App herunterladen
56.52% Salamin [BL] / Chapter 26: Salamin - Chapter 26

Kapitel 26: Salamin - Chapter 26

Isang seryosong tingin ang ibinalik ni Randy sa binatang humihingi ng yakap mula sa kanya. Iba na ang dating ng aura ni Randy sa akin. Sa isang iglap ay nawala ang binatang puno ng sigla at lambing. Hindi ko rin maramdaman ang dating Randy na ubod ng yabang sa mga oras na iyon. May nagbago sa kanya ngunit hindi ko malaman kung ano iyon.

"Why did you have to go back here? Don't you have a house nearby?" ang hindi magandang pagtanggap nito sa lalaki.

"Come on, Simon. It has been a long time. Can we just forget the past?" at ibinaba niya ang kanyang mga nakaabot na bisig upang ipamulsa ang magkabila niyang kamay.

"I've forgotten everything until you returned." sagot ni Randy sa kanya sabay bato ng kawak niyang bola sa mga halamanan at habang pababa na ang kanyang mga kamay ay agat itong bumilog ng pagkahigpit upang ang mga ito'y magsilagatukan.

"Pinatay mo ko!" sigaw bigla ni Randy sa kanya at bilgang lubos na nanlilisik ang mga mata niya ngunit agad itong nawala sa kanyang mukha matapos ang ilang segundo. Nakakakilabot ang boses at dating ni Randy. Pakiramdam ko'y hindi na si Randy ang aking nasa harapan.

"Um.. I'm sorry to interrupt but I have to go home now." sabat ko upang umiwas sa maaaring maganap. Lumingon sa akin ang dalawa samantalang si Randy ay may kakaibang titig sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na may bakas na pagtataka.

"And who are you?! What are you doing in my property?! Get out, peasant!!" ang mayabang na sigwa ni Randy. Nagulat ako sa kanyang ginawa at seryoso ang kanyang mukha na parang hindi kami magkakilala. Isang saglit ang nasayang sa aking pagtataka habang umaakyat ang dugo sa aking mukha sa hiya.

"Excuse me." lamang ang aking nasabi't yumukong naglakad papunta sa pintuan puno ng hiya at pilit itinago ang namumula nang mukha.

Gusto kong umiyak dahil sa matinding hiya. Nanliit ako ng lubos sa kanyang ginawa. Mayayaman sila at ako'y mataboreng sumisiksik laman sa mundo nila. Isan't dahilan kung bakit ayaw kong mag-paampon sa magulang ni Randy o Andrew, o Simon. Kung sino man siya, wala na akong pakialam.

Habang naglalakad palabas ng bahay ay kinuha ko ang aking telepono at tinawagan agad si Alice. Sinagot naman niya ito nang makaabot na ako sa sala ng mansyon nila Randy upang ako'y matigil sa paglalakad.

"Good morning friend! I'm on my way there na. Nasa labas na ako ng bahay ni babe." ang bati niya sa kabilang linya.

"Alice, sorry. Kalimutan niyo na ang banda at ibabalik ko ang phone na ito. Huwag niyo na akong tawagan. Kaibigan pa rin kita Alice pero hindi ko na gustong makita pa ang boyfriend mo." ang sagot ko sa kanyang nanginginig ang boses sabay baba ng tawag at hinagis ang telepono sa sofa nila Randy bago tuluyang lumabas ng bahay.

Dali-dali akong tumungo ng gate at saktong pagbukas ko ay nagkasalubong kami ni Alice. Biglang nagpalit sa matinding pag-aalala ang muna ni Alice nang ako'y kanyang makita.

"A-anong nangyari?" ang agad niyang itinanong sa akin.

"Alice? Can you come over here, my dear?" ang biglang pakiusap ng matandang si Don Amante na tuwing umaga ay nagpapahangin sa labas ng kanilang mansyon.

Agad kong pinunasan ang aking mukha ng aking palad upang pilit ayusin ang aking itsura bago humarap sa matanda. Luminon si Alice sa dako kung saan naroon ang matanda at nilapitan. Ako nama'y sumunod lang na naglakad sa likuran niya.

"Yes, lolo?" ang tanong niyang may paggalang sabay abot ng kamay ng matanda upang magmano.

"Talaga itong apo kong ito. Lagi ka napupunta dito hindi mo man lang ako dalawin. Buti pa ang mommy mo kahit abala sa trabaho tumatawag a rin sa akin palagi." ang wika ng matanda.

"Lolo mo si Don Amante?" ang tanong kong medyo nabigla.

"Hell yeah, Jasper. But I'd rather not flaunt about it. Besides, mas gusto niyang tinatawag siyang Don Amante. Parang bida lang daw sa mga action films nung panahon niya." ang sagot ni Alice habang maduwal-duwal kunwari habang sinasabing mala-bida sa isang pelikula ang tawag sa kanyang lolo.

"Pilya ka talaga, jiha. Isang bagay lamang naman iyon na matagal ko nang inaasam." ang natatawang sabat ng matanda.

"Jiho, pagpasensiyahan mo na ang apo ko. Pinalaki siya ng ganyang ng ina niyang biktima dati ng kidnapping. Mas minainam na ng maliit naming angkan ang itago ang bagay na ito mula noon. Sadyang malupit lang ang naging dagok sa aming pamilya noong dalaga pa ang ina ni Alice." ang ibinahagi naman sa akin ng matanda.

Biglang may naalala si Alice at nagtanong ng "Speaking of dagok, what happened?".

Pilit kong nagpanggap sa matanda na wala lang ang lahat at sinagot si Alice na, "Wala yun! Ano ka ba! Pikunin lang ako di ba? Isa pa, uuwi na kasi ako. May bisita sila. Nakakahiya."

"Are you certainly sure, Jasper? I know you." ang panunubok sa akin ni Alice dahil nakakaamoy siya ng kakaiba.

"Pagpasensiyahan niyo na po Don Amante. Wala lang po iyon. Mauuna na po ako baka hinahanap na po ako sa bahay." ang aking mabilis na sinagot upang makaiwas at hindi na nakasagot si Alice.

"Una na ako Alice. Mamaya na lang sa performance natin tayo magkita-kita ha?" ang paalam ko naman sa kanya sabay alis.

Umuwi ako ng bahay at kinalimutan na ang lahat. Pagdating sa bahay, nakita kong nakahandusay ang magkalaguyo sa sofa na halos hubad na ang mga saplot. Mukhang inabot ng matinding kalasingan sa aktong maglalaro na sila ng apoy. Napailing lang akong tumatawa ng patago habang pinagmamasdan sila bago tumuloy sa aking silid.

Humiga ako sa aking kama. Nakahilatang pinagmamasdan ang kisameng may kalumaan na. Naramdaman kong bigla ang pagtusok ng nakasilid na papel sa bulsa ng aking shorts at ito'y aking kinuha. Nabaling dito ang aking pansin. Paulit-ulit kong pinagmasdan at nilaro sa aking isipan kung ano ang lihim sa likod ng mga letra.

"Ganoon ba talaga siya? Anong meron? Sa school, Randy ang tawag sa kanya kahit ni Alice. Sa akin, gusto niya tawag ko sa kanya ay Andrew. Sa kanila at sa report card niya, Simon ang pangalan niya." ang sabi ko sa aking sarili habang nanatili naman ang papel sa aking harapan.

"Nakakatakot si Randy. Para siyang baliw. Alam kaya ni Alice ang tungkol dito? Bakit parang wala naman silang sinasabi. Parang wala naman silang nahahalata. Boyfriend ni Alice si Randy pero parang wala lang sa kanya. Itinatago ba niya ang lihim ni Randy? Anong lihim?" ang dagdag ko pang mga tanong sa aking sarili.

Nakatulog ako kaiisip at nagising na lang ako sa panawagan ni Mariah sa labas ng aking bintana.

