App herunterladen
70.96% Schrodinger's Bane / Chapter 22: Chapter 21

Kapitel 22: Chapter 21

Zayden's POV

Halos takasan kami ng wisyo dahil sa sinabi ng doctor

Hindi nagpo-process sa amin ang mga sinabi niya lalo na ng sabihin niyang dead on arrival si Levi

Ilang oras na ang nakalipas at nandito pa rin kami sa hospital

Inaasikaso namin ang bills ni Levi para mailabas na ang bangkay niya habang naghahanap naman kami ng blood donor para kay Rye

Kahit gusto naming gawin kay Rye ang ginawa nila kay Vlaize na sa bahay lang naka admit ay hindi pwede dahil hindi kakayanin ng lagay nito

Baka nasa byahe palang kami ay nalagutan na siya ng hininga

Kasalukuyan paring unconscious si Rye

Hindi rin daw malabo na ma-coma ito pero hindi kagaya ni Vlaize ay magigising din agad ito

Hating gabi pero abala pa rin kami at naghihintay

Si Volker at Raven ay umuwi dahil ipasusundo na ni Raven si Ej para doon muna maalagaan ang bata sa tagaytay para malayo ito sa gulo

Nasa corridor kami ng hospital ni Xath

Kahit na madilim ay hindi pa rin nauubos ang mga tao na dumadaan na paroon at parito

Ang usapan namin ay pag magpapalitan kami aa pag bantay kay Rye upang lahat magkaroon ng pahinga

Tutal nasa bahay naman si Vlaize ay kung sino ang nasa bahay ay siyang magbabantay sa kaniya

Hindi rin namin alam kung paano uumpisahan at paano ipapaliwanag sa pamilya ni Levi ang nangyari sa kaniya

Umaasa kami na hindi sila magalit sa amin at maintindihan na hindi rin namin ito ginusto

Nang lapitan kami ng doctor ay agad kaming tumayo ni Xath mula sa pagkakasalampak sa sahig

"Kamusta na doc, stable na ba siya? " agad naming tanong

" He's still unconscious and unstable, base din sa result ng mga test niya ay ang laki ng damage sa katawan niya lalo sa sa right part ng katawan niya " paliwanag ng doctor pero naguguluhan kami sa sinusubukan niyang sabihin

" Anong ibig mong sabihin doc? " tanong ni Xath

" Paralyzed ang buong kanang parte ng katawan niya at sa ngayon hindi ko alam kung gagaling pa ito o hindi na pero gagawin namin ang lahat ng makakaya namin " mahabang paliwanag nito sa amin

" Magiging inutil na ba siya kung ganon? " takang tanong ni Xath kaya hinampas ko ang braso niya dahil sa tanong niya

" Gago, doc wag niyo na pansinin ang tanong niya. Inaantok lang siya at epekto din ng pagod kaya kung ano ano na ang nasasabi niya " agad kong sabi kaya naman ay sinamaan niya ako ng tingin

" Ililipat na namin siya sa icu, maiwan ko na kayo " paalam ng doctor

Nang makaalis ang doctor ay tinitignan parin ako ni Xath ng masama

" Masama ba yung tanong ko? " asar na tanong niya sa akin

" Oo gago para mong sinabi na mawawalan na ng kwenta buhay ni Rye " sagot ko naman

Hindi ko alam kung matatawa o maasar ba ako sa tanong niya kanina

Nang makaramdam ako ng gutom ay inaya ko muna si Xath na lumabas para kumain dahil marami namang kainan sa labas

Habang kumakain kami ay tumawag si Astra na nagtatanong kung ano na ang lagay ni Rye

Ramdam ko ang awa niya dahil sa mga sagot niya habang sinasabi ko lahat ng sinabi ng doctor kanina

" Wala pa rin pala tayong nahahanap na blood donor " paalala ni Xath

Nahihirapan kaming humanap ng blood donor dahil ang dami din nangangailan nito sa loob ng hospital ngayon

Tila napakasama ng timing

Magmamadaling araw na at wala pa rin kaming tulog ni Xath

Paniguradong pag uwi ay matutulog kami ng matagal tagal nito

mag aalas kwatro na ng madaling araw ng dumating si Azure at Gio

Sa tingin ko ay sila ang papalit sa amin

Dahil mula ng mailipat si Ry ng icu ay hindi pa namin ito nakikita ay naisipan muna namin siyang puntahan bago umuwi

Dahil icu nga 'yon ay hindi pwedeng crowded o marami ang papasok ng sabay sabay

Dapat ay isa isa lang at mag sanitize muna

Nauna si Xath at ako naman ang sunod

Pag pasok ko at ng makita ko si Rye ay halos maluha ako dahil sa nakita ko

Ang daming nakalagay sa katawan niya

May mga tubo rin at ang daming aparato na nakakabit sa kaniya

May mga sugat at pasa din

Sobrang naawa ako sa itsura niya dahil tila ba ay na torture siya dahil sa itsura niya

Halos hindi ko siya makilala dahil sa lagay niya

Sabi ng doctor ay kahit wala siyang malay maririnig niya ang mga sasabihin namin at makakatulong daw 'yon sa kaniya

" Hoy Rye magpagaling ka agad, walang maghuhugas ng plato natin. Hindi rin bagay sayo ang pag iitsura mo ngayon, magpapitan kami sa pag bantay sayo bilisan mo gumaling "

Matapos kong magpaalam sa kaniya ay lumabas na ako

Hindi ko kayang magtagal doon at makita pa ang lagay niya

Para akong dinudurog sa nakikita k

Naawa ako sa kaniya pero ano bang magagawa ko? wala naman

Nang makalabas ako ay nagpaalam na kami ni Xath sa dalawa at umuwi ka agad

Masyado kaming pagod para gumawa pa ng ibang katarantaduhan o dumaan pa kung saan

Baka madisgrasya pa kami at mauna pa mamatay kaysa kay Rye

Nang makarating kami sa bahay ay tulog daw si Raven at Volker

Si Astra naman ay nasa kwarto ni Vlaize

Dumiretso ako ka agad sa kwarto at naligo para makatulog ng matiwasay

Pero bago ko ipikit ang mata ko ay naalala ko bigla ang pag uusap namin ni Rowie

Sa dami ng nangyari ay nakalimutan ko bigla ang bagay na 'yon

Kahit gusto ko siyang kausapin tungkol doon ay hindi ito ang tamang oras at pagkakataon para pag usapan ang mga ganong uri ng bagay

Inaamin kong natuwa ako nung nalaman kong gusto niyang itama ang mga maling nagawa niya at gusto niyang magsimula muli

Kahit may parte pa rin sa akin na gusto niyang papasukin ulit sa buhay ko ay alam ko sa sarili ko na hindi naman na rin magiging katulad ng dati kung sakali mang susugal muli ako

Naguguluhan din ako sa mga bagay bagay

Pero sa isang bagay ako pinakasigurado

Wala na akong babalikan pa


next chapter
Load failed, please RETRY

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C22
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen