"Sumunod na araw, nakatanggap ako ng chat mula sa'yo. Sabi mo kung pwedi tayong mag usap. Sabi ko naman, oo! Nagkita tayo sa 7Eleven. Nilibre mo ako gaya nung pangako mo. Nag usap tayo! Sabi mo masaya ka rin kasi iisang campus lang tayo."
"At ang magandang simula na iyon ay hindi na nasundan pa. Ilang beses ako sa'yong chat pero wala naman akong reply na natanggap mula sa'yo. Sa una inisip ko dahil sa kolehiyo nga, baka busy ka na. Natigil lang ang pangungulit ko sa'yo nung tuluyan mo na akong blinock sa Facebook. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro nakukulitan ka na sa akin. Madalang na rin kitang nakikita sa campus. At sa tuwing magkaka salubong tayo, iiwas ka rin agad ng tingin. Naging ganun nalang yung eksena natin. Hindi ko maintindihan!"
"Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Pauwi na sana kami noon ng mga kaklase ko. Nang makita kitang kumakain ng chicken skin. Lalapitan sana kita kaso napatigil ako kasi nakita kitang may kasamang babae. Inaasar ako noon ng mga kaklase ko, pero sabi ko sa kanila ay Tita mo lang yun. Pero sa loob ko, nasaktan ako."
"Gamit ang isa ko pang account, tinanong kita via chat kung sino kasama mo habang kumakain ng chicken skin. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko kasi nakita mo rin ako. At sinabi mong Girlfriend mo siya!"
"Gumuho ang mundo ko. Ansakit sobra! Kahit alam kong wala naman akong dapat ikasama ng loob, nasasaktan parin ako. Hindi naman kita masisisi dahil noong nagtapat ka sa akin ay rejection lang inabot mo sa akin dahil sa walang hiyang pride ko. Sobrang sakit na makita kang masaya sa iba! Na yung mga ginagawa mo sa akin noon ay sa iba mo na ginagawa ngayon. Akala ko okay lang sa akin kasi bestfriend mo naman ako. Dapat nga maging masaya ako eh! Pero hindi ko na kayang lokohin pa yung sarili ko."