"Hoy! Bakla! Gising na! Alas kwatro na! Sleeping beauty ka pa jan! Yung computer shop natin sarado pa marami nang nakatambay na bagets sa labas! Sobrang late ka na magbukas ng shop! Sayang ang kita. Yung mga papeles nga pala at titulo ng lupa niyo nilagay ko na sa aparador mo." ang naabutan kong sinabi niya nang magising ang aking diwa at pilit na tinignan siya ng aking mabigat na mga mata.

"Pasensiya na. Nakatulog lang ako." ang sagot ko habang bumabangon sa kama at pumupungas ng mata.

"May tugtog kami mamayang alas otso sa Padi's mamaya sa Metropolis. Maaga akong magsasarado ha?" ang paalam ko sa kanya nang ako'y makabangon.

"Sige, si Abet na pagbabantayin ko mamaya bago ka umalis. Siya na papalit sa iyo." ang sagot niya.

"Babalik ako sa shop para magbantay pagkatapos ng tugtog. Hindi niya matutuos ng maayos yung kita natin siguradong kukupit nanaman iyon. Baka pwedeng sabihan ko na lang yung mga parokyano natin dun na bumalik na lang magsasara na lang muna ako." ang sagot ko. Umikot lang ang mata ni Mariah.

"Hay! Sa kanya rin naman mapupunta karamihan sa kikitain natin kaya hayaan mo na kumupit para may isusumbat ako. Bakit di ka pa kasi tumigil diyang sa banda banda na iyan. Alagaan mo nga sarili mo ha? Malay mo bukas makalawa matanda na rin ako at susunod na ako kay Basilia. Wala ka nang kamag-anak ako na lang kahit di mo kadugo." ang sagot niya na aking tinawanan lang.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Patay-patay! Ayoko ng mga ganyan!" ang seryoso kong sagot sa kanya.

Tulad ng aming usapan, ako'y nagbukas na ng computer shop at nagbantay. Tulad ng dati ay pakikipagchat lang ang aking palipas oras sa pagbabantay. Nataong online din pala si Alice at agad akong kinausap sa Yahoo Messenger.

"Jasper, what happened?" ang tanong niya.

Napatingin ako sa mga customer habang hinahanap ang aking isasagot. Gusto kong malaman kung ano ang alam ni Alice.

"Umamin ka. Ano tunay na pangalan ni Randy?" ang bungad ko sa kanya.

"Ummm..." ang agad niyang sinagot sa akin.

Lumipas ang isang sandali na hindi nasasagot ni Alice ang aking katanungan. Mabilis akong nainip sa kanya.

"Simon ba?"

"Oo... Simon ang pangalan ni Randy. He likes using his alias but don't worry."

"Mag-alala para saan? Mood swing niya o biglaan pag-iiba niya?" ang diretsahan kong tanong sa kanya.

"Look, can we just talk about this later? I have your phone with me. Naiwan mo sa bahay nila Randy. Gusto kitang tawagan na lang sana parang mahirap dito sa chat."

Sa aking inis at pagkainip na malaman ang alam ni Alice ay nag-logoff ako sa chat at tumingin na lang sa malayo. Pilit inaalis ang aking isipan sa boyfriend ni Alice.

Sumapit ang alas-sais at ako'y maghahanda na sa aking lakad.

Tumayo ako sa aking upuang kita sa lahat ng mga umaarkila ng mga computer at pumalakpak ng limang beses upang kunin ang kanilang atensiyon. Isa-isa naman tumingin ang ibang mga hindi naka headset sa akin.

"Mga tol! Magsasara na muna kami ng shop ngayon may emergency lang. Magbubukas ulit kami mamayang mga alas dos ng madaling araw hanggang alas siyete ng umaga." ang sigaw ko sa kanila.

"Ayos! Sige lang pre! Mamaya ha? Discount naman diyan!" sigaw ng isang customer na nasa aking harapan na sinang-ayunan naman ng iba.

"Sorry. Negosyo ito. Magsabi kayo kay Mariah." ang sagot ko at pinagmasdan silang lahat. Naghihintay na magsialisan na ang lahat bago ako magsara.

Isa-isang nagsitayuan ang mga ito at pumila sa aking harapan upang magbayad. Ang iba'y may hirit pang makadiscount sa kanilang narentang oras at ang iba nama'y gustong makalibre sa aking pagbubukas mamayang madaling araw. Lahat sila ay tinatawanan ko lang at pilit kong ipinakita sa aking mukha ang paulit-ulit na sinabi ko sa aking sarili sa mga oras na iyon "Ano kayo? Sira? Di ako matrona tulad ni Mariah."

Hindi pa ako nakakain ngunit nag-ayos na ako't umalis tungo sa lugar kung saan kami tutugtog. Maaga pa kaya't wala pang customer at may panahon pa para makapag-ayos at mag-ensayo kung papalarin yun nga lang, wala pa sina Alice at Randy. Nadatnan kong nag-aayos na ng gamit ang dalawa pa naming kasamahan na pumalit kay Rodel at Nestor.

Sa counter ng bar bandang dulo kaharap ng entabladong maliit ako'y umupo muna at pinagmasdan ang kapaligiran habang nilalaro ang mataas na silyang bilog na may cover na itim na leather ang pinakaupuan.

Nag-abot ang tinigingin namin ng aming drummer nang mabaling ang aking tingin sa kanila.

"Tol! Mukhang tuwang-tuwa ka diyan sa upuan mo ha. Huwag ka masyado malikot tumutumba yan." ang babala niya sa akin sa tuwa na ako'y pagmasdan na parang batang nakaupo lamang sa isang high chair.

Nginitian ko lang siya at ibinaling ang tingin muli sa paligid habang patuloy na nilalaro ang upuan.

May ilang customer na pumasok matapos ang ilang sandali. Napansin ko silang naghahanap ng mauupuan at unang inalala ko ay ang aking mga kasamahang nag-aayos na.

Dali-dali akong bumaba sa upuan at tumungo sa likod ng entablado upang kausapin sila. Naabutan ko silang nakaupo sa sahig at nagbabangkaan.

"Tol! Nagtext na ba si Randy o si Alice? Wala akong phone eh." ang tanong ko sa kanilang dalawa.

"Wala eh. Parating na rin sila. Relax lang! Ito naman parang hindi na nasanay." ang sabi ng aming isang gitarista.

Pilit kong kinumbinsi ang akin sarili na ayos lang ang lahat bagama't gumugulo sa aking sarili ang maaaring mga nangyari kina Randy upang hindi matuloy ang aming palabas. Unang beses pa lang ito nangyayari.

Tumungo ako sa gilid ng entablado at sumilip. May limang customers nang nakaupo sa nandang likurang mesa. Nang ibaling ko ang aking tingin sa pintuan ay nakita kong papasok ang nakaayos nang si Alice. Nakaitim siyang stapless na pang-itaas na halos hindi masalo't takpan ang malusog niyang harapan na ubod ng kinis at puti. Itim na leather na maong na lubos na hapit naman at kanyang ibaba na tinernohan ng itim na boots na may kataasan ang takong. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok na sa sobrang lambot ay natural lang ang pagkakabagsak. Tanging pulang lipstick lang ang kolorete niya sa kanyang mukha.

Sa aking puna ay madabog ang kanyang paglalakad tungo sa aking kinaroroonan. Wala siyang bitbit maliban sa kanyang backpack na itim din na madalas niyang gamitin lamang tuwing kami ay may tugtog. Puro kakikayan lang niya ang laman nito kaya't hindi niya ito ipinahahawak sa iba maliban sa akin at kay Randy.

Si Randy, sa isang banda ay hindi niya kasama. Marahil dahilan kung bakit seryoso ang mukha ni Alice nang dumating.

"Si Randy?" ang tanong ko sa kanya nang kami'y magkalapit.

"Darating na rin yun. Susunod na siya. Sasama daw si Brian. Ewan ko ba dun. Paimportante yung baklang hilaw na iyon. Kung di lang nila family friend baka kinaladkad ko na sa kalsada yung antipatikang iyon." ang naiirita niyang sinabi sa akin. Napailing na lang ako ngunit dahil wala pa si Randy.

"Halika, dun tayo sa gilid. Umamin ka." ang anyaya ko sa kanyang sinabayan ko na ng paghila sa kanya ng marahan sa kanyang braso upang hindi makahindi.

Sa layong tingin ko'y di na kami maririnig ng aming mga kasamahan.

"Alice, sa totoo lang, kagabi parang gusto ko nang pumayag sa alok ng mommy niya." ang pauna kong sabi at nagdulot ito ng abot tengang ngiti sa mga labi ni Alice.

"Pero, ano ang tungkol sa kanya? Kaibigan niyo ko sana naman pagkatiwalaan niyo ako ng kaunti. Alam niyo na kung gaano kasahol ang pagkatao ko ngayon siguro sa pagkatao naman ng boyfriend mo dapat matanggap ko kung ano man yun. Baliw ba siya?" ang dagdag ko pa. Agad nawala ang ngiti kay Alice at dahan-dahan lumabas ang pag-aalala sa kanyang mga tingin sa aking mga mata.

Namuo ang luha sa kanyang mga mata at ako'y kanyang niyakap ng mahigpit.

"Jasper, I love him so much and I don't want to lose him! Hold on. Please unawain mo si Randy." ang humahagulgol na sinabi sa akin ni Alice. Naawa ako sa kanya't hinaplos ko ang kanyang likuran.

"Alice, siguro naman ako yung taong dapat di mo pagtaguan dahil matalik tayong magkaibigan."

"His real name is Simon. Sa mga nakakakilala sa kanya nahahalata na ang kundisyon niya. I tried denying it to myself and I was with him most of the time. Kita ko Jasper, kita ko lahat ng kakaibang kilos at pagbabago niya. Mismong mommy niya ang nagsabi sa akin. Nagsumbong sa kanila ang mga katulong nila sa bahay at napansin din nila ito noon pa pero mas lumalala na daw ngayon." ang kwento niya habang sinasabayan ng pag-iyak.

"Anong condition ni Ran.. Simon? Baliw ba siya?"

"He's starting to prove signs of multiple personality disorder. The reason why Brian came here."

"Brian? Ano naman magagawa ni Brian?" ang lalong gumulo sa aking isipang nabibigla sa aking mga lalalaman.

"Psychologist siya sa Amerika. Kaya siya umuwi dito para obserbahan si Simon. Kung tama ang mga hinala ng lahat, dadalhin daw siya sa Amerika para ipagamot. Kaya gusto ka ampunin ng magulang niya, para tulungan din kami. Bata pa daw siya nung magsimula siyang magpalit ng pangalan. Di daw siya nagrerespond sa parents niya sa pangalan na Simon. Pag may gusto daw siya noong maliit siya, ituturo niya at sasabihin niya, 'Randy yan' or 'Andrew yan'. He needs people around him and with Brian's help daw baka matulungan pa si Simon." ang huling sinabi ni Alice at ako'y kumalas na sa aming yakap. Hindi ko ito matanggap bagama't sa mga patunay na ipinakita ni Randy kanina.

"I want Simon to be Randy. Please help me! May mga pagkakataon na kahit kasama ko siya parang ibang tao na ang kasama ko. Jasper, help Randy in him." pagmamakaawa ni Alice.

Matinding awa para sa kanilang dalawa ang aking naramdaman sa mga oras na iyon. Ilang sandali kong pinagmasdan lang ang tumatangis na si Alice.

"Jasper, please. Help me by helping Simon. Please, paampon ka na. Magaang ang loob ng magulang ni Simon sa iyo kaya't bilang tulong na rin since wala ka nang kamag-anak gusto ka na nilang ampunin. Nawalan na sila ng panganay at si Simon mukhang..." at di na natuloy ni Alice ang kanyang sasabihin sa paghagulgol.

"Alice... pangako ko tutulungan ko siya. Pag-iisipan ko muna ang pagpapaampon. Masyado kasing malaki ang bagay na iyon para sa akin. Hindi ko alam, may gumugulo pa rin sa akin sa bagay na iyon." ang sagot ko sa kanya sabay bitiw ng pilit na mga ngiti.

"Secret lang natin iyon for Simon ha? Thank you. Ngayon pa lang pinasasalamatan na kita, Jasper. Isipin mo na lang, mabuti na rin para sa iyo ang maging isang Tiongco. At, eto yung phone mo. Dali, magreretouch ako. Tulungan mo nga ako." ang sagot niyang binago ang takbo ng aming usapan na sinabayan ng kanyang pilit na ngiti habang bumubunot ng kanyang gamit kanyang bag.

Inabot niya sa akin ang aking telepono ngunit bumalik agad ang kanyang puna sa kanyang bagat may hinalungkat.

"Gaga. Bakla ako pero di ko trip maging parlorista. Hindi ako yung tipo ng mga bakla na nagdadamit at nag-aayos babae." ang natatawa kong sagot sa kanya habang inaabot niya ang isang pahabang makintab na bagay na may nakasulat na Lancaster at isang pahabang bilugan namay nakalagay na Max Factor.

"Try learning it now! Hindi ka ba tinuturuan ng kasama mong parlorista?" ang pangungulit niya.

"Hindi! Kadiri! Ayoko nga. Gawin mo ba akong image stylist mo. Baliw!" ang tanggi ko sa kanya habang itinutulak pabalik ang kanyang inaabot na mga pangkolorete. Tumawa siya ng malakas na tila si Kris Aquino lang pilit itinatago ang pait at takot na dinadala niya para sa mahal niyang si Simon.

Tumalikod ako sa kanya pilit iniintindi ang lahat at naglakad tungo sa aming kasama sa banda.

"Simon." ang nasabi ko sa aking sarili habang nag-iisip. Naalala ko si Rodel at agad ko siyang sinabihan ng aking mga nalaman. Dahil sa wala akong inaasahang agad niyang sagot ay muli kong isinilid ang aking telepono sa aking bulsa.

Di nagtagal, naunang pumasok sa pintuan si Brian katabing naglalakad si Simon. Iba ang dating ni Simon. Wala si Randy, wala rin si Andrew.

"O bakit parang close naman sila ngayon?" ang nasabi ko sa aking nakikita.

Nagmamadaling lumapit sa kanya si Alice na nakapag-ayos na't handa nang umakyat ng entablado. Agad bumalik ang pagkatao ni Randy nang makita si Alice. Pinagmamasdan ko siyang maigi mula sa entablado habang tumutulong ako sa pagsubok ng mga mikropono.

"Randy, yung keyboards ko?" ang tanong ko sa kanya gamit ang mic. Lumilingon na nakiusyoso ang anim na customer na naroon na. Ang ilan ay may order na at ang iba'y parang tambay lang.

Ngumiti si Randy dala ang kanyang mayabang at maangas na dating.

"Tol! Ipapasok na nila tol!" ang sigaw niya habang kumakaway na tumuro sa direksyon kung saan ang pintuan. Nakita kong ipinapasok na ng ilang lalaki ang kanyang electric guitar at amplifier nito, ang base guitar ni Alice, at ang aking keyboards. Lahat nasa loob ng kani-kanilang mga bag na itim.

"Yabang ni senyor!" ang banat ko sa kanyang pilit tumatawa habang nasa isip ko'y di ko na tiyak ngayon kung siya ba ang aking kausap o ang iba na niyang katauhan.

Masasabing nawalan ako ng tiwala sa kanya. Sino ba naman ang magtitiwala sa taong wala sa kanyang sarili?

Lumipas ang oras at nakasalang na kami sa entablado, marami na rin tao at natutuwa naman sila sa aming mga awitin. Sa mga sandaling iyon ay nakalimutan ko ang tungkol kay Simon. Ang tanging sigaw lamang ng puso't isipan ko ng mga oras na iyon ay ang pagnanasang sana'y napapanood ako ni Rodel ngayon. Higit pa roon, sana'y kasama ko siyang tumutugtog ngayon at gusto kong ialay sa kanya ang aking pagkanta.

Natapos ang gabi at natapos ang lahat, hinatid nila ako gamit ang sasakyan ni Simon. Si Alice ay may driver kaya't pinauwi na lang niya ito upang makasabay sa amin. Katabi ko sa bandang likuran ng kotse si Brian. Hindi kami nagkikibuan dahil sa mga nangyari kaninang umaga. Pilit niyang simulan ang aming usapan sa mga tanong na sinasagot ko lagi ng patapos upang hindi mabuo ang kwentuhan.

Bumaba ako sa aming kanto at nagpaalam na sa kanila. Nabigla kaming lahat nang makitang may mga nakaparadang ambulansiya at kotse ng pulis.

Habang naglalakad sa aming eskinita ay napansin kong may kaguluhan sa di kalayuan. Agad akong binalot ng di mapaliwanag na kaba upang magmadali ako sa paglalakad pauwi. Nawala ang gutom na kanina ko pa nararamdaman sa aking kumakalam nang tiyan.

Tumindi ang aking takot nang mapansing maraming tao sa harapan ng bahay ni Mariah. Nagkakagulo ang mga usyoso habang may mga pulis ay pinipigilan ang ibang pumasok ng gate. Parang lulutang ang aking mga paa sa biglaang pagmamadaling tumungo rito.

Mabilis ang gabog ng aking dibdib sa matinding kaba. Sa dami ng tao'y nahirapan akong sumiksik sa mga usisero. Napalapit ako sa dalawang pulis na nag-uusap sa harapan ng gate.

"Manong, ano po nangyari?" ang nanginginig kong tanong sa kanila.

"Jasper! Pinatay ni Abet si Mariah!" ang sigaw ng isang baklang katropa ni Mariah na nakapansin sa akin na nakikisiksik sa mga nakikiusyoso.

Nabaling ang tingin ko sa pintuan ng bahay nang may mga nagsigawang nanonood. Isang bangkay na kahugis ng malusog na katawan ni Mariah na nakabalot sa puting telang may mga bahid ng dugo ang nakahiga sa strecher na hirap na dinadala palabas ng bahay. Lubos na lubak ang sahig kaya't hindi nila mailatag ang mga gulong nito sa takot na baka bumigay ang stretcher na may kalumaan na.

Nanlaki lamang ang aking mga matang pinanood ang walang buhay na katawan ni Mariah.

"Toto, tumabi ka ilalabas na ang bangkay." ang sabi sa akin ng isang pulis matapos kumapit sa aking balikat.

"S-saan niyo po siya dadalhin?! Kasama po niya ako nakatira sa bahay?! Nasaan si Abet?!" ang tanong kong puno ng galit at sakit.

"Tumabi ka." ang sagot niya sa akin tila hindi nakinig sa akin.

Nagpumiglas akong pumasok ng bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala. Agad kong nilapitan ang nakahiga sa stretcher at itinaas ang telang puno ng dugo sa ulo upang makita hanggang tiyan.

Kahindik-hindik na kalagayan ang tinamo ni Mariah. Pilit kong pinigil ang sarili sa pagsusuka. Durog na durog ang kanyang mukha na parang ilang beses na hinataw ng isang matigas at bilugang bagay. Hindi ko maaninag ang kanyang leeg baba kung ano pa ang kanyang natamo dahil sa puno ito ng dugo.

Lumapit sa akin ang isang pulis at ako'y hinila sa isang tabi.

"Kaano-ano mo ang biktimang si Mario Dumpit Samalinsuong? Kilala mo ba ang sinasabi nilang suspek na si Alberto "Abet" Batakan Limpot?" ang tanong sa akin ng pulis na isa palang imbestigador.

Hindi naalis ang aking titig sa bangkay ni Mariah na dinadala na palabas ng gate. Napaluhod akong nanghihina. Bumuhos na lang ang aking luha sa magkabila kong pisngi. Pakiramdam ko'y lulutang na ako sa kawalan sa dami ng mga nangyayari sa akin.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C26
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen