@ International_Pen
((( SEAN )))
" Kayo ang sumalo ng kagagawan ng Elder dahil sa akin. Di niyo sa akin ipinaalam ang tungkol dito dahil siguro alam niyo di pa ako nakahanda. Kayo ang nagsilbing protection ko. Kaya ngayon, hayaan niyo na gumanti ako sa mga taong yun."
" Ngunit Sean… makakaya mo ba?"
Ngumiti ako.
" Trust me, I can handle them. Di ako nakarating sa kinatatayuan ko ngayon kung wala kayo."
" Limuel…" lingon nito sa asawa niya na di makapagsalita.
Nang lumapit ito sa asawa niya… at niyakap ito nang di mahigpit dahil sa sugat nito. Hinalikan sa noo… at namalayan ko na lang… nag-iiyakan na sila. Napabuntong hininga ako. Tama, ako ang may kagagawan nito sa kanila.
" Matagal mo na palang inililihim sa amin at dinadala ang katotohanang to. Hinayaan kita na mag-isang manlumbay sa pagkawala ng anak natin."