App herunterladen
73.91% Salamin [BL] / Chapter 34: Salamin - Chapter 34

Kapitel 34: Salamin - Chapter 34

"Kuya naman anong biro nanaman iyan? Magagalit si babe mo niyan sa iyo." ang biro kong pilit tinatago kung anong damdamin ang biglang sumabog sa aking dibdib. Nalungkot si Simon sa aking sagot. Ibinalik niya ang pagkakasubsob niya sa aking dibdib at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Kuya... mahal na mahal kita. Huwag mo naman sukatin oh." ang pakiusap ko sa kanya. Hindi siya sumasagot. Humigpit lang lalo ang yakap niya sa akin.

"Biro lang. Ito naman." ang sagot niya makalipas ang isang saglit.

"Mahal ko si Rodel. Kahit sinaktan na niya ako. Kahit iniwanan niya ako. Alam ko lahat may dahilan pero babalik pa rin siya sa akin." dagdag ko pa.

Isang katahimikan ang nanaig sa buong silid hanggang umawit siya bigla ng walang musika.

Natauhan ako sa linya ng inawit ni Simon. "Tama siya, ano nga ba talaga ang namamagitan sa aming dalawa? Kaibigan? Kapatid o higit pa?"

Tumingala si Simon muli sa akin at pinagmasdan ang aking mukha ng kanyang mga nangungusap na mga matang nagmamakaawa.

"Denial? H-hindi... wala akong tinatanggi. Alam kong si Rodel ang mahal ko. Kapatid lang si..." ang wika ko sa aking sarili habang nilalamon na ako ng mga titig ni Simon. Bumibilis na ang tibok ng aking dibdib. Alam ko ang ganitong pakiramdam ngunit pilit ko itong tinatangging muli.

"Kaya mo ba ako pinaaawit palagi ng mga pili mong kanta? Iyon ba ang mga ibig mong sabihin sa akin? Lalo na ang 'Crazy Over You'?" ang mga tanong na gustong lumabas sa aking mga labi. Hindi ko mabigkas ang mga salita. Nahahaluan na ng matinding kaba ang aking damdamin.

"Mahal ko si Rodel! Babalik din siya! Natakot lang siya pero alam kong mahal niya ako at ipagtatanggol niya rin ako balang araw! Siya ang dahilan kung bakit hindi ko kikilalanin ang pagiging Elizalde ko!" ang sigaw ng aking nagtatalong damdamin.

"Kaya ba mas gusto mong katabi kita matulog palagi? Kaya ba mas ginusto mong lagi mo akong kasama kahit saan ka magpunta? Kahit sa date niyo ng pamangkin ko? Paano na ang pamangkin ko kung ikaw ang totoong pagkatao sa likod ng mukhang aking tititignan ngayon?" ang mga salitang gusto ko nang sabihin kay Simon ngunit nawawala na ako sa mapupungay niyang mga mata.

"Kaya ba nung mga gabing bago tayo matulog sa mga lumipas na araw nung maging magkapatid na tayo at wala pa akong sariling kwarto pinapakuwento mo sa akin lagi ang pinagsaluhan namin ni Rodel? Para ba pakinggan lang ang aking damdamin o para alamin kung paano ako mahalin ni Rodel? Kuya... ano ba talaga ang nasa isip mo?" ang bulong ko pa sa aking sarili habang unti-untian nang namumuo ang mga luha sa aming mga mata. Naunang tumulo ang akin at agad niyang sinalo ito ng kanyang daliri na parang pumindot lang ng langgam na dumapo sa aking pisngi.

"Bakit nga ba ako nandito ngayon? Bakit nandito pa rin ako ngayon kasama si Simon? bakit ganito ang pagpapahalaga ko sa kanya kung kailangan ko lang makaraos sa kahirapan kung ngayong alam ko na isa pala akong Elizalde? Bakit pa ako nandito kung si Rodel lang ang dahilan? Bakit hindi ko siya hinabol at agad na pinuntahan? Ano ba talaga ang nangyayari sa akin?" ang tanong ko sa aking sarili habang umiinit na ang aking dibdib sa kaligayahan habang nasa tabi ko si Simon.

"Kuya, bakit ang gulo ng kwarto mo?" tanong ko para maiba ang aming usapan matapos niyang umawit at isubsob muli sa aking dibdib ang kanyang mukha.

"Ihihihihihi... nagalit kanina nag-away sila." ang boses batang sagot sa akin ni Simon na aking ikinabigla. Agad niyang ihinarap sa akin ang kanyang mukhang may pilyong ngiti. Nagimbal ako sa aking nakita't naitulak palayo ng kaunti si Simon.

"Kuya Jasper? Bakit? Galit ka ba sa akin? Bakit mo ko nitulak?" ang parang sinasapian ng batang santo na mga tanong ni Simon. Lumayo siya sa akin at bumaba ng kama. Sa mga nagbagsakang aklat ay may hinanap siya.

Tulalang pinanood ko lang siya sa kanyang ginagawa hanggang mailabas niya sa mga kalat ang kanyang sketch pad. Agad siyang nagtatakbo sa computer table niya di alintana ang bubog na kanyang mga naaapakan. Hinila niya ang upuang nakasuksok sa ilalim nito at umupo na parang bata. Sa drawer ay may kinuha siyang mga crayola at nagsimulang gumuhit habang humuhuni na parang naglalaro lang na mag-isa.

Naawa ako kay Simon. Hindi na gumaganda ang lagay ng utak niya. Hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin para matulungan siya.

Patago akong lumabas ng silid at sinarado ang pinto pagkalabas. Una kong tinungo ang silid ni Brian ngunit sa di kalayuan ay puna kong bukas ito at patay ang ilaw.

"Wala nanaman yung mokong na iyon. Puro na lang gimik sa gabi!" ang inis kong sinabi at tumungo na lang sa kwarto sa ibaba ng mga katulong namin at sila'y inutusang linisan ang silid ni Simon.

Pinanood ko sila sa paglilinis sa mismong bukas na pinto ng kwarto. Si Simon, walang pakialam sa mundo, gumuguhit at humuhuni tulad ng pagkakaiwan ko sa kanya kanina. Di pansin ang aming mga kasambahay na nagwawalis, nagliligpit, at naglalabas ng mga nasirang gamit.

"Kuya, kuya, kuya... samahan mo naman ako dito oh." ang tawag niya sa akin nang hindi ako nililingon kung saan man ako nakatayo sa mga oras na iyon. Nagdalawang isip akong lumapit sa kanya ngunit nakuha niyang makuha ang aking tingin.

Binuhat niya ang kanyang sketchpad at crayola. Parang di niya nakikita ang mga taong nasa siliid na tumungo sa ibabaw ng kaaayos pa lang na kama. Dumapa siya sa ibabaw at gumuhit habang humuhuni. Naglalaro ang kanyang mga nakataas na paa. Naglalaro sa hangin.

"Kuya... tabihan mo ko dali." ang anyaya niya. Napansin kong ang isa sa mga aming katulong ay napatingin sa kanya at umiling.

"Tama na. Bukas na lang yung iba. Salamat." ang utos ko sa mga katulong at isa-isa silang lumabas ng silid. Ang iba'y bitbit ang mga kalat na hindi nila natapos ilabas ng silid. Linapitan ko si Simon at umupo sa gilid ng kama.

"Kuya, mahal mo ba si kuya?" ang tanong ng batang isip na si Simon.

"Huwag ka ngang ganyang Simon. Mahal ko kayo ni kuya. Kayo kumupkop sa akin at tinuring ko na kayaong pamilya." ang malambing kong sagot sa kanya sabay hapolos ng kanyang buhok. Napatingin ako sa kanyang nakataas na mga paa at napansing nagdurugo na ang ilang bahagi nito na nakatapak ng bubog.

"Hindi siya nasasaktak?" ang awang awa kong tanong sa aking sarili sabay hawak sa magkabilang paa ni Simon. Bumaling ng tingin sa akin si Simon sa aking ginawa.

"Kuya ano yun?" ang tanong niya.

"Hindi ba masakit paa mo?"

"Hindi." sabay ngiti siya at ibinalik ang kanyang atensiyon sa kanyang ginagawa.

"Ikaw talagang bata ka. Magagalit ako sa iyo niyan eh." ang sabi ko sabay tayo sa kama at tumawag ng katulong upang kumuha ng first aid kit at pwede kong magamit na pambunot ng mga bubog na naiwan sa paa ni Simon. Hindi ako bumalik sa tabi ni Simon hanggang di nila sa akin iniaabot ang aking hinihingi.

Sa pintuang bukas kung saan ako nakatayo habang naghihintay. Pinanood kong muli si Simon, awang-awa at wala akong magawa. Nag-iisip kung ano ang aking pwedeng gawin upang matulungan siya. Buong sandali akong nasa ganoon hanggang sa dumating na ang aking hinihintay.

"Sir, tumawag po dito si Don Amante. Pumunta daw po kayo bukas sa bahay nila." ang wika sa akin ng aming kasambahay habang inaabot sa akin ang first aid kit.

"Salamat." ang sagot ko sa kanya sabay sarado ng pintuan bago bumalik sa tabi ni Simon na tuloy lang sa kanyang ginagawa. Inihanda ko na ang bulak, microbicide na povidone-iodine, at gasa bago ko ibinaba sa aking hita ang isa sa kanyang mga paa.

"Konting tiis lang Simon, medyo masakit ito." ang sabi ko sa kanya ngunit di niya ako pinansin. Idiniin ko ang kanyang paa sa aking hita at isa-isa nang tinanggalan ng bubog. Taliwas sa aking akala, hindi siya dumaing sa aking ginagawa hanggang sa malagyan ko na ng gasa ang magkabila niyang mga paa. Niligpit ko ang aking mga ginamit at ibinaba ito sa gilid ng kama.

"Tapos na!" ang sigaw niyang masigla. Gamit ang makabila niyang kamay ay ibinandera niya sa akin ang kanyang ginawa.

Isang larawang tipikal na magagawa ng isang preschool ang aking nakita. Isang bahay, may katabing puno, at sa gilid ay may dalawang pares ng batang magkahawak kamay.

"Sino yung mga bata?" ang tanong ko.

"Ikaw at si kuya."

"Bakit sila magkahawak kamay?"

"Ikakasal na sila bukas!"

"Sabay sila ikakasal?" ang tanong kong kunwari'y nagpapakita ng interes sa kanyang ginawa.

"Opo! Si kuya Simon at si kuya Jasper!" ang masaya niyang sinabi na parang nagkukuwento lang habang tinuturo ang isa sa pares ng mga bata sa kanyang larawan. Hindi ko malaman kung lalaki o babae ang kanyang mga ginuhit.

"Ayos din tong batang ito ah." ang nasabi ko sa aking sarili.

"Sino yung dalawa pa? Bakit wala si ate Alice mo?" ang tanong ko.

"Si ate Alice..." ang masiglang kwento pa niya at mabilis na nagblanko ang kanyang mukha.

Napaigtad ako sa nangyari.

"A-aalis na ako dito. Matutulog na ako." ang kinakabahan kong paalam.

"At bakit nandito ka nanaman?! Lumayas ka nga dito! May sarili kang kwarto! Punta ka ng punta dito! Isusumbong kita kila mommy at daddy sa mga ginagawa niyo dito!" ang sigaw ni Simon habang nanlilisik ang mga galit niyang mga matang nakatitig. Para niya akong lalamunin. Para siyang mamamatay tao.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at agad na nagkulong sa aking silid. Pabagsak akong humilata sa ibabaw ng kama. Nagbalik ang lahat ng pagod ko sa buong araw kanina. Mabilis akong nakatulog ngunit nanatili sa aking isipan ang dawalang tanong.

Kinabukasan, nagising ako ng mabibilis na mga katok sa likod ng pintuan ng aking silid. Bigla akong napabangon sa aking kama at dilat na dilat na tinitigan ang pintuan.

"Hoy! Buksan mo yung pinto! Bakit ka naglalock?! Galit ka nanaman ba sa akin?!" ang tinig ni Simon sa likod ng pintuan.

"Hindeeeee!!!! Natutulog pa akoooo!!! Patulugin mo muna ako kuyaaaaa!!!!" ang sigaw ko sabay higa muli sa kama. Hindi pa rin tumigil si Simon sa pangangatok.

"Buksan mo pinto mo! Tabi tayo!" ang sigaw niya.

"Ayokooo!! Kukulitin mo nanaman ako ehhh!!!" sabay takip ko ng unan sa aking ulunan.

"Manang! Paabot nga ng susi ng kwarto ni Jasper!!!!" ang sigaw niya. Muli akong bumangon sa aking narinig at padabog na naglakad at binuksan ang pintuan.

"Manang!!! Huwag na!!! Bukas na pintuan ni Jasper!! Salamat!!!" ang sigaw niya sa aking harapan. Halos mabingi na ako sa lakas. Abot tenga ang kanyang ngiti habang kabaligtaran naman ang nakapinta sa aking mukha.

"Oh? Bakit ang aga-aga ang mukha mo hindi na maipinta?" ang pang-aasar niya habang ginugulo ang aking magulo nang buhok.

"Buti na lang out-of-bed hairstyle mo, bunso. Lalo kang gumagwapo pag lalong gumugulo buhok mo." ang pang-aasar pa niya.

"Kuya naman eh!!! Ang aga-aga naman kasi kung mambulabog ka. Teka, bakit ka nakabihis? May date kayo ni Alice?" ang wika ko ng mapuna ko ang itsura niya at nilanghap na gamit niya pa ang paborito niyang pabango.

"Oo eh. Sama kita. Dali! Bihis na!" ang makulit niyang sagot sa akin sabay tulak ng marahan sa akin pabalik sa kwarto sabay ng kanyang pagpasok.

"Hintayin na kita. Kung hindi ka magmamadali ikaw ang paliliguan ko." ang maharot niyang sinabi sa akin.

Hindi ko na siya sinagot at nagmadali na lang na kinuha ang aking tuwalya at sinunod ang kanyang sinabi. Pagkatapos maligo at lumabas ng palikuran ay agad kong ibinaling ang tingin sa kanya.

"Grabe! Isang oras pa rin! Tagal mo maligo!" ang alaska niya habang nakaupo sa kama at nakatingin sa akin.

"Panonoorin mo kong magbihis kuya?" ang tanong kong inis na sa kanya.

"Bakit? Ano masama? Magkapatid naman tayo ah? Parehas naman tayong lalake. Isa pa, nakita ko na yan kaya huwag ka na mahiya." ang sagot niyang lalo kong kinainisan. Nakatalikod akong nagbihis sa kanya at wala siyang ginawa kung hindi ang tumawa.

Matapos kong makapag-ayos ay agad namin sinundo si Alice at tumungo sa Festival Mall. Doon, agad kaming tumuloy sa Max's upang mag-almusal dahil pare-pareho pala kaming hindi pa kumakain at magtatanghali na.

Tulad ng dati, malambing ang dalawa ngunit hindi ko mawaglit sa aking isipan sa pagkakataong iyon ay hindi si Randy ang aking nakikitang lumalambing kay Simon. Nang kami ay matapos kumain, kinuha ni Simon ang mga kamay ni Alice at itinaas ito habang ang kanyang mga siko'y nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Sa itsura ng mukha ni Alice, mukhang alam na niya ang gagawin ni Simon sa mga oras na iyon. Binalot siya ng kitili at halata sa kanya ang nag-uumapaw na landi.

"I love you!" ang wika ni Simon sa kanya at inilapit sa mga kamay ni Alice ang kanyang labi at ito'y kanyang hinalikan.

"Ohohohoho my gosh!! I love you too babe!!" ang malanding sagot ni Alice sa kanya at nagsimulang mamula ang kanyang magkabilang pisngi.

Inilipat ni Alice ang kanyang tingin kay Simon patungo sa akin.

"Tito! I can feel it! Can you? The love! Oh my!" ang sabi niya sa akin na halos mangisay sa kilig. Sibangot lang ang aking ibinalik sa kanya na parang nabubuwisit.

"Huwag mo nga akong tawaging 'tito'! Nakakadiri! Balik mo na lang yung dating tawag mo sa akin, please?" ang utos ko sa kanya. Parang wala lang siyang narinig na nakipagtitigan kay Simon. Inilipat ko kay Simon ang aking tingin at muli nakita ko na ang dating angas at dating ni Randy.

"Huwag ka na kasi umalis sa katawang iyan. Napakachikboy mo! Si Brian, Si Alice, tapos ngayon ako?!?!?" ang inis kong bulong sa aking sarili habang tinititigan si Randy at nakataas ang aking kaliwang kilay.

"Nga pala... Ti.. Jasper, any news about Rodel?" ang tanong sa akin ni Alice matapos niyang ilipat sa akin ang kanyang tingin. Nakahawak pa rin ang kanyang mga kamay kay Simon na ngayon ay hinahalik-halikan na.

"Wala eh, umalis na daw siya dun sa tinutuluyan niya. Aalis na rin yun pabalik ng US. Sana nga nakapag-usap man lang kami." ang sagot ko sa kanyang dama ang pagkadismaya.

"Lolo had been rough about it. I'm sorry for you, tito." ang malungkot niyang sagot sabay hila ng kanyang kamay mula kay Simon at ibinaba ito sa kanyang gilid.

"Sinabi nang huwag 'tito' eh. Nga pala, pupunta ako sa kanya mamaya. Mag-usap daw kami. Nakapagdesisyon na ako. Hindi ako aalis kila Simon." ang sagot ko at nang marinig ni Simon ang kanyang tunay niyang pangalan ay agad na kumunot ang kanyang noo.

"Ay sorry, ano pala. Hindi na ako aalis, sinabi ko na kay mommy kagabi. Pero kung gusto talaga ni Tito Amante, eh... Ah basta... mamaya na lang... kakatapos lang natin kumain eh." ang sagot ko sa kanya. Hindi naman mahalaga kahit sabihin ko kay Alice kaya't mas mainam na si Don Amante na lang ang makarinig ng aking pasya.

"T-Talaga?!" ang tanong ng kanina pa palang nakatingin sa akin na si Simon. Nawala sa kanyang mga tingin si Randy. Pakiramdam ko, si Andrew o si Simon na ang aking kaharap.

"Pero, sino sa kanila? Sino si Miguel?" ang tanong ko sa aking sarili nang maalala ang persona na kahalikan ni Brian. "Sino sa kanila ang tunay na hindi lalaki? Si Andrew? Si Simon? o si Miguel?" ang dagdag ko pa. Naguguluhan na ako.

"Huy! Tinatanong kita." nakuha ulit ni Simon ang aking ulirat.

"Oo nga. Ayaw mo ba?" ang tanong ko sa kanya ngunit di na siya sumagot. Nalungkot naman si Alice sa kanyang narinig. Tingin ko, naipit ako sa lagay na ito dahil sa hiniling niyang magpaampon ako sa mga Tiongco. Hindi na sana nagkaganito ang aking mundo.

Naglakad-lakad kami sa buong mall matapos magpababa ng kinain. Tulad ng dati, si Alice, maraming pinamili. Hindi kami natigil sa pag-iikot sa buong mall hanggang hindi napapagod ang mga paa ni Alice. Matapos doon ay agad kaming tumungo sa bahay ni Don Amante. Sa sala, kaming tatlo ang kasama niya bukod sa dalawa niyang mga alalay.

"Jiho, hindi ko pa nakakausap muli si Mrs. Tiongco pero gusto ko na malaman ang pasya mo. Hindi ko lang talaga matatanggap na makipagrelasyon ka sa kapwa mo lalake." ang matigas na pananalita ni Don Amante sa akin. Tahimik naman nakikinig si Alice at Simon na magkatabi sa kabilang sofa kung saan kami ni Don Amante ay magkatabi. Abalang nakikinig lamang sila sa magiging takbo ng aming usapan.

"Tito, nakausap ko na po si mommy kagabi. Sana'y pagpasensiyahan niyo na po pero tanggap ko na po na isa nila akong anak at masaya ako sa kanilang pangangalaga. Kung gusto niyo po bilang Elizalde gagamitin ko na po ang pangalan ng ating angkan." ang nahihiya kong sinabi sa kanya habang hindi makatingin sa kanya ng tuwid. Agad sumama ang mukha ni Don Amante, hindi nakuntento sa aking sagot.

"You leave the Tiongco or never bear the name at all!" ang sigaw niya.

"Inaasahan ko na pong sasabihin niyo iyan. Tanggap ko na rin po kung itatakwil niyo ako. Ipinanganak akong hindi alam ang tungkol sa bagay na iyan. Namatay ang ina ko ng di gumagamit ng isang kusing sa kayamanang mayroon ang ating angkan. Salamat po tito pero masaya na ako sa buhay ko ngayon bago ko pa malaman ang tungkol diyan. " naiinis na ako. Kahit pigilan kong maging magalang ay di ko na naiwasang tumaas ang aking tono at mawalan ng respeto ang aking pananalita.

"Mahal ko na rin po si Simon.." ang aking biglang naidagdag ngunit napigil sa pagsabat ni Don Amante.

"You are an Elizalde by blood and you can't deny that! I'll have to force you to return to this house!" ang galit na sigaw niya sa akin. Napayuko na si Alice sa kaba at ganun din si Simon.

"Kung para mabuhay lang na ayon sa sinasabi niyo, hindi na lang din! Nagsumikap ako sa lahat ng bagay para lang mabuhay kami ni inay! Kahit lumaki ako sa kahirapan naging masaya naman ako! Tinanggap ako ni ina bilang ako! Kaya kung sa tingin niyo kayamanan lang ng angkan natin ang habol ko, nagkakamali po kayo! Mas gugustuhin ko nang dalin ang apelyidong Tiongco o Gil dahil naging tao ako kesa sa isang mayamang dadalhin ang apelyidong kokontrol sa pagkatao at buhay ko! Bakla ako at wala kayong magagawa sa pagkatao ko dahil ipinanganak ako ng kapatid mo ng ganito!" ang mabilis kong nasabi sa matinding galit.

"Walang galang! Walang modo! Walang utang na loob! Ikaw na itong kinukupkop ikaw pa itong...!!!" ang sigaw niya pabalik sa akin sabay tayo sa kanyang upuan upang sana'y pagbuhatan na ako ng kanyang kamay.

"Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit kinalimutan ni ina ang pamilyang ito. Alam ko na rin ngayon kung bakit hindi pa rin siya bumalik kahit wala na sina lolo at lola. Kalimutan niyo na lang din na natagpuan niyo! Hinding hindi ko na rin ituturo kung saan nakaratay ang bangkay ni inay kung dadalhin niyo lang siya sa pamamahay na ito!" ang sigaw ko sabay tayo sa upuan at naglakad palabas ng bahay ng mabilis.

Nang maabot ko ang gutter sa labas ay agad akong umupo doon. Hindi lumipas ang ilang sandali ay narinig ko ang mabilis na patakbong mga yapak ni Alice at Simon na sumunod pala sa akin.

Agad akong hinawakan ni Alice sa balikat at sinabing "Jasper! Si lolo inaatake!"

Mabilis akong binalot ng takot at pangingilabot. Sinisisi ko ang aking sarili habang nakapako ang aking tingin sa aking pamangkin na halos pumatak na ang mga luha sa takot. Parang natuyo ang aking lalamunan dahil hindi ako makapagsalita.

"Jasper, may sinabi ka kanina hindi mo natuloy. Tungkol sa akin?" ang tanong naman ni Simon na parang walang pakialam sa mga nangyayari dahil abot tenga ang ngiti sa kanyang mga labi.

"A-ano? Ha? Kuya?" ang mga tanong ko sa kanya matapos kong ilipat sa kanya ang aking mga tingin. Kinakabahan at naguguluhan kung sino sa kanilang dalawa ang aking iintindihin.

"Mahal mo ko di ba?" ang tanong niya na sinagot ko ng patango na bigla naman kumuha ng atensiyon ni Alice kaya't agad itong napatingin sa kanya. Ibinaling ni Simon agad din ang kanyang tingin nang mapansin ito sa gilid ng kanyang paningin.

"Babe, it's not time for that now! You can spend your life time asking your brother if he loves you or not! Stop kidding! Lolo is in serious situation now!" ang natatakot niyang sinabi kay Simon.

"If that's the case, since being cold to you for the past year isn't enough then let me do it for the two of us." ang sagot sa kanya ni Simon na ikinalaki ni mata ni Alice. Nagulat din ako sa kanya ngunit pinangunahan ko na siya.

"Kuya! Ano ba!" ang sabat ko sa kanya sabay tayo at hinawakan sa kamay si Alice.

"Alice, tara puntahan natin si tito." ang yaya ko sa kanya. Nanatili lang nakatingin si Simon kay Alice.

"Alice. Let's stop this. It's over. Ayoko na magpanggap."

Nagulat kami ni Alice sa kanyang sinabi. Sa bilis ng pangyayari, agad siyang nilapitan ni Alice at sinampal ng malakas.

Bumuhos ang kanyang mga luha. Simon naman ay kahit napaharap na sa banda kung saan dinala ang kanyang mukha ng pagsampal ni Alice ay abot tenga naman ang ngiti.

Parang gusto kong maglaho sa harapan nila. Hindi ko mawaglit sa aking isipan na ako ang dapat sisihin sa dalawang sabay na nagaganap.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C34
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen