App herunterladen
25.39% Talk Back and You're Dead! / Chapter 31: Chapter Thirty-One

Kapitel 31: Chapter Thirty-One

*DING!*

Bumukas ang elevator at pumasok kami ni TOP.

"Tahimik mo," puna ni TOP sa'kin.

"Huh? Ah. Wala, inaantok na kasi ako." Ewan ko ba kung bakit pero tumatak sa isip ko yung tanong ni TOP. Masaya ba ako?

"Dummy, don't stress your self too much, aight?"

"Mag-tagalog ka."

"Hindi naman ganon kadali magbago."

"So ibig sabihin kapag nakatalikod ako hindi mo sinusunod ang deal natin? Tell me, naninigarilyo ka parin ba?" tinignan ko sya pero umiwas sya ng tingin. "Bakit hindi ka makasagot? Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko," gaya ko sa sinabi nya kanina.

Tumingin sya sa akin at sasagot na sana nang bumukas ang elevator at nakita namin ang dalawang lalaki na may takot na expression. Mukha silang pamilyar. Teka! Ito yung mag-ama kanina!

***

Bakit kaya ganon ang expression sa mukha nila? Bakit parang may kinatatakutan silang mag-ama?

Teka! Ngayon ko lang napansin! Bakit mukhang naaksidente 'yung anak nya? May saklay sya at may nakasupport sa leeg nya. Bukod doon may pasa sya sa mukha at mukhang pumutok din ang labi nya! Eehhh?! Mukha silang estatwa na hindi nagalaw, mukhang ayaw yata nilang pumasok sa elevator. Weirdo.

"Let's go," hinila ni TOP ang kamay ko at lumabas na kami sa elevator.

Napatingin ako kay TOP. Ang weird ng ngiti nya! Ano kayang meron?

"Ano'ng meron? Bakit ka nakangising demonyo dyan?"

"Masama?"

"Nakakatakot." Basta! Something's fishy!

Nilabas naman niya ang kanyang kotse. Buti naman kotse na ang gamit nya! Ang ganda talaga ng Lamborghini Gallardo! Lucky! Nasa kanya na lahat!

"Hey wifey!"

"What?" Inaayos ko ang seatbelt.

"May gagawin ka sa sabado?" diretso ang tingin nya sa daan habang nagmamaneho.

"Yup! Busy ako sa sabado. Sobrang dami kong gagawin! Bakit?" Ang totoo nyan wala naman talaga akong gagawin sa sabado. Gusto ko lang tingnan kung anong reaksyon nya.

"Hmm..." Wala na syang sinabi pagkatapos.

Kakadisappoint naman! Akala ko yayayain nya ako makipag-date! Hindi pa nga pala kami nakakapag-date! WAAAHH! Stupid gangster, hindi man lang mag-yaya!

Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin ng Crazy Trios. Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas ng kanyang kotse.

"Miracle," tawag nya. Lumabas na din sya ng kotse at lumapit sa'kin.

"Ano?"

"I beat him up real bad, huh?"

"Huh? Sino ang binugbog mo?"

"That guy."

Nag-isip ako sandali. Yung lalaki kanina?

"Bakit mo sinasabi sakin? At bakit mo ginawa yon?"

"Dahil ayokong may ibang basura na hahawak sa'yo," naka-smirk na sabi nya. "Ang lakas ng loob nyang hawakan ang parte ng katawan mo na hindi ko pa nahahawakan." Tumingin sya sa legs ko at parang gusto rin nyang hawakan.

"K-Kaya mo ba sya binugbog?" Lumayo ako sa kanya.

"Oo. At gagawin ko yon sa lahat ng basura na hahawak sa'yo."

"A-Ano?!"

"Kaya kung may balak ka na makipagkita sa mga basurang katulad 'non sa sabado." Lumapit sya ng lumapit. "Mas mabuting hwag mo nalang ituloy."

"W-Wala naman akong balak na makipagkita sa ibang lalaki sa sabado!" Nakakatakot sya mag-selos! Pero ang cute nya!

"Mabuti nang malinaw."

"Teka! Nagseselos ka ba?"

"You wish." Umiwas sya ng tingin.

"Eh bakit ganyan ang reaksyon mo? Nagseselos ka 'no?"

"Hindi ako magseselos sa isang basura."

"Yiiee. Sinabi mo eh."

"Mahal mo na ba ako?" bigla syang tumingin sa akin at nagtanong ng seryoso.

"H-Huh?" Bakit ba bigla nalang syang nagtatanong ng ganyan?!

"Do you love me?" Seryoso nga sya!

"B-Bakit mo ba tinatanong 'yan?"

"Dahil nasabi ko na sa'yo na mahal kita. Ikaw?"

"A-Ah... Ehh." Yumuko ako.

Bakit? Bakit hindi ko masabi? Bakit hindi ko masagot?

"I see." Tumalikod sya at naglakad papunta sa kotse nya.

"Wait! Ano—" Hindi ko masabi!

Humarap sya sa'kin ginulo nya ang buhok ko.

"Hwag mong pilitin. Ayokong sumagot ka ng 'Oo' kung hindi ka pa sigurado."

"TOP."

"Ayos lang kahit hindi mo ako mahalin. Hwag lang," Huminga sya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "Hwag ka lang umalis sa tabi ko."

Wala akong masabi. Nakatingin lang ako sa mukha nya. Unti-unti tumingin din sya sakin. Bakit parang may kumukurot sa puso ko? Ang hirap huminga. Bakit parang...gusto kong umiyak nalang bigla?

"Can I keep you just for myself?" bulong nya. Tinignan ko lang sya. Seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa akin.

"Kahit mahulog ka sa iba? Pwede bang sa akin ka nalang?" tanong nya.

Awtomatiko akong tumango. At unti-unti syang ngumiti. Hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

"Pumasok ka na sa loob. Sleep well."

"Good night." Pumasok ako sa loob ng bahay.

TOP. I'm sorry. Siguro nga tama ka. Retarded nga talaga ako.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakapatay ang ilaw. Tulog na siguro ang tatlo.

*BLINK*

Natigilan ako at napakurap. Biglang lumiwanag. Bakit pakiramdam ko nangyari na to?

"Freak! Saan ka galing? Nakipagkita ka na naman kay Ronnie ano?" sabi ni Maggie habang nakataas ang isang kilay.

"Bendita ano'ng nangyayari dito?" sumulpot si Michie, ang dami nyang suot na alahas.

"Eh kasi Wowa itong si Agua lumalandi na naman. Inaagaw nya sa'kin si Ronnie," sumbong ni Maggie.

"Ikaw talaga Agua ka. Wala ka nang ginawa kung hindi mag-dala ng problema dito!" lumapit sakin si Michie.

"Mama! Ano'ng ginagawa nyo?" China, biglang sumulpot na may dalang pekeng barbel.

"Mercedes pagsabihan mo yang si Agua!" Michie

"Agua? Hindi sya si Agua Mama," - China

"Eh sino sya?" - Maggie at Michie

"Sya si Rosa Mama. Hindi nyo ba nakikita hindi sya kulay blue kaya hindi sya si Agua!"

"Rosa? Yung babaeng kuba?" - Michie

"Bilog nga ang bwan ngayon. Kaya pala wala ang kuba mo!" - Maggie

Tumingin silang tatlo sa'kin. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa.

"Napaka-tamad mong kuba ka! Ni hindi mo pinatunog ang kampana kanina!"

"At di mo man lang pinakain ang mga guinea pig bago ka lumandi!"

"Alam mo bang ubos na ang damo sa kulungan nila?"

"Makasarili ka!"

"Hinayaan mo silang magutom!"

Face palm. Dapat talaga di na ako nagugulat dito.

"Ano na naman ba ang ginagawa nyo 'Crazy Trios'?" seryosong tanong ko.

"Alam mo ba kung ano'ng meron bukas?" - Michie

"Ano?" tanong ko.

"Hindi mo alam?!" - Maggie

"Nakalimutan mo?!" - China

"Hindi mo maalala?!" - Michie

"Bakit ba? Ano ba kasing meron bukas?" pagod na tanong ko.

"Hmph! Wala." - Michie, nag-walk out.

"Hindi naman mahalaga kung anong meron bukas eh!" - Maggie, nag-walk out din.

Tinignan ko si China.

"Magwo-walk out ka rin?" tanong ko.

"Oo! Pero pupunta muna ako sa kusina dahil kukuha ako ng chichirya. Manunuod kami ng movie sa kwarto at hindi ka invited!" - China, nag-walk out.

Mga baliw. Syempre alam ko kung anong meron bukas. Umakyat ako sa kwarto ko para matulog. Paano ko naman makakalimutan kung anong meron bukas? Importante kaya para sa'kin 'yun.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C31
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen