App herunterladen
15.38% THE RUN AWAY WIFE / Chapter 2: Chapter two

Kapitel 2: Chapter two

Kinabukasan

Maagang nagising si Given. Kahit pa ilang araw na wala siyang normal na tulog! Dama pa rin niya ang sakit ng kalooban. Dahil sa pagkaulila sa ina at kapatid..

Sumagi sa alaala niya ang ama. Hindi n'ya naiwasang itanong sa sarili, kung nasaan na ba ito o kung buhay pa? Hindi man lang ito nagpakita sa burol ng kanyang ina at kapatid.

Simula ng iwan sila nito, hindi na bumalik pa.

Mula ngayon wala na rin akong pakialam sa kanya!

Kailan nga ba niya ito huling nakita limang taon! Nasa Grade ten siya, habang si Cheska ay Grade seven! Ito rin ang simula na kinailangan niyang maging matatag upang mag-isang itaguyod ang pamilya. Pinag-sabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi na rin kasi nakapagtrabaho ang kanyang ina, mula noon naging malungkutin na ito at mahina. Salamat sa kanyang tita Adela at kay Katrina, na palaging nariyan para sa kanila hindi tulad ng kanyang ama na kinalimutan na sila.

Parang pelikulang dumaloy sa kanyang ala-ala ang huling araw ng makita nila ito.

Pauwi na sila ni Cheska noon galing sa eskwela. Habang masaya silang naghaharutan.. Pareho kasi silang nakakuha ng mataas na grades sa eskwela. Madalas kasi silang nagpapataasan ng grades, kahit naman hindi sila napapasali sa mga honors. Hindi naman sila kulelat!

Pagdating sa bahay nagulat sila ng maabutang, may ilang kapitbahay ang tila nakikiusyoso't kandahaba ang leeg at pasimpleng sumisilip sa loob ng kanilang bahay! Nang makita silang palapit.. Biglang nagpulasan na tila walang anumang nangyari!

Nang nasa tapat na sila ng pinto..

Nakarinig sila ng tila pagtatalo sa loob.. Pumasok sila para tingnan, kung ano ba ang nangyayari? Hindi na sila nagulat ng makita, ang isang eksena na parang sa pelikula. Si nanay na umiiyak, habang habol si tatay na may dalang bag na tila paalis na..

Hindi na bago sa kanila na makita, ang ganitong eksena na nagtatalo, nagsisigawan at nag-aaway! Pero mukhang may kakaiba ngayon, talaga yatang iiwanan na sila ng ama? Bahagya pa itong natigilan ng makita silang dalawa ni Cheska sa may pinto. Ngunit pagkatapos niya kaming tingnan. Tuloy lang siyang umalis!

I'll took a deep breath for awhile and close my eyes. To stop crying.. No! Not this time!

Ayoko ng umiyak..

Habang ang nanay patuloy na umiyak.

Nang halos pangapusan ito ng hininga. Bigla kaming naalarma ni Cheska at lumapit sa kinaroroonan nito! Pero ang tatay hindi man lang, nag-abalang lumingon pang muli.

Nang araw na iyon. Isinugod namin sa ospital si nanay na nagkaroon ng mild heart attack. Mula noon naging mahina na ang puso niya at kinailangan na niyang mag-ingat!

Nang mabalik ako sa kasalukuyan. Basa na ng luha. Ang aking mga mata. Habang nakaupo sa harap ng salamin sa loob ng aming kwarto! Hindi ko namalayan. Kanina pa pala nagsasalita si Kat sa tabi ko! Nagulat pa ako ng bigla niya akong tapikin!

"GIVEN! Ano ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi mo ako pinapansin! Ano bang nangyayari sayo ha? Tulala ka na naman.. Hayan at umiiyak ka na naman!! Akala ko ba ok ka na?" I sighed and cleared my throat. Bago nagsalita.

"Ok na ako! Huwag ka ng mag-aalala" Sabay pahid ko ng luha!

"Ok ka na? Eh bakit umiiyak ka?" Tanong nito.

"Ok na talaga ako Kat. Gusto kong bumalik sa apartment. Para kunin 'yung ibang mga gamit!" Sabi ko dito.

"Sigurado ka bang kaya mo ng bumalik du'n? Pwede naman sa ibang araw na lang magpahinga ka muna!" Sabi nito na may pag-aalala.

"Kailangan ko ng bumalik ngayon. Baka kasi hindi ko na magawa sa ibang araw! Gusto ko na rin kasing, bumalik sa trabaho! Baka sumabay ako sayo mamaya. Para makausap ko si Mrs. Rodrigo!" Sabi ko.

"Ha! Ano ka ba? Pwede naman tapusin mo na 'yun leave mo. Bakit ka ba nagmamadali? Makakabalik ka pa naman sa work mo tapusin mo ang 10 days ok?"

"Lalo lang akong malulungkot. Kapag nandito ako sa bahay at walang ginagawa" sabi ko ulit.

"Bakit hindi ka muna magrelax. Wala ka pang maayos na tulog! O kaya maglibang ka? H'wag mo munang isipin ang trabaho mo okay?"

"Meron pa akong tatlong araw. Para magpahinga sa monday pa naman ako papasok! Kaya ngayon na ako pupunta sa apartment"

"Sige bahala ka! Sasamahan na lang kita. Saglit lang magbibihis ako, hintayin mo ako ok?" Sabi nito at agad nagbihis.

"Sige sa ibaba na ako maghihintay!" Hindi na ako tumutol. Dahil alam kong hindi naman siya papayag!

After awhile..

Nasa apartment na kami, na isang kanto ang layo mula sa apartment nila tita Adela. Kaya naglakad na lang kami papunta dito.

Pagpasok namin sa apartment. Agad ko ng inayos ang dapat ayusin! Ayoko ng alalahanin pa. Ang mga bagay na makapagpapaalala sa akin sa lugar na ito. Baka hindi ko lang mapigilan ang aking emosyon! Kinuha ko lang ang mga importanteng gamit na dapat kong dalhin.

Habang katulong ko si Kat, na naglalagay ng mga gamit sa isang malaking plastic bag may nalalag na isang nakatuping papel. Mula sa side table ng kama.. Bago ko pa man ito makuha naunahan na ako ni Katrina.

"To: Ate.. Sulat pala ni Cheska.  Para sayo ito! Basahin mo" Saglit akong nag-isip. Ngunit sa huli nagpasya akong itago na lang muna ito sa aking bulsa.

"Mamaya na lang sa bahay! Tapusin na lang muna natin ito" Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy na sa aming ginagawa.

"Okay ikaw ang bahala!"

Nang matapos, nagpaalam na kami sa landlady at ibinilin ang ilang mga gamit. Balak ko yung ibenta at yung iba, ilipat sa apartment nila tita Adela. Doon na rin kasi ako titira.

Minsan pa sa huling pagkakataon. Muli kong nilingon ang lugar kung saan kami bumuo ng mga pangarap naging matatag at minsan naging masaya! Kahit minsan hindi ko naisip na lilisanin ko ang lugar na ito.

Nang mag-isa at hindi sila kasama.

By that time, hindi ko na napigilan pa ang paglandas ng luha sa aking mga mata. Yumuyugyug ang aking balikat. Habang yakap ako ni Kat, hindi ko naiwasang magtanong.

"Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Ginawa ko naman ang lahat ah! Inalagaan ko naman sila. Pinilit kong maging matatag para sa kanila! Pero bakit ganu'n? Nawala parin sila sa akin.."

"Sabihin mo.. nagkamali ba ako? Hindi ko ba sila naprotektahan?"

"Bakit wala ng natira sa akin, Bakit lahat na lang sila nawala? Paano na ako ngayon, ano ng gagawin ko, wala na silang lahat!!"

"Given! Ano ka ba? Nandito pa ako at si Mama, hindi ka namin pababayaan.. Lakasan mo nga ang loob mo! Tumingin ka sa akin! Alam ko matatag ka! Marami ka ng pinagdaanan. Hindi ka dito susuko naiintindihan mo?" Mariin niyang hinawakan ang magkabila kong balikat, habang patuloy sa pagsasalita.

"Sasamahan kita, hindi ka mag-iisa naiintindihan mo?"

Mga katagang nakapagpapagaan sa loob ko kahit gusto ko ng sumuko naisip ko tuloy..

Siguro kung palagi ako sa tabi ni Cheska? Para pagaanin ang loob nya, baka sakaling hindi niya naisip ang bagay na iyon! Hindi siguro nangyari ang lahat ng ito? Parang gusto ko tuloy sisihin, ang aking sarili.

Pagbalik namin sa apartment, sandaling oras lang kaming nagpahinga at naghanda nang pumunta sa Hotel. Gaya ng napag-usapan, sabay na kaming pumunta doon. Nagreport lang ako para ipaalam na papasok na ulit ako sa Lunes, agad namang pumayag si Mrs. Rodrigo nang masiguro niya na ok na ako at kaya ko nang bumalik sa trabaho.

Palabas na ako ng hotel ng makatanggap ako ng tawag?

Si Mathew! Bukas na nga pala ang uwi niya galing Italy! Isa siyang project Engineer sa isang Construction Firm. Nagkataon na na-assign sila doon.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng tuwa at excitement! Panandaliang nalimutan ko, ang lungkot ng sagutin ko ang kanyang tawag!

"Hello" sagot ko dito.

"Hello honey!" Sa kabilang linya.

"Hmmp!" Hindi ko napigilan ang paghikbi, namalayan ko na lang napaiyak na pala ako.

"Hey! Are you crying? Is there something wrong, honey? Tell me.."

"Hello! Are you there?"

"GIVEN! Hello?" Si Mathew.

"Ok lang ako, huwag kang mag-aala! Namiss lang kasi kita! Ang dami ko kasing gustong sabihin sayo pero hindi pwede sa phone!" I heard a sudden sighed from him!

"Ok! Akala ko naman kung ano na nangyari? Sige! Magkita tayo bukas. I really miss you too. Sweetheart! Kung alam mo lang!" Sabi nito.

"Ha! Paanong, hindi ba bukas pa lang ang uwi mo? Agad! Agad?" Gulat na tanong ko.

"Medyo napaaga nga eh! Ayaw mo ba magkikita tayo agad? Akala ko ba na miss mo ko?" Kunwaring tampo nito.

"Ah! Sige anong oras tayo magkikita?"

"Basta! Itetext ko na lang sayo mamaya kung anong oras at kung saan tayo magkikita! Ok? Surprised muna!"

"Ok sige ikaw ang bahala!" Sagot ko na may bahagyang kilig na nararamdaman!

"Ok sige na! Baka hinihintay na ako sa office! Magkita na lang tayo bukas ha?"

" I LOVE YOU!" Sabi pa nito.

"Ha! Nasa opisina ka na pala?" Pansin ko.

"Sabi ko I love you!" He said in sweetness tone. Hindi nito pinansin ang tanong ko.

"Sige na nga! Bukas na lang.."

"I LOVE YOU too na! :) "Bye!!"

Agad ko naring pinatay ang linya, ng marinig kong nagpaalam na rin siya sa kabilang linya! Baka kasi makaabala ako sa kanya. Naisip kong busy siya ngayon. Dahil kadarating lang niya!

Hindi pa ako umuwi pagkatapos! Napagpasyahan ko na magrelax na lang muna. Mamasyal sa mall at para makabili na rin ako ng bagong bestida!

Kailangan ko na yatang magpaganda. Napansin ko na masyado na akong haggard. Dahil sa puyat at pag-iyak. Maaga akong matutulog mamaya. Para naman mabawasan ang aking eyebags!

Excited much lang para sa date namin ni Mathew bukas!

Hindi naman ito ang una nilang pagkikita! Para sa isang relasyon, na puno ng pangako at pangarap sa isa't isa. Ito na ang pangatlo.. Una noong graduation, nagkabangga sila sa hallway ng school. Dahil sa pagmamadali niya noon! Ikalawa sa isang hotel sa Makati. Kung saan sila unang nag-apply noon ni Kat! Bago sila matanggap sa Vista de bay! May bid naman noon sila Mathew. Para sa bago nitong project!

Noon din nagsimulang ma-inlove sila sa isat-isa.. Mula noon lagi na silang nagtatawagan! Hanggang sa nauwi na nga sa Long Distance Relationship! Dahil paalis na noon si Mathew papuntang Italy.

Palakad-lakad lang siya sa Asian Mall, habang nag-iisip! Dito niya naisip pumunta. Dahil ito yun pinakamalapit na mall mula sa Hotel.

Patingin-tingin, minsan hihinto kapag nakuha ang kanyang interest. Pero wala pa ring napiling nais bilhin!

Patuloy lang siya sa paglakad. Nang isang lalaking naglalakad. Patungo sa kanyang direksyon. Ang umagaw ng kanyang atensyon!

Bahagya siyang natigilan, sa isip ay nagtatanong?

A-anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito at sinong mga kasama niya?

Bahagya niyang kinusot ang mga mata sa pag-asang nagkakamali lang siya ng nakikita..

Bahagya siyang tumagid. Baka kasi.. Bigla itong lumingon at makita siya!

Habang palapit ito ng palapit. Lalo lang siyang nakasisiguro na siya nga!! Wala ng iba pa. Hindi!! Tanggi pa ng isip niya.

Kausap niya lang ito kanina at sa Makati pa ang opisina nito sa itsura nito mukhang pauwi na ang mga ito?

Kanina pa ba sila dito? Tanong ng isip niya.

Hanggang makalapit ito. Lalo lang niyang napatunayan sa sarili, na hindi siya nagkamali ng hinuha.

Si Mathew nga!

Masaya ito na nakikipagtawanan sa mga kasama. Bahagya pa niyang narinig itong tumatawa!

Hanggang sa makalagpas ito sa kanyang kinaroroonan nang hindi man lang napansin ang kanyang presensya!

                     

* * *

By: LadyGem25


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen