Third Person's POV
Bakas ang pagkadismaya sa mga mukha nila nang makaalis si Zurich
Si Zurich naman ay abot abot ang pagsisisi
Pero huli na para pagsisihan niya pa ang mga bagay na ginawa niya laban sa mga kaibigan niya
Kahit na nilalamon siya ng kunsensya niya ay wala na siyang magagawa
Dahil tila kinamumuhian na siya ng mga taong minsan siyang tinuring na kapamilya
Nang makaalis sa bahay ng Schrodingers ay dumiretso patungo sa isang gusali ang dalaga
At doon naabutan niya ang dalawang binata na dahilan ng mga nagawa niya kasama ang hindi kilalang binata
" Saan ka galing? " baling ng isa sa kambal
" Sa kanila " simpleng sagot nito na kinangisi ng isa
" Bakit para kang nalugi? " tanong ulit nito
" Wag mo nga akong inuusisa " inis niyang sagot at tatalikod na sana ng muli ay nagsalita ang binata
" Nabisto ka na, huli na ang lahat para magsisi ka pa. All you should do ay panindigan at tapusin ang sinimulan mo " tumindig naman ang balahibo niya dahil sa sinabi ng binata
Pero alam niya sa sarili niya na tama nga ito
Kaya't hindi na siya umimik pa at tumalikod na
Palabas na siya ng gusali nang makasalubong niya ang dalagang isa rin sa kanila
Tumingin ito at inilingan lang siya
Binabalot siya ng lungkot at kahihiyan, lungkot dahil nadismaya niya ang mga kaibigan at kahihiyan dahil sa ginawa niya.
Sa kabilang banda naman ay puno parin ng tanong ang mga isip ng kaibigan nila Zayden
" Naguguluhan ako " buntong hininga ni Rye
" Ipaliwanag niyo nga " dagdag pa ni Levi
Huminga ng malalim si Azure at nag simulang magpaliwanag
" Napansin ko nito mga nag daang linggo ay masyadong mabilis ang mga nangyayari at parang bawat gagalaq tayo ay may nangyayari agad na hindi maganda, kaya napaisip akong may traydor sa atin. Nung cremate naman ni Madi ay kinausap ako ni Raven tungkol dito, sa hindi ko rin alam na dahil ay nalaman niyang iisang tao ang pinaghihinalaan namin. Pero sinabihan niya akong wag muna mag sabi sa inyo hanggang wala pang patunay " mahabang paliwanag ng binata sa mga kaibigan
" Ayaw pa rin mag sink in sa utak ko ng nangyayari " iling iling ni Gio
" Ano pa kaya ang mga mangyayari habang wala pang malay si Vlaize " buntong hininga ni Xath
" Siguro ay pinagkaka isahan tayo ng mga nakaaway natin noon " Zayden said out of the blue
Lahat sila ay napaisip dahil sa sinabi ni Zayden
Alam nilang may kaniya kaniya silang atraso sa iba ibang tao
Kaya hindi na sila magtataka kung malalaman nilang pinagkakaisahan na nga sila
Lalo pa babaero ang iba sa kanila at ang iba naman ay palaging may kaaway
Tahimik silang nakaupo sa sala ng lumabas ang nurse mula sa kwarto ni Vlaize at nagsabing ipinatatawag daw sila ng doctor
Si Xath naman ay nagtungo sa taas para tawagin muna si Raven bago sumunod
Nang lahat sila ay nasa loob na ay iisa lang ang tanong na nasa isip nila
' Maayos na ba si Vlaize? '
" Doc bakit mo kami pinatawag? " agad na tanong ni Levi
The doctor took a deep breathe before he spoke
" She's getting worst, hindi nakikipag cooperate ang katawan niya. May nakita rin akong baradong ugat sa ulo niya " malungkot na paliwanag ng doctor sa kanila
" Mamamatay na ba siya? " agad na tanong ni Rye
Kaya binatukan siya ni Gio at napadaing naman ito
" Tumigil kayo " saway ni Astra ng umamba si Rye na gaganti
" Bumabagsak ang vitals niya, sa tingin ko ay matatagalan pa bago siya mag karoon ulit ng malay " dagdag pa ng doctor na kinabagsak ng mga balikat nila
" Sa tingin mo doc how long will it take for her to wake up? " curious na tanong ni Raven
The doctor sighed before answering honestly
" It might took a year or so, maari rin na hindi na siya magising pang muli " malungkot na anunsyo ng doctor sa kanila
Lahat sila ay nanlumo sa sinabi ng doctor
All they can do is pray and hope that she gets better as early as possible
Nagpaalam naman ang doctor at iniwan na sila
Araw araw ay pinupuntahan ng doctor si Vlaize
" Could it get any worst? " buntong hininga ni Zayden
" Kung taon ang bibilangin bago siya magising, buhay pa tayo pag dating ng araw na 'yon? " tanong ni Rye
Nagsisimula ng mag overthink ang binata
" Paano kung pag gising niya ay naubos na tayo? " dagdag na tanong ni Levi
" Wag kayong panghinaan " pagpapalakas ni Azure sa loob ng mga kasama niya
Maraming tanong ang tumatakbo sa utak nila
Hindi nila maiwasang mag isip na paano nga kung wala na sila pag dating ng araw na gigising si Vlaize
Buong araw ay naging matamlay sila
Si Zayden ay kagaya ng palaging ginagawa ay umiinom ito
Si Gio naman ay binabalik balikan ang mga alaala nila mi Madi nung nabubuhay pa 'to
Nabalikwas sila ng tumunog ang doorbell nila kasunod noon ay ang pagpasok ni Rye kasama ang pamilyar na lalake
May dala itong mga gamit na tila ba doon na siya titira
Lahat sila ay nagulat ng makita ito, dahil hindi nila alam na babalik na siya mula sa hometown nito
Nagkataon pa ay magulo ang sitwasyon ng dumating ito
" Bakit para kayong nakakita ng multo, anong nangyari sainyo? " tanong ng dalaga sa kanila
" Nagulat lang kami at nandito ka na " sagot ni Levi
" Are you gonna stay for good? " tanong ni Astra
Pero umiling ang binata
" Just a month or so. Depende, namiss niyo ba ako? " tanong ng binata sa kanila
" Kailangan ka namin wag ka muna mag gala masyado " buntong hiningi ni Azure
May nagmamasid sa kanila mula sa malayo, at alam din ng mga na dumating na ang isa pang tao na siguradong makakatulong sa kanila.
" Bakit hindi mo sinabing babalik na pala ang isang 'yon? " tanong ng isang binata kay Zurich habang pinagmamasdan nila ang mga dati nitong kaibigan na kinakausap ang bagongdating na binata
" Hindi ko rin alam na darating siya " tanging sagot nito
" Who's that guy, you're talking as if he's a big threat " sabi maman ng isang babae
" He is, a big one " sagot ng kakambal ng isang binata
" Hindi ko siya kilala " sagot ng kasama nilang babae
" He's also one of them, Volker Schrodinger